Chapter XXII

Her

Something changed.

Ever since Erikson broke his engagement with Drizzy, he started avoiding me.

Or maybe ever since I... confessed.

Hindi rin katulad ng dati na panay asar siya. Ngayon pakiramdam ko naiirita siya sa presensya ko palagi. Sinusungutan niya ako!

"Be professional." Iritado niyang sabi sa akin sabay hagis ng baril niya sa trunk ng sasakyan.

I glared at his back but he didn't turn to me. Pumasok siya sa sasakyan at malakas na sinarado ito. Mavrik sighed behind me while I remained standing there.

"Galit nanaman?" Si Mavrik sabay akbay sa balikat ko.

Umirap ako. "Wala akong ginawa. Pinoprotektahan ko lang siya. Napakaarte."

"Tsk. Narinig ko sigaw mo kanina kahit na malayo ako. Ikaw ang nauna." He pointed out.

"That's his fault! Hindi siya tumitingin sa likod niya kaya muntik na siyang matamaan ng bala!"

The window from Erikson's seat rolled down. His head went out of the window and glared at us.

"Bumalik na tayo!" Masungit niyang sigaw na inirapan ko lang. Nakita iyon ni Erikson kaya inirapan niya rin ako at ipinasok na ang ulo papasok sa sasakyan.

Tinanggal ni Mavrik ang kamay sa balikat ko at tumakbo na papasok sa sasakyan. I released a sigh before walking near the car. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa sasakyan ay nahuli ko na ang masungit na mata ni Erikson sa salamin.

"Bilis. Gusto ko nang umuwi." Aniya kaya pinaandar na ni Mavrik ang sasakyan.

Walang nagsalita sa amin sa loob. Kahit na madaldal si Mavrik ay alam niya kung kailan dapat manahimik lalo na kapag ganito ang mood ng boss namin. Napapadalas na ang init ng ulo niya at pagsusungit kaya napapadalas na rin ang sama ng tingin sa akin ni Angelo. Siguro'y may hinala siya.

Sa tuwing umaga, kahit ako ang dapat na nagbabantay ay pinapasama niya si Mavrik o Angelo sa loob ng opisina. Ayaw niyang kaming dalawa lang at naiinis siya sa tuwing nakikita ang mukha ko. Wala naman akong ginagawa kundi ang umirap kaya mas lalo siyang nagsusungit.

"Change direction. Go to the bar." Putol ni Erikson sa katahimikan na kaagad tinanguan ni Mavrik.

Busangot ako nang pumarada ang sasakyan sa labas ng bar kung nasaan ang mga babae ni Erikson. He went out of the car without glancing our way.

Umirap ako at pinagkrus ang kamay sa dibdib, ayaw lumabas. Paniguradong babae niya ang habol niya rito at wala akong ganang manood.

"Hindi ka lalabas?" Si Mavrik na nasa driver's seat pa rin.

"Mamaya na."

"Takot ka sa boss? Ayos. Same." Tawa niya pero hindi ako nagsalita kaya nawala ang tawa niya.

"Halika na, Ci! Maghanap nalang tayo ng babae para mawala ang stress!" Aniya sabay labas kaya napairap ako.

Hindi ko gusto ng babae!

Dahil mapilit si Mavrik, wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa kaniya. Sa pintuan pa lang ay nakita ko na ang pamamasid sa amin ni Rony. Nanliliit ang nga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin at bumuntong-hininga.

The usual loud music surround us. Nasanay na rin ako sa malilikot na ingay kaya kaagad na nahanap ng mga mata ko kung nasaan si Erikson. He was laughing and talking with a girl. This time, it's not a blond one and I don't know if I should be happy or scared. He doesn't care anymore! Basta't babae na maganda at maganda ang katawan ay kinakausap niya na!

He must've noticed my horror that he glanced my way. Our stare lasted a friction of second but it was enough to ignite something in me. The raging volcano.

