Kabanata 4
Surprise
Katyrna's
HINDI maganda ang pakiramdam ni Katryna ngunit kailangan niyang dalawin ang kanyang ina. Dalawang linggo na niya itong hindi nakikita at nais niyang gumaan ang kanyang pakiramdam matapos ng naging komprontasyon nila ni Lara. Hindi niya inaasahan na ganoon ang mangyayari sa kanilang dalawa ng dalaga. She expected more from Lara. She knew from the start that she is a bitch, she just didn't expect that she's THAT bitch. Naiintindihan niya kung saan nanggagaling ito. Lara Sanggalang is under a lot of pressure too, isa pa, alam naman niyang mali ang relasyon nil ani Midas kahit purong libog lang iyon ay mali pa rin. She knew that and yet she didn't do anything to distance herself, sa halip, she gave in to every Midas' flirtations before at kung anuman ang kinahinatnan niya ngayon ay kasalanan rin niya.
She always thinks about it, kailangan na niyang tapusin ang lahat sa kanila ni Midas – habang maaga pa. Ayaw na niyang mas malunod pa rito, kahit naman anong tanggi niya sa kanyang sarili, kahit paulit – ulit niyang ilagay sa kukote niya kung ano lang silang dalawa, hindi maitatanggi ni Kat na may espesyal na espasyo ang binate sa kanyang puso, but things are about to get more complicated if she doesn't end it here. Iba na ang sitwasyon ngayon, she needs to focus more on how to make Midas the best, hindi iyong may extra-curricular activity silang dalawa.
Huminto ang taxi sa tapat ng isang bahay. Bumaba si Katryna matapos magbayad. Lumakad siya papasok sa gate. Kahit paano ay nawawala ang bigat ng kanyang kalooban.
"Ma, nandito na ako." Malumanay na wika niya pagpasok sa loob ng bahay. Tulad ng palagi niyang nadaratnan napakalinis ng kanilang munting tahanan. Maliit lamang ang kanilang bahay, may dalawang silid, maliit na sala at maliit na kusina, ngunit kahit ganoon, tuwing umuuwi siya ay sumasaya siya, tama nga ang sabi – sabi, there's no place like home.
"Yna! Bakit naman hindi ka nagsabing uuwi ka pala? Hindi tuloy ako nakapagluto ng hapunan!" Yumakap siya sa kanyang nanay tapos ay hinalikan niya ito sa noo. "Oh, bakit parang malungkot ka?"
"Wala, Mama, miss na kita." She smiled at her. Muli ay yumakap siya rito. She didn't want to cry, kahit naman kasi alam niyang siya ang wala sa lugar ay hindi niya maiwasang manliit sa ginawa sa kanya ni Lara. Maybe she deserves that for being Midas' cum slut but still, she feels awfully low. Hinaplos – haplos nito ang kanyang likuran, tila ba sinasabi ng bawat haplos nitong magiging maayos rin ang lahat. Ganoon yata ang mga Mama, kahit na hindi magsalita ang mga anak ay alam nilang may problema ang mga ito.
"Anak, ayos ka lang ba?"
"Opo. Miss kita, Ma." Huminga muna siya nang napakalalim bago siya kumalas rito. "Anong gusto mong kainin, Ma? Mag-date tayo sa mall. Ibibili kita ng damit." She smiled at her.
"Ay naku, h'wag na. Kabibili mo lang sa akin noong nakaraan. Anak, h'wag na tayong lumabas, dito na lang tayo, ako na lang ang magluluto, magpahinga ka na muna, ano bang gusto mo?"
"Uhm, kahit ano po." She smiled again. "Papahinga muna ako, Ma. Tutulungan kitang magluto ng dinner mamaya."
