Special Chapter
Happy 5k followers sa atin, Celestials!! AHHH I love you all so so so much!! Parang dati lang sobrang saya ko na sa 500 followers! ╥﹏╥ As my sign of gratitude, heto na po 'yung special chapter nila hehe. Labyu!! ( ˘ ³˘)❤
Dedicated to Ziah!!! I love you so much! (oa ko)
And to Marydhele na nagmessage kaagad sa akin for special chap. Sa wakas! Makakatulog ka na nang nakangiti! HAHAHA
***
Her
Namumula akong napatayo sa pagkakayuko. Rae giggled at that, I glared at my daughter. Tinuro niya ako! I straightened my back and crossed my arms over my chest because I forgot to wear anything underneath!
"Rae! Binalaan kitang huwag sumama sa kung sino-sino nalang!"
"Mama! Si Papa 'to!" Rason niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kaagad niyang ibinaon ang mukha sa leeg ng ama para makapagtago.
"Akin na ang anak ko." Malamig kong sabi kay Erikson, hindi siya magawang tingnan sa mata.
I still feel guilty about everything.
Pero galit din ako sa kaniya! Akala niya makakalimutan ko iyong sinabi niya sa akin noong araw na 'yon? Matalas ang memorya ko kahit pitong taon akong nagluluksa!
"Hi... I miss you."
Kumalabog ang puso ko kasabay ng pag-iinit ng mukha. Malakas na humirit si Rae sabay sapak sa ama. Natawa si Erikson sa iniasta ng anak.
"Ma! Hindi ka kinilig do'n?" Hindi ko alam kung saan ba nagmana ang ugali niya eh hindi naman ako ganyan!
"Rae! Halika na at umuwi na tayo!" Sabi ko para matabunan ang pamumula ng mukha.
"Dito lang ako!" Hinigpitan niya ang kapit kay Erikson kaya sinamaan ko ng tingin ang lalake. Bago niya pa lang nakilala ang ama pero kampi na siya rito!
"Akin na ang anak ko!"
"Anak natin." He smiled at me, I avoided my eyes.
Hindi ako marupok! Hindi porket ningitian niya lang ako, hihimlay na ako kaagad!
"You said you didn't want the child." I gave him my blank look.
His smile dropped. Rae looked stunned by it. Tinanggal niya ang pagkakakapit sa ama at tiningnan ito na parang sinaktan siya nito ng sobrang sakit sa puso.
"Hindi mo ako... gustong maging anak?" She sniffed as if she's about to cry. My daughter is so dramatic! Mana sa ama niya!
Kaagad na umiling si Erikson. "Of course not, baby! Papa loves you." Sinimangutan ako ni Erikson.
"Hindi iyon ang naala—"
"Let me explain... Later, please?"
Umirap ako sa kawalan at hindi nagsalita. He released a sigh of relief and slowly approached me, I stepped back and glared at him.
"'Wag mo akong lalapitan. Hindi ko pa nakakalimutan iyong sinabi mo sa akin."
Sumimangot siya pero hindi na nagsalita. Rae whispered something in his ears that made him chuckle.
"Rae!"
"Wala akong sinabi!" She flipped her hair and hugged his Papa tight.
"Isusumbong kita kay Adam." Banta ko.
"Huwag!" Kaagad siyang lumayo sa ama at tiningnan ako.
Ngumisi ako, I finally got a hold against her. Adam is his favorite uncle. Aniya binibilhan daw siya nito ng kahit anong gusto niya kaya dapat hindi ko siya sinisiraan dito. Ayaw niyang iniisip ni Adam na pasaway siyang bata dahil bait-baitan ito kapag si Adam ang kaharap.
"Halika na." Sabi ko sa anak kaya sumimangot siya.
"Ibaba mo na ako." Utos niya kay Erikson kaya kumunot ang noo nito.
"Rae." Suway ko.
Umirap si Rae. "Ibaba mo na po ako."
"Rae, 'wag mong tinatarayan ang mama mo." Nagulat ako nang biglang sumabat si Erikson.
Rae's eyed widened as tears formed in her lids. I sighed when she started sniffing again as if she was hurt.
"Sorry..." Nakangusong saad niya sabay punas ng mata.
"It's okay, baby."
Umirap ako sa kawalan.
"Oh!" Tinuro ako ni Rae kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit?" Takang tanong niya.
"Pagalitan mo rin siya! Tinatarayan niya ako!" Pabulong na sigaw niya.
Natawa si Erikson. "Mama mo 'yan, pwede 'yang magtaray kahit kailan niya gusto."
"Eh 'di magiging mama rin ako!" Simangot niya. Hindi pa nga nag-iisang oras niyang kilala ang ama, ganito na kung makaasta. Ano nalang kapag tumagal na? Pakiramdam ko magkakasakit ako nito sa ulo.
