Kabanata 10
SPG.
HI!
---
"Ia, pupwede kayang sa susunod na semestre ay hindi ka muna pumasok? Nag-text kasi si Ate Nilda, ang sabi sa akin ay naghahanap siya ng titingin sa babuyan niya sa Tagum. Naisip ko ay dumoon muna tayo." Nag-angat ng ulo si Hezekiah mula sa binabasang libro na nakapatong sa maliit na lamesita.
"Ayoko, 'Nay. Ayokong huminto. Imbes na mapabilis ang pagtatapos ko, mas tatagal pa. At saka may trabaho naman tayo rito.."
Napangiwi si Daisy sa hindi niya pag-sang ayon. Gusto niyang mabilis makatapos. She wants to achieve her dreams faster if she can. Sa panahong iyon ay hindi na niya haharapin ang ama na luhaan at kaawa-awa. He will be proud of her at pagsisisihan nitong hindi siya kilalanin na anak.
"A-ang kaso kasi—"
"Ayoko rin 'Nay. Mamimiss ko ang mga kaklase ko ko." Singit naman ng batang si Natoy.
"Nakita mo na, 'Nay? Too late na para magbagong buhay tayo kasi sobrang busy naming mga anak mo. Hayaan niyo at kapag nakapasok ako sa trabaho, pinakauna kong babaguhin ang buhay nating tatlo."
Tipid na ngumiti si Daisy, bakas ang pag-alala sa mga mata. Alam ni Hezekiah na kapakanan niya ang iniisip ng ina. Alam niya rin na bukod sa kapakanan niya, ang pinakamahalaga pa rin ay ang kanyang mga pangarap. She can endure everything for her dreams, she perfected her plan over the years. Mangyayari ang lahat ng mga iniisip niya.
"S-sige, ang sakin lang naman, kapag naging mapanganib ang lugar na ito, aalis ka at wala kang babalikan na kahit ano sa bahay na ito. Alam mo kung kanino ka tatakbo."
"Whoah. Iba yata ngayon ang tono mo, Nay ha? Hindi ba't nagalit ka nang lumapit ako sa Tatay ko?"
"Walang ibang makakatulong sa iyo kundi ang Tatay mo." Patuloy pa ng ina, hindi alinlangan ang pang-aasar niya rito. Tumango siya kahit na sinabi niya naman sa ama na huli na ang kanyang pag-aaral sa hihingiin niya rito at wala siyang balak na kalimutan iyon.
---
Lunes. Kadalasan ay Business Statistics class nila iyon at nasa isip ni Hezekiah ang babayarang group project sa araw na iyon. Kulang pa ang kanyang pera kaya naman wala siya sa sariling nakarating sa loob ng classroom para lang magdalawang tingin sa room number na nakasulat sa labas ng pinto.
Room 201, tama naman.
Nagtataka si Hezekiah nang pumasok siya sa classroom. Wala ang kanyang mga kaklase at kaibigan kahit pa sinabi na ng mga ito na kanina pa naroon. Lumapit siya sa bintana para tanawin ang mga kaklase, nang walang makita ay kinuha niya ang cellphone para tawagan si Becca. Nakagat niya ang daliri niya nang hindi ito sumasagot.
Natigilan siya sa tunog ng gitara sa may pintuan, pinaglalaruan na yata siya ng isip niya na napakaraming laman.
"Ia, this song is for you."
Napanganga siya nang makita roon si Orion na may dalang gitara at tumitipa 'non.
Can I call you baby? Can you be my friend?
Can you be my lover up until the very end?
Let me show you love, oh, I don't pretend
Stick by my side even when the world is givin' in, yeah
Oh, oh, oh, don't
Don't you worry
I'll be there, whenever you want me
"A-ano 'to?"
Nakita niya ang kanyang mga kaibigan na nasa likod ni Orion at may dalang Teddy bear, bulaklak, at chocolates. Ngiting-ngiti ang mga ito at kanya kanyang kuha ng eksena sa kanilang cellphone. Ilang sandali pa ay nanonood na rin ang kanyang mga kaklase. Ang ilan ay gusto lang yatang marinig si Orion na kumanta.
I need somebody who can love me at my worst
No, I'm not perfect, but I hope you see my worth
'Cause it's only you, nobody new, I put you first
And for you, girl, I swear I'll do the worst
Lumapit siya kay Orion at niyakap ito. Nahihiya niyang itinago ang mukha sa dibdib ng nobyo.
