⩥ Now playing



"This song is for the woman who made me the man I am today." Dalawang maliit na biloy sa gilid ng labing nasa mikropono ang sumalida pagkangiti niya. Ang tingin ay nakadirekta sa kinauupuan ko, sa bandang gilid ng resto bar.

Bahagya kong itinaas ang sariling bote ng beer, nang umalingawngaw ang mahihinang hiyawan mula sa bawat okupadong table. Humalumbaba ako matapos at pinagmasdan siyang tumugtog ng guitara habang kumakanta.


"Yes, Lyron?"

"I nominate Antra as the class muse."

Sa namimilog na mata ay dali-dali akong napalingon sa likuran ng classroom. Naabutan ko ang pagbaba niya ng braso. Isang ngiti at bumalandra ang dimples niya nang magtama at pumako ang linya ng mga mata namin.

Hindi ko alam kung para saan ang init na namuo sa pisngi ko, hanggang sa tinanong ko siya pagkatapos ng dismissal.

"Bakit kita ni-nominate?" Kumamot siya sa dulo ng kilay, may ngiting pilit sinusupil sa labi. "Si Han Solo kasi 'yung escort. Naisip ko, kailangan niya si Chewie para deadly combo."

Huh?

Huli na ang lahat bago ko pa man ma-gets at maiparating sa kaniya ang bwisit ko. Dahil mabilis pa sa alas tres ay nakatakas na ang ungas.

Gigil ko siyang dinuro mula sa second-floor corridor ng building. Mukha ba 'kong Wookie?! "Siraulo ka, Ly! Bumalik ka rito!"

Tumatawa niyang pinalipad ang isang braso sa ere bago muling tumakbo.


"Hey."

Pagkabalik niya mula sa stage ay sinuklian ko ang ngiti niya. Damn. Those. Dimples.

"Naka isang kanta lang ako, ba't parang lasing ka na?"

Imbes na sumagot ay tumitig lang ako sa kaniya. Looking straight into his eyes like I'm trying to find something, a subtle ache punches in my chest.

"Ano?" He smiles more. "Sasagutin mo na ba ako?"


"Tinatanong ako nina Pat kung may girlfriend na raw ba 'ko."

Damang-dama ko pa ang pagkanta nang matigilan ako, dahil sa bigla niyang pagpatay ng string ng guitara. Nilingon ko siya sa tabi. "O, anong sinabi mo?"

Kapwa kami nakaupo sa mataas na bahagi ng concrete pavement, sa gilid ng daan sa parke. Ang pagkaskas ng mga gulong nang maya't mayang nagdaraang skateboard ay rinig sa katahimikan ng gabi.

"Edi wala. Pero nililigawan sabi ko, meron."

"Huh? Sino? Meron ba? Kilala ko?"

Pagkayuko ay napasapo siya ng ulo at napasuklay ng buhok. Kalaunan ay nag-umpisa muling tumipa at kumanta, parang natatawa.

Bahagya akong sumimangot nang matantong wala siyang balak sagutin ang tanong ko. Sinabayan ko na lang ulit ang pagkanta niya.

Ngunit sabay nang sandaling puwang ng lyrics ay bigla niyang sinabing, "Ikaw, Antra. Nililigawan kita."

Namimilog ang mga mata, hindi na ako nakasabay sa pagkanta niya ng chorus.


"Antra?"

Status: Lyron is engaged to Chinee.

"Lychee." Kumawala ang mahina at puno nang pait kong tawa.

"Huh?"

Umiling ako at sinubukan siyang iwakli sa isip. "Alis na tayo, Bry. Lasing na yata 'ko." Kinuha ko ang bag sa table. "Tara?"

Sandali pang nagtagal ang tingin sa akin ni Bryan bago kalaunan ay unti-unting tumango.

Tulala ako sa bintana ng sasakyan, sa nasasalit na liwanag ng bawat poste ng ilaw sa kalsada. Mula sa hawak na phone ay wala sa sarili akong nag-browse.

I tap on Ly's profile icon, opening his IG stories: Blizzards. Night stroll. Guitara. Dalawang taong kumakanta at nagtatawanan. Skateboards. Park.

"Antra, hey. Is something wrong?"

"No." I can hear the loud banging of my heart through my ears. Ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat ko'y may dalang kakaibang init. Noon ko lang din natantong nanginginig ang kamay ko dahil sa higpit ng hawak ko sa phone. "I'm good."

How dare he bring his new girl at our spot? Singing made-up lyrics of songs from our favourite band? And what, midnight stroll and ice cream? How original of you, Ly! Are you doing this on purpose? Kailan ka pa naging concern sa environment para maging recycler?


