Kabanata 19

A/N: Magandang gabi! May naghintay ba? Parang mga ganitong oras na lagi ang timeslot ko sa update kapag weekdays :) Magdasal pa rin kayo na matapos ko agad ito.

--

'Tell me how deep you want..' Parang sirang plaka na nagplay sa utak ni Hezekiah ang sinabi niya kagabi kay Orion, at hindi niya alam kung paano haharapin ito na mahigpit ang yakap sa kanya.

'Sobrang deep talaga 'non, Ia.' She thought. Nag-isa-isa siya ng scenario sa isip niya na magiging palusot sa naganap kagabi at ang nanalo ay ang magpanggap na lasing na lasing lang talaga siya kagabi at wala siyang maalala. (A/N: Kaya wala rin kayong mababasang bed scene.)

Napapikit siya ng mariin nang tila narinig niya ang pagsuko ni Orion kagabi, parang siya pa talaga ang maganang magana. Hindi niya na mabilang kung ilang beses nila inikot ang bawat sulok ng kanyang unit at mabuti na lang dahil day-off ni Aling Helen nang araw na iyon, hindi na niya kailangang magpaliwanag sa pinagdaanan ng kanyang condo. The place smells and definitely looks like sex.

Napatapik siya ng mukha at paulit ulit na kinagat ang pang-ibabang labi nang maramdaman niya ang pagkilos ni Orion sa kanyang tabi. 

Inihanda niya ang unang linyang sasambitin niya. Bubukas na sana ang bibig niya nang maramdaman niya ang masuyo at maliit na halik ni Orion sa kanyang batok. She stilled.

He carefully traced his finger on her back, nakaramdam siya ng pagkakiliti kaya uminat siya ng kaunti. He gently kissed her hair again, hirap na hirap siyang magpanggap na natutulog, ilang beses naulit ang maliliit na halik na iyon hanggang sa hindi na siya nakatiis, nag-inat siya na parang bagong gising at hinarap ang katabi nang OA na napasinghap pa.

"Anong ginagawa mo rito?" Nanlalaki ang mga mata niya, itinulak niya pa si Orion ng pagkalakas-lakas, he fell on her carpeted floor, butt naked, buti na lang at hindi ito nakadapang bumagsak, or else. 

"Hezekiah.." Tumayo si Orion, his penis sprung free in front of her.

Pumikit siya na para bang hindi niya hawak iyon kagabi. "Ay, bastos! Anong ginagawa mo sa kama ko?" Mas malakas niyang tanong.

"C-calm down. We were—"

"Anong ginagawa mo rito?" She cut him off.

"Wala kang maalala?" Takang tanong ng binata. Kunwa'y natataranta siya sa sasabihing mga salita. May pag-angat angat pa siya ng kamay at hampas sa dibdib na tinatakpan niya lang ng comforter.

"Anong maalala ko? Na sinamantala mo ang kalasingan ko? Mali ito. Maling-mali. Umalis ka sa harapan ko at baka kung ano ang magawa ko sa iyo." Tumango-tango pa siya at tumitirik pa ang mata. 

Nakatingin lang sa kanya si Orion, nakipagtagisan din siya, ipinakita ang 'galit'. He sighed in surrender. Hindi na ito nag-abalang takpan ang katawan.

"You must be really drunk." He said while walking to her direction, mas iniyakap niya ang comforter sa kanyang sarili.

"Tama, lasing na lasing nga ako." Matinis pa niyang sabi.

"Okay, I'm sorry. I'll just get a shower." May lungkot na wika nito.

Napakagat-labi siya nang mawala si Orion sa kanyang harapan. Ilang ulit niyang pinukpok ang kanyang ulo. She must be really crazy! Hindi niya kasi alam kung anong isusunod niya sa 'plano' niyang alisin si Orion sa buhay ni Tanya. Tiyak siyang wala sa plano ang makipaglandian ng ganito kabilis. 