"Hay.. I wish he'll be on his knees at this point." Kendall dreamily said, siniko naman iyon ni Becca para patigilin.
"You liked it?"
"Yung boses mo? Hindi masyado." Biro niya kahit ang totoo ay maganda ang pagkakakanta nito.
Iniabot sa kanya ni Becca ang Teddy bear na mas malaki pa sa kanya. Inisip niya agad kung paano maiuuwi iyon. "Salamat." She whispered.
Ngayon niya lang naramdaman ang ganong pagpapahalaga mula sa isang tao na malayo ang agwat sa kanya. Siguro ay posible naman ang iniisip niya noon, pupwede niyang maabot ang mga taong matatayog kumpara sa kanya- pwera ang isa. Pwera ang gustong gusto niya.
Buong klase lang tiningnan ni Hezekiah ang malaking teddy bear na naroon sa corner ng classroom nila. Dati ay gusto niyang magpabili ng ganoon sa Nanay niya pero lagi lang siyang binabatukan ni Daisy. Para sa mayayamang bata lang daw iyon. Mas lalo tuloy lumakas ang paniniwala niyang walang imposibleng makuha. Iba't ibang panahon nga lang ang mga ito.
Kagaya nang sa Nanay niya, kahit huli na, alam niyang kayang-kaya niyang iahon ito sa hirap at si Natoy naman ay hindi mararanasan ang ginagawa niyang paghihirap sa Kolehiyo.
"This time, hindi ako papayag na hindi ka ihatid." Sa labas pa lang ng classroom ay sinalubong na siya ni Orion matapos ang kanilang klase.
"Oo, pero hanggang gate lang ng subdivision, ha?"
"Hanggang gate ng bahay niyo, Ia. Ang bigat niyan." Tiningnan ni Orion ang hawak niyang three dozen roses at malaking teddy bear, kasama pa ang napakalaking box ng chocolate.
"P-pero—"
"No buts, Ia, c'mon. Mukha bang hindi ako papasa sa standards ng parents mo?"
"I know, pero ikakasal ka sa iba pagdating ng araw."
"E hindi ko naman hihingiin ang kamay mo sa kanila so chill." Malawak ang ngiti ni Orion, hindi yata napapansin na parang mag-e-LBM na siya. Humawak siya sa kwelyo ng nobyo at umiling.
"Ayoko, Orion. K-kung nag-aalala ka, hindi ko muna iuuwi itong mga ibinigay mo."
"What?"
"I-ikaw naman kasi, bakit sobrang laki ng mga ibinigay mo, mahihirapan tuloy--" Hindi naituloy ni Hezekiah ang sasabihin. She sounded ungrateful.
"So dapat hindi na lang kita binigyan? I thought you liked it? May itinatago ka ba sa akin?"
Pinanlamigan si Hezekiah sa mga tanong ng nobyo. Mabilis ang kanyang pag-iling. Napakamot siya sa batok at saka tumango.
"S-sige, pumapayag na ako."
Tahimik si Orion habang naglalakad sila patungo sa parking lot, bakas ang tampo nito dahil sa sinabi niya. Pakiramdam tuloy niya ay naglalakad siya patungo sa kanyang death sentence. Hindi pa rin siya tapos sa pag-iisip ng excuse. Sumakit bigla ang tyan para sa ospital siya dalhin? Pero hindi naman siya nito iiwan hangga't di siya gumagaling. Wala pa siyang pambayad ng bill.
Nauubusan na siya ng pupwedeng ipalusot hanggang sa buksan nito ang passenger seat at nagmamadali siyang umupo. Sa kanyang taranta ay bumuhos ang laman ng kanyang bag sa may driver seat, nagmamadali niyang pinulot iyon at napakagat labi nang makita ni Orion ang kanyang contraceptive pills. It obviously is, merong stickers ng araw at kalahati na lang ang mga iyon.
"You are taking these?" Itinaas ni Orion sa kanyang harap ang contraceptives. Tumango siya. Muli, hindi umimik si Orion.
Hanggang sa byahe ay hindi siya nito pinapansin. Oh boys and their coldness. Hininaan pa tuloy niya ang aircon dahil sa panlalamig nito na nanunuot hanggang boto.
