Kabanata 5

Trip

Katryna's

KATRYNA took Midas' arm. Mabilis niyang inilabas ang binata mula sa kanilang tahanan. Wala siyang ideya kung anong ginagawa nito sa pamamahay niya at mas lalo na sa kung paano nito nalaman ang bahay niya. Binitiwan niya ito nang maisara niya ang pinto ng bahay niya.

"Hindi ka dapat nandito. Umalis ka, Mr. Torrero. Magkita na lang tayo sa university sa Monday. Okay?" Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito, tinalikuran niya si Midas pero hinablot nito ang kanyang braso. Napabalik siya, nauntog pa nga siya sa dibdib nito. Napangiwi siya. Humigpit ang paghawak nito sa braso niya. She looked at Midas. Iba ang nakikita niya ngayon sa mga mata nito.

"Pinaalis mo ako? Just like what you did to Salvador." He spat. Nabigla siya sa sinabi nito. Ibig sabihin ba noon ay sinunan ni Midas si Salvador? She figured it out, hindi naman alam ng binata ang tungkol sa lugar na ito. She makes sure that she shares as little as possible. Walang alam si Midas sa kung sino talaga siya.

"Midas, nasasaktan ako, ano ba?!" Itinulak niya ito palayo sa kanya.

"Palagi kitang tinatanong, anong meron sa inyo ni Salvador? Are you fucking him too?! Putang ina, Katryna, bakit hindi ka makuntento sa akin?!" He sounded so frustrated. She bit her lower lip, maybe she can use this to free herself from him. Balak naman na niyang tapusin ang lahat ng ito. Mas mabuti nang ngayon kaysa naman magtagal pa silang dalawa baka hindi na niya kayang bumitiw pa.

"Yes." She told him. "Matagal na tayong ganito, Midas. Nagsasawa na ako. I find your boring na. Also, Salvador is better, he has a bigger dic---" Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil bigla na lang sinuntok ni Midas ang pader sa tapat nito. Galit nag alit ang hitsura nito na kahit siya ay nakaramdam ng takot.

"Fuck you!" He hissed at her.

"You already did, Midas and now were done. Please, leave." Tinalikuran niya ito at saka siya pumasok sa loob ng kabahayan. She stood behind the door. Narinig niyang muling sumuntok si Midas, naisin niya mang buksan ang pinto ay hindi na niya ginawa. Sa isipan niya ay ito ang pinamakabuting gawin. She needed to free himself from him, tama lang ito. Mali ang relasyong ito, at kahit anupaman ang nararamdaman niya para rito ay hindi noon matatama ang kung anong mayroon sila.

"Anak, nasaan na ang kaibigan mo?"

"Oh, he needed to leave, may emergency po siya. Tayo na lang ang kumain, Mama." Nilapitan niya ang ina at hinawakan ang kamay nito. They went to the kitchen. Sinubukan ni Katryna na pigilan lahat ng emosyong nararamdaman niya ngayon. Wala siyang karapatang masaktan, wala siyang karapatang umiyak. Hindi siya ang legal na karelasyon ni Midas at alam naman talaga niya kung hanggang saan lang silang dalawa.

Napapansin niyang iba ang paraan ng pagtingin ng Mama niya sa kanya, pero hindi na lang siya kumibo. Kahit kailan ay hindi siya nakakapagsinungaling rito, kilalang – kilala siya ng kanyang ina pero ayaw niyang pag-usapan ang nangyayari ngayon.

Things are starting to be complicated in Midas' life. Kailangan niyang mag-focus sa binate upang magawa nang mahusay ang trabaho niya. Kung habang nagaganap ang mga pagbabago sa buhay ni Midas ay may relasyon pa silang pangkama ay hindi niya alam kung magagawa niya pa ba ito. Midas is special, hangga't maaari ay ayaw niyang nakikita nahihirapan o napapagod ito. Kung maaari lang sanang akuin niya lahat ng magiging sakit at pagbabago ay gagawin niya...

Nang gabing iyon ay hindi siya makatulog. She was just looking at the ceiling. Tulad kanina ay gusto niyang umiyak, may karapatan ba siya? Ni wala siyang karapatang masaktan, lahat ng mayroon siya ngayon ay hindi kanya, hindi nga niya sigurado kung saan sila pupuluting mag-ina sa oras na umalis siya sa mga Torrero. May naipon siyang pera, ngunit hindi niya alam kung sapat na ba iyon, sa oras na umalis siya at hindi ito magustuhan ni Saul, gagawa at gagawa ito ng paraan para pahirapan siya.