Nagbihis siya ng kanyang robe at tinungo ang kusina. Kumuha siya ng hotdogs at itlog pero tinitigan niya lang iyon ng ilang minuto. She was reminded how bad she is as a cook. Hindi nga pala siya nagluluto! Noodles lang ang alam niya. Noong nasa UK siya, mga ready-to-eat meals ang kinakain niya bago siya makitira kina Domini.

Siya ang living example na hindi por que lumaki sa hirap, domesticated. Matalino nga siya pero tamad siya sa gawaing bahay.

However, she tried her best. Decided to cook for Orion, para kahit papaano ay mawala ang guilt feeling niya, binuksan niya ang counter top stove at nilagyan ng kawali at mantika. Panay ang iwas niya nang magtalsikan ang mantika patungo sa kanya na para bang pinaparusahan siya sa pagiging masama kay Orion.

Burnt hotdogs, overdone eggs, pati na rin ang kanin niya ay naparami ang tubig, iyon ang ending. Nagulat pa siya nang bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto at iniluwa roon si Orion. He's wearing his dress shirt, iyong naiwanan sa kanyang bahay noong nakaraang araw.

"K-kain ka muna." Alok niya nang nakangiti.

Kunot-noong tiningnan siya ni Orion. Siguro ang iniisip ay nababaliw na siya.

"H-hindi ko man maalala yung nangyari kagabi, pinapatawad na kita." 

"I am not even saying sorry." Supladong tugon ni Orion. "I'll go ahead."

"Sandali! Kumain ka muna. Gumising ako ng maaga para maghanda ng breakfast." Pagmamalaki niya. Lumipat ang tingin ni Orion sa lamesa. Napangiwi siya, mula sa kinatatayuan ng binata, halatang hindi masarap ang nakahain. "O-or.. Yeah, okay lang kung hindi ka na mag-aalmusal." Napakamot siya ng ulo.

Bumaling sa kanya si Orion at umupo sa lamesa. Siya naman ay inabala ang sarili sa paghahanda ng kape. That's the only thing that she can perfect in the kitchen, because her coffee is always black.

Nakita niyang inaalis ni Orion ang sunog na parte ng hotdog at ng itlog. Pagkatapos ay inilagay nito iyon sa plato niya bago kumuha ng isa pang batch para naman sa sarili. Sumandok ito ng kanin at natigilan, he figured out na masyadong maraming tubig ang nailagay niya, kaya isinalin na lang sa plato nito ang kanin, samantalang siya ay nilagyan nito ng dalawang pirasong sliced bread.

"Thank you.." Nahihiya niyang sabi. Tahimik silang kumain.

"Tungkol sa kagabi—" Tumikhim siya, kaya lang ay tumunog ang cellphone ni Orion. He mouthed excuse me and took the call.

"Tanya.." He muttered.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

"Yes, I'll get Gunner for lunch. Yes. Don't worry."

Nang ibaba nito ang tawag ay hindi na lang niya itinuloy ang sasabihin. Nahihiya siya sa kanyang ginagawa. Inaagawan niya si Gunner ng ama at ng kumpletong pamilya.

But what she will do? Her family's legacy is at stake. Isa pa, abot-kamay na rin niya ang pangarap. After all, si Orion naman ang tunay na marupok, kung hindi siya, kung sino-sino rin namang babae ang pupuntahan nito. Siya nga lang ang may kakayahang maagaw ito mula kay Tanya, or she?

"Do you want to join me and Gunner for lunch?" Putol ni Orion sa kanyang pag-iisip.

"H-hindi na, magpapadeliver na lang ako mamaya."

Tumingin si Orion sa kanyang main door.

"That's not safe, wala kang kasama rito at may aakyat na rider. I'll wait for you to dress up and come with me. Just wear casual clothes."

Nang matapos kumain ay pinagshower na rin siya ni Orion, hindi naman siya nakaramdam ng pagtutol, gusto niya ring makita si Gunner. She chose a dainty floral dress with puff sleeves. Hinayaan niya ang mahabang buhok na nakalugay at hindi siya naglagay ng make-up sa mukha.

Nag-angat ng tingin si Orion mula sa couch nang makita siya. Tipid niyang nginitian ito at inanyayahan nang lumabas.

