Wakas 2.0


"Masakit na nga na iniinsulto ako ng mga salita mo tapos sasaktan mo rin ako sa mga ginagawa mo. Mahal kita, Orion, pero sa kamatayan na lang magpapantay ang mga paa natin kaya hindi na ako umaasa. Kahit sa ganong paraan, isipin mong nakaganti ka na sa panloloko ko. Nasasaktan na ako ng sobra."

It crosses his mind all through the years. Kumusta ka na kaya iyon? Was she struggling? Inihagis niya ang baso sa pader nang buong galit. Galit siya sa kanyang sarili. Kung binalewala niya ang nadiskubre nitong pagtatatrabaho sa club, hindi ito aalis sa tahanan nito, hindi sana ito napalayo. Sa kanya. Maybe after all these years, they made up. They may still be together from then and now. He will be an ordinary citizen, not a Delta Kappa Phi member, tinakwil ng tatay, naghihirap but he will make it through with her. 

Kaya naman niyang tanggapin sana. Sa una lang talaga hindi dahil minahal na niya ng sobra. Pakiramdam niya ay napakalaking panloloko ito sa kanya. Anong intensyon nito para mapalapit sa kanya? To squeeze him for money? 

Pwede naman sanang diniretsa na lang siya nung umpisa. Ibibigay naman niya lahat.

 The fact that she, and only she will be the woman that can turn him on and make his knees like jellies. Its been years and it is still the same.

His Hezekiah. Mahal niya pa rin pagkatapos ng maraming taon.

It could have been different if he reacted differently and did not intimidate her. She's scared that she cannot finish her studies that's why she flew away. Tngina, sana talaga nagpaka-DOM na lang siya noon. Siya na sana ang nagbihis kay Hezekiah, nagpa-condo, nagbigay ng kotse at allowance. Kaya niyang ibigay ang pera niya kung ito lang ang habol sa kanya. And he will make her fall for him even it will take years.

"Tss.." Pumasok si Tanya sa entertainment room. Dali-dali nitong pinulot ang basag na baso sa sahig. Hindi siya makakilos para alalayan ito dahil sa halo-halong emosyon.

"Gunner might wake up." Nag-aalalang wika nito. "Are you okay?" She asked.

Umiling siya. Tanya is the only one who knows his true feelings.

"What if si Kelly? Di ba patay na patay sa iyo yun?" Kumurap-kurap pa ito nang makalapit na sa kanya. Damn it, lasing na yata siya. Nakikita niya si Hezekiah sa matalik na kaibigan.

Tanya suggested him women to date, just to help him. But none helped.

"Hindi tumatayo talaga?" Nakangiwing tanong ni Tanya. "Stressful nga yon, Orion. May totoy ka nga pero hindi tumatayo. Walang silbi. Buti pa nga iyong mga hindi tuli, pwede pa raw makabuntis--"

"Quiet, Tanya."

Napapikit siya ng mariin. Nothing can turn him all at all and it is hard to be soft for so many years.

"What if magprint tayo ng maskara ni Ia tapos isuot mo sa ulo ng ka-sex mo? That might work!"

"Tanya!"

"Iba ba pakiramdam nung kanya?" Giit pa nito.

"Damn it."

"Fine, fine, aalis na. Huwag ka nang maingay at baka magising ang anak ko." Tumalikod na ito at akmang lalabas na sana nang pumihit ito at muling balikan siya.

"For what it's worth, Gunner and I will forever be thankful to you. You are a good person, Orion. Kung ano man ang naging reaksyon mo sa nagawa sa iyo ni Ia, normal lang iyon, tao ka, nagmahal at nasaktan. Huwag kang mag-alala, ipagdadasal ko rin na magkita kayong ulit para makapag-sorry ka. Baka tayuan ka na ulit by then. Goodnight!" Binagsakan siya ni Tanya ng pinto nang humahalakhak papalayo. Napailing na lamang siya.

If he will see her again, that will be the best day of his life.