Bumaba ang mata ko sa kamay ng babaeng nakapulupot ngayon sa braso ni Erikson. They were both drinking and having good conversation I so want to break and shatter to pieces.

Lumapit ako sa kung nasaan sila kaya sumulyap muli si Erikson sa akin. If he expect me to barge in then he's wrong. Umupo ako sa isang stool malapit kung nasaan sila at nag-order ng maiinom sa bartender.

The moment the bartender gave me a strong and hard drink, I downed on it like a thirsty animal. Nanatili ang mata ko sa bote ng alak at baso, binabantayan ang oras na maaring kunin ng babae si Erikson. Hindi ako papayag na dalhin niya siya sa isang kuwarto! All hell will break loose if that happens.

"Ci? Bakit ang lapit mo sa boss?" Tinabihan ako ni Mavrik para mabulong iyon.

"Binabantayan." Seryoso kong sabi at tumungga ng alak.

Natawa siya. "Ang oa mo naman! Babae 'yan! Hindi 'yan delikado!"

I glared at him. "Don't underestimate a woman."

Ningisihan niya ako. "Kaya na 'yan ni boss! Magaling 'yan!" He raised his brow playfully at me, implying something.

"Tumahimik ka." Iritado kong sabi.

"Tingnan mo, oh. Sabi ko sa 'yo, magaling, eh." He nudged me using his elbow and I glanced their way.

Humigpit ang hawak ko sa baso nang makitang sobrang lapit na ng dalawa, halatang plano na yatang maghalikan. His hands were around her waist and she was whispering at him with those seductive smile. 

Tangina.

Hindi ko na napigilan. Marahas akong tumayo sa pagkakaubo dahilan para mag-ingay ang upuan ko. Mavrik jerked beside me and Erikson glanced our way. Gusto ko silang sugurin pero naalala ko.

Anong karapatan ko?

Kaya tumalikod ako at nagmartsa paalis kung nasaan sila. Uuwi nalang ako! Bahala sila maglandian! Wala na akong pakealam kung ikama niya pa iyong babaeng 'yon. Bakit ko ba pinipigilan?!

Dahil sa sobrang galit na nararamdaman ay nakalimutan ko na kung nasaan ako dahilan kung bakit ako nabunggo sa kung sino.

"Ow! Sorry!"

I hissed as I felt the liquor down my suit. Basa na ako! Napakamalas talaga ng araw na 'to!

Hindi ako nagsalita at iniwan na ang lalakeng nakabunggo sa akin. I was about to enter the bathroom when a hand made me stop.

"Ano?!" I glared at Rony who looked at me coldly.

"Magpalit ka." Binigyan niya ako ng itim na t-shirt kaya mas lalong sumama ang tingin ko.

"Nakita mo?" Kalmado ko nang tanong at inagaw ang braso sa kaniya.

Nagtaas siya ng kilay at umatras. "Lahat nakakita." Aniya, akala niya mas matutuwa ako sa sinabi niya?

"Tsk." Kinuha ko ang t-shirt sa kamay niya. "Nakita ba ni—"

"Lahat nga. Ibig-sabihin, kasama siya sa nakakita." Kaswal niyang sabi kaya mas lalong sumama ang araw na 'to. Bakit kailangan niyang makita!

"May mapapalitan ka ba? Nay tao pa sa cr." Sabi ko nalang para makapagbihis na dahil ang lagkit sa pakiramdam ng basa kong damit.

He tilted his head to the left. "Storage room."

I left him and opened the storage room. Madilim kaya binuksan ko ang ilaw bago tinanggal ang butones sa suot ko. I groaned when my soaked cloth left a trail of water on the ground. Tinanggal ko ang puting longsleeve at piniga ang tubig. Basa rin ang chest bandage ko kaya mas lalo akong nairita.

May mas sasama pa ba sa araw na 'to?

A loud creak made me stop.

