11 ¦ eleven

JIMIN'S POV

"Ansaya mo ah?"

Tinigil ko ang mahinang pagtawa ko at binalingan ng tingin ang babaeng umupo sa upuang kaharap ko.

"Nagpapabili si Namjoon ng condom saakin." Walang pakiealam kong sabi saka ngumisi.

"Ang babastos at ang lilibog nyo talagang pito no?" Aniya at tinaasan ako ng isang kilay habang dinidilaan ang ice cream na nilibre ko. Natawa na lang tuloy ako sa reaksyon nya.

"Oy, Rosé." Tawag ko at nilapit ang katawan sa mesa. "Pangatlong ice cream mo na yan ah. Wag mo sabihing di ka parin busog nyan?" Sabi ko at dinuro ang kinakain nya.

"Ano naman? Eh, libre mo naman lahat diba? Wag mo sabihing umaangal ka?" Mataray nyang sagot. Inirapan pa nya ako nung umiling ako sa tanong nya.

"Wag kang mag-alala last na 'to. Slurpee naman bibilhin ko." Sabi pa nya sabay tawa.

Napa-awang nalang ang labi ko dahil sa kanya. Nandito kami ngayon sa loob ng 7/11. As usual, tinupad ko yung promise ko sa kanya na ililibre ko sya ngayon. Hindi ko lang in-expect na aabusuhin nya tong panlilibre ko sa sobrang dami na nyang kinakain.

Ginugutom siguro to ng mga kasama nya sa bahay. Kuwawa naman. Tsk.

"Tungkol pala sa sinabi ko kagabi, kalimutan mo na yun ah? Nagbibiro lang ako."

"Alin don?" Tanong nya pabalik.

"Yung sinabi kong mahal ko pa si Seulgi." Sabi ko sabay kagat sa ilalim ng labi ko.

"Ah, sige lang. Lokohin mo pa sarili mo." Umiling sya at sarkastikong natawa.

"Kahit kunin pa'ko ni Lord ngayon. Promise, hindi ko na talaga sya mahal." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko sa kanya.

"Paano kung sabihin kong tutulungan kitang makuha ulit si Seulgi? Papayag ka ba?" Tanong nya sabay ngisi.

Hindi na lang ako nagsalita pa kaya napa-ismid sya at umiling. Matapos nya maubos ang pangatlong ice cream nya, binigyan ko nanaman sya ng 50 pesos pagka-lapat ng palad nya sa harap ko.

"Abusado talaga." Pabulong kong sabi pero sinigurado kong maririnig nya.

"Next time kasi mag-iingat ka sa mga pina-promise mo para di ka nagsisisi dyan." Inirapan nya ako at lumakad na palayo.

Bumalik sya sa harap ko nang may dalang dalawang slurpee. Binagay nya yung isa saakin kaya napataas ang kilay ko.

"Aba, nakonsensya ka ata?" Bahagya akong natawa at tinusok ang straw sa inumin.

"Baka kasi sabihin mo wala akong pake sayo. Ubusin mo yan ah? Libre ko yan." Sabi nya sabay upo at sipsip sa straw.

"Wow, thank you naman!" Sarkastiko kong sabi kaya natawa sya.

Ininuman ko na yung binigay nya pero natigilan ako nang makita kong mabilis na nag-iba ang expression ng mukha nya.

"Oh, bakit?"

"Shit Jimin wag kang lilingon sa likuran mo."

Agad akong napatingin sa likuran ko at nagulat rin nang makita kung sino yung mga papasok rin dito sa loob.

"Bobo! Sinabi nang wag kang lumingon eh!" Binato ako ni Rosé ng crumpled tissue pagkaharap ko sa kanya.

"Tangina anong ginagawa nila dito?!" pabulong pero nagpapanic na sabi ko sa kanya.

"Aba malay ko?!" Sabi nya pabalik saakin.

Napahawak ako sa gilid ng noo ko at bahagyang napapikit. Shit! Paano na to?! Anong gagawin ko?!

"Rosé?"

Lagot na.

"Seulgi!" Napatingin ako kay Rosé nung bigla syang ngumiti at tumayo. Para akong na-statwa sa pwesto ko dahil hindi ako makagalaw sa sobrang kaba.

"Sino yang kasam-"

"Si Yoongi yan!" Nagulat ako sa sinabi nya. Lilingunin ko sana sya kaso inawat ko ang sarili ko.

"Di ka nya maririnig kasi naka-airpods sya. Nag-aaral kasi kami. May reporting kami bukas." Sunod-sunod na sabi ni Rosé sa pinsan nya.