Nakatingin lang sila sa harapan ng elevator. Memories of last night flashed her mind. Naramdaman niya na lang ang paggagap ni Orion sa kanyang kamay. Hinayaan niya lang iyon dahil nakabawas iyon nang nararamdamang hiya. It is as if he's sharing the shame with her kahit na siya naman talaga ang naging mas agresibo.

Nang makarating sa parking lot, natigilan siya bago lumapit sa sasakyan ni Orion, hindi niya mabura sa isip niya kung paano sila naglandian doon. Goodness! Nag-init na naman ang kanyang mukha.

"Let's go?" Mabuti na lang at pormal si Orion, siguro ay wala itong imagination.

The long drive was awful but quiet. Hindi siya mapakali, ang isang hikaw niya ay naroon sa car carpet at pasimple niya pang kinuha iyon. Sa isang ekslusibong subdivision sila nagtungo. May tinawagan si Orion at ilang sandali pa ay nasa labas na si Gunner. He was running and bouncing like a ball. 

"Daddy!" The kid shrieked. Mas lalo niyang gustong lumubog sa kinauupuan, excited at nahihiya siya kay Gunner dahil hindi nakauwi si Orion nang nakaraang gabi dahil sa kanya.

"Hey little bud! How are you doing?" Masiglang bati ni Orion.

"I feel great! Oh, Hi, Auntie Ia! Are you coming with us?"

"I—I guess so. Hi, handsome!"

"We'll be going to the Ocean Park, have you been there?" Excited na tanong ng inosenting bata, she shook her head and Gunner giggled, namimintana ito at halos lumagpas na sa car seat nito.

"I've waited for a year to get there!" Pagmamalaki nito, "now my wish is coming true!" 

Nagkatinginan sila ni Orion, why does the kid had to wait? Kung anak niya ito ay dadalhin niya ito sa lugar kung saan niya gusto sa lalong madaling panahon. Parang nakuha naman ni Orion ang tingin niya at bumuntong-hininga ito.

"We usually go on trips once a year. Hindi kasi mag-meet ang schedule namin ni Tanya but we try our best."

Napanguso siya at naawa sa pamangkin.

"Yes, and this day is special, Auntie Ia because Dad said yes. And you are with us." Kitang-kita sa mata ni Gunner ang pagkasabik. Nalungkot siya sa saya na iyon ng kanyang pamangkin, it was as if this day is a privilege.

Sa labas ng Ocean Park ay mahaba ang pila. Ramdam agad ni Hezekiah ang init ng panahon sa Pilipinas pero hindi niya alintana dahil kita niya ang tuwa sa mata ni Gunner. She's making a checklist on her mind what they need, ibinili niya muna si Gunner ng tubig at snacks dahil bawal ang outside food. Chineck niya rin ang laman ng maliit na bag nito kung merong pamalit na t-shirt at towel. She placed her calling card in his pocket and his small bag ang told Gunner the basics like showing her calling card to the guards when he'll get lost.

"Auntie Ia, let's go there." Hila ni Gunner ang kamay niya at pilit siyang pinapasakay sa rides, si Orion naman ay pormal at nakasunod lang, nagmamasid.

"Ang boring mong kasama, let's go!" Giit niya sa binata. Pumila sila para makasakay sa rides at nang sila na ay nakuha niyang takot si Orion sa heights. Panay ang sigaw nilang dalawa ni Gunner samantalang nakapikit ang kanilang kasama nang umandar na ang ride.

"Dad looks scared!" Natawa muli si Gunner sa ama na nagcoconcentrate at mahigpit ang kapit sa handrail. Hindi naman iyon masyadong mataas at mabilis kaya nagtataka siya sa takot ni Orion.

After the rides, they enjoyed watching the jelly exhibit, the penguins, and they also went to the bird's house. Panay ang kuha niya ng litrato kay Gunner. Ginawa na rin nilang photographer si Orion para may picture silang dalawa.

Nang lunch time na ay pumili sila ng restaurant na naroon. Pinayagan niyang mag-order ng pagkain si Gunner kahit na hindi healthy. According to him, Tanya does not let him eat processed food which she understands pero siya nga ay lumaki sa pancit canton pero matalino at buhay naman siya.