"Bali-balita ay magandang babae ang bagong Vice President, mukhang nakapagbabang luksa na nga si Fausto at nakalimutan na agad si Anna." Naririnig niya iyong kwentuhan ng Director sa isa sa kanilang board's meeting sa FRINC where he acted as the CEO due to Fausto Ricafort's sickness. Ayaw niya nga sana kaso naging mapilit si Tanya, ayaw talagang panghawakan ang sariling opisina.

"Well, she studied at Cambridge na sabi ng reliable source ko e si Fausto rin ang nag-finance simula pa noong nabubuhay pa si Anna. Fausto's yearly visit in Europe is a proof. Hindi nga ba't muntik nang hindi maabutan ang huling hininga ng asawa." Mr. Trinidad commented.

"Kung ikaw, who will you choose? A hot college student or a responsibility in their deathbed. True love is not true! That's bullshit!"

"Tama ka nga, Carlos!" Naghalakhakan ang mga kalalakihan, pwera siya. Because he knows who the beautiful hot girl they were talking about.

Hezekiah.

Mariin ang hawak niya sa resume nito na mayroong achievements nito. She's been well all those years, except that she's repaying gratitude to Fausto Ricafort. Kinakabahan siya na makita ito but one thing for sure, she changed, a lot.

"You can say you missed me." Pilit siyang umiiwas sa apoy pero lumalapit ito sa kanya kahit anong layo niya. Ia is his flame and she's teasing her.

"I actually do, but don't you think that's quite inappropriate?" Mapanuksong wika nito. Her voice, her body and her face only got a lot since the last day he saw her. Her long hair looks thicker, sexier, and the way she puts make up looks perfect. Pati ang pananamit, his dick really knows who the master is. 

"We fcked the last time we saw each other, maybe we can drop the formalities when no one's looking." Pagpatol niya sa pang-aakit nito.

"Oh, thanks for reminding me, Mr. de Salcedo, I almost forgot you have a fiancee and a son."

Natawa at napailing siya, why bring that up if she doesn't like him? Hindi alam ni Hezekiah ang pinapasok nito. Once he'll have an ounce of hope that she still likes him, ilalaban niya ito. Kukunin niya ito kay Fausto Ricafort, by hook, and he will not care how brute he'll be. Malakas ang kalaban niya, but he's at the advantage, Hezekiah is attracted to him, he'll turn that to love in no time.

"Baliw ka na, Orion. Bakit hindi mo papakasalan si Tanya? May anak na kayo! Kasal na lang ang kulang!" His father, Henry de Salcedo was frustrated. Hindi siya makumbinse nito na ituloy ang kasal.

"FRINC is our only hope! Hindi tayo masamang tao but we need them! Hindi naman natin nanakawin, palalaguin din natin kasama ng pagbuhay sa Agila Petrol!"

"Kaya ko nga, Dad. Let me fix the problems at Agila. Magre-resign ako sa FRINC." And I will get Hezekiah. I will make Agila work so she can work for me instead, babayaran ko ang utang na loob niya kay Fausto hanggang sa huli. Kung sana ay noon pa siya nanindigan kay Hezekiah at hindi pinairal ang galit, sana ay siya na lang ang naging financer nito hindi iyong ibang tao pa!

"I told you to weed out Hezekiah Cruz, kung hindi ka pa magpapakasal ay alisin mo na lang ang tinik sa daan mo. I heard from Carlos that that woman visits Fausto at the hospital regularly. Nakita nila ang papeles na nakakasa sa kanyang pangalan ang lahat ng shares. Walang kahihiyang babae! Kahit matanda't naagnas na ay papatulan. Sakim!"

Napapikit siya. He heard it from the boards. May nagpaimbestiga kay Hezekiah. Ang dating usap-usapan ay nakumpirma. Fausto indeed financed Hezekiah abroad and he intends to transfer his shares to her. Tngina, kukunin niya talaga ito si Hezekiah! Mapabangon niya lang muli ang sariling negosyo ay wala nang ibang kakailanganin si Hezekiah kundi siya.