Nilapitan ko sila at kinuha si Rae. Rae murmured a protest but Erikson let her go. He knew what will happen if he won't let her go. Kaagad namang pinulupot ni Rae ang paa sa baywang ko at bumuntong-hininga.
"Tatawagin ko si Adam mamaya." Panakot ko sa kaniya dahil parang ayaw niya pang ako ang nagbubat sa kaniya.
"Joke lang, mama! I love you!" Pambobola niya sa akin sabay halik sa pisngi ko.
Napailing naman ako at nilingon ang nakakunot noong Erikson.
"Nandito naman ako, bakit kailangang tawagan si Adam?"
"Paborito niya siya." I dropped it like it's a bomb. Nanlaki ang mata niya na dahil sa gulst.
"Oo, paborito niya siya. Tatay-tatayan niya." It was the truth. Adam and I were friends, maybe because we were both broken-hearted when we met.
Our broken hearts made us closer. Just recently, his heart has been revived as he likes to say it just because his girl reappeared. Wala naman akong nasabi roon dahil kaagad akong bumalik sa Casa Cantatio matapos makatanggap ng tawag galing kay Jericho tungkol sa kalagayan ni Erikson.
His eyes lit up in challenge, it was as if he's ready to beat Adam up by being Rae's favorite.
"Talaga?" Tanong niya sabay sulyap kay Rae na nakasandal na ang ulo sa balikat ko. Humikab ito at ipinikit na ang mata. Paano ba naman kasi, habang nililinisan ko ang bahay ni papa ay takbo siya nang takbo kaya ngayon ay pagod na.
"Oo."
"Ako na magbubuhat." He offered when he noticed Rae's state.
"Hindi na." Sabi ko.
"Mama, huwag mo 'kong isusumbong kay uncle Adam. Mabait ako..." Bulong niya bago tuluyang humilik.
Nag-angat ako ng tingin kay Erikson at nakitang malalim ang pagtitig nito sa bata. His lips were apart anf his head was tilted. Napansin niya yata ang titig ko sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. He smiled at me sadly, I avoided my eyes and turned my back on him.
"Ihahatid na kita! Saan ka?" Habol niya sa akin nang maglakad na ako palayo.
"Hindi na kailangan." Nasa harapan lang ang atensyon ko habang naglalakad.
"Sa bahay ka pa rin ba natin tumitira? Doon ako pupunta ngayon." Pagpapatuloy.
I sighed. "Hindi. Nakikitira ako kila Ana."
"Ana... close na kayo?" Taka niyang tanong.
I guess so... when Ana discovered my real identity, she cried and hugged me tight. Nasabihan niya pa akong tanga noong nalaman niyang dinadala ko ang anak ni Erikson. Still, she helped me throughout my pregnancy journey. Maalam siya sa mga bagay-bagay dahil siya rin ang umalalay kay Drizzy noong dinadala nito si Princess. She was sad when her relationship with her sister was strained after the wedding incident. Akala niya raw kasi magbabago ang kapatid kapag nagkaanak sila ni Rony pero nanatili raw itong maldita at sakim sa kapangyarihan.
"Oo." Nanatiling malamig ang sagot ko.
"Kumusta ka na?" I was taken off-guard by that question.
Hindi ko siya sinagot nang makalabas na kami sa gubat. May motor akong dala kaya kinakailangan ko talagang gisingin si Rae para hindi siya mahulog.
"Huwag mo nang gisingin. May sasakyan naman ako, sumakay na kayo..." He said when he saw my vehicle.
"Magigising 'to."
"Huwag na... pagod pa ang anak natin."
Tumikhim ako sa sinabi niya. He took my silence as a yes so he carefully grabbed Rae by the hand and took her away from me. I straightened my back and crossed my arms over my chest to cover my breast. Bad timing naman kasing ngayon niya pa kami hinanap! I could've put a little lipstick on! Kasalanan 'to ni Jericho! Hindi niya ako sinabihan!
"Hindi mo kailangang mahiya, nakita ko naman na lahat." Aniya nang mapansin ang ginagawa ko kaya namula ako.
"Shut-up!" I glared at him, he winked at me and my heart fluttered.
Hindi na ako nagsalita kaya naglakad na siya papunta sa sasakyan niya. He opened the door for me before I could even grab it, I sighed and went in tge passenger's seat. Umikot si Erikson at dahan-dahang inilapag si Rae sa back seat. He grabbed a neck pillow and put it around her neck before he assembled her seat belt. Rae was too focused on her dream that she didn't wake up the whole time her father assisted her body in order not to fall. She was snoring out loud that I noticed a smile forming on his lips.
"She snored just like you." Wala sa sarili niyang sabi kaya kaagad kong iniiwas ang tingin sa kanila at ibinaling sa labas ang atensyon.