Lalo siyang hindi makahinga nang dumating sila sa kunyaring tinitirhan niya. Sumilip ang guwardya ng pribadong subdivision sa sasakyan ni Orion nang huminto sila sa barikada ng subdivision.
"Sino po sila?" Tanong ng guwardiya. Mabilis ang takbo ng puso niya. Ito na, malapit na talaga siyang mabuko. Kung pwede lang talaga siyang kainin ng lupa!
"Cruz Residence." Tipid na sagod ni Orion.
"Anong Lot number, Sir? Visitor?" Sumunod na tanong ng guwardiya habang nakatuon ito sa listahan ng mga residente.
"Orion, hindi nila kilala ang sasakyan mo. Malamang ay hindi ka papasukin."
"Yes, pero taga-dito ka hindi ba? Then ask them to call your house at papasukin tayo." Halatang nagtitimpi ng inis ito.
"Hindi ko pupwedeng sabihin na may naghatid sa akin. M-magagalit a-ang—"
"Then tell them that your cab is coming in. Huwag mo sabihing hindi ka ibinababa ng taxi sa tapat ng bahay niyo?"
"D-dito na lang ako bababa."
"Ia.."
Inalis ni Hezekiah ang suot na seatbelts at binuksan ang pinto. Hindi siya napigilan ni Orion sa bilis ng kanyang kilos. Nagtataka siyang tiningnan ng guwardiya na pasimpleng sinesenyasan niya na sumang-ayon na lang.
"Bago ka rito, Manong?" Pinanlakihan niya ng mata ang guwardiya habang nakatalikod siya kay Orion.
"Ten years—"
"Hindi mo siguro ako namumukhaan, ako yung laging nag-jojogging. Taga-Lot 9 lang ako." Mas pinanlakihan niya ng mata ang guwardiya na sumimangot lamang sa kanya.
"Simula 100 ang number ng lote rito." Striktong sagot ng guwardiya. Bumisina si Orion, halatang naiinip na.
"Kuya, please ngayon lang. Kunyari dito ako nakatira. Please.." Bulong niya habang mariing nakapikit.
Napailing ang guwardiya pero mukhang nauunawaan naman ang sinasabi niya.
"Sige Ma'am, pumasok ka na." Malakas na sambit nito. "Si Sir hindi pwede, wala siyang sticker. Pasensya na, Sir."
Natigilan si Orion sandali pero bumaba ito para iabot ang kanyang regalo sa kanya.
"H-huwag kang mag-alala, malapit naman na ang bahay ko rito, mga dalawampung hakbang."
Tumango si Orion at hinalikan siya sa pisngi. Hinintay niya pang makaalis ang sasakyan nito bago siya huminga ng maluwag at nagpasalamat sa guwardiya.
"Salamat talaga, Kuya, niligtas mo ako."
"Kaka-social media niyo yan. Nabubuhay kayo sa kasinungalingan. Mga kabataan nga naman!" Dismayadong napakamot ng ulo ang guwardiya. Hindi napigilan ni Hezekiah ang mapadila habang naglalakad papaalis sa subdivision gate na napakarami ang bitbit.
Papalubog na ang araw kaya dumiretso na rin si Hezekiah sa club.
"Aba, kakatapos lang ng Valentines, ah!" Pinagkaguluhan ng mga hostess ang dala niyang bulaklak. Bakas ang inggit sa mga mata nito.
"May matandang foreigner kaya ang ganito ka-romantiko?" Tanong ni Abby na tila nangangarap.
"Bakit naman matanda?" Nakangiting tanong ni Hezekiah habang naglalagay ng make-up sa mukha.
"Siyempre, ganoon lang naman ang mga available roon sa Greenbelt. Mga retiradong pensyonado na sampung beses nang diborsyado." Singit naman ni Carmina sabay halakhak.
"Ewan ko ba naman sa iyo, Carmina. Alam mo namang doon din ang bagsak mo pero nagtityaga pa rin tayo dito sa club. E mga taga rito rin lang ang customer natin." Lumabi si Joanne.
"Alam mo yung comfort zone, Jo? Ito yun? Saka kung wala tayo rito e di baka itong si Mamu Daisy at Hezekiah na lang ang panoorin dito. Aguy!" Muling naghalakhakan ang mga hostess.
