39 ¦ thirty-nine

ROSÉ'S POV

Panandaliang nanlaki ang mga mata ko sa gulat pagkababa ko dito sa kusina ng mansyon nila Taehyung at bumungad saakin si Jimin na umiinom ng tubig sa harap ng ref.

Buong akala ko ay nagbibiro lang sila Namjoon at Yoongi kanina nung sinabi nilang nandito daw si Jimin at nakikipaglaro ng video games kanila Jungkook at Jisoo dito sa isa pang kwarto sa first floor.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong pake kung nandito sya o wala. Hindi ko naman na sya kinikibo ng ilang linggo kaya nasanay na rin ako. Kumbaga nagkikibuan lang talaga kami pag kailangan.

Nakatalikod sya saakin kaya malamang hindi nya alam na andito ako. Pumunta ako ng di-kalayuan sa gilid nya at kumuha ng baso sa lalagyanan.

Nagulat ako nung biglang nai-buga sa sahig ni Jimin yung tubig ni iniinom nya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Humarap sya saakin at nanlaki ang mata nya nang makita ako.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at umarteng walang nakita sa nangyari.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, kita parin sa peripheral vision ko ang ginagawa nya.

Nilapag nya ang baso sa breakfast table at sinarado ang ref ng hindi inaalis ang gulat nyang tingin saakin.

Bakit ba ganyan ang reaksyon nya?

"Excuse me."

Mahinang sabi ko at dumaan sa gilid nya para kumuha ng iced tea na tinimpla namin kanina.

Umusog sya ng onti kaya naman binuksan ko na yung ref at nagsalin ng inumin doon. Sinarado ko yun pagkatapos at humarap na sa kanya.

Kumunot ang noo ko. "May sasabihin ka ba?"

"Ah, hinde, w-wala." Sagot nya kaya tumango na ako at lumakad na palayo.

"Uhm... Rosé!"

Natigilan ako sa paglalakad nung bigla nyang tinawag ang pangalan ko kaya muli ko syang hinarap. "Bakit?"

"Okay ka lang ba?"

I blinked exactly three times right after I heard his question. "Oo naman." Sagot ko at napilitang ngumiti.

"Ah, s-sige." Sabi nya at bahagyang napahawak sa batok nya. Mukhang pinagsisihan nya kung bakit pa nya ako tinanong. Tss...

Bago ko sya tuluyang talikuran, sinabi ko na sa kanya yung mga salitang gusto ko nang sabihin na halos ilang araw ko ring pinag-isipan kung sasabihin ko pa ba o hinde.

"Congrats nga pala." Sabi ko.

"Ha? Anong congrats? Saan?"

"Congrats dahil nagkabalikan na pala ulit kayo ni Seulgi."

JIMIN'S POV

"Tangina, sinong siraulo ang nagsabi ng fakenews na yun sa kanya?" Iritadong sabi ko kay Taehyung na katabi ko dito sa sofa.

Maingay ang paligid namin dahil malakas ang tugtog sa speaker na sinamahan pa ng ingay ng bunganga nila Jisoo, Jin, at Jungkook na naglalaro ng ml sa kabilang sofa dito sa guest room na tutulugan namin nila Jin at Jungkook.

"Kung ako si Rosé, iisipin ko rin nagkabalikan na kayo ni Seulgi."

"Kase?"

"Kase lagi na kayong magkasama at nag-uusap. Tss..." Inirapan nya ako.

Totoo namang okay na kami ni Seulgi ngayon. Nakakagulat lang na bigla na lang sya nangamusta saakin noong isang linggo. Mag-kaibigan na kami ulit ngayon pero hindi ibig sabihin na kami na ulit.

Oo, balak ko noon na kuhain ulit ang loob ni Seulgi... Kaso nag-iba ang lahat mula noong umamin si Rosé na may gusto pala sya saakin at hiniling nyang mag-iwasan na kami.

Rosé does confused me these days.....

"Hindi naman totoong kayo ulit diba? Isa pa, diba yun naman talaga ang gusto mo? Yung makuha ulit si Seulgi? So, bat ka nagkakaganyan?" Tanong pa nya.

"Ewan ko ba. Nung cinongrats ako ni Rosè kanina, iba yung naramdaman ko."

"Tulad ng?"

"Para akong nasaktan sa sinabi nya kahit hindi naman dapat. Ang weird no?"

"Bakit kasi mag-pinsan pa yung nagka-gusto sayo no?" Tumawa si gago kaya hinampas ko ang dibdib nya at umiling na lang.

ROSÉ'S POV

Nandito kaming lahat ngayon dito sa garden area nila Taehyung. Gabi na ngayon kaya naisip na nilang ilabas yung mga karne para maihaw na nang makapag-dinner na kami.

Ako at si Jennie na ang nagiihaw muna ngayon tutal salitan naman kaming eleven dito kung may mapagod man saamin.

Malamig ang simoy ng hangin kaya masarap tumambay dito sa labas. Maingay rin ang paligid namin dahil sa mga bunganga nilang hindi matahimik kakakwento ng kung ano-anong mga bagay.

"Ako na dyan."

Napatingin ako kay Jimin na tumayo sa gilid ko. Nilahad nya ang palad nya sa harap ko kaya kumunot ang noo ko at tinaasan ko sya ng kilay.

Ay, ano yan!? Gusto nya bang makipag-holding hands saakin?!

"Yung pamaypay, Rosé." Aniya saka ngumisi.

Gaga ka!

"Ah, haha. Wag na. Kaya ko naman. Doon ka na lang, kami na ni Jennie dito." Sabi ko pa sabay tingin kay Jennie na pa-sikretong tumatawa na pala habang tinitignan kami.

