Chapter XXIV

Dedicated to: skyflighters
ily, bb ( ˘ ³˘)❤

***


Her

Natulala ako sa mukha niya. I didn't notice it first because of the thick make-up but as I stare at this person in front of me, I'm realizing the fact that this girl... is Rony!

Bumaba ang mata ko sa nagkalat na mga gamit sa sahig. There's a mirror on the floor, a maskara, a lipstick, and any make-up tools I'm still unfamiliar of. Was he practicing?

"Rony..." Ibinalik ko ang mata sa kaniya.

He was frozen in place. I got to admit, his make-up skills are good. Kung hindi yata siya nagsalita kanina ay hindi ko mare-realize na si Rony itong kaharap ko.

"I kept your secret. You should do the same." Nag-iwas siya ng tingin sa akin at ibinaba ang make-up brush na hawak-hawak niya.

My lips part. Hindi pa rin ako makapaniwala! He was a big and bulky man, he looked intense and brutal so... this is the least thing I expect from him.

But then again, who am I to judge?

"You're—"

"Yes..." He said, breathless, posture were rigid.

I bit my lower lip and stared at him. "Ang galing mo..." Komento ko sa make-up niya.

The tension in his muscles vanished and I felt him relaxing. His face lit up and a smile formed on his lips. Umamo ang mukha niya kaya mas nagandahan ako sa gawa niya. He looked beautiful!

"Thank you..." He commented, his voice was still gruff but a hint of softness was present.

Sinuyod ko ang mata sa kung nasaan kami. Doon ko napagtantong nasa storage room pala kami. I'm slowly sobering up that my vision became clear.

"Kaya ba—"

"Kaya ba nalaman ko kaagad na babae ka?" Tanong niya na tinanguan ko. He released a sigh. "Pansin ko ang titig mo kay Hendrik."

Nanlaki ang mata ko dahil sa banggit niya sa pangalan ng lalakeng may dahilan kung bakit ako lasing ngayon. Gano'n ba ako kahalata?!

"What—"

"You weren't gay. I just knew it. Alam ko rin na gusto mo si Hendrik kaya may hinala na ako. Your reaction gave it away."

Nag-iwas ako ng tingin at bumuntong-hininga. This is getting dangerous. Two people already knew my real gender, if ever words gets out and Henry hears about it, he'll execute me. Pinakaayaw niya ang niloloko siya. That was what Albert warned me when I choose this job.

"You do realize you're sitting on my lap, right?" He pointed out, my eyes widened and I hurriedly move away from him.

Naupo ako sa tabi niya at isinandal ang nahihilong ulo sa mga kahon. Silence went in between us as I imagine what are at stake if ever Henry discovers about my fraud.

"Nakakapagod ding magpanggap." Rony said after a while.

Nilingon ko siya at nakitang nakatulala siya sa kawalan. Parehas kami ngayong nakasandal sa mga kahon. Ngayon ko lang din napagtantong suot-suot niya pa rin ang uniporme niya.

"Puwede ka namang hindi na magpanggap. Kung may umaway sa 'yo, eh 'di suntukin mo. Malaki ka naman." Sabi ko kaya natawa siya. That's actually the first time I heard him laugh.

"Sana gano'n lang ang problema ko. Wala rin naman akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao."

"Iyon naman pala..."

"Maliban sa anak ko."

Natigilan ako. Gulat kong nilingon si Rony. Sumulyap siya sa akin at ngumisi.

"Past mistake." He said.

My lips part out of shock. Hindi ako makapaniwala! May anak na pala siya? Sabagay at mukhang nasa late twenties na ang mukha niya.

"Ilang taon?"

"Seven years old. A daughter." His eyes shone as he talk about his daughter.

"Matatanggap ka no'n." Kalmado kong sabi.

Umiling siya. "She'll be disappointed. Umaasa pa rin siya na magkakabalikan kami ng ina niya hanggang ngayon."

"Then make her understand. Huwag mong paasahin ang bata."

"Natatakot ako... na baka kapag nalaman niya. Mas piliin niyang sumama sa ina niya." Napayuko siya kaya kinagat ko ang pang-ibabang labi.

"She'll understand."

"She won't. Her young heart would be shattered."