Napansin yata ni Erikson ang pananahimik ko kaya natahimik din siya. Tahimik siyang pumasok sa driver's seat at kaagad akong sinulyapan.
"Naaalala mo pa paano magmaneho?" Tanong ko dahil mukhang kaka-discharge niya lang sa ospital.
"Oo... malapit lang ba?"
Tanging tango ang sagot ko. Kaya nga hindi na ako ng bra kasi malapit lang dito ang bahay ni Ana.
"Kumain na kayo?" Tanong niya, hindi pa rin pinapaandar ang sasakyan.
"Sa bahay na."
"May inihanda si Jericho sa bahay natin... doon nalang muna kayo?"
"Hindi na."
"Malapit—"
"Hindi na, Erikson. Iuwi mo na kami. Dumiretso ka lang, nasa kanto lang ang bahay ni Ana."
Natahimik siya dahil doon. Mabuti naman at hindi niya na ipinagpilitin. Eh, kasi naman! Paano ako pupunta sa bahay niya na wala akong suot na bra?! Nakakahiya naman kung sasabihin kong pumunta muna sa bahay ni Ana para lang makapagbra ako! Nahihiya na nga ako ngayon na wala akong suot na bra tapos aayain niya pa akong pumunta sa bahay niya?!
"Sorry..." Sabi niya sa kalagitnaan ng pagmamaneho.
"Ha?" Gulat kong lingon sa kaniya.
"Hindi kita nasamahan niong dinadala mo ang anak natin..."
Bumuntong-hininga ako. "Hindi mo naman sinasadya."
"Sa susunod, sisiguraduhin kong sasamahan kita kahit na sungitan mo ako." Aniya kaya natigilan ako.
Sa... susunod? Kapag buntis ulit ako?! Bubuntisin niya ulit ako?!
"I mean..." Napaubo siya nang mapagtanto ang sinabi.
"Diyan lang." Sabi ko nang makita na ang bahay ni Ana sa kalsada.
Kailangan kong umalis sa sasakyan niya! Umiinit ulit ang pisngi ko! Kaya dali-dali akong lumabas sa sasakyan at kinalma ang sarili. Narinig ko ang paglabas niya rin kasabay ng pagsara ng pinto. Nilingon ko siya at nakitang inialsa niya na si Rae galing sa pagkakatulog. Rae was still snoring when she landed on her father's arms.
"Ako na—"
"Cindy! Sa—" Ana gasped and my eyes widened when she turned my way as if I betrayed her. Kaagad kong nilapitan si Erikson at iniagaw si Rae sa bisig niya.
"Umalis ka na." Taboy ko sa kaniya dahil masasabihan nanaman akong tatanga-tanga sa pag-ibig ni Ana!
"Pwede—"
"Bukas na, Erikson. Umalis ka na."
Nalungkot ang mata niya pero dahan-dahan siyang tumango. He let out a forced smile and nodded at Ana before he went back to his car. Kaagad ko siyang tinalikuran at pumasok na sa bahay oar makawala sa pag-uusisa niya!
"Ano—"
Kaagad kong sinaraduhan ng pinto si Ana nang makapasok sa kwarto.
"Cindy! Bakit kasama mo iyong lalakeng iyon?" Kalabog niya sa pintuan.
"Sinundan niya lang ako, Ana! Umalis ka na!"
"Okay... wala ba siyang kasama?"
Nagulat ako sa tanong niya. Akala ko naman papagalitan niya ako.
"Wala."
"Hindi ka niya inayang pumunta sa bahay niya?" Pagpapatuloy niya.
"Inaya."
"Ano pang hinihintay mo? Pumunta na tayo!" Kinalabog niya muli ang pinto kaya nadistorbo ang tulog ni Rae.
"Tita! Ang ingay!" Reklamo niya sabay balik sandal sa balikat ko para makatulog ulit.
"Rae! Ayaw mo bang makita ang papa mo? Marami 'yong pera! Bibilhan ka niya ng toys!" Sigaw niya sa kabila kaya napailing ako.
Kaagad na napabangon si Rae sa sinabi kaya napabuntong-hininga ako. She loves people who are rich just like Adam kaya kaagad na kuminang ang mata niya sa narinig.
"Mayaman siya?" Tanong niya sa kabilang pinto.
"Oo, kaya magbihis ka na at pupuntahan natin ang papa mo!"
"Ana!"
"Ano? Narinig ko kay Jericho na nagpahanda siya ng handaan."
I groaned when Rae wiggled out of my hold. Inilapag ko siya kaya kaagaf siyang tumakbo sa drawer para makahanap ng magandang damit.
"Bilisan mo magbihis, Rae." Sabi ko at naglakad na sa sarili kong drawer para makapagbihis na rin.
Hindi naman ako excited!
"Ma! Ang tagal mo! Bakit kailangan mo pang magmake-up!" Reklamo niya palibhasa tapos na siya magbihis!