Parang naririnig ko na ang sariling tibok ng puso ko sa sobrang kaba sa nangyayari. Bakit pa kasi dito sila pumunta?!

Narinig kong hinila palayo ni Rosé si Seulgi at nung di ko na sila narinig, tumayo ako agad at pumunta sa pinakagilid at likuran nitong convenience store saka nagtago.

Tangina, ano ba tong ginagawa ko? Para naman akong kriminal neto, eh. Badtrip!

Patago ko silang sinisilip hanggang sa nakahinga ako ng maluwag nung makita kong nabayaran na nung kasama ni Seulgi yung binili nya. Umapir pa si Rosé nang nakangiti sa lalaki kaya nakaramdam ako ng inis.

Tutulungan nya ako? Eh mukhang boto na nga sya sa bago ng pinsan nya. Tss...

Nang makalabas sila, bumalik na si Rosé sa mesa namin kanina kaya lumakad na'ko.

"Okay ka lang?" Tanong nya pagka-upo ko.

Hindi ko sinagot ang tanong nya at mabilis na inubos ang inumin ko. "Bilisan mo dyan. Tara na."

"Luh? Bat ka nagmamadali? May lakad ka? May date? May kikitain? Oh susundan mo sila Eunwoo?"

"Pwede ba, Rosé?" Naiiritang sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya.

"Seloso." Rinig kong bulong nya.

"May sinasabi ka?" Tinaasan ko sya ng isang kilay.

"Wala, tara na nga!" Tumayo sya at hinila ang kamay ko.

Naglalakad na kami ngayon sa kalsada. Nasa harap ko si Rosé na busy sa pagsi-cellphone habang iniinom parin ang slurpee nya.

Tuwing napapadaan kami sa mga lalaking nakatambay, hindi maiwasan na titigan nila ang babaeng nasa harap ko. Syempre walang pake si Rosé dahil nasa cellphone lang ang buong atensyon nya. Kinailangan ko pa tuloy bantayan ang kilos nya.

"Hi, Ate sexy." Rinig kong tawag nung isang lalaki. Binalingan ko ng tingin si Rosé at buti naman dahil wala syang narinig.

Lumapit na ako at tumabi sa kanya habang naglalakad kami.

"Narinig mo ba yun?" Mahinang tanong ko sa kanya habang nakatingin sa harap.

"Sino? Yung lalaki? Sanay naman na'ko sa ganon. Hayaan mo na lang."

Nakakunot ang noo ko nung muli ko syang tinignan. "Binabastos ka na pero gusto mo hayaan ko lang?"

"Jimin, relax ka lang okay? Di mo dapat pinapansin yung mga ganun. Papansin lang siguro sila." Sabi nya at tinaas ang middle finger nya at humarap sa likuran.

Hinawakan ko agad ang kamay nya at binaba iyon kaya narinig ko agad ang tawa nya.

"Siraulo ka." Sabi ko saka binitawan ang kamay nya.

"Tungkol dun sa sinabi ko kanina... Gusto mo ba?"

"Alin?"

"Tulungan kita kay Seulgi. Tutal kanina halatang-halata na apektado at nagseselos ka eh." Pang-aasar nya.

"Wag na. Mukha naman silang masaya eh. Yaan mo na sya dun. Maghahanap nalang ako ng akin. Ayokong mang-angaw."

"Park Jimin ikaw ba yan?" OA nyang sabi kaya napahinto ako sa paglalakad.

"At dahil dyan, hindi tayo mag c-commute. Maglalakad lang tayo pauwi." Sabi ko at hinatak ang kamay nya.

"Ano?! Ayoko nga! Baka may makakita saakin doon na kumare ng nanay ko. Sabihin pa nun ang landi ko kase may kasama akong lalaki. Saka hindi purke nasa iisang subdivision lang tayo nakatira pwede mo nakong isama sa trip mo." Sabi pa nya.

Natawa ako sa kanya. "Baka nga matuwa pa nanay mo pag nalamab nyang ako kasama mo eh."

"Yak ang feeling!" Inirapan nya ako at binawi ang kamay nya sa pagkakahawak ko.

"Joke lang eh." Mahina kong tinulak ang balikat nya.

"Pero seryoso, ayokong mag-commute. Maganda nga maglakad ngayon kasi medyo mahangin." Napatingin tuloy ako bigla sa mga ulap.

"Maganda? Kita mong makulimlim oh! Paano kung umulan bigla ng malakas?!"

"Edi maligo tayo." Nakangiti kong sabi at muli syang hinatak.

____________________

Back to epistolary na ulit sa next chapter hehehe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top