"Nasaan na ba—"

Tangina.

I paused. He paused. Everything seemed to pause as our eyes met. The loud music from the background suddenly vanished as his eyes trailed down to my chest bandage. Wala akong ibang narinig kundi ang lakas ng kalabog ng dibdib ko at ang singhap niya.

Mayroon ngang mas isasama pa. Tangina naman.

"Anong ginagawa mo rito?!" I covered my chest and glared at him.

His slack jaw remained open as his eyes remained on my covered chest. In this moment, for the whole time I hated him, this is the only time I wished nothing but a mosquito to enter his mouth and choke him to death. I will gladly sponsor his funeral.

"Y-You're... you're—"

"Tumahimik ka!" Sigaw ko sabay lakad sa likod niya para masara ang pinto na nakabukas.

"Hindi ka lalake!" He gasped.

"Ano naman ngayon?!" Humigpit ang takip ko sa sarili ko.

"Anong ano naman ngayon?! You've been fooling us!" Sigaw ni Jericho na kaagad kong sinampal ang palad ko sa bibig niyang sobrang lakas ng tono.

"Tumahimik ka sabi! Gusto mo may makarinig?!" I glared at him.

He uttered muffled words against my palms, I hissed loud. Mas lalo kong inilapit ang katawan ko sa kaniya bago niya pa maisipang kumawala sa kamay ko. His eyes panicked as he looked down on me and our bodies together.

"Kung gusto mong mabuhay, tumahimik ka." Banta ko.

His eyes widened in a frightening tone as he nodded consecutively. Hesitantly, I stepped back and let go of his mouth.

"You're a girl and you've been fooling Hendrik! Anong mangyayari kapag nalaman niya at—"

He gasped when I slap his mouthy mouth with my palms. It must've sting but I don't fucking care. Masyado siyang madaldal, kailangan niya nang pabagsakin.

How many chances of escape do I get once I kill this man in front of me?

I stared at the frightened Jericho. Nabasa niya siguro sa mata ko ang plano ko kaya unti-unting namutla ang mukha niya.

"Mananahimik ka o tatapusin ko ang buhay mo ngayon?" I asked calmly.

"Man... na—" He gasped an air when I let go of him. "Mananahimik ako!" He glared at me.

Tumango ako at tinalikuran siya. He gasped again and I invisibly slapped my forehead. He saw my bare back and chest bandage wrapped around me! I turned to him again and glared at him. Hanggang ngayon ay gulat pa rin siya at nakanganga.

"Labas. Magbibihis ako."

"Pero basa 'yang—"

"Wala ka nang pake kaya labas!" I shouted loud that he jolt.

"Oo na! Itong lalake— b-babaeng 'to! Ka ayaw kita kay Hendrik, eh!" He whisper-yell and stomped out of the storage room.

Doon lang ako nakahinga ng maluwa nang tuluyan na siyang lumabas. I released a shaky breath and even though my hands were trembling, I hastly wore the shirt Rony gave me. Tama lang ang sukay nito at sigurado akong hindi ito kay Rony. Kanino 'to?

Wala na akong panahon para mag-isip, kailangan kong labasin si Jericho ngayon bago pa siya magsumbong kaya kaagad na akong lumabas sa storage room. Jericho was pacing back and forth in front of the door as if the thought of me being a woman made him insane. Tumigil siya sa ginagawa nang makita ako.

"Y-You " Turo niya sa akin sabay baba ng tingin sa dibdib ko.

"Tigilan mo 'yang kakatingin sa dibdib ko kung ayaw mong sipain ko 'yang itlog mo." Banta ko kaya napasinghap siyang muli sabay tabon sa mahiwaga niyang itlog. Napairap ako.

"A-Anong gagawin mo kapag nalaman 'to ni Hendrik?"

"Hindi niya 'to malalaman." Seryoso kong sabi.

"Hindi mo sure!"

I glared at him, he zipped his mouth and