They are like that; the Delta Kappa Phi believes in the law of karma. Sila ay may sariling batas – tulad sa classroom.

Pabiling – biling lang si Kat sa kama. Hindi na niya alam ang gagawin. Huminga siya nang napakalalim, pakiramdam niya ay pagod siya pero hindi naman siya dalawin ng antok. Kinuha niya ang unan at kumot saka siya lumabas upang lumipat sa silid ng kanyang ina, gising pa ito, nagro-rosaryo. She sat beside her and held her hand, napadilat ito. Inayos nito ang kanyang buhok at ngumiti nang matamis.

"I'm praying for your happiness, Yna." Wika nito sa kanya. "Iyon lang naman ang gusto ko anak, ang makita kang masaya because after everything we've been through, you deserve the world, Yna."

"Ma, gusto kong umiyak pero hindi ko alam kung pwede kasi wala naman akong karapatan."

"You're a human being, you have the right to your emotions, anak. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Tao ka, nasasaktan ka." Natagpuan ko ang sarili kong yumakap sa kanya. I let my tears fall, ang dami na pala noon, mula sa pagdura sa akin sa mukha, hanggang sa sakit na dulot ng desisyon ko nang araw na iyon ay iniiyak ko. Mama kept on caressing my back. Hindi siya nagtatanong, mabuti na rin naman iyon dahil ayokong sagutin kung sakali. Hindi na niya kailangan malaman kung anong nangyayari sa akin, masiguro ko lang na maayos ang lahat ng ito, aalis kaming dalawa.

Masyado na akong pagod sa mundong ito. Gusto kong gumawa kami ni Mama ng sarili naming mundo kung saan hindi kami malulungkot at hindi na kami masasaktan. Gusto kong kalimutan ang lahat ng lalaking nanakit sa akin, ang tatay ko, si Salvador, gusto ko ring makalimutan si Midas.

She never should have fallen in love with a boy. No matter how wonderful that made her feel, Midas is just a boy. She's never meant for him. Tulad ng nangyari sa kanyang mga magulang, hinding – hindi siya magiging para kay Midas. He is a fucking legacy, she is a good for nothing slut. Ang sakit isipin, pero kitang – kita ni Kat kung gaano kalayo ang agwat nila sa buhay. All she wanted is a simple quiet life with her mom, and Midas, he has too many things to do, at sigurado siyang hindi magiging basta na lang simple ang buhay ng binata.

From now on, she'll focus on her teaching job, and her job with Saul Torrero. Iyon na lang at wala nang iba pa.

xxxx

IT is a busy Monday morning for Kat. She went to school early. Galing siya sa bahay ng kanyang ina at mamaya pa lamang siya uuwi sa dorm niya. Tulad ng palaging ginagawa nito ay pinababaunan siya nang napakaraming pagkain, para raw hindi na siya maabalng magluto. Hindi nga niya alam kung saan itatago ang mga food container, siguro siyang kapag nakita iyon ng mga co-professors niya ay magtatanong ang mga ito kung ano iyon and knowing how delicious her mother cooks baka maubos na ang pagkain niya nang buong linggong iyon.

She put the containers in the ref inside the faculty room. Naupo siya sa kanyang silya upang ayusin ang mga gamit niya. She has an eight am class today. Binalikan niya ang ilang notes ng huling discussion upang ma-refresh ang kanyang utak. Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang mapansin niyang may naglagay ng coffee cup sa table niya. Hinanap ni Katryna ang naglagay niyon at ganoon na lang ang pagtataka niya nang makita niya si Lara Sanggalang. She was wearing another designer dress paired with expensive accessories and a bag that cost a fortune. Lara smiled sweetly at her. Hindi naman niya mapigilang mapataas ang kilay.

So, she guess that Lara is back from being a bitch to this sweet catholic school girl that everyone loves.

"Good morning, Miss Magracia. I'm here. Sorry kung na-late ako. Do you have something to do for me?" Kung makapagtanong ito ay parang walang nangyaring komprontasyon sa pagitan nilang dalawa. She set aside the coffee hindi niya iinumin iyon, baka dinuraan rin iyon ng dalaga.

"Don't you have a class, Miss Sanggalang?" She asked politely. Kailangan panatilihin niya ang pagiging professional, kailangan ipakita niyang hindi siya apektado.

"I have an eight o'clock class, Miss Magracia but I still have time, if you need me to run some errands then I'm all for it."

