29 ¦ twenty-nine

ROSE'S POV

"Sure ka ba talaga dito?"

Naguguluhan kong tinignan ang buong itsura ko sa tapat ng vanity mirror ni Jennie dito sa kwarto nya.

"Nagrereklamo ka ba, sismars?" Tinaasan nya ako ng kilay.

Napa-buntong hininga na lang ako at umiling. Sa totoo lang, kung hindi sinabi ni Jennie saakin na kasama rin sila Lisa at Jisoo, hindi talaga ako sasama sa party. Ano bang magagawa ko? Kaibigan ko sila kaya kailangan ko silang samahan.

"Hindi. Maganda nga actually."

"Yun naman pala eh! Saka ano bang nangyari sayo? Never ka naman nagreklamo sa mga ayos ko sayo noon ah. Bakit ka nagkakaganyan?"

"Anong bakit ako nagkakaganito?"

"Something's wrong with you this past few days. Hindi ka na katulad ng dati mong sarili you know? Yung masayahin, maingay, at pala-asar na Rosé. Nasan na yun?"

"Hindi naman nawala yun eh. Nakatago lang sya." Sabi ko at natawa.

Binuksan ko ang cp ko para i-chat sila Jisoo na susundo saamin dito at sabihing ready na kaming umalis. Natigilan lang ako nang muling magsalita si Jennie.

"Si Jimin ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?"

Agad kong dineny ang sabi nya.

"Of course not."

"Wow ha, saakin ka pa talaga nagsinungaling eh alam ko lahat ng pinagdadaanan mo sa kanya?" Inirapan nya ako.

"Okay fine... Sya nga."

"Bakit mo ba kasi naisip na tulungan syang makipagbalikan sa pinsan mo? Alam ko namang guilty ka noon, pero tama bang gawin mo yan sa sarili mo? Emotional torture sayo yan Rosé."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya.

"Rosé..." Jennie held my hand and speeze it gently. "I-let go mo na yang feelings mo sa kanya... Alam mo naman siguro sa sarili mo na ikaw at ikaw rin ang magsu-suffer sa dulo diba?"

"Wag kang mag-alala Jennie. Alam ko yun at handa ako doon." I answered and let out a small smile.

"You guys are here! Pasok kayo!" Nakangiti kaming sinalubong ni Suho pagkapasok naming apat dito sa napakalaki nilang bahay. Mansyon, to be exact.

Dim ang mga ilaw at may party lights kaya parang nagmukhang club ang bahay nila kasama nung malakas na tugtog sa speakers nila na nakakabit sa mga pader.

Maraming tao rin akong namumukaan na andito sa loob, karamihan mga schoolmates namin.

Sana lang hindi ko makita dito yung iniiwasan ko.....

"Thanks for having us, Suho." Sabi ni Jennie sa kanya. "By the way, these are my bestfriends. This is Lisa, Jisoo, and Rosé." Pagpapakilala nya saamin.

"Of course kilala ko sila." Tumawa sya at napunta ang tingin nya saakin.

"Rosé Park, right?"

Tumango ako.

"Ikaw yung pinsan ni Seulgi Kang diba?" Tanong nya at tumayo sa gilid ko.

"Oo... Bakit? Andito rin ba sya?"

"Actually I also invited her to come pero nag-back-out sya kanina lang. Masama daw pakiramdam." Sagot nya at tumango na lang ako.

Napunta bigla ang tingin ng mga kaibigan ko saakin. Hinihintay nila akong magsalita pa pero tinaasan ko lang sila ng kilay kaya sabay-sabay silang nag-iwas ng tingin saakin.

"You guys want drinks?" Sabi ni Suho.

"Yes please." Nakangiting sagot nilang tatlo kay Suho na para bang uhaw na uhaw sa kung ano man yung iinumin.

I swear, kung meron mang mag-ayang painumin ako ng alak mamaya dito, baka magulat sila sa mga magawa ko. Gosh.

JIMIN'S POV

Tahimik kong sinusundan ng tingin sila Rosé na ngayo'y kakarating lang rin dito sa bahay nila Suho. I almost choked on my drink when I saw her here.

Nakasuot sya ng plain fitted black dress ending inches above her knees and a pair of navy blue sandals. Her hair was all tied up in a ponytail style and she's also wearing a light make-up in her face.

Nakakapagtaka lang kung bakit parang pinaghandaan nya ata ang pagpunta dito.

Meron ba syang gusto na invited din dito?

Honestly, hindi ako makatulog kagabi kakaisip tungkol sa pakikitungo nya saakin nitong mga nakaraang araw. Sa pagkakaalam ko, hindi naman kami ganito dati eh.

Para kasing may mali sa mga kinikilos nya at may hinala akong may kinalaman ako doon. Well sana nga hinala lang yon.

"Tulala ka dyan ah."

Agad kong binalingan ng tingin si Taehyung na tumabi saakin dito sa railings ng hagdanan sa second floor.

"Invited din pala yung apat dito"

"Sino?"

"Rosé, Lisa, Jisoo, at Jennie." Sagot ko.

"Sinundot."

"Alam mo, gago ka." Sabi ko sa kanya at natawa lang sya.