Pinanlakihan ko sya ng mata kaya umayos sya ng tayo. "Sige na, Jimin. Kami na dito. Tawagin na lang namin kayo pag okay na." Sabi nya.

"Okay, sige." Ngumiti sya at tumingin muna saakin bago lumakad palayo.

Shet! Ano ba yon? Bakit ako pinagpawisan?

"Ang assumera mo naman sismars." Asar ni Jennie saakin at muling natawa.

"Tumahimik ka nga." Inirapan ko na lang sya.

Matapos naming kumain ng dinner, nagulat kami nung bigla naglabas sila Namjoon at Taehyung ng cooler dito na may lamang malalamig na beer-in-can kaya naman tuwang-tuwa ang mga tropa kong mga hayok sa alcohol.

"Di ka parin iinom?" Tanong bigla ni Yoongi kaya napunta lahat ang tingin nila saakin.

"Inumin parin naman to ah?" Tinaas ko ang hawak kong plastic cup na may lamang iced tea.

"Yung beer kase. Pilosopang to. Tss..." Umiiling na sabi ni Yoongi kaya natawa na lang ako.

"Di umiinom yang si Rosé. Pag nga may inuman kaming mga babae, kung hindi tubig, yakult lang iinumin nyan." Sabi ni Lisa at nagtawan sila.

"In short, KJ sya HAHAHA." Sabi pa ni Jisoo kaya umiling na lang ako.

"Parang alam ko na kung paano ka mapapa-inom." Sabi ni Hoseok kaya napunta sa kanya ang tingin namin.

"Ows? Sige nga, paano?" I crossed my arms over my chest.

"Laro tayo." Sabi pa ni Jimin.

"Laro ng ano? Taguan feelings? Ay, bet ko yan! May winner na agad!" Sabi ni Jennie sabay tingin saakin. Bruhang to!

Tumawa ulit ang mga kupal pero inirapan ko na lang sila at uminom sa iced tea ko.

"Never had I ever." Sabi ni Jimin at lahat kami at tumingin sa kanya. "Magtatanong lang tayo sa isa't-isa at kung sino man ang nakagawa na ng bagay na yun, sya or sila ang iinom."

"Mukhang gusto ko yan." Sabi ni Lisa.

"Goodluck, Rosé." Asar ni Jin saakin.

"Bawal KJ ah?" Sabi ni Namjoon kaya tumango silang lahat, including me.

"Okay, kuha lang ako ng mga shot glass." Nakangiting sabi ni Taehyung at hinila si Jungkook para tulungan sya.

Bumalik silang dalawa na may dalang 11 na shot glass. Isa-isa nila kaming inabutan at sinalinan na namin yon ng beer.

Mukhang mapapa-inom nga talaga nila ako..... Hay nako.

"Ako na first question." Sabi ni Yoongi at tumango kami.

"Never had I ever nagka-gusto sa circle of friends." Aniya sabay ngisi.

And there you have it... Ako, si Jennie, Taehyung, Lisa, at Seokjin ang sabay-sabay na uminom.

"Shet HAHAHAHAHA!" Tawang-tawa si Hoseok habang pinapanuod kami.

"Ayan na, na binyagan na si Rosé!" Tumatawang sabi pa ni Jisoo at dinuro ako. Che!

"Never had I ever nagkaroon ng more than ten na kalandian sa loob ng isang buwan." Sabi ni Jennie at nagulat kami nung sabay-sabay na uminom sila Namjoon, Yoongi, Jungkook, at Lisa.

"Seriously, Lisa?!" Tanong ko sa kanya.

"Sorry HAHAHAHA."

"Never had I ever stole a kiss from someone." Tanong ni Jungkook at sabay na uminom sila Jennie at Taehyung.

"Ang lande!" Halos sigaw naming lahat.

"Pake nyo ba? Inggit lang kayo." Sabi ni Taehyung kaya natawa kami.

"Never had I ever lost my virginity." Tanong ni Namjoon at walang nagtakang uminom ni-isa saamin.

"Tangina, ang pa-plastik nyo! HAHAHAHA!"

"Sige lang, itago nyo lang HAHAHAHA."

Kahit anong pilit nila, wala parin talagang umiinom kaya nagtawanan nanaman kaming lahat.

"Oh ito, pampa-lubag loob. Never had I ever backstabbed someone." Tanong ni Hoseok and surprisingly, lahat kami uminom.

"Grabe kayo, ang panget nyo ka-tropa mga backstabber HAHAHAHA." Sabi ni Jungkook.

"Plastic friends ewww. HAHAHA." Sabi pa ni Jennie.

"Oy last question na, ikaw naman magtanong, Jimin." Sabi naman ni Taehyung kaya napunta kay Jimin ang mga tingin namin.

"Never had I ever nagka-gusto sa isang tao kaya iniiwasan na ngayon."

Walang pag-aalinlangan kong ininom ulit ang shot glass na may beer. Wala na akong pake kung isipin nilang ganun ang nararamdaman ko kay Jimin tutal wala na rin namang kwenta ang feelings ko dahil balita ko, sila na ulit ng pinsan ko.

Natigilan ako sa pag-inom at nagulat nung uminom rin bigla si Jimin sa shot glass nya habang direktang nakatingin saakin.

"Itiigil nyo na yan." Sabi nya at pumasok na sa loob.

____________________

hi guys! so, isang update lang muna ako ngayon ah? bawi na lang ako bukas hehe. sana na-enjoy nyo ang chapter na 'to :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top