"No. I don't need anything but thank you." She smiled at her. Binalikan niya ang pagbabasa, napansin niyang hindi pa rin umaalis ang dalaga. She looked at her again. "Yes, Miss Sanggalang. Do you need anything?"

"Wala naman, Ma'am. I just remembered that you asked me about my love life the other day, gusto lang kitang i-update, last night, Sunday, the Torreros had dinner to our home and I guess Midas and I are official now."

She just stared at her. Mukhang masayang – masaya nga ito. Hindi naman siya nagkomento. Wala naman siyang dapat sabihin, sa tingin naman niya ay hindi nito kailangan ng kanyang opinyon kaya nginitian na lang niya ito.

"Congratulations, Miss Sanggalang. You and Midas make a great couple. You deserve each other." Habang nag-uusap sila ay isa – isa nang lumabas ang mga co-professors niya, hanggang sa silang dalawa na lang ni Lara sa loob. Noong una ay nakangiti pa ito sa kanya pero biglang nawala ang ngiti nito at tumalim ang mga mata.

"Midas is mine, bitch. Sex lang ang kailangan niya sa'yo, sisiguruhin kong hinding – hindi na siya babalik sa'yo for that. I will give him his every need so you better fucking stay out of my way cum slut, hindi mo alam kung paano ako magalit."

She managed to smile at Lara. "Why are you so threatened, Miss Sanggalang? Ikaw na rin ang nagsabi, I'm just his fuck doll, kung satisfied naman siya sa'yo, then hindi na siya hahanap ng kahit na sino pang iba. Don't compare yourself to me, girl, it won't do you any good."

"Yuck." Lara made a face. "I am the daughter of the most influential businessman in the food industry tapos sasabihin mo sa akin that I am comparing myself to you? Dream on girl! I'm a fucking demolay, you're just a slut. Enjoy your coffee, Miss Magracia is frapusalivacinno." Lara turned away. Napailing na lang siya at kinuha ang coffee cup. Diniretso niya iyon sa basurahan. Lumabas na rin siya ng faculty to go to her next class.

Maayos ang araw niyang iyon. Naging abala siya sa mga gawain kaya saglit niyang nakalimutan ang mga agam – agam niya, but that was only temporary. Three pm came and it's her class with Midas on it. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng binata, sigurado naman siyang hindi ito gagawa ng isang bagay na magiging dahilan ng kahihiyan nilang dalawa. She just needs to be herself, madali lang naman iyon.

Pumasok siya sa loob ng classroom – bawal lumabas – dahil naroon na siya.

The noise died down when she entered. She faced the class.

"Magandang hapon sa inyo."

"Magandang hapon rin, Binibini." Sabay – sabay ang bati ng mga ito ngayon. She smiled.

"Kamusta ang weekend ninyo?" Nagsimula na namang umingay ang klase. She noticed a student raising a hand so she turned to that direction. Nakita niyang si Midas ang nagtaas ng kamay. She smiled at him. "Yes, Mr. Torrero."

"Kamusta ang weekend mo, Binibini?"

"Mabuti ang sa akin. Tumungo na tayo sa ating aralin para sa araw na ito. Kamusta nga pala ang mga book reports ninyo?" Nag-ingay na naman ang mga ito. Sigurado siyang may hindi pa rin handa. She gave only a week for that book report. "Pakitandaan, ipapasa ninyo iyon sa Biyernes. May extra grade ang pinakamaaga. Magsimula na tayo."

Kat was about to start her discussion about a Paz Benitez' Dead Stars. It is one of her favorite stories but she heard a knock on the door, a student was kind enough to open the door, mula roon ay pumasok si Mr. Michael Santander – the Polo coach. Napatingin kaagad siya kay Midas.

"Mr. Torrero, your coach is here."

"Ah, no, Miss Magracia. I'm here for you."

"Wow, magliligawan, Sir, ang aga – aga!" May sumigaw sa likod. She looked around to find the culprit pero sinalubong siya ng madilim na titig ni Midas.

"Kung bibigyan baa ko ng pagkakataon ni Miss Magracia, why not, hindi ba? Pero hindi iyon ang pakay ko. Salvador Encinas is injured, Miss, at ikaw ang nakalagay as his emergency contact."

"Huh?"

"Let's go, Miss Magracia. Mr. Alburo is here to take over you." Hindi alam ni Kat kung anog sasabihin, it seemed serious. Nakaramdam siya ng pag-aalala. Kinuha niya ang kanyang bag at sumunod kay Mr. Santander. Tinahak nila ang daan patungon sa infirmary. Kabang – kaba siya.

