Kabanata 11

Good for him


Seven years later...

February 14, 2019

Midas'

"ARE you going to date Mom, Dad?"

Midas' eyes were on the road. He is always careful whenever he is driving around the city with his son. He looked at him, he was smiling, his innocent wide eyes were looking at him, as if waiting for his answer.

"I don't know. I haven't made any plans yet." Kumuha siya ng fries sa mula sa hawak nito. He winked at his son. Tuwing tinitingnan niya ito ay hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na may anak na siya, he actually made a person and it humbles him.

Nang malaman niyang buntis si Lara noon ay hindi siya makapaniwala. Hindi niya alam ang gagawin niya noon, he had so much in his plate, hindi niya alam kung anong uunahin, hindi niya pa nakukuha ang lahat ng kanyang pangarap, anong gagawin niya? Alam niya ring magiging napakahirap kay Lara ng lahat, she was only twenty then, they are both on the peak of their lives and they are both not ready, but in his mind, all he could think about is the life inside Lara. He was overwhelmed but he realized that he needed to man up. And that was his best decision ever.

"Are you going to marry, Mommy?" Nginitian lang ni Midas ang anak. They were stuck in traffic. Ginulo niya ang buhok nito. It's been seven years, anim na taon na si – Midas Angelo. He fondly calls him Milo. Lara named their son after him, she said that it was because she loved him so much. Hindi naman niya pinagsasawalang bahala ang nararamdaman ni Lara sa kanya, he takes care of her, he showers her with affection. Thankful siya rito dahil binigyan siya nito ng isang napakagandang regalo.

Tuwang – tuwa ang Papa at Mama niya nang makita nito si Milo, kamukhang – kamukha niya kasi ang bata. His mother even made a collage of his pictures with Milo's, at tuwang – tuwa rin siyang makitang pinagbiyak na bunga silang dalawa ng kanyang anak.

"What? Why did you ask?"

"Nothing. I heard Mommy and Gammy talking." Gammy is what Milo calls Lara's mom. "Auntie Jade is marrying his boyfriend na. I asked Mommy what is marry and she said it's a big party with a lot of people in their best clothes celebrating the love of two people. Mommy said she loves you, aren't you going to marry her?"

Isang ngiti lamang ang isinagot nita kay Milo. Hanggang ngayon ay hindi niya pinakakasalan si Lara, kahit ilang beses nang sinasabi iyon sa kanya ng kanyang mga magulang. Lara is patiently waiting. Kung minsan ay nahihiya siya rito dahil baka naiinip na ito, sadyang napakabait lang ni Lara talaga. She's a good mother and a good girlfriend. They are a couple. Pitong taon na silang magka-relasyon. Noong una ay sadyang hindi pa sila nagpakasal dahil inuna muna nila pareho ang kanilang priorities sa buhay. Lara is now the head of her family's company, gayon rin naman siya. He's a busy man but when it comes to Milo, binibitiwan niya ang lahat.

"Mommy and I will talk about that, Milo. Let's buy her something."

"A cake!" He laughed. Sobrang energetic ng pagkakasigaw ni Milo kaya napuno ng tawanan ang sasakyan niya. He saw a nearby coffee shop and parked his car in front of it. Lumabas siya pagkatapos ay kinuha niya ang bata sa loob ng sasakyan. They walked holding hands together. His love for is son is too much. Hindi niya inaasahan na kanya niya palang magmahal nang ganoon.

They got inside. Pinapili niya si Milo ng cake para sa Mommy nito. He waited for him. Milo has this trait na pinag-iisipan muna ang lahat ng gagawin bago kumilos. Napapansin niya ito sa kanyang anak at hinahayaan naman niya dahil sa tingin niya ay makabubuti iyon para rito in the long run. He wanted to raise him to be a better man than him.

Marami siyang pinagsisihan sa buhay niya, mga bagay na hindi niya nagawa noon. Napakaraming what if sa kanyang utak, mga tanong na alam niyang hinding – hindi na masasagot kahit kailan. Huminga na lamang siya nang malalim saka lumapit kay Milo nang makita niyang may itinuro ito sa kanya.

"Daddy, Mommy likes strawberries."

"Alright, we'll get the strawberry cake." Nginitian niya ang lalaki sa counter. Milo walked to him and held on his hand. Hindi naman sila nagtagal pang mag-ama. Tinanong naman niya ito kung nais ba nito ng kung ano pa, but Milo said that the cake is enough. They went out of the coffee shop, mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito, he will do everything to protect his son.

