44 ¦ forty-four
at dahil halos tatlong araw akong walang update, enjoyin nyo muna 'tong medyo mahaba-habang narration chapter ng free fall. enjoy reading mga sismars! :)
______________________________
ROSÉ'S POV
"Oh my god!"
Dali-dali akong napabangon sa malaking kamang hinihigaan ko at kaagad na inikot ang paningin sa kwartong tinulugan ko.
May kung anong kaba akong naramdaman nang ma-realized kong hindi ito ang guest room na dapat kong tutulugan kagabi kanila Taehyung dahil wala naman dito ang mga kaibigan ko at lalong hindi rin naman ito ang kwarto ko...
Shet! Nasaan ako?!
Hinawi ko agad ang malaking comforter na nakakumot saakin at mabilis na tinignan ang suot ko. Nakahinga naman ako ng maluwag pagkakita ko na ganun parin naman ang suot ko tulad kagabi. Suot ko parin yung itim na oversized t-shirt ko pati narin yung high-waisted shorts ko kagabi... Pero teka lang!
Bakit wala akong bra?!?!?!
Napasabunot na lang ako sa buhok ko at pilit na inaalala kung ano-ano ang mga nagawa ko at ang mga nangyari kagabi noong mga oras na alam kong may tama na ako.
"Putangi-" Tinakpan ko agad ang bibig ko at mabilis na tumayo saka lumayo sa kama para hanapin yung bra ko kung saan-saan.
Eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Dapat talaga hindi na ako umiinom ng alak dahil sigurado akong may bagay na pagsisihan ako kinabukasan! Jusko naman, Rosé Park!
"Good morning."
Nanlaki kaagad ang mga mata ko sa gulat pagka-kita ko kay Jimin na kakapasok lang ngayon dito sa kwarto.
Nakasuot sya ng dark blue t-shirt na may onting design sa gilid at itim na sweatpant. Medyo magulo rin ang pagkaka-ayos ng buhok nya ngayon pero bakit ang gwapo parin nya?
Tsk! Rosé, ano ba?!
Wala akong nasabi at tila nai-statwa na lang ako sa kinatatayuan ko habang tinitignan ang lalaking kaharap ko.
"Para ka namang nakakita ng multo dyan." Aniya at sinarado ang pinto.
Paano ba ako napunta sa sitwasyon na'to at nagising na lang dito na kasama sya?!
"Nagugutom ka na b-"
"Nag-sex ba tayo kagabi?" Direktang tanong ko sa kanya.
Panandaliang nanlaki ang mga mata ni Jimin dahil sa gulat sa sinabi ko pero agad iyon napalitan ng pag-ngisi nya.
"Lasing ka parin yata eh." Umismid sya at lumapit saakin pero agad akong umatras at napayakap na lang bigla sa katawan ko.
"Wag ka ngang lumapit saakin! Hindi mo naman sinagot yung tanong ko!"
"Of course not! Ano bang pumasok dyan sa utak mo at naisip mong nag se-" Huminto sya saglit at umiwas ng tingin saakin. "Bakit mangyayari yun eh kita mong ganun parin naman yang suot mo?"
"Eh bakit hindi ko suot yung bra ko?!"
"Y-yung ano?" Naguguluhan nya akong tinignan.
"Anong 'ano'? Nasaan yung bra ko, Jimin?!"
"Hindi ko alam Rosé! Bakit ba saakin mo hinahanap yung bra mo?" Naiirita nyang sabi.
"Shit." Napa-mura ako nang maalalang ako pala ang nagtanggal sa sarili kong bra kagabi dahil hindi ako natutulog sa gabi pag may suot na bra.
Shocks naman oh! Nakakahiya!
"Lumabas ka muna please." Mahinang sabi ko sa kanya.
"At bakit ko gagawin yon?"
"Anong 'bakit'?! Magsusuot ako ng bra ko! Alangan namang panunuorin mo pa'kong gawin yon!?" Mataray kong sagot sa kanya.
"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!" Tumalikod agad si Jimin at agad na lumabas ng kwarto.
Matapos kong mahanap at masuot ulit ang bra ko, sunod kong ginawa ay ang paghahanap sa dala kong bag kagabi.
Agad ko namang nakita iyon na nakalagay sa gilid ng study table ni Jimin. Kinuha ko ang itim na bag ko pati na rin yung brown coat na pinasuot ni Jisoo saakin kagabi noong nanlamig ako habang nag-iinuman kami sa garden area.