"Kamag-anak mo ba si Encinas, Miss Magracia? Nagtataka talaga ako na ikaw ang nakalagay as emergency contact. Kilala ko si Dulce Encinas, siya ang ina, tama, pinatawagan ko na rin naman siya, but we needed to do the protocol, ilalagay rin kasi sa written report ito."

"Well, I have no idea too." Wika niya. Ayaw niyang magbigay ng detalye at hahaba pa masyado ang usapan. They got in, naririnig niya ang impit na sigaw ni Salvador. Nakahiga ito sa isang kama habang namimilipit sa sakit. "What happened?"

"He fell off the horse, tumama ang likod niya sa lupa, tapos hindi agad siya nakaalis kaya natapakan ng kabayo ang braso at binti niya, he must be suffering from fracture." Jusko, kalunos – lunos ang hitsura ni Salvador. Hindi niya matagalan kaya lumabas siyang muli ng infirmary. Narinig niyang tinawag siya ni Coach Santander pero hindi siya lumingon. Halos takbuhin niya ang daan patungo sa faculty, madaling – madali siyang may kinuha lang tapos ay bumalik agad siya sa infirmary, kaunti na lang at mahina na lamang ang mga impit na ungol ng sakit ni Salvador. May doctor na tumitingin rito. Kumpleto ang unibersidad sa medical facilities, may x-ray machine, may mga doctor at nurses rin.

Thankfully, ayon sa doctor ay hindi malala ang injury nito, pero ang sabi ay hinihintay na lang raw ang family driver ng mga Encinas para dalhin si Salvador sa ospital at nang matingnan ito nang mas mahusay, they wanted to make sure.

He was sitting up on the bed, nakatingin ito sa bintana sa labas, si Kat naman ay dahan – dahang lumapit rito. He saw her. She sat on the edge of the bed, binuksan niya ang dalang food container tapos ay hinalo niya ang arrozcaldo gamit ang dala niyang spoon. Salvador was only looking at her, but somehow, she could feel the sincerity in that stare. Sinimulan niyang subuan ito.

They both stayed quiet, she kept on feeding him, sa ikatlong pagsubo nito, ay suminghap si Salvador, sumunod roon ang mga luhang hindi na maampat. Humawak ito sa kanyang kamay at sa gitna ng kaguluhan sa loob ng infirmary dahil sa naganap rito, namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, at sa gitna ng katahimikang iyon, nagkaintindihan ang mga pusong kay tagal nang nangungulila sa isa't isa.

xxxx

Midas'

"WHAT happened to Encinas?"

Iyon ang unang tanong na lumabas sa bibig ni Midas nang makita niya si Alvaro Monen, isa sa mga teammates at ka-brod niya. Naglalakad lang ito patungo sa Gonzaga hall pero tinawag niya ito. Alvaro and Salvador are friends. He might now something.

"He fell off the horse, Midas. He's still in the infirmary with coach. Papunta nga rin ako. Sabay na tayo." Hindi naman niya ito sinabayan. He walked fast – so fast that when he heard Lara calling his name, he didn't even bother stopping. Nakarating siya sa infirmary, pumasok siya sa loob noon at nakita niya si Coach Santander na kausap ang doctor, he looked past that and he saw the most irritating view – Salvador and Kat, he was holding his hand, mukhang si Kat pa ang nagpapakain rito. Nagtiim ang mga bagang niya.

He wanted to do something, but he cannot cause a scene. Nakakahiya. Ano na lang ang sasabihin ng kanyang ama sa oras na mabalitaan iyon?

"What happened?" Lara was there. Hindi niya napansing sumunod ito sa kanya. "Okay lang ba siya, Midas? Kinakabahan ako---"

"Where's my son?" Napalingon siya nang marinig ang boses ng in ani Salvador. Mukhang alalang – alala ito. Sinenyasan siya ni Coach na lumabas kaya wala siyang nagawa. Nakita niyang tumayo na si Katryna, siguro, tulad niya ay lalabas na ito. Kailangan nilang mag-usap na dalawa. Hindi pa pinal ang nangyari nang hapong iyon. Hindi siya papayag. No one rejects Midas Torrero at kung may magsasabi man kung hanggang saan lang silang dalawa, siya iyon at hindi si Kat.

"Midas, are you okay? What happened to Salvador? Will that happen to you too? Natatakot ako, Midas... delikado ang Polo." Naririnig niya si Lara pero ang atensyon niya ay nasa loob. May salamin sa pinto ng infirmary, nakikita niya ang nangyayari, lumapit si Dulce Encinas sa kama ni Salvador, tiningnan nito si Kat, si Kat naman ay umalis na lang. Lumayo siya sa pinto dahil palabas na ito.