"I married her. I married Hezekiah." Pag-amin niya, alam na naman ito ng kanyang ina na bagkus ay masaya sa kanya ay nagbabala sa magiging  reaksyon ng kanyang ama.

"Damn it, Orion! Anong kalokohan iyan! She's not a Demolay. Mapapahamak ka riyan." Dumagundong ang galit ng ama.

"She's not, but she has all FRINC shares not Tanya. Hindi ba iyon ang gusto mo? We don't have prenuptial agreement, ang sa kanya ay akin din. I will convince her to work with us, you just need to accept her in the family and let me take over." Sinabi na lang niya iyon kay Henry para matigil na ito sa paghahanap ng dahil kung bakit niya pinakasalan si Hezekiah.

He wants her so bad. He feels soreness in his body whenever she's afar. Parang hindi pa siya mabubuhay at makahinga kung malayo ito sa kanya at walang kasiguruhan ang kanilang relasyon.

"Ay, natakasan ka na naman?" Nakalabi si Tanya habang pinapanood siyang inumin ang Jack Daniels mula sa bote.

"Damn it, Tanya. It is your fault. Why did you divulge our marriage? Ang hirap-hirap mamikot!" Hinanakit niya nang ikinukumpas niya pa ang kamay.

"Hala! Pinikot mo?"

Oo, at hindi siya nahihiya roon. Desperado na siya. Lagi niyang naririnig si Fausto at Hezekiah na magkausap sa telepono, sa selos niya ay pinlano niya talagang dumaan sa bagyo at salubungin iyon. He knows they are safe of course, but that's his only way to make her get married to him, ang pakabahin ito.

"Bakit ba kasi yung gusto mong babae mahilig tumakbo? Manang-mana yun sa kaibigan niya."

"Sinong kaibigan? Si Domini? Tngina may gusto yun kay Ia, 'e! Basagin ko mukha 'non!"

Mas lalong nalukot ang mukha ni Tanya at kinuha sa kanya ang bote ng alak, "Umalis ka na nga sa bahay namin, Orion! Papahatid kita sa driver. Matulog ka muna para makapag-isip ka paano papabalikin yung sinta mo. Mindset ba! Mindset!"

Doon niya naalala ang mga plano. Uunahin niya muna talaga ang pagbawi ng kanilang kumpanya mula sa pagkalugi, then he will get his wife. Then he will make sure that will be the last time she will run away from him.

"Sa lahat naman ng magiging kamukha ni Mr. Ricafort, si Hezekiah pa. I am so sorry for you, Bro. Biruin mo gigising ka kada umaga tapos kamukha ng biyenan mo ang mabubungaran mo."

Bulong ni Domini sa kanyang tabi habang pinapanood si Hezekiah at Tanya na naglalakad kasama si Fausto papalapit sa kanilang lamesa. They were in a garden restaurant in Tagaytay. Both of them were off-limits near Hezekiah and Tanya. Sa group chat na lang silang nagkakausap apat at si Hezekiah at siya ay nagkakasya sa videocall. Nang hindi niya kasi ito naiuwi ay nagkasakit si Fausto.

"Tngina mo, mas kamukha kaya ni Tanya." Balik niya kay Domini.

"Gago, umayos ka nga. Bakit ba tayo pinatawag?" Kinakabahang wika ni Domini, "Huwag ka kasing gumagawa ng kalokohan, nadadamay pa kami ni Tanya."

"Baka ikaw! Hanggang sa village lang ako na-ban, ikaw sa buong Quezon City!"

"Kahit anong mangyari, may anak na kami ni Tanya." Mayabang na sabi nito.

"Kami naman 'e ayos na rin kasi kasal na." Balik niya.

Tumikhim si Fausto sa kanilang harapan kaya sabay silang napatayo ni Domini. Nakasimangot ito na umupo rin. Tumabi rito si Hezekiah at si Tanya. Nawala rin ang mga ngiti.