Lintek na inuman yan!
Nang makita ko ang cellphone ko, balak ko na sanang i-chat at tawagan ang tatlong bruha kong mga kaibigan at sermonan sila kung bakit ako napunta dito, kaso lowbat ang telepono ko.
What a good moring nga naman talaga. Tss....
Napatingin ako sa orasan dito sa kwaro ni Jimin at nakitang malapit na mag 9 o'clock kaya naman naisipan ko nang lumabas dito at magpaalam na kay Jimin nang sa ganon ay maka-uwi na ako saamin.
Pagkababa dito sa first floor ng bahay nila, napansin kong parang kaming dalawa lang ang tao dito dahil wala akong ibang nakikita maliban saaming dalawa.
"Uhm... Jimin?" Tawag ko sa kanya pagkadating ko sa dinning area kung saan naka-upo sya habang nagsi-cellphone.
"Oh?"
"Ano... Ah.. Uwi na'ko."
Binalingan nya ako ng tingin at kita kong nilapag nya ang phone nya sa mesa sabay tayo at tumalikod saakin.
"Mag breakfast ka muna bago ka umalis."
"Wag na!" Pagpigil ko sa kanya kaya muli syang napatingin saakin.
"Walang tao sa bahay nyo, diba? Sinong magluluto ng agahan para sayo?" Aniya at dumirecho sa kusina. "Kumain ka na. Masasayang yung niluto ko."
Napakurap-kurap na lang ako ng mga mata ko pagkatapos nung sinabi nya. Wala akong nagawa kundi ilapag ang mga dala ko sa sofa nila at hintayin syang bumalik dito sa dining area.
"Oh, eatwell." Sabi nya pagkalapag ng dala nyang plato sa harapan ko.
Fried rice, bacon, and eggs. Iyon ang mga pagkaing niluto nya. Shocks. Hindi ako aware na marunong pala magluto ang lalaking 'to.
Umupo sya sa upuang kaharap ko at muling kinalikot ang cellphone nya kaya hindi ko na sya inabala pa at sinimulan na kainin ang niluto nya.
"Dahan dahan lang, Rosé."
"Huh?" Tanong ko habang ngumu-nguya.
"Marami pa doon. Kung nagugutom ka pa at gusto mo pang kumain, sabihin mo lang saakin." Sabi nya.
"Tss..."
Grabe sya! Anong akala nya saakin? Patay-gutom?! Nagmamadali lang naman ako kumain para maka-alis na ako agad dito!
"Alam kong nagmamadali ka pero itigil mo na yan dahil ako rin ang maghahatid sayo sa inyo mamaya kaya makikita at makakasama mo pa rin ako sa ayaw at sa gusto mo." Sabi pa nya sabay ngisi.
Bakit ako kinikikilig?
Shocks! Oo nga! Bakit ako kinikilig?! Hindi ako pwedeng kiligin sa lalaking to dahil masyado na akong nasasaktan sa kanya!
"May paa ako, okay? Kaya kong maglakad pauwi." Inirapan ko sya at pinagpatuloy ang pagkain.
"Alam ko. Pero ihahatid parin kita pauwi." Sagot nya habang nagsi-cellphone.
Nilapag ko ang kutsara at tinidor ko sa gilid ng plato saka sumandal sa upuan at pinag-krus ang kamay sa ibabaw ng dibdib ko.
"Bakit mo ba ginagawa to? Sinabi ko naman na sayo noon na mag-iwasan na tayo diba?"
Huminto sya sa paggamit ng cellphone nya at binalingan na ako ng tingin.
"Alam kong alam mo ang dahilan kung bakit pilit kitang iniiwasan, pero bakit ba ang kulit kulit mo?" May bahid na ng pagka-inis ang tono ng pananalita ko.
"Jimin alam mong gusto kita kahit iba ang gusto mo. Pinipilit ko sa sarili kong mawala na yung nararamdaman ko sayo dahil ang sakit sakit na." Huminga muna ako saglit at muli nanaman syang kinausap.
"Kaya please lang, wag ka naman ng makulit at hayaan mo na akong iwasa-"
"Nalimot mo na ba yung sinabi ko sayo kagabi?" Pag-putol nya saakin.
Kumunot agad ang noo ko sa kanya. "Huh? Anong sinabi mo?"
He took a deep breath before answering my question.
"Willing na akong saluhin ka, Rosé."
_____________________________
bukas ulit hehe :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top