"Hindi na. Ako na lang Maghapon lang akong nanonood ng tv, anak, hindi naman ako pagod. Sige na. Go." Tinapik nito ang kanyang balikat. Tumalikod naman siya at pumasok sa kanyang silid. She turned the AC on and sat on her bed. She was thinking about what happened earlier. Paulit – ulit niyang naririnig ang pinagsasabi sa kanya ni Lara – cum slut, good for nothing, fuck doll. Katryna closed her eyes in the hopes of forgetting what she heard, pero lalo lang iyong lumalakas. Her tears fell, pero kahit iyon ay pinigilan niya, wala siya sa lugar umiyak, siya ang mali. Hinihiling lang niyang sana ay hindi malaman ni Saul Torrero ang tungkol rito, kung hindi, tiyak na magagalit na naman ito sa kanya.
Ilang beses pa siyang huminga nang malalim, pagkatapos, mula sa kanyang bag ay kinuha niya ang maliit na brown envelope na may lamang fifty – thousand pesos. Iyon ang ibinigay sa kanya ni Saul Torrero noong nakaraang gabi. Kat shook her head, para sa mayayaman, napakadali para sa mga itong maglabas at magsayang ng pera, lahat kayang tapalan ng pera, pera ang nagpapaikot ng mundo nila. Binuksan niya ang cabinet, sa ilalim noon ay may isang itim na duffle bag, kinuha niya iyon at inilagay sa kama, doon, inilagay niya ang envelope ng pera kasama ng lahat ng bigay sa kanya ni Saul Torrero.
Kung bibilangin, aabot na siguro ng ilang daang libo ang pera sa bag na iyon, pero ni minsan, hindi niya ginalaw ang mga iyon. Hindi na rin niya maintindihan ang kanyang sarili, she thought she was doing it for the money, but then, later on, she realized that she's just doing it for Midas. She doesn't care about the money anymore, she cares about him and his future, kaya nga mas lalong kailangan niyang tapusin ito, isa siya sa makakasagabal sa magandang buhay na nakahain kay Midas. Muli niyang itinago ang bag. Hindi niya alam kung anong gagawin niya roon, pero hinding – hindi niya gagalawin ang pera.
Nahiga siya sa kanyang kama. Masama ang kanyang loob. Paulit – ulit nagpe-play sa utak niya ang ginawang pagdura ni Lara sa mukha niya. She felt insulted, she felt low, she felt like she doesn't deserve anything. Gustong – gusto niyang umiyak pero wala talaga siyang karapatan kaya itinulog na lang niya ang sama ng kanyang kalooban.
Walang ideya si Katryna kung gaano siya katagal natulog, nang magising siya ay wala nang liwanag sa labas. Balak niya lang hatakin ang kanyang kumot dahil nilalamig na siya ngunit narinig niya ang boses ng kanyang Mama, tinatawag na siya nito.
"Yna, anak, kakain na. Gising ka na ba?" She immediately stood up. Nagsuklay naman siya kahit paano, noon niya lang rin napansin na hindi pala siya nakapagpalit ng damit, mamaya na lang pagkakain. Lumabas siya ng silid, sinalubong siya nang mabangong amoy ng chicken adobo, paborito niya iyon.
"Chicken adobo with egg and sili?" Her mother smiled and nodded at her. Kumain silang dalawa. Pinagsisilbihan siya nito kahit na ilang beses niyang sabihin na h'wag na lang dahil kaya naman niya ang kanyang sarili, kung tutuusin, dapat ito ang pagsilbihan niya, mahal na mahal niya ang kanyang Mama at masaya siya na nakikita niya itong nakangiti na hindi tulad noon, palagi na lang itong umiiyak.
"Ma, kain ka na rin."
"Anak, bakit pumapayat ka? Tingnan mo, labas na labas na iyang collar bones mo. Hindi na magandang tingnan, Yna. Masyado ka yata napapagod diyan sa pagtuturo mo, isinasabay mo pa iyang graduate school mo, diba naka-graduate ka ng MA two years ago, magpahinga ka naman na. Baka magkasakit ka na niyan."