"Midas Torrero." Narinig niya ang kanyang pangalan. He looked back and saw Alvaro Monen standing behind him. Agad itong lumapit sa kanya para makipag-kamay. They did the Delta Kappa Phi handshake. "Kamusta? I saw you on the news last night, good job funding the ELSA project."

"Lara's involves so yeah. How are you? Last I heard you were in Switzerland for your advocacy."

"I came back for a vacation. Salvador is with me. May bibilhin lang kaming dalawa, oh there he is." Lumipad ang tingin ni Midas sa isang van na kulay itim. Mula roon sy bumaba nga si Salvador, pero hindi agad ito lumakad dahil may kinarga itong batang babae. Yumakap ang bata sa kanya tapos naglakad si Salvador papunta sa direksyon nil ani Alvaro.

"Nagising eh. Iiyak na naman ito. Oh, Midas Torrero, you're still alive, I see." Dama niya ang pagiging sarcastiko sa boses nito pero palalagpasin niya iyon. He only nodded at him. "Is he your son?"

"Yes, Milo Torrero."

"Malaki na pala." Sabi ni Alvaro. "Where's Lara?"

"Sa bahay. Pauwi na rin naman kami."

"Daddy, hungry ako." Biglang nagsalita ang batang babae. Lumingon ito sa kanyang direksyon. The little girl had full bangs and she has long beautiful black hair. May ribbon ito sa ulo, her eyes met his. His heart skipped a bit, hindi sa kung anupaman but the girl's eyes are familiar.

"I didn't realize you have a daughter already, Encinas."

"Yup. Buti nga kamukha noong nanay." Napakunot ang kanyang noo.

"What's her name?" He was asking of course, about the mother's name. Gusto niya lang ikumpirma kung tama nga ba ang iniisip niya. Kung hanggang ngayon, magkarelasyon si Salvador Encinas at si Katryna.

Wala na siyang balita rito. The last time he saw her was on that day, in the university kung saan nakita niyang naghahalikan ang mga ito.

"Minea Alessana."

"Daddy, nagugutom ako!"

"Oh, the dragon is awake!" Tatawa – tawa si Salvador. Tumalikod ito upang pumasok na. Tinapik naman ni Alvaro ang balikat niya.

"See you around, Midas."

Napapailing siya. Muli silang naglakad ni Milo papasok sa kotse. Inayos niya pa ang seatbelt nito bago siya humarap sa manibela.

"Dad, I like your friends. They seemed nice."

"They are. Let's go home, anak."

"Opo!"

Twenty – minutes later, Midas parked his in front of his house. Again, he walked side by side with his son, pagdating niya sa loob ay masaya siyang sinalubong ni Lara. She always had that smile on her face.

"Mom! Daddy bought cake! Happy Valentines!"

"Awww, my boys are so sweet!" Lara kissed Milo, and then she looked at me. I kissed her cheek. Mukhang natigilan siya, pero hindi naman naglipat ang segundo ay ngumiti muli siya sa akin. "Thank you, Midas. I love you."

"You're so sweet, Lara." Muli ay hinagkan niya ito sa noo.

xxxx

Katryna's

NAG-ANGAT ng ulo si Katryna nang marinig niya ang pagdating ng isang sasakyan. Tumayo siya at tumanaw sa bintana, nakita niya ang isang itim na van ang huminto sa tapat ng bahay niya. She smiled when she saw Sana, getting out of the car, kasunod nito ang Daddy Chava nito at ang kababata ni Chava na si Alvaro. Ibinalik niya sa dati ang ayos ng kurtina pagkatapos ay lumabas na siya ng kanyang silid.

Nakita niya ang kanyang Mama na halos takbuhin ang pagitan ng front door para lang pagbuksan ang mga bagong dating.

"Yoya!" Lumapad ang kanyang ngiti nang marinig ang matinis na boses ng kanyang anak. "I miss you, Yoya!" Kung makasabi itong na-miss na nito ang ang Lola ay parang isang taong hindi nagkita, kanina lang naman umalis ito dahil gustong sumama kay Chava sa mall.

"Mama!" Nang makita siya nito ay tumakbo agad at yumakap sa kanya. Inayos naman niya ang malaking ribbon sa ulot nito saka siya lumuhod para hagkan si Sana sa pisngi.

"Nakapaganda ng baby na iyan, kiss kiss, Mama?"

"Opo!" Pinugpog siya ng halik ni Sana, tawa naman siya nang tawa. Matapos iyon ay tumungin siya sa kapatid at kay Alvaro. "Kumain na ba kayo? Si Mama nagluto ng sinaing na tulingan, gusto mo iyon diba, Alvaro?"