"Hindi ako nagbibiro nang sabihing hindi ko kayo gusto para sa mga anak ko." Panimula ni Fausto.

"Ito..." Hinampas siya sa ulo ng tungkod, "Malisyoso! Masyadong seloso! Pati ako ay pinag-isipan. At ikaw!" Hinampas din si Domini ng tungkod sa balikat.

"Supot, walang paninindigan."

"Sorry, Sir." Sabay nilang sagot.

"Hindi!" Matigas na wika nito, "Hindi ko kayo mapapatawad. Ang magagawa ko lang 'e ipaalis ang pagkaka-ban niyo sa White Plains at Quezon City kahit labag sa akin dahil itong mga mahaharot na ito, sabay na siniko si Hezekiah at Tanya, "Parang mamamatay nang hindi kayo nakakasama." Tumingin ito sa malayo.

"Hindi ako mabuting ama. Hindi ako naging mabuting ama kaya nga nag-iingat ako sa mga red flags at kayong dalawa iyon." Malungkot at seryosong wika nito.

"But then, all people have red flags. Goodluck na lang sa inyo sa dalawang ito. Ibinibigay ko na. Alagaan niyo at huwag niyong paiyakin masyado. They've—they've been through a lot and I saw almost everything how they cried because of you. Masakit iyon para sa ama."

"Nakita mo, Dad?" Nagtatakang wika ni Tanya.

"I may not be expressive pero bantay-sarado ko kayong dalawa kahit si Hezekiah noong wala na sa poder ni Daisy. That's a different story, the point here, from now on, treat my daughters the way they deserve to be treated, Domini and Orion." Mahabang litanya nito.

"Domini, Tanya will denounce her rights in the sorority for you. You know how much it means and you Orion, my daughter will study culinary to feed you good food, kahit matalino ito ay hindi nakikilala ang diprensya ng kamote at patatas kapag walang balat, imagine her learning that! You two are such lucky bastards!"

"Dad, don't make it sound like that. Baka isipin naman ng dalawang iyan na patay na patay kami." Singit ni Hezekiah. "Tanya will denounce her rights as a sorority member because she wanted to focus on her Arts business while taking care of Gunner." Pagtatanggol nito sa kapatid. Napakabait talaga ng kanyang asawa kaya patay na patay siya.

"Yes, Baby. And you will also be the CEO of FRINC and a consultant of Agila Petroleum while taking care of me, that's amazing, Baby." He couldn't help it but to express praises towards his wife. "You can be anything you want, Baby. Walang magbabago roon kahit mag-asawa na tayo. Kahit ako ang magsilbi wala namang kaso."

"Corny." Nagbigay ng komento si Domini sa tabi niya. "Tamad iyan si Hezekiah. Matalino yan pero hindi talaga yan mahilig sa gawaing bahay—Awww!" Hindi na naituloy ni Domini ang sasabihin dahil ininda ang pananakit ng binti na sinipa ng kanyang asawa.

"Y-yes, Orion. I am excited to cook you good food and work together for the rest of our lives."

Inabot niya ang kamay ng asawa at natagpuan ang kakuntentuhan doon.

"Hay, I am so blessed to have a sister and a brother-in-law who loves business. I get a pass to be somebody who I am not." Nagningning ang mata ni Tanya.

Domini threw his amusing stares to his girl and although he attacks her insultingly, it can't be denied that he's smitten.

Dahil sa bendisyon ni Fausto, magkasabay na tuloy sila sa sasakyan ni Hezekiah papabalik ng Maynila at sobra ang saya ng puso niya. He always dreamed to have long drives like this with Hezekiah, ngayon lang natupad. Not that driving from Makati to Quezon City isn't long na siya niyang ginagawa simula ligawan ang asawa. Iba iyong may magandang tanawin habang magkasama kayong naglalakbay.

Napakarami nitong kwento kaya hindi siya naiinip. She looks relaxed and happy.

"Tapos bibili tayo ng set knife, nakalagay iyon sa requirements ko sa first day ng school!"