"Ma, okay lang ako. Saka last sem ko na rin naman, tatapusin ko lang iyong paper ko para maka-graduate ulit ako tapos lilipat na ako ng school. Ma, uuwi na tayo sa Quezon, doon na lang ako magtatrabaho, diba gusto mo roon? May naipon akong pera pwede tayong mamili ng maliit na lupang pwedeng gawin sakahan. Malapit na, Mama. Promise. Oh, bakit ka naman umiiyak?" Napansin niyang nagpapahid ito ng luha. "Ma..." Hinawakan niya ang kamay nito.
"Hindi mo naman dapat gawin ito. Tsk, dapat nga anak, buhay prinsesa ka. Daat nag-eenjoy ka lang sa buhay mo, nagta-travel pero heto ka, nagtatrabaho para sa akin, hindi naman dapat ganyan, anak. I'm so sorry that I am not good enough for your father and his family."
"Mama naman, okay na tayo, hayaan mo sila. Kumain ka na lang diyan." Pinilit niyang tumawa pero sa totoo lang, wasak na wasak ang puso niya. "Sige na, Ma. Kalimutan mo na iyon." Nakumbinsi naman niyang kumain na ito. Matapos nila ay siya na ang nagprisintang maghugas ng plato pero pinigilan siya nito. Sakto naman na nakarinig siya ng paghinto ng sasakyan sa tapat ng kanilang bahay, sumunod roon ang pagtunong ng doorbell.
"Anak, ako na rito, tingnan mo kung sinong nasa may gate."
"Sige, Ma." Lumabas siya ng bahay, ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makita niya si Salvador Encinas. She rolled her eyes, nakahalukipkip na lumakad siya palapit rito pero hindi niya binuksan ang gate.
"Kat, please. Please..." Napabuga ng hangin si Kat.
"Wala tayong dapat pag-usapan. Ilang beses ko na bang sinabi iyon sa'yo?"
"Just give me a chance to show you that I lo—"
"You lost that chance when you pick them over me. Umalis ka na lang, Salvador, utang na loob. Tigilan mo na ako. Wala ka namang makukuha sa aking kahit ano, kaya please lang. Mafa-file ako ng TRO laban sa'yo, mas nakakahiya iyon diba?" Nakipagtitigan siya sa binate saka niya ito tinalikuran, muli siyang pumasok sa kanilang bahay, napansin niyang sumisilip sa bintana ang kanyang Mama.
"Anak, hindi ba't si..."
"Oo, Ma, pero ayoko siyang kausapin. Halika na. He's not worth anything." Ngumiti siya at hinatak ang kamay nito patungo sa kusina. "Maghugas na lang tayo ng plato. Bonding natin, Mama."
xxxx
Midas'
KULANG ang sabihing nagulat si Midas nang makita ang kanyang Papa sa labas ng Polo field kasama ang mga bpdyguards nito. Hindi niya inaasahang manonood ito sa kanya. He told him about his game today pero hindi naman ito nagbigay ng assurance sa kanya na pupunta ito, kaya ganoon na lang ang kanyang pagkabigla.
"Pa... what are you doing here?" He asked him. Lumapit siya rito, kinamayan siya nito tapos ay ngumiti.
"I cannot miss my son's game. Good job, Midas. Your team won." Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya. Mayamaya ay lumapit na rin si Lara sa kanila. Tumabi sa kanya ang dalaga, nakatingin lang siya rito, she came, she didn't even invited her, but she came. Kanina pa siya palingon – lingon at hinahanap niya si Katryna pero hindi niya ito makita, hindi na naman ito tumupad sa usapan nila, palagi niyang sinasabi sa dalaga noon na tuwing may game siya ay dapat na naroon ito, he needs her there, gusto niya na pagtitingin siya sa crowd ay makikita niya ang mukha nito pero kahit kailan ay hindi pa nangyari iyon.
"Who is this beautiful lady, son?" Tanong sa kanya ng kanyang Papa. Tumingin siya kay Lara na nakatingin lang rin sa kanya. May ngiti ito sa labi – hindi niya alam kung bakit habang nakangiti itong ganoon ay parang may kakaiba rito. He cleared his throat.