Napangiti lang si Hezekiah. Parang tahanan niya na rin ang club at kahit iba ang pangarap niya sa mga babaeng kasama, nagkakaintindihan naman sila. Sumusweldo siya sa pagsasayaw samantalang ang mga kagaya nina Carmina, nagpapa-take home para kumita ng extra na isang libo kada gabi. Hindi siya nainggit sa mga ito at pinapayuhan din naman siya na wag pasukin ang ganon maliban na lang kung talagang mayamang-mayaman at aalukin siya ng sampung libo. Mag-isip isip raw siya kung ganoon.
Halos tatlong oras ang hinintay niya bago ang kanyang set sa dancefloor. Inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng lessons niya kaya hindi rin niya namalayan ang pagtakbo ng oras.
"Ikaw na, 'nak." Sumilip si Daisy sa tabing na kurtina.
Lumabas siya suot ang bikini na kulay pula at nagsimulang umindayog sa malamyos na ilaw. Pare-parehas naman halos ang parokyano ng club at ngayong gabi ay hindi puno ito dahil Lunes pa lang. Ang grupo nina Mang Danding na tatlong bote ang uubusin bago umuwi at matulog sa kani-kanilang bahay. Sina Elmer at ilang kasamahan na mula sa construction site ay dito na rin maghahapunan. Nakatayo sa madilim na sulok ang mga bouncer na si Saltik at Popoy, palakad lakad naman si Chief Greg na minsan ay nakikipagkwentuhan sa kanyang ina.
Pagkatapos ng bawat set ay may limang taong papalakpak. Papatapos na ang huling sayaw niya nang may maaninag mula sa madilim na mga lamesa ang pamilyar na bulto na makikilala niya kahit saan. Napahinto siya nang tamaan ng pulang ilaw ang puwestong inaaninag niya. Malamig ang tingin sa kanya ng lalaki habang hawak ang bote ng beer at mag-isa ito sa lamesa.
"O-orion.." Bulong niya, nagmamadali siyang bumaba sa stage kahit hindi pa tapos ang tugtog. Narinig niya pa ang pagtawag sa kanyang pangalan ng ina pero hindi niya iyon pinansin. Nagtungo siya sa puwesto ng nobyo na hindi man lang siya tinapunan ng tingin at panay lang ang lagok ng beer sa bote.
"Bakit hindi mo tinapos ang sayaw mo?" Malamig na tanong nito.
"M-magpapaliwanag ako." Nabasag ang kanyang boses.
"Ah, you mean, magsisinungaling ka?" A tone of mockery was so evident in his voice. Pilit niyang hinila ang braso nito kahit na nagpapabigat ito hanggang sa makarating sila sa labas. Dinala niya ito sa puwestong walang makakakita sa kanila.
"Hey, you are kicking me out. Customer ako!" Amoy na amoy ang alak sa hininga ng nobyo.
"Hindi ka dapat nandito, delikado ang lugar na ito sa mga kagaya mo kapag lumalalim na ang gabi. Pugad ito ng snatcher--"
"Alam na alam mo, ah." May panunuya ito sa mga mata.
"Okay.." Huminga ng malalim si Hezekiah at pinaypayan ang sarili. "Dito sa lugar na ito ako lumaki. Dito kami kumukuha ng pangkain ng pamilya ko."
Ngumisi si Orion hanggang sa magpakawala ng mahinang tawa na naiiling. "Then why the fck you've been lying to me? You threw a book on me when I kissed you. Yun pala, iyon naman pala ang trabaho mo. You could have send me the bill after."
Umigkas kanyang palad pero mabilis iyong nasalo ni Orion. "How are you computing our sex?" Diretsong tanong nito habang hawak siya sa pulso. "Is that something I'll get an invoice at the end of the month parang bill ng kuryente?" Patuloy nito.
"Or baka naman you want more than that kaya pinaninindigan mo ang pagiging fake?" Pilit na kumawala ang palad niya. Gusto niyang pagbuhusan ng galit si Orion dahil sa mga panghuhusga nito pero napakahigpit ng hawak sa kanya.
"Magkano ang isang gabi? Ten thousand is too much on this kind of place. Sino ba ang kasalisihan ko? Mga tambay? Mga kumakalam ang sikmura na squatter---"
Kaliwang kamay ang pinadapo ni Hezekiah sa pisngi ni Orion. Hindi iyon kasinglakas ng gusto niya pero pupwede na.