"Hindi ako nagma-make-up!" I denied and put on a lipstick.
"Bilis na ma!" Pagdadabog niya habang nakatayo sa tabi ng vanity mirror.
"Okay!" I stood and checked myself one last time.
I'm wearing a blue strung summer dress. Ganoon rin si Rae. She picked a floral blue dress. She squealed and ran towards thr door. I sighed and followed her.
"Tita!" Sigaw ni Rae nang makitang wala pa sa sala si Ana.
"Wait!" Nagmamadaling lumabas si Ana sa kwarto na may dalang lipstick, she swiped it on her lips fast and arranged her hair.
"Bakit ba kayo nagpapaganda?" Si Rae kaya nagkatitigan kami ni Ana.
"Hindi kami nagpapaganda!" Sabay naming sabi kaya napailing si Rae.
"Umalis na tayo!" Si Rae sabay takbo palabas ng bahay.
Bumuntong-hininga kami ni Rae at lumabas na. May sasakyan naman si Ana kaya iyon ang ginamit namin papunta sa bahay nila Erikson. Habang papalapit kami sa bahay ay unti-unting lumalakas ang pintig ng puso ko.
"Wow! Ang yaman niya pala, ma!" Si Rae nang makita ang bahay. Jericho renovated the house into a full blown mansion para raw marami ang makatira. Ang sabi niya pinalaki niya raw ang bahay dahil may anak kami ni Erikson. Inaya niya pa akong tumira sa bahay dahil sa akin naman daw nakapangalan ang bahay pero tinanggihan ko iyon.
"Magbehave ka—" Naputol ang sasabihin ko nang kaagad na lumabas si Rae sa sasakyan at tumakbo papasok sa bahay.
"Rae!" Lumabas ako sa sasakyan at hinabol ang anak ko.
But it was too late, Erikson saw Rae and he was shock by her presence. Mabilis lang naman ang pagkakagulat niya dahil kaagad niyang ningitian ang anak at inialsa ito. Rae started talking to him in rapid fire, I couldn't hear them since I was far away from them. I just hope she's not talking about me!
"Ang yaman mo pala, parehas kayo ni uncle Adam. Sinong mas mayaman sa inyong dalawa?"
Napabuntong-hininga nalang ako nang marinig ang tanong ni Rae.
"Syempre ang papa mo." Mayabang na sabi ni Erikson kaya kuminang ang mata ni Rae.
"Talaga? Kaya mo 'ko bilhan ng toys?"
"Ano bang gusto mo? Bibilhin ko."
"Ano—"
"Rae." Suway ko nang makalapit na sa kanila.
Doon ako nilingon ni Erikson. Kaagad na kumalabog ang puso ko nang isinuyod niya ang mata sa mukha ko pababa sa labi ko. I gulped and turned my attention back to Rae.
"Rae, mahiya ka naman." Sabi ko sa anak na sinimangutan niya lang.
"Hindi dapat nahihiya ang anak natin sa akin." Si Erikson na nanatiling nakatitig sa mukha ko.
"Naglipstick 'yan si mama!" Turo ni Rae sa akin nang mapansin ang panititig ni Erikson sa labi ko.
"Hindi!" Wala sa sarili kong pagtanggi dahil kahihiyan.
"I don't think so. You have a natural pink lips, not red." He pointed out with a smirk.
Nagulat si Rae roon. "Paano mo nalaman?"
"Sigurado ako, lagi kong tinitingnan, eh."
"Erikson!" Namumula kong suway.
"What?" Inosente niyang tanong sabay mabilis na nakaw ng halik sa labi ko.
Bago ko pa siya masapak ay kaagad siyang tumakbo papasok sa bahay dala-dala ang humahagikhik na Rae.
"Hide and seek! Hanapin mo kami, ma!" Sigaw ni Rae bago sila nawala sa paningin ko.
"I will find you!" Sigaw ko sa kanila kaya narinig ko ang malakas na tawa ni Rae at halakhak ni Erikson, napailing nalang ako sa kawalan.
_________________________
Thank you for reaching this far!! As of now, susulatin ko muna 'yong Book 3 ng series na 'to.
May plano akong gumawa ng special chap 2 (adam and erikson meet-up sana) katulad no'ng kila Adam and Arabelle pero magfo-focus muna ako sa new story ko o((*^▽^*))o maybe kapag naka 10k followers na tayo, babalikan ko 'tong story na 'to for the special chap (as a gift in the future) because this feels close to my heart since umabot tayo ng 5k habang sinusulat ko 'tong story na 'to.
Mahal na mahal ko kayo! You can comment down below (youtube yarn haha) your favorite scene sa story na 'to (⌒▽⌒)
I love you so much, Celestials!
Shout out nalang kay ulan! Tumahan ka na please!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top