"Pa, this is Lara Sanggalang, my..." She's not his girlfriend, so how will he label them?
"Girlfriend po ako ni Midas, Sir." Wrong. He looked at Lara, ito pa mismo ang nag-abot ng kamay nito sa kanyang ama.
"Talaga? Hindi ko alam na may girlfriend ka, Midas. Hindi niya kasi sinasabi, hindi nagkukwento itong batang ito sa akin. Nice to meet you, Lara... Lara... Sanggalang that rings a bell."
"Oh, I'm the daughter of Lauro Sanggalang of the Sanggalang food corporation, Sir."
"I see! Ka-brod ko rin ang Papa mo pero ahead ako sa kanya ng tatlong taon. Hija, Midas and I will eat out together, gusto mo bang sumama sa amin?"
"Uhm..." Lara looked at him. Hindi niya nagugustuhan ang nakikita nita. Hindi naman dapat makilala ng kanyang Papa si Lara. Hindi dapat ganito. "Midas, your father is inviting me, should I say yes?" Tila nahihiya pang bulong nito sa kanya. Wala naman na siyang magagawa, his father seemed like he's looking forward on spending the morning with Lara and him. Natagpuan niya ang sarili niyang tumatango. He excused himself, he needed a shower. Sinabi na lang niya sa mga ito na susunod na lang siya.
Hindi niya maintindihan ang sarili, it seems odd, may mali pero hindi niya mapin-point o baka naman sadyang kinakabahan lang siya because having to introduce someone to his family means commitment, hindi iyon ang gusto niya sa panahong ito.
His teammates congratulated him as he enters the shower room. He stood under the shower and started to take a bath, nang matapos siya ay mabilis lang siyang nagbihis, habang ginagawa iyon ay napansin niya si Salvador Encinas, nakatingin ito sa kanya, kumunot naman ang noo niya.
"What?"
"What is with you and Lara?"
"It's none of your business, Encinas." Ngumisi siya. Mukhang napikon ito sa kanya nang makuha niya si Lara mula rito sa frat party. "Magpractice kang maigi, kulang sa lakas ang palo mo." Nginisihan na naman niya ito.
"Whatever it is that you have with Lara, panindigan mo, tigilan mo si Kat." Biglang nagpantig ang kanyang tainga. Marahas niya itong nilingon. Mabuti na lang at walang ibang tao sa parteng iyon ng locker area. Hindi naman inalis ni Salvador ang tingin nito sa kantya. "Let Katryna be, Midas. We both know that being a Legacy and being your father's son, Kat wouldn't be someone your family would want for you. Spare her the pain."
"Fuck you!" He hissed. Nilapitan niya ito. "Who the fuck are you to tell me what to do?! Are you fucking Kat too?!" Galit na galit siya. Hindi siya makakuha ng matinong sagot mula kay Kat, maybe Salvador can give him one. Nag-init ang ulo niya, kinuwelyuhan niya ito. "Are you fucking her too?!"
"If I am, what will you do about it? That doesn't make my argument invalid, Midas. Tama ako. What you have with Kat is wrong. Kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa inyo? Sinong mas magsa-suffer? Si Kat lang. You're a legacy, you have all the power here, Midas, Kat will suffer, if and when this thing blows up. Save her from the misery and pain, leave her alone."
Salvador pushed him away. Iniwanan siya nito sa locker area. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari, but that dude doesn't have any right to fucking tell him what to do with his life. Sa inis niya ay sinipa niya ang locker sa harap niya, napansin niyang pinagtinginan siya ng mga teammates niya, padabog na dinapot ni Midas ang duffle bag saka lumabas ng locker room. His whole being is enraged right now.