"Sige, Baby. Then we'll go to the mall bago kita ihatid sa inyo."

Lumabi si Hezekiah. "Huh? Gusto ko sa Paranaque umuwi.. I miss you so much."

Parang sasabog ang kanyang puso. Hindi niya ata kailanman makakasanayan ang pagpapahayag ng damdamin ng kanyang mahal. Panaka-naka lang nitong inamin na mahal siya, madalas pa tuwing masama ang loob sa kanya at umiiyak. 

Now that she expressing it as if it is a soft wind that passes her lips, that's a dream come true. He always wanted to make her happy. 

"Lagot na naman tayo sa Daddy mo niyan."

"Magpaalam tayo." Kinuha na nito ang cellphone at idinial ang numero ng ama.

"Hello?" Pasigaw na tanong ni Fausto sa kabilang linya. Natatawa siya sa pagkunot ng noo ni Hezekiah.

"Daddy, doon kami ni Orion uuwi sa bahay namin."

"Sa bahay niyo? Townhouse lang 'yon! Ang liit non! Hindi ba niyan kaya bumili ng mansyon? Tirisin ko yang asawa mong yan e!"

"Dad.. Gusto ko ang bahay namin ni Orion, hindi masyadong malaki at madali naming mapagtulungan na linisin. Nilagyan niya ng maraming libro para sa akin."

"Libro lang nagkakaganyan ka na? Tsk."

"Hindi, Daddy. Iyong bahay na iyon ang unang naipundar ng asawa ko para sa aming dalawa kaya kontento ako roon. Kontento ako sa kung anong kaya niyang ibigay." Napangiti si Hezekiah pero para namang nag-iinit ang sulok ng mga mata niya.

That's true, he could get a house that's bigger. Kaya na iyon ng kompanya niya. But he choose to buy that house with his own money, from his monthly salary and some of his college allowance that he saved. 

Hinawakan ni Hezekiah ang kamay niya at pinisil ang pisngi niya.

"Handa nga akong samahan itong asawa ko kung itatakwil siya ng pamilya niya at itatakwil niyo ako. Kahit saan ako tumira basta kasama ko siya, Daddy. Huwag ka nang magsungit diyan. Dadalaw kami bukas. Bye po. Say Bye, Babe."

Susog sa kanya ni Hezekiah kaya pinamulahan siya ng pisngi.

"Did-- did you just call me Babe?"

Natawa si Hezekiah.

"Naku, nakakaumay. Bye na nga!" Naputol ang linya nang hindi na siya nakapagpaalam kay Fausto but he doesn't seem to mind. Hezekiah is giving him an endearment.

"Bakit ba gulat na gulat ka?" Natatawang wika nito.

"Hindi ko nga alam kung gulat o kilig." Napakamot siya ng ulo.

Mula sa pagkakangiti ay sumeryoso si Hezekiah. "Salamat, Babe. Salamat sa pagrerespeto sa masungit kong Daddy. Sa pag-aalaga sa kapatid ko at sa pamangkin ko the best that you could. At sa paghihintay sa akin."

Umiling siya. "There's nothing else to do but wait, Hezekiah. My heart doesn't beat to anyone else the way that it beats for you. Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi kita sa ikalawang buhay hinintay.."

He lowered her head to reach her lips but Hezekiah was quick to meet his. His knees weakened.

"I love you, Orion De Salcedo."

"Mas mahal kita, Misis De Salcedo."


The End.

--
Maki Says: Wala na akong utang ha! Happy ending na Orion's POV

Again, no plans pa how we will publish this. Abang-abang!

Wala rin pong IsPiDyi (SPG). Ipaubaya niyo na sa Temptation Island: Role Play (Monasterio Legacy) iyon. Sa sabado na agad agad ang simula ng update.

While waiting, you can read my other stories. Nasa profile ko iyon. Ingat po sa mga on-going. Haha Wag niyo rin iwasan ang mga paid para pwede na ako magfulltime writer. Char. Love you all and thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top