"Let's ask Dad if you can order spam and egg?" Kumindat siya kay Gunner kahit naririnig naman iyon ni Orion, in the end, hinayaan sila nito. They enjoyed their breakfast meal while Orion ate sandwich. Nang mabusog ay nagpaalam si Gunner na papanoorin ang baby sharks at nangakong hindi lalayo. Hindi niya rin naman iniaalis ang tingin niya rito.

"Masyado kang awkward sa anak mo, hindi ba kayo close?" She does not intend to be nosy pero ayaw niyang kinukulang sa aruga ang kanyang pamangkin. Kumaway siya kay Gunner na tinatapik tapik ang aquarium.

"I am trying." Nagpamulsa si Orion. "It's been six years and I still don't know how to be a Dad." Orion sounded embarrassed. Pinagkrus ni Hezekiah ang kanyang braso sa didbib at nginitian si Orion.

"You don't need to be a parent, he's still young, you can start by being friends." Tinapik niya sa balikat si Orion, "Kaya mo yan."

Slowly, Orion made a step. Ilang sandali pa ay bitbit nya na si Gunner sa balikat. They were talking like friends and playing like friends. Naghahabulan sila sa open area, she joined them. Malapit nang lumubog ang araw nang mapagdesisyunan na nilang lumabas ng park.

Hindi pa rin matapos si Gunner sa pagkukwento as if wala sila roon. "We should go back! I'll miss the Mommy shark!"

"Which part is your favorite?" Orion asked his son.

"The part when you carried me to your shoulder, Daddy." Buong galak na sagot nito. Orion's eyes turned sad, but he tried to smile.

"I'll try to carry you more often, little bud." He assured.

"Yay!" Itinaas pa ni Gunner ang dalawang kamay sa tuwa.

Napansin ni Hezekiah na patungo sila sa direksyon ng tahanan nila Orion, "Magtataxi na lang ako mula rito." Hezekiah volunteered.

"No, I'll bring you home. Ibababa ko lang si Gunner."

Nang huminto sila sa tapat ng bahay ay naroon si Tanya, naghihintay.  Hindi alam ni Hezekiah kung saan siya magkukubli dahil huli na. Ibinaba ni Orion ang bintana sa kanyang tabi. Halatang nagulat si Tanya nang makita siya pero pilit pa rin itong ngumiti.

"Ia, it is you again. Kasama ka nila?" Tanya asked. Tumango lamang siya.

"Auntie, let's go inside!" Binuksan ni Gunner ang pinto sa kanyang tabi kaya wala siyang choice kung hindi ang bumaba. 

Hindi niya alam ang ikikilos nang naglakad siya papasok sa tahanan nina Orion at Tanya. Hawak siya sa kamay ni Gunner at pinipilit pa na sabayan sila sa dinner.

"Please, Auntie..."

''I am okay, Gunner. I can't stay long."

"Pagbigyan mo na." Sinulyapan siya ni Tanya at nagpatiuna na ito kasabay si Orion. Actually, meron naman siyang choice na huwag makita ang ayaw niyang makita, Tanya's eyes looks tired and sad, so she did not insist in refusing. Pumasok na rin lang siya sa loob ng tahanan ng mga ito.

The house looks formal, parang walang bakas ng bata na nakatira. Umakyat si Gunner para magshower, sinamahan ito ng Yaya at ni Orion. Naiwan silang dalawa ni Tanya sa kusina. Tanya is preparing the table for dinner, wala silang maraming kasambahay na gumagawa non at mukhang personal na pagsisilbi ang ginagawa nito para sa mag-ama.

"Kumusta ka?" Tanong ni Tanya na habang nakatingin sa loob ng rice cooker at nagsasandok ng kanin.

"I've been great. Ikaw ang nagluto ng lahat ng 'yan?" Tukoy niya sa mga nakahilerang bowl na merong mga pagkain.

"Yes, I learned how to cook while I was pregnant. Nagbago ang direksyon ko because my Dad chose to despise me for getting pregnant without finishing college yet. Natapos ko naman kalaunan, pero for formality na lang. Hindi ko rin nagamit dahil andyan na si Gunner."