"Midas!" Nakita niya si Lara na palapit sa kanya. She smiled at her. "Kanina pa tayo hinihintay ng Papa mo. He's in the parking lot with his bodyguards. Okay lang ba talagang sumama ako? Hindi ba nakakahiya? Saka, sorry ha, nabigla ako, ako pa ang nagsabong girlfriend mo ako, hindi naman malinaw pa kung ano tayo."
"Let's go." He told her. Nauna siyang maglakad pero napahinto siya nang hawakan ni Lara ang kamay niya.
"Pwede namang mag-holding hands diba?" Lara looked so innocent with that hopeful look in her face, binawi naman niya ang kanyang kamay.
"We're not there yet, Lara." Iniwanan niya ito.
xxxx
MIDAS found himself inside a restaurant with Lara and his dad. The two seemed to be hitting it off. Hindi na nga niya alam kung gaano na sila katagal sa restaurant na iyon. Bago sila nagpunta roon ay marami pang kinausap ang kanyang ama, lara seemed tp be enjoying every moment with his father. Nagkukuwentuhan ang mga ito tungkol sa negosyo, siya naman ay hindi na mapakali. Inip na inip na siya. Ilang beses na niyang tine-text si Kat pero hanggang ngayon ay wala itong reply sa kanya. He asked her why she didn't come to the game. Ilang beses na niya itong pinagsasabihin pero mukhang wala talaga itong balak sumunod sa kanya.
"What do you think of that, Midas?" Biglang tanong ng Papa niya. He looked at him.
"Sure." Mabilis niyang sagot.
"Oh that would be great. Sasabihin ko kay Mommy na magpaluto ng masasarap na putahe for dinner tomorrow." Masayang – masayang wika ni Lara.
"What?" Hindi niya alam kung anong nangyayari. He's not really paying attention he was more interested in waiting for Kat's reply to his text messages. "What about dinner?"
"Bukas, doon kayo sa bahay mag-dinner, Midas. I invited Tito, pumayag ka rin naman, so it's a done deal." He looked at his father. Tinanguan siya nito.
"Alright, whatever." Uminom na lang siya ng tubig. Nagpatuloy sa pagkukwentuhan ang dalawa, mayamaya ay napansin niyang tumayo ang Papa niya at nakipagkamay sa isang lalaki, hindi lang iyon ang nakita ni Midas, he noticed that Salvador was standing behind the old man talking to his father, sa likod pa ni Salvador ay may isang babae rin na halos sing – edad ng kanyang ina. He had a feeling that this is Salvador's family.
Nakumpirma niya iyon nang tawagin itong anak noong kausap ng Papa niya.
"Midas, this is Robert Encinas and his wife Dulce, Salvador, is their son."
"Nice to meet you all." Nakipagkamay siya sa mga ito – kahit kay Salvador. They joined their table, kanina ay may pagitan sa kanila ni Lara pero sa ngayon ay magkatabi na sila. Si Salvador ang naupo sa kinauupuan ni Lara kanina.
"We finally have our sons in one mansion, Kumpadre." Wika ng Papa niya. Tahimik lang naman siya. He keeps in checking his phone.
"May hinihintay ka?" Tanong ni Lara sa kanya.
"Wala naman."
"You keep checking your phone." Tinago na niya iyon, baka mapansin sila ng Papa niya. Nginitian niya lang si Lara. Mabait si Lara, sweet it, pero napapansin niyang may pagka-clingy ito sa kanya. Hindi niya gusto ang ganoong babae.
"Ang buong akala ko, si Salvador at si Lara ang magiging magka-relasyon." Nagsalita ang Mommy ni Salvador. "But as I can see, si Midas at si Lara pala, it's just perfect, a demolay and a legacy, because a legacy always ends up with a demolay, hindi ba, Bobby?"
"Of course. The brotherhood taught us to take care of our women. Sabi nga behind every legacy, there's a powerful demolay." His father agreed. Dulce Encinas looked at Salvador.
"Eat up, anak."
Suddenly, Salvador stood up. Ikinagulat iyon ng lahat.