"Bakit ako wala?" Nag-make face si Chava. Tumawa rin ang kanyang Mama habang nakatingin sa kapatid. "Ma, kapag nandito si Alvaro hindi moa ko masyadong pinapansin."

"Ikaw talaga, Chava, magsikain na tayo."

"Ma, bibihisan ko lang si Sana ha."

"Sige."

"Ma, ayokong mag-bihis maganda itong dress ko."

"Papalitan lang natin at galing ka sa labas." Magkahawak sila ng kamay na pumasok sa loob ng kanilang silid. She took a wet cloth and wiped Sana's face with it. "Nag-enjoy ka ba? Baka pinagod mo masyado si Daddy Chava mo."

"Hindi naman po kasi, Mama. Nakaupo lang ako sa car, tapos niwe-wait ko siya. Matagal po si Uncle Al magdating. Tapos nagpunta po kami sa mall, binili po ako ni Uncle Al ng ice cream pero natapon po kasi nag-run ako, umiyak ako, Mama tapos nipatahan ako ni Daddy sabi niya bibili niya ako ng pony, kaya may bago pong sister si Pony Love saka si Pony Hope. Pony Faith ang name niya."

Tumawa siya sa pagkakakwento ni Sana. Napabuntong – hininga siya. Mula noong baby pa si Sana, she's always been so fascinated of horses. Napansin niha iyon nang eight months old ito at hirap na hirap siyang patulugin. She turned the tv on and the movie Spirit was on, - it's a movie about horses and just like that Sana stopped crying. Nakatitig lang siya sa tv hanggang sa makatulog siya.

She likes horses, kaya si Chava, ibinili siya ng totoong kabayo. Nasa likod bahay ang kabayo ni Sana.

Her love for horses reminded her of Midas. Napakahirap kalimutan ng lalaking iyon dahil sa nakalipas na panahon ay may magandang reminder siyang nakikita. Sana is growing up, she might look like her but her traits, she got it from him.

"Ano pang nangyari?"

"Ayon, Mama, bago kami mag-uwi nagdaan kami sa coffee shop, kasi gusto raw ni Daddy ng coffee beans kaya namili kami tapos nagkatulog po ako kaya nigising ako ni Daddy tapos namili kami ng coffee beans tapos binili niya ako ng frozen yogurt! Masarap, Mama, parang ice cream rin."

"Hay, anak, napakadaldal mo! Hindi naman ako ganyan noon." Tawang – tawa siya habang sinusuklayan ito ng buhok. Ibinalik niya ang malaking ribbon ni Sana tapos ay lumabas na muli sila ng kanyang silid. Sumama na sila sa mga kumakain sa dining area.

Hindi natupad ang balak niyang mamili ng lupa sa Aurora para sa tahimik na buhay nilang mag-ina. Instead, she bought a land in Tagaytay, tinulungan siya ni Chava, noong una ay tumatanggi siya pero bigla itong naghain ng business proposal sa kanta, negosyante talaga ang kanyang kapatid at sa ganang ganoon ay nauto siya nito kaya pumayag siya sa proposal nito. And viola – Sana's flower garden is born.

Pakiramdam ni Kat ay si Sana ang pinakamagandang regalo sa kanyang buhay, maliban sa ito lang ang isang bagay na hindi niya pinagsisihan sa nangyari sa kanila ni Midas noon, ay kinumpleto nito ang kanyang buhay.

It didn't matter if she lost her professional license, it didn't matter if she's not able to finishe her Doctorate or if she didn't have a Ph. D. on her name, she has her precious daughter and that's all she needs to be happy, bonus pang nakakasama nila si Chava at malusog pa rin ang kanilang ina.

"Malaki na pala iyong anak ni Midas." Biglang nagsalita si Alvaro. "Aray! Tita, binatukan po ako ni Salvador."

"Chava, stop that. I am tired picking out bits of him in our conversations. It's been years. Let's all move on." Pinagsabihan niya ang kapatid. Hindi naman kumibo si Salvador. Tumawa naman siya just to lighten up the mood.

"Naiinis pa rin ako sa kanya."

"It's okay." Wika niyang muli. "How is he?"

"He has a son."

"He still looks like an asshole." Sabi ni Chava sabay tiningnan ng si Alvaro.

"Mukhang kuntento naman ang batang iyon sa buhay niya. He was on the news last night." Nakisabad ang kanyang ina. She looked at her. "Mukhang masaya siya."

"He should be happy." She said. "He has everything now. It's all I wanted for him." Hindi kumibo ang mga kausap niya sa mesa. Si Sana ay kinalabit siya.

"Mama, rice pa." Ngumiti ito sa kanya and just like that nawala ang agam – agam sa kanyang puso. "Saka po sabaw."