"At least you learned how to cook." She smiled.

"It is no use kung ang ipinaghahanda mo, sa iba gustong kumain." Tumigil si Tanya sa kanyang harapan bitbit ang mainit na kanin, umakyat ang usok sa kanilang pagitan. They are of the same height. Hindi niya alam kung napapansin nito ang pagkakahawig nila pero walang emosyon ang mga mata nito sa kanya 'di gaya nang dati. "If you know what I mean."

"Tanya.." She whispered, but Tanya continued..

"Iba noon, iba ngayon. Hindi ko inaasahang dumating si Gunner, but when he did, he's my only priority. Hindi siya lalaki na walang ama."

Tumayo siya ng tuwid, "Then pigilin mo siyang magtungo sa kandungan ng iba." Tumingala siya sa direksyon ng pinuntahan ni Orion. Tumuwid si Tanya at sinalubong ang kanyang tingin.

"He gave me his word, Hezekiah. And he's always been true to that. I would like to believe that you're pussy is no exception until I saw you getting the attention of my son, ibang usapan na iyon. Don't get too close with my son. Huwag kang maging kumportable sa mag-ama ko." May diin sa bawat salita ni Tanya at kitang kita niya ang apoy sa mga mata nito. Like a tigress ready to call a fight for her cub.

"I have no intention, Tanya." Kalmado siya kahit parang nag-aapoy na sa galit ang kapatid niya.

"You can replace me on bed, but not as a wife, not as Gunner's mother. Tandaan mo iyan."

"I shall go." Tumalikod na siya bago pa lumaki ang kanilang diskusyon.

"Sit down. I don't like my son getting disappointed. He invited you."

Napaupo siya sa talim ng tingin ni Tanya. Ramdam niya ang pagkaipit sa pagitan ni Tanya at Fausto. She wants to understand Tanya who's just protecting her family and Fausto on the other hand, alam nitong hindi ito papakinggan ni Tanya na hindi ibenta ang kumpanya kapag nawala ito dahil itinakwil pala nito ang kanyang kapatid. What a twisted father!

Nangangati ang kamay niyang magpadala ng mensahe kay Fausto para magreklamo pero dumating naman na ang mag-ama kaya parang na-trap siyang lalo.

Maaawa ka kay Tanya or sa sarili mong pangarap? Her mind teased. 

Naawa siya kay Tanya na todo ang asikaso kay Gunner. Tila ibinibigay nga nito ang buong mundo kay Gunner. Pinagsisilbihan din nito si Orion na siya namang nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato. Halos umikot ang mga mata niya sa pangyayari.

Nang matapos ang dinner ay nagyaya si Gunner na maglaro ng computer game sa silid nito, akmang tatanggi si Orion pero nagsalita kaagad siya.

"Hindi pa naman ako uuwi, magkukwentuhan muna kami ni Tanya." She lied. Pumayag naman si Orion at sinamahan si Gunner sa silid nito. Nang makaakyat na ang mag-ama ay kinuha na niya ang kanyang bag.

"I used to like you, Ia, don't make me think twice." Wika ni Tanya. Matapang niya rin itong hinarap.

"Hindi pa rin nagbabago si Orion simula noon. Is this the kind of household you want Gunner to see?" Tanong niya.

"Orion is busy, Gunner knows that. I grew up with an absentee father, too."

"At ayos lang sa iyo 'yon?"

"Kaysa lumaki nang walang ama." May diin na sambit nito. That struck her. Wala rin siyang ama.

Tumango lamang siya at nagmamadaling umalis, hindi na siya pinigilan ni Tanya. She felt sad and confused. Gusto niyang kaibigan si Tanya noon. Now she thinks she's taking something away from her.

Nang makauwi siya ay nag-videocall siya kay Fausto. Naabutan niya pang humihigop ng soup habang may nagsasalitang Koreano sa background.

"Yes, Miss Cruz?" Sinulyapan lang siya nito. Nakita niyang nagmamadali nitong hinanap ang remote at pinatay ang TV.