"Ly. Isang taon na after graduation. Ang sabi ko sa 'yo maghanap ka muna ng stable job—"

"Tapos ano? Kakalimutan ko na 'yung pangarap ko? Magpapaalipin ako sa mga kumpanya na walang pakialam sa akin at kayang-kaya akong palitan? Antra, sinabi ko rin naman sa 'yo, 'di ba? Ayokong makulong sa mga trabahong hindi ko gusto!"

Pinagkrus ko ang magkabilang braso sa dibdib at tinapunan siya nang maiging tingin sa tabi. "What's your plan, then? Maghintay ng tawag para sa gig? Manalangin na sana may talent scout na makapansin sa banda n'yo? Sa mga sinusulat n'yong kanta?"

"Alam mo—'wag na nating pag-usapan, hindi mo rin naman ako maiintindihan." Dismayado siyang umiling. Pagkababa ng hawak na guitara sa kama ay tinalikuran niya ako at dire-diretsong lumabas ng kwarto niya.

Nagbubuntonghininga, sumunod ako agad. "I'm not telling you to quit your passion, okay? Sinasabi ko lang na dapat may fallback ka, dahil hindi stable na trabaho ang pagiging artist sa music industry. Just set it aside for a while and think about the bigger picture—in a realistic way."

Nakatalikod siya sa akin nang huminto sa paglakad. Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan ay sinabi niya ito sa mahinang tinig, "Hindi mo ako kayang suportahan, 'yun lang 'yon, Antra. 'Di ba?" Pumihit siya paharap, balisa ang ekspresyon. "You think I won't make it."

Sa unang pagkakataon, nagpalitan kami ng tingin, tila istranghero sa bawat isa.

"No, that's not my point. You're talented and hard-working, I know that, but—"

"I don't need your pity. Kaya kong tuparin ang mga pangarap ko. Balang araw, Antra. 'Wag kang mag-alala—I'll save you a front seat when it happens."


Cursing under my breath as the beer dribble downmy chin, because of a laughter I couldn't suppress. Holding an in-can beer anda phone on each hand, I'm sitting on the floor with my back on the side of thebed. The moon, together with the city lights from outside the glass walls of myapartment, illuminated the darkness.

I heard that an influencer noticed Ly's uploaded original songs from youtube and promoted it. That was two years ago. They're engaged now.

Pikit ang mga mata, muli na lang akong natawa sa sarili.

How sweet fate can be, huh?

Hinablot ko ang phone. Hindi ko na iyon halos mabasa nang i-dial ko ang number niya. I need to give him a piece of my mind!

"Hello?"

"Heeey! Long-time no speak! You're doing very well, I can see—oh! Congrats nga pala sa debut album mo!"

"Antra?"

"Hala? Kilala mo pa pala ako? Good to know!" Nilamon ng mga tawa ko ang boses niya mula sa kabilang linya. "Anyway, your fiancée—Chinee, was it?" I pause for another chuckle. "She's really pretty—parang medyo pamilyar nga. Oh, right! That's because she kinda looks like me—when we were, you know, in college... uy, ganda rin ng boses niya ah!"

"Have you been drinking?"

"Mukha ring mabait at pasensyosa. I bet she's taking good care of you—which is super nice! I mean, parang kahit anong gawin mo, kaya ka niyang patawarin, parang ano... hindi sanay magalit—dati ba siyang anghel?" I laugh at my own joke. "'Di ba ang layo sa ugali ko? I know! How can I compete to that? She's... that—she's the girl I can never be... Alam mo, bagay kayo—as in!"

"Antra..."

Sinapo ko ang nanginginig na labi at hindi agad nakasagot. Walang-awat ang pamumuo ng init sa sulok ng mga mata, tuluyang kumawala ang mga luha ko. My broken sobs cut through the silence.

"Ly... I gave you years of my life..." Hindi makahinga nang maayos, ang animong pamimilipit ng lalamunan ko'y sinasabayan nang paninikip ng dibdib. "I thought it was you... I thought we would make it... pero bakit... bakit parang ang dali lang para sa 'yong bitiwan tayo?"

I can't remember everything I said to him that night, when I wake up the next morning with a hangover—the worst kind. Parang mabibiyak sa dalawa ang ulo ko sa sobrang sakit niyon.

I decided to call in a sick day because I can't report to the office, looking and feeling like this.

Matapos inumin ang tubig at gamot na nasa side drawers ay pabalik na sana ako sa pagkakahiga, nang masulyapan ko ang isang lumang memory box. Nakabulatlat ang mga pamilyar na gamit namin doon... ni Ly.