"You know that you could be expelled, right?" Balik sa kanya ng binata.
Nag-init ang mga mata niya nang marinig iyon. Hindi niya iyon gusto. Kaya nga siya pilit na nagtatago ng pagkatao dahil ayaw niyang ma-expel. Gusto niyang makapagtapos sa eskwelahang iyon. It could have been easier before pero para siyang gamu-gamo na pilit na lumapit sa apoy dahil maliwanag iyon.
"I took pictures and I could—"
"Limang libo!" Mabilis na sambit niya, "Limang libo kada gabi. U-unli pops. W-without condom. K-kasama na b-blowj*b. Kahit ilan."
Orion's eyes was full of distaste. Umangat ang kamay nito at pinaglandas sa kanyang dibdib na natatakpan ng kapirasong tela ng pulang two-piece. He pinched her nipple and she gasped. Kahit na sa ganoong pagkakataon ay tinatablan pa rin siya ng init sa binata.
"Tuwad." Mariing utos nito.
"H-huh?" Nagpalinga-linga siya sa paligid, nasa gilid sila ng club, madilim at walang napapadako roon pero mabato ang kanilang inaapakan, ang tanging makakapitan ay ang malaking drum ng tubig roon o ang chicken wire na nagsisilbing bakod sa pagitan ng estero at club.
"I'll take you from here. Tuwad." Utos nito. Napakagat labi siya. Nag-alinlangan. Itinulak ni Orion ang kanyang katawan pasandal sa malamig na wire fence nang hindi siya kumilos at iniangat ang isa niyang hita. He kissed her ruggedly that she tasted metal on her tongue. Magaspang na hinaplos ni Orion ang pagitan ng kanyang mga hita, nanlalambot ang kanyang tuhod pero hindi niya maitanggi ang pagkaliyo sa ginagawa sa kanya ng nobyong galit sa kanya.
She felt his fingers pushed inside her. Malakas siyang napasinghap. She couldn't believe that she will do the deed in a less appealing place, cold, and under the stars. Kaya lang ay tila isa iyong setting ng mas matinding pagnanasa. The thought of getting caught and the excitement of a quickee.
Orion was rubbing his maleness against her stomach while finger fcking her. Napakapit ang dalawa niyang kamay sa chicken wire na sinasadandalan kaya nagkaroon si Orion ng pagkakataon na ibaba ang mukha patungo sa kanyang dibdib at isubo ang kanyang nipple. Kinagat nito ang kanyang leeg nang marahan at ramdam niya ang pag-agos ng kanyang pagkahumaling sa kanyang pagkababae.
"You want me.." Hindi iyon tanong kundi isang katiyakan.
"O-orion..." Her lips parted and her eyes couldn't take off his god-like features. His thick brows were in arch and his lips were red from lip biting. His broodingdark eyes enjoys seeing her turned on, and making small noises.
She felt numbness and tightness on her lady-part in a few, she bit her lips hardly when she reached orgasm, a small squeaking voice went out of her lips. Pabagsak din ang katawan ni Orion sa kanyang katawan at nagpakawala ito ng malakas na buntong-hinga, hingal din ito sa ginawang pagpapadama ng kanyang katigasan sa kanya. Hezekiah reached for his zipper when she noticed that his pants were wet. Orion snapped her hand away, kaya naman tumalsik din ang palad niya.
"Don't touch me." Mariing baling nito.
Nakakaintindi siyang tumango.
"We are not done yet. See you in the campus." Mapanganib nitong wika at saka siya iniwanan.
♁☆♁☆♁☆♁☆
How to thank me for writing free stories:
1 VOTE AND COMMENT
2.Please follow the following accounts:
WATTPAD: @Makiwander
Facebook Page: Makiwander
Facebook Account (Public): Mari Kris Ogang
Facebook Group: WANDERLANDIA
Instagram / Twitter: Wandermaki
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Youtube: Maki De Luna
3. Don't hate, spread love! Silently leave the story if it is not for you. Your opinion matters but this is free stuff, huwag mag-amok :)
4. Buy my published book if you can afford it :)
Frat boys series 2 & 3 are in xxakanexx and Race Darwin's wattpad account, respectively.
Thanks for supporting!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top