"I met Tanya." Hindi na siya nagpaligoy-ligoy.

"Hmm?"

"Itinakwil mo siya nung nabuntis siya?" Pang-uusig niya kay Fausto. Napaawang ang labi ng ama.

"Bakit hindi? Yung anak ko ngang hindi ko pinalaki, masipag mag-aral." Pagdadahilan pa nito na parang bata.

"Tsk, she's suffering."

"Yet still stubborn."

"Hindi ko yata magagawa ang ipinapagawa niyo."

Nanlaki ang butas ng ilong ng ama, "Why not? You agreed. We have to make this as quiet as possible. If I am still alive, they can still petition my shares unless you prove you are worthy of the shares, maaari nilang ilaban ang paglilipat ko sa iyo ng majority of shares, they will say I am incapacitated because I am on my death bed."

Malungkot niyang tiningnan ang ama, alam niyang alam nito na may isa pang paraan pero ayaw nitong gawin. Unless he will declare her as his daughter, people will always question his decisions, kagaya na lang ng pagiging COO niya.

"Fine." Sambit ni Fausto matapos ang mahabang katahimikan, kumalma na ang boses nito. ''I know that it is not right to pressure you. Hayaan na lang natin na ibenta ni de Salcedo ang kumpanya."

"Sir.."

Kumislap ang mata ni Fausto, "Maybe I am just being sentimental because I am dying." Mapait itong ngumiti. "Don't worry, Miss Cruz, you will also be taken cared of when I die." Pagkasabi 'non ay bigla na lang nitong ibinaba ang tawag. 

Ginulo niya ang kanyang buhok. Hindi niya alam kung ang Tatay o ang kapatid ba niya ang kakaawan niya gayong hindi naman siya nito kinikilala. The only thing she has on stake is the company. Hindi naman siya ganid pero eto na iyon, malapit na sa kanya ang gusto niya.

She remembers her life in UK, isang linggo pa lang siya rito ay nagmukhang limang taon sa kanyang pakiramdam. Imagine, nakita niyang muli si Gardo, naging COO siya, stockholder, taga-pagmana, malayang nakakausap ang ama, nakipag-s*x with ex, all in just one week. Napakamot siya ng ulo at napatingin sa urn ng kanyang ina at kapatid, natutuksong kausapin ang mga iyon para humingi ng gabay.

"Hindi pantay ang batas ng mahirap at mayaman, kaya kailangan, wais ka, Hezekiah! Gamitin mo yang kukote mo at huwag mong isusuko ang nakalaan sa iyo!" Tila narinig niya pa ang isa sa huling bilin sa kanya ni Daisy.

Tinitigan niya ang cellphone, may isa pa siyang naiisip na paraan at alam niyang malaki ang tsansa na ikapanalo niya iyon. Binuksan niya ang camera para magvideo record pero nakita niyang mukhang mas matinding acting ang kailangan niya.

She cannot lose the company. Mas nanindigan siya. That's for her. That's the summation of her dreams in arms length!

Kumuha siya ng limang sibuyas at sinimulang balatan iyon ng pinong-pino. Sinipon siya agad at naluha. Kinuha niya muli ang cellphone at pinalungkot ang mukha. Nagpractice pa siya ng iba't ibang emote bago pinindot ang record. Pulang-pula ang mata at ilong niya.

"Hey, Domini, I know you are waiting for my messages kasi ina-unblock mo naman ako agad, I miss you. I wish you are here." Suminghot siya at mas pinalungkot ang tinig, "ang dami agad nangyari at alam kong pinaninindigan ko na lang 'to kahit pwede ko namang takasan ulit. Yes, your poor friend is in trouble and needs help pero tinanggap ko na. Tanggap ko na tinalikuran mo na ako. Bye."

She saw her video message was seen, and she was waiting for the blocking after but it did not happen.

"What do you want?" he replied.

♁☆♁☆♁☆♁☆

Social media accounts, hope you'll like my posts to help me with my campaigns:

Instagram & Twitter: Wandermaki

Facebook Page: Makiwander

Facebook Account (Public): Mari Kris Ogang

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top