Oh my, God? Nabaliw na naman ba 'ko kagabi?

Dali-dali akong umahon, pinulot at ibinalik ang laman niyon. Ngunit natigilan nang makita ang isang hindi pamilyar na portable cassette player. Luma na iyon, pati nang suksok at nakapalibot na wired earphone at cassette tape sa loob.

Sa'n galing 'to?

Out of curiosity, I plug in the earphone and press the play button. After a few seconds of silence, a guitar started strumming softly. Sa namimilog na mata ay nasapo ko ang labi pagkarinig sa sariling boses. Nag-init agad ang sulok ng mga mata ko nang sumabay si Ly sa pagkanta para sa chorus.

It was the first song we sang together. I didn't know he recorded it.

My breathing becomes strained as the second song he sang when I said yes to him plays next. Rinig sa background ang hiyawan ng mga block mates namin.

Hindi na makontrol ang walang-awat sa pagtulong mga luha, nagawa ko pang ngumiti.

The third song is just his voice singing our favourite song in our first anniversary. And the last one... is a familiar song—but I can't remember where I heard it.


Ikaw ang pahinga ko sa mabilis na pagsiklo ng mundo.

Pinunan ng liwanag mo ang panglaw nito.

Walang rason at naliligaw,

Hanggang sa binigyan mo nang patutunguhan.

Dahil sa 'yo ko lang natagpuan,

Ang pakiramdam nang makauwi sa tunay kongtahanan.


Tulala ako sa kawalan nang wala nang sinundan na kanta iyon. Mula sa akmang pag-alis ng earphone ay natigilan ako.

"Hey."

I freeze, holding my breath as I hear him speak.

"I wrote that last song for you. Gusto ko sanang kantahin 'yon sa 'yo sa fifth year anniv natin kaya lang... hindi ko pa tapos. But I promise you, the next time you'll hear it, it will be on my debut album!" He chuckles. "I love you, Antra."

Humahangos ako sa pag-iyak nang biglang matigilan at bahagyang mapatalon dahil sa taong nakita.

"What..."

"Uh... morning?"

Hawak nito ang isang brown bag at holder laman ang dalawang cup ng kape nang bahagyang ngumiwi. "You okay? Is your hangover that bad?"

Kanina pa ba siya nand'yan? "Bry, anong... ginagawa mo rito? Sandali, hindi ka pumasok sa trabaho?"

Bumuntonghininga siya at saka ibinaba ang mga hawak sa coffee table. "You kinda... drunk call me last night so... I came here to check on you."

Sa namimilog na mata, umurong ang luha ko. Siya ang tinawagan ko kagabi? "What?"

Slowly, he makes his way to sit on the couch. "Alright, I'll just say this once and for all." Huminga siya nang malalim. "Alam ko namang si Ly na talaga... simula pa no'ng high school tayo. Pero nagsanay pa rin akong tumugtog ng guitara noon dahil sa 'yo—simpleng papansin lang." Mahina siyang natawa. Sandig ang magkabilang braso sa mga hita, idinirekta niya sa akin ang malamlam na mga mata matapos. "I knew even then that I didn't stand a chance on you, to be honest. And after hearing all that last night, you're probably thinking how much of an idiot I am to be still here."

Tumitig ako sa kaniya, hindi mahanap ang sariling tinig.

With a strained voice, he asks, "Siya pa rin ba, Antra?"

Kumurap ako, hindi nagbibitiw ng tingin sa kaniya. Naiisip ko pa lang lahat ng sinabi ko sa phone para kay Ly kagabi, parang gusto ko nang masuka.

"No." I then confess, "I think I'm the idiot one here."

I remember it now. The fifth song on Ly's debut album, titled 'A', was the one he wrote for me for our supposed fifth year anniversary. We didn't make it, but at least that song did. For it was a proof that at some point in each other's lives, we had something real. And we both kept it close in our hearts, even though it wasn't meant to last.


Sa titig niya at ngiti,

Sa 'yo pa rin ako bumabalik.

Gumawa man nang bagong alaala sa mga luma nating gawi,

Kalakip pa rin ang dating tayo sa bawat pagpikit.

Tinapos ng hindi pagkakatugma ang saliw ng musika,

Ang noon ay naging dating hindi na maibabalik pa.

Ilang beses mang subuking pihitin ang panahon patungong umpisa,

Unti-unti nang natatanggap na hindi tayo ang nakalaan para sa isa't isa.

Dahil ngayong narito na siya, natanto ko na,

Pagpapalaya ang tamang paraan para mahalin ka.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top