Nagtama ang kanilang mga mata.

"We need to talk." Maawtoridad na wika niya. Kat looked at him.

"After office hours na, Mr. Torrero, come to the faculty tomorrow at eight, sa tingin ko pwede kang sumabay kay Lara. She's my student assistant for the month."

"Yes, Miss Magracia. I'll take Midas – my boyfriend with me tomorrow."

"That's good. See you."

"Cut the crap, Kat!" He hissed. Hindi na niya napigilan ang sarili. Kat looked at Lara.

"Miss Sanggalang, take your boyfriend with you, mukhang wala siya sa huwisyo." Hindi nagsalita si Lara pero hinatak siya nitp palayo. Nagngingitngit ang kalooban niya sa galit. Kung hindi niya lang inaalala ang sasabihin ng kanyang ama at ng ibang tao, binuhat na niya si Kat palabas ng lugar na ito.

He was just looking at her. Huling – huli ng mga mata niya ang sumunod na pangyayari, lumabas si Dulce Encinas, hinatak nito ang braso ni Kat paharap sa kanya. Tumigil silang dalawa ni Lara sa paglakad, marahil ay nakita rin nito ang nangyari.

Suddenly, Dulce Encinas slapped Kat. His mouth parted. Bumitaw siya kay Lara at halos takbuhin niya ang pagitan nilamg dalawa pero nauna si Salvador, kahit na tinutulak lang ito sa wheelchair ni Coach Santander at kahit na hirap itong gumalaw, tumayo ito ay niyakap si Kat dahil umakma na naman ng sampal si Dulce Encinas.

"Bitiwan mo ang babaeng iyan, Salvador!" Sigaw ni Dulce. "Ipapatanggal kita sa trabaho, tandaan mo iyan!"

"If you still want me as your son, you will leave Kat alone." Buong – buo ang boses ni Salvador. Si Kat ay nakahawak lang sa pinsgi nito.

"Midas, let's go." Muli ay hinatak siya ni Lara. Wala siyang nagawa. He was too appalled by what he saw. He realized that he knows nothing about Kat and they've been together for a year and a half, pero wala siyang kaalam – alam rito.

"Midas, kawawa naman si Miss Magracia." Nagsalita si Lara habang naglalakad sila palayo sa infirmary. "She only wanted to help, pero nasaktan pa siya. Naisip ko kumg bakit ganoon, sorry kung masama ang lalabas sa bibig ko pero hindi kaya may relasyon silang dalawa ni Salvador? Maybe Tita Dulce found out that's why she's like that to her. Naku, bawal pa naman ang student – teacher relationship. Matagal nang umuugong ang balitang iyon, one time, I heard Trinity, nakita raw niya si Miss Magracia na may ka-sex sa Biology room. She looked like an angel but... she acts otherwise."

"Lara." He faced her. "Shut your mouth." Iniwanan niya ang dalaga. Dumiretso siya sa parking lot para kunin ang kotse niya. Ang balak niya ay umuwi sa mansion pero natagpuan niya ang kanyang sariling tinatahak ang daan patungo sa dorm ni Kat. He waited for hours, finally, he saw her approaching. Bumaba siya ng sasakyan, sinalubong niya ito, walang salitang lumabas mula sa bibig ni Midas, he just grabbed her arm and pulled her towards his car.

"Mr. Torrero, ano ba?! Let me go!"

"Cut the bullshit, Katryna! Putang ina!" He was hissing. "Putang ina ano? Paninindigan mo ba si Salvador? Hindi dahil pinagtanggol ka niya sa nanay niya, mas lalaki na siya kaysa sa akin. I am more of a man than that motherfucker."

"Please..." Kat said. "Umuwi ka na. Pagod ako." Halata sa mga mata nito na kakaiyak lamang. There's too many questions in his mind right now. Hindi niya alam kung anong uunahin niyang itanong but there's one thing that he knows, hindi sila magkakaayos ng usap ni Katryna kung nandito silang dalawa.

Bago pa man makalayo ito sa kanya, lumapit siyang muli rito at binuhat ito na parang sako ng bigas. Nagpupumiglas ito pero mas malakas siya, pinasok niya sa Kat sa loob ng kotse niya at mabilis niyang pinasibad ang sasakyan.

"Midas, ano ba?!"

"We're going out of town, Binibini." He winked at her. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top