Natahimik ako. Parehas kaming natahimik. Ilang oras yata akong natulala sa kawalan kaya hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Nagising na lamang ako nang may marinig na ingay. Napabalikwas ako sa pagkakahiga. I was lying in a soft matress but all I could feel was the unbearable pain in my head! Pakiramdam ko mamatay ako!

"Dada, siya ba pamalit mo kay mama?!"

"Kaibigan ko lang siya, nak."

"Siguraduhin mo papa! Siya pinakaunang dinala mo sa bahay!"

"Oo, nak."

Dinilat ko ang mata at napagtantong nasa isang maliit ako na kuwarto. The door was creaked open and they're probably talking there. Gusto ko ng tubig! Kaya tumayo ako ngunit kaagad na napapikit dahil sa pintig sa ulo ko. Ang sakit! Hindi na talaga ako iinom!

Bumukas ang pinto kaya binuksan ko ang mata ko. Nakita ko si Rony na papasok sa kuwarto at may dalang tray ng pagkain. I sat on the bed and waited for him. May tubig at medisina sa tray na siyang kinuha ko nang ilapag niya ang tray sa nightstand.

"Nakatulog ka." He stated the obvious.

"Ilang oras?" Tanong ko at nilagok ang tablet pagkatapos ay kinuha ang tubig.

"Walo."

Nabuga ko ang tubig at nabilaukan. Bumukas ang pinto at may busangot na bata ang pumasok. Napaubo ako kaya tinulungan ako ni Rony at marahan na pinalo ang likod ko.

"Papa!" Galit na suway ng bata.

Rony sighed while I continued coughing. May tubig na pumasok sa ilong ko!

"Kaibigan ko lang 'yan, nak."

"Kahit na! Magagalit si mama!"

Now I understand why Rony was afraid to come out. May ganito kasi siyang anak. Lumagok ako ng panibagong tubig at nilapag na ang baso. I looked at the frowning kid who was glaring at me nonstop.

"May iba nang mahal ang mama mo." Pagsisinungaling ko dahil ayaw kong umasa ang bata.

Nawala ang sungit sa mata niya. Her eyes widened as tears start to form on her eyes. Nanginig din ang labi niya nang mag-angat siya ng tingin sa Papa niya.

"Shh. Hindi, nak. Nagsisinungaling siya." Nilapitan siya ni Rony at binuhat kaya roon nagpakawala ng malakas na hikbi ang bata.

I sighed. I can never imagine myself with kids. Hindi ko sila kayang pakisamahan. Pakiramdam ko mga isip-bata sila.

Malamang eh bata nga 'di ba?

Umirap ako sa sarili at kinuha na ang tray ng pagkain para makakin. Ramdam ko ang galit sa mata ng bata habang naglalakad si Rony palabas ng kuwarto pero hindi ko ito nilingon. Tahimik kong tinapos ang kinakain hanggang sa bumalik si Rony sa kuwarto.

"Tulog na si Princess. Pagpasensiyahan mo na ang bata." Aniya at umupo sa tabi ko.

"Bata siya kaya natural na isip-bata." Tanging sagot ko.

Hindi na siya nagsalita at parehas na kaming natahimik. Gumagabi na rin kaya sinabihan ko siyang uuwi na ako. Hinatid niya naman ako dahil malalakad lang pala ang layo ng bahay nila sa bar kung saan nakaparada ang motor ni Mavrik.

I drove myself back to the mansion even with the headache. Napailing ako at ipinarada ang motor sa kung saan ko ito kumuha. Una akong pumunta sa kusina dahil gusto ko ng maiinom, hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa ang pintig ng ulo ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kusina ay nagtama na ang mata namin ni Erikson. Nabuga niya ang tubig na iniinom at kaagad na tumayo. Kumumot ang noo ko nang sinubukan niyang tumakbo palabas kaya mabilis ko siyang hinarangan. His eyes widened and he tried to step to the left so I stepped to the left, blocking his way.

"Ini—"

"Wala akong naalala!" Tanggi niya, namumula ang tainga.

I poked my cheeks with my tongue to stop myself from laughing. Sa hitsura niya, halatang may naalala siya sa pinagsasabi niya.

"W-Wala nga!" Namumulang saad niya sabay ambang tatakas ngunit humarang ako.

I crossed my arms over my chest and stared at him. Nag-iwas siya ng tingin at lumunok.

"A-Anong tinitingin-tingin mo diyan?!"

"Kumain ka na?" Kalmado kong tanong.