Iniwan ko na sya doon at pinuntahan sila Seokjin, Hoseok, at Jungkook na nakikipaglaro ng billiards sa ibang bisita dito sa second floor.

Karamihan sa mga nanunuod ay puro babae. Nagulat pa nga ako nung nakita kong may mga nakatingin saakin at umambang lalapit pa kaya naisipan kong lumayas na doon.

Kakilala ko naman ang halos ng bisita dito dahil palagi kong nakikita ang mga mukha nila sa university namin. Hindi ko nga lang sila ka-close.

"Pre!"

Napunta ang tingin ko kay Namjoon pagkababa ko dito sa first floor. Nagulat na lang ako nang makitang kasama nya sila Jennie, Lisa, Jisoo, at Rosé.

Lagot, nakita nya ako.....

ROSE'S POV

Pasikreto kong siniko ang tagiliran ni Jennie. "Akala ko ba hindi kasama yan?!" Pabulong ngunit galit kong sabi.

"H-hindi ko alam okay! Kumalma ka nga!" She said back.

Tumalikod ako agad nung lumakad si Jimin papunta saamin.

Saktong pagtingin ko sa red cup ko, ubos na yung punch na iniinom ko kaya naisip ko yung dahilan para mag-walk-out.

Lumabas ako sa pool area ng bahah nila Suho kung saan mas maraming tao ang tumatambay dito. Magpapa-refill sana ako ng inumin sa ibang bisita para magkasaysay naman kahit papaano ang pag walk-out ko doon.

Takte naman, bakit ba kasi tinawag pa ni Namjoon yun eh...

"Ay shet!"

Buong akala ko ay babagsak na ako sa swimming pool pero mabuti na lang dahil may humatak ng mabilis sa kamay ko.

"Be careful." Sabi nung humila saakin.

Inayos ko ang tindig ko saka binalingan ng tingin ang lalaki pero bigla kong nabitawan ang ang dala ko at natulala sa lalaking nasa harap ko.

"Miss, okay ka lang?" Nagtataka nyang tanong.

"Jaehyun?"

He let go of my arm and saw his expression changed right after I said his name. Tama ako! Sya nga!

"Rosé!"

Lumipat ang tingin ko kay Jimin na ngayo'y nakatayo na sa gilid ko ng di kalayuan. What the- Sinundan nya ba ako?!

Sa gulat ko, hindi ko na namalayang nagpahila na pala ako palayo sa kanya. Jusko, bakit kahit katawan ko marupok pagdating sa taong 'to? Ni hindi man lang ako nagmatigas?

Self ano ba?!

"Bitawan mo nga ako. Ano bang problema mo?"

Huminto kaming dalawa dito sa madilim at tagong bahagi ng bahay ni Suho. Jusko lord, sana walang isip-talangka ang makakita saamin sa lugar na'to... Baka kung ano pang ibintang nila saamin.

"I should be the one asking you that. Ano bang problema natin Rosé?"

Teka, galit ba sya?

"Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko na sayo kagabi na wala diba? Bakit mo ba pino-point out na meron?!" I tried to lower my voice but ended up saying it aloud.

"Kasi ramdam ko, Rosé!" Sagot nya. "Wala naman akong ginawa sayo pero bakit pakiramdam ko may kasalanan ako sayo?"

Para akong maiiyak sa sitwasyon ko ngayon. Hindi kaya ito na yung tamang oras para sabihin ko sa kanya na ako ang mas may kasalanan sa kanya?

"Anong nangyare? Hindi naman tayo ganito ah. May nasabi ba ako noon? May nagawang mali? Nainsulto ba kita? Ano? Sabihin mo na please kasi ayoko ng ganito!"

Pinagmasdan ko ng maigi si Jimin na ngayo'y gulong-gulo na dahil sa pinag-gagagawa ko.

"Sasagutin ko lang yang tanong mo pag pumayag kang iiwasan mo na ako." Iniwas ko ang tingin sa kanya para pigilan ang luha ko.

"Ano? Teka, bakit naman ganyan?"

"You have a choice. Kung gusto mong sagutin ko ang tanong mo, kailangan mong umiwas saakin. Ngayon kung ayaw mo" Huminto ako at tinignan ulit sya.

"Ako ang iiwas sayo."

He sarcastically laughed which made me more emotional. Hindi sya makapaniwalang tinitignan ako habang namumula na ang mga mata nya out of confusion.

"Wag mo naman akong gaguhi-"

"Don't worry, hindi kita ginagago, Jimin. Pinapapili lang kita sa dalawa."

Parehas kaming natahimik ng ilang segundo bago sya bumuntong hininga at muli akong kinausap.

"Sabihin mo muna saakin yung dahilan bago kita iwasan."

I gathered all the strength and air that I need so that I can tell him the truth.

Bahala na kung saan 'to mapunta.....

"May gusto ako sayo Jimin." Tumulo bigla ang luha ko sa mata pagkasabi ko ng mga salitang iyon.

"Kaya please lang, iwasan mo na ako mula ngayon."

___________________

sana maganda ang araw nyong lahat ngayon hehehe :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top