"Okay, baby, mamaya kiss kiss, Mama ha?"

xxxx

"NASAAN si Alvaro?"

Takang – taka si Kat dahil bigla na lang niyang nakita si Chava na pumapasok sa office ng flower garden. Nasa harap ang opisina nila, sa likod naman ay ang kanilang bahay. Malawak ang lupang nabili nilang magkapatid. Sa bandang dulo ng lupain ay naroon ang mga tanim nilang mga bulaklak, sa bandang kanan naman ay may maliit silang sunflower farm na naging tourist attraction na sa kanilang brgy. Paminsan – minsan ay may dumadalaw na mga turista para magpa-picture lang o kaya man ay kumain, napansin kasi niyang madalas naghahanap ng makakainan ang mga tourist visitors nila, so she put up a mini coffee shop inside the flower gardem iyon ang dahilan kung bakit namimili ng maramihang coffee beans si Chava.

"I wanted to talk to you. Hindi ko alam, kung dapat bang marinig ni Mama."

"O, bakit? Mag-aasawa ka na?"

"Ate."

"You already have your demolay with you, you should marry her."

"Ate!"

"Because a demolay always ends up with a legacy. Charot!" Tumawa si Kat dahuil seryosong – seryoso na ang kanyang kapatid. "Ano bai yon, Chava?"

"Papa wants to meet you." Tahasang wika ng kanyang kapatid. Napatitig siya rito. Hindi niya inaasahan iyon kaya wala siyang nasabi o nagawa kundi ang tumingin rito. "And also, Lola wants to see you."

"Why? I mean, bakit ako? Saka bakit ako lang? If they want to talk to me, dapat kasama si Mama. Kay Mama sila may pinakamalaking kasalanan." Mahinahon naman ako. I always think about what I'll do bago ako gumalaw. Ayoko nang maulit sa akin ang nangyari noon sa mga Torrero lalong – lalo na kay Midas.

"Lola is sick. Siguro gusto niyang itama ang mali, also she wants to meet Sana." Lalo akong walang nasabi. "I know that this is too much for you, Ate, but you can just at least consider it. Despite of what happened before, I hope you consider this, Ate."

Pakiramdam ni Kat ay hindi siya makahinga. Gulong – gulo ang kanyang isipan, bakit sa tagal ng panahon ay ngayon pa nagparamdam ang mga ito sa kanya? Hindi niya gustong manisi dahil talagang pagkakataon naman ang naglalaro sa lahat, ngunit ito ay mga naging instrument kung bakit nalugmok sila ng kanyang ina noon kaya hindi niya maintindihan ang kagustuhan ng mga itong makita siya. But then, maybe it's just right that if they wanted to talk to her, they should also talk to her mom. Her mom is still the one and only legal wife of her father. Hindi naman pinakasalan ni Santiago Roberto Encinas si Dulce, ngunit talagang gumawa ito ng paraan kasabwat ang kanyang lola na maalis sa kanya ang apleyido niyang iyon.

"Sana hindi ka magalit sa akin." Biglang nagsalita si Chava.

"Bakit naman? You only relied the message. Chava. I'll think about it for now." Ngumiti siya rito tapos ay bumalik sa trabaho. Nakiosyoso naman si Chava sa iba nilang staff. Natitigilan si Kat, kinuha niya ang kanyang phone ay lumabas. Hindi niya napansin na tinawag siya ni Salvador, nagmamadali siyang umalis dahil pakiramdam niya ay kinakapos siya so she needed to breathe.

She found herself sitting at one of the benches in the sunflower garden. She was holding her phone. Ang dami – daming tumatakbo sa isipan niya ngayon but mostly is the whys and she knew she could not answer that unless she talks to them.

Suddenly her phone rang. Napangiti siya ng mabasa ang pangalan sa screen niya.

Baby ko.

"Hello, baby ko." She greeted Sana. Natawa pa siya kasi nasa iisang lugar lang sila pero nagtatawagan pa silang magnanay.

"Mama, nasaan ka? Nag-wake up ako, wala ka rito."

"Nasa office ako. Sige babalik na ako sa bahay, baby ko. I love you."

"Opo, Love you rin."

She ended the call, di sinasadyang napindot niya ang fb app at bumukas iyon. Hindi na sana niya papansin but the first photo on her timeline caught her attention. Lumabas yata iyon dahil sa common friend na nag-comment, walang iba kundi si Alvaro. She clicked it.

It was a photo of Midas, Lara and their son. Nakangiti ang mga ito sa camera, habang si Lara ay may hawak na cake. They looked happy. He looks happy.

"Good for him." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top