Mas lalo siyang namula. Hindi siya nagsalita kaya inaasahan kong hindi niya na ako sasagutin pero nagsalita siya biglaan.

"Hindi pa... ikaw?" Mahina ang boses niya nang sinabi niya iyon, kung hindi lang sana malakas ang pandinig ko ay hindi ko iyon maririnig.

"Tapos na."

Nilingon niya ako. "Saan?"

"Sa bahay ni Rony."

Nanlaki ang mata niya. "Kay Rony? Bakit nando'n ka?"

I shrugged, not answering him. Biglaan siyang nagseryoso. He glared at me that I raised my eyebrow. Anong problema nito?

"Bakit nasa bahay ka ni Rony?" Seryoso niyang tanong.

I released a defeated sigh. "Nalasing ako. I passed out, he carried me to his home and tended me." That was the truth.

His lips part as he stared at me dumbfoundedly. "Nag... lasing ka?"

"Oo."

He gulped audibly. "Bakit?"

Hindi pa ba halata? Dahil sa 'yo!

Umirap ako at hindi nagsalita. Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin.

"Sa susunod, huwag kang pumunta sa bahay ni Rony. Tawagan mo ako kung lasing ka na."

"Hindi na ako maglalasing."

Tumango siya at bumuntong-hininga. "Huwag ka nang bumalik sa bahay ni Rony."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Bakit naman?"

"Lalake pa rin siya," nag-iwas ulit siya ng tingin.

"Ano naman ngayon?"

Sumama ang mukha niya. "Lalake siya!" He said as if that explanation is enough.

"Ano naman ngayon kung lalake siya?"

"Delikado!" Iritado niyang sabi.

Natawa ako. "Kung delikado siya, eh 'di sana hindi na ako nakatayo rito 'di ba?"

"Basta! Huwag ang pumunta sa bahay ni Rony!"

"Oh, bakit? Selos ka?" Asar ko kaya bumalik ang pamumula niya mula ulo hanggang leeg.

Natahimik siya kaya natawa ako—

"Oo."

Napawi ang tawa ko dahil sa sinabi niya. He was eyeing me seriously that my eyes widened. Did he just... admit it?

"Sabi mo... gusto mo ako. Dapat iniiwasan mong nagseselos ako." Sumbat niya sa akin kaya napanganga ako.

What the...

"N-Nagseselos ka?" Hindi makapaniwala kong tanong.

Dahan-dahan siyang tumango. "Kaya huwag ka nang pumunta sa bahay ni Rony!" Mahinahon niyang sabi.

For a moment, I was stunned into silence. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong sasabihin!

"Nagseselos ako..." Mahina niyang dagdag pagkatapos ay namula.

"Kung g-gano'n." I cleared my throat when I stuttered. "Ibalik mo ako sa puwesto ko. Night shift bodyguard." I need to take this chance!

Ngumuso siya. Akala ko hindi siya papayag pero dahan-dahan siyang tumango!

"Okay..."

I bit my lower lip when we both fell into silence. Hindi ko alam kung anong pinapahiwatig ng mga sinasabi niya at natatakot akong komprontahin siya. Alam naming hindi puwede at bawal. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ni Drizzy sa ama ni Erikson ang tunggol sa nasira nilang kasunduan. Maybe she's still expecting he'll change his mind?

"Kumain ka na." Sabi ko nalang dahil masyado nang tahimik!

"Okay... ikaw rin." Aniya, nakalimutan niya yatang sinabi ko kanina na 'oo'.

Pero 'di bali na, sasamahan ko siya.

That night, we ate peacefully. Luto ni Manang Elena ang kinain naming dalawa. Kahit na busog ako ay nagawa ko pa ring ubusin ang ulam na inilagay ni Erikson sa plato ko.

And after that night, something changed.

Ibinalik nga ni Erikson ang dating posisyon ko. Ang bakasyon na sana'y sa akin ay ibinigay niya kay Mavrik kaya tuwang-tuwa ang lalake. Si Angelo naman ngayon ay panay ang sama ng tingin sa akin habang si Erikson ay panay ang sulyao sa akin. Pakiramda ko walang oras na hindi niya ako sinusulyapan at natatakot ako na baka mahuli siya ni Angelo!