"Stop." He spoke. "You're not my mother, so just cut the crap." And just like that, Salvador left. Nanghingi ng dispensa si Robert Encinas, si Midas naman ay tumayo para sundan si Salvador. Nakita niyang sumakay sa kotse ito, he took his car and followed him, he wondered where his going, at kung anong ibig sabihin nitong hindi si Dulce Encinas ang ina nito. Anong nangyayari?
Rich people has too many skeletons in their closets. Maybe this is one of the Encinas' darkest secret.
Hindi pamilyar kay Midas ang tinatahak na daan ni Salvador. Pumasok ito sa isang village sa Makati, maraming bahay roon pero hindi iyon tulad ng exclusive village na kinalakhan niya. Hindi niya tinatantanan ng tingin ang sasakyan ni Salvador, hanggang sa nakita niyang huminto ito sa tapat ng isang bungalow house.
Tumayo si Salvador sa tapat ng gate ng bahay na iyon, hindi nagtagal ay may nakita siyang lumabas, it was a figure of a very familiar woman, at habang palapit ito sa gate kung nasaan si Salvador ay nakilala niya ito.
Si Katryna... so, this means, this place is her house. What the hell is Salvador Encinas doing here and why the hell does he knows where Katryna lives?
Mukhang seryoso ang pinag-uusapan noong dalawa. He stayed, he watched them, hanggang sa tumalikod si Katryna. Naiwan si Salvador sa labas, sinipa nito ang gate saka ito umalis.
Ang daming tanong sa isipan ni Midas. What the fuck is happening? Ang tagal niyang nag-isip kung bababa ba siya ng sasakyan at pupuntahan si Kat. He checked his messages, wala itong reply sa kahit anong text niya. He tried calling her, nagriring lang ito pero hindi rin nito sinasagot.
He took a deep breath and went out of his car. Siguro, sampung minuto na ang nakalipas mula nang umalis si Salvador. He stood in front of that gate and rang the doorbell thrice, hindi nagtagal ay bumakas ang front door, mula roon isang middle aged na babae ang lumabas.
Hindi siya nagkakamali, nanay ito ni Katryna. Magkamukhang – magkamukha ang dalwa. It's like seeing Katryna twenty – years from now. Ngumiti ang ginang sa kanya.
"Yes, hijo, anong kailangan mo?"
"Ah, good evening po, nandito po ba si Katryna?"
"Ay, oo, nasa loob pa, siya nagluluto kasi ng maja, kaibigan ka ba niya?"
"Ah, parang ganoon po." Natuwa siya nang pagbuksan siya nito ng gate.
"Pumasok ka. Hindi nagdadala ng kaibigan iyang batang iyan rito. Naisip kong masyadong abala sa trabaho, ni nobyo nga ay wala. Lika sa kitchen, naroon siya."
Maliit ang bahay ng mga ito ngunit napakalinis. Ilang hakbang pa ay nakita na niya si Katryna. He found himself smiling amusingly for she looked so domesticated. Nakasuot ito ng isang floral na house dress na pinatungan ng puting apron na may tatak ng TESDA, her hair was loosely done in a pony, may suot rin itong hairnet.
Walang bakas ni Miss Magracia sa hitsura ni Katryna ngayon.
"Ma, sino iyon?"
"Yna, may bisita ka. Kaibigan mo raw."
"Po? Wala akong—" Lumingon ito sa direksyon niya, kitang – kita ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siya.
"Hindi ko natanong ang pangalan mo, hijo."
"Midas po."
"Ayun! Tamang – tama, maluluto na itong maja ni Yna, kumain ka rito." Tumalikod ang ginang naiwanan silang dalawa ni Kat roon. Napakarami niyang tanong sa kanyang isipan ngayon but then he found himself smiling at her, hindi niya mapigilan.
"Kamusta, Binibini?"
xxxx
For the Book 1 of the Frat boys series, kindly go to Makiwander's page.
For the Book 3 of the Frat boys series, kindly go to Race Darwin's page.
Enjoy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top