19 ¦ nineteen
Jennie Kim
active now
8:17 pm
Rosé:
sismars
Rosé:
I have a tea to spill
Rosé:
wag mo'kong sermonan pls :(
Jennie:
gaga! saka na kita sesermonan pag
alam ko na yung ini-inarte mo
Jennie:
so, what's with that post ba? may nanakit ba sayo na hindi ko kilala?
Jennie:
isang araw ka lang umabsent tas broken ka lang pala?
Jennie:
ano ka? ako? HAHAHAHA
Rosé:
gaga! umabsent ako kasi
nagka-lagnat ako okay?
Rosé:
and tungkol sa nanakit saakin,
kilala mo naman na yun eh
Jennie:
dzai, hindi ako manghuhula. tss
Rosé:
si jimin
Jennie:
hays.
Jennie:
BAKIT MO BA KASI NAGUSTUHAN YON?
Rosé:
mag t-two years ko na syang gusto tas ngayon mo lang ako tatanungin nyan?
Jennie:
GAGA! HINDI KO NAMAN ALAM NA TATAGAL NA PALA NG GANYAN YUNG PAGKAGUSTO MO SA KANYA
Rosé:
wag ka na magalit. alam mo namang ikaw lang yung tanging nakakaalam neto diba?
Rosé:
dapat nga matuwa ka pa kasi
may tiwala ako sayo, che!
Jennie:
ANONG AKO LANG?
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Jennie:
ano palang tawag mo kay Seulgi?!
Jennie:
sya nga yung mas may alam dahil sya rin naman yung dahilan kung bakit ka nag-catch ng feelings dyan kay jimin
Jennie:
WALA KA BA TALAGANG BALAK SABIHIN KAY JIMIN ANG LAHAT?
Rosé:
sabihin na ano?
Rosé:
na ako yung kausap nya noon gabi-gabi na buong akala nya si seulgi yung ka-chat nya?
Rosè:
sabihin ko sa kanya na ako rin yung mga nagsusulat nung mga tula na binibigay ni seulgi sa kanya?
Rosé:
"jimin, ako nga rin pala yung dahilan kung bakit inayawan ka ng pinsan ko. sinabi ko kasing pinagsasabay mo sila ng ibang babae kahit hindi naman totoo yon."
Rosé:
pati ba yan sasabihin ko?
Jennie:
grabe ka talaga..... hay nako.
Jennie:
ano nang plano mo ngayon?
Rosé:
si jimin naman ngayon ang may gustong makuha si seulgi.
Jennie:
shit lang sismars. okay ka pa ba?
Rosé:
ayos lang naman eh. okay narin siguro yun para makabawi ako sa pinsan ko.
Rosé:
I ruined their 6 month relationship because of my selfishness. Gusto ko na talagang gawing tama ang lahat.
Rosé:
libre lang naman daw ang
mahulog sa kanya.
Rosé:
di bale nang masaktan ako
Rosé:
magkabalikan lang sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top