Hindi na rin ako sinusungitan ni Erikson kaya mas lalong nadadagdagan ang pagdududa ni Angelo. Ang unang hula niya ay nilason ko raw ang boss namin, pangalawang hula ay hinostage ko raw siya para mapapayag, at ang pangatlong hula ay tinakot ko raw si Erikson para maging mabait sa akin. Lahat ng 'yon ay walang tumama kaya hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan?

Paanong hindi kakabahan eh panay na ang hanap sa akin ni Erikson! Kahit umaga ay hinahanap ako! Naiirita na si Angelo pero hindi niya iyon pinapakita sa harap ng boss namin. Kahit na wala naman kaming dapat na itago dahil wala naman talagang tinatago, pakiramdam ko may namamagitan sa amin!

"Si Ci?"

"Kumain na si Ci?"

"Masarap 'to. Tawagin mo si Ci, papatikim ko 'to."

Iyon ang palaging bukambibig niya kaya naiilang na ako sa mapagmasid na mata ni Angelo! Si Jericho naman ay palaging nagtatago sa tuwing nakikita ako sa takot na mawalan siya ng magiging anak kaya hindi niya napapansin ang kahibangan ni Erikson. Mabuti nalang talaga at nasa bakasyon si Mavrik kaya hindi niya 'to nakikita!

"Masarap?" Tanong ni Erikson sa tabi ko kaya bumalik ako sa ulirat.

"Ahhh... O-Oo." Utal kong sabi sabay sulyap kay Angelo na nakatayo sa labas ng kusina, masama ang tingin sa akin.

"Luto ko 'yan!" Proud niyang sabi.

"Masarap..." Komento ko, naiilang pa rin.

"Sige... kain na tayo?"

Namula ako nang pinagbuksan niya ako ng upuan. He motioned me to seat on the chair so I sat, not looking at Angelo's eyes.

Mas lalo akong nahiya nang pagsandukin niya ako ng ulam niya! Siya pa talaga naglagay ng kanin sa plato ko!

"Kumain ka ng marami." Aniya at umupo na sa tabi ko, hindi pinapansin si Angelo sa likod.

Tahimik akong kumain, takot na mag-angat ng tingin kay Angelo. Erikson kept on glancing my way, gauging my reaction. Hindi ko alam kung paano ipakita sa kaniyang nasasarapan ako? Kaya ang ginawa ko ay inubos ko ang ulam. Erikson looked satisfied when he saw my plate clean kaya napabuntong-hininga ako.

It was always like that. Natatakot na ako na baka magkaroon ng pang-apat na hula si Angelo at tumugma na iyon! Sigurado akong kapag nalaman niya, hindi na siya magdadalawang isip na isumbong iyon kay Henry! After all, he wants me fired!

Kaya kinompronta ko si Erikson.

"Ci—"

"Itigil mo na." Kalmado kong sabi.

Natigilan siya at lito akong tiningnan. I clenched my fist and glanced at the lock door, confirming if it's indeed lock. Nang makumpirma ay nilapitan ko siya. Kumunot ang noo niya at pinagkrus ang kamay, he half-sat on the table and watched me walk near him. Tumigil ako nang ilang pulgada na ang layo namin.

"Ang alin?"

"Iyang ginagawa mo. Nahahalata ka na ni Angelo."

Nag-iwas siya ng tingin. "Ano naman ngayon? Mas mabuti nang alam niya."

I glared at him. "Ano bang gusto mong malaman niya?"

His jaw ticked. Nag-iwas siya ng tingin at hindi nagsalita kaya napailing alo.

"Tingnan mo, hindi mo rin alam. Hindi mo matanggap kaya itigi—"

Natigil ako nang hinila niya ako papalapit sa kaniya, hinawakan ang baywang at ibinaba ang ulo. Nanlaki ang mata ko at hindi ako nakapagsalita nang unti-unting maglapat ang labi namin.

Fuck.

Fuck. Fuck this!

Tangina.

Hindi ako nakagalaw. Ni hindi ko nga napikit ang mata ko dahil sa gulat. I was frozen in place even after he stepped back and stared at my face.

"It's hard accepting this." He sighed and bit his lower lip. "But I like you."









________________________

Hi!! Plano ko gumawa ng gc for my readers para may ka-chikahan ako ngayong bakasyon! Haha! Sana may magcomment na gustong sumali huhu ╥﹏╥

Lovelots ( ˘ ³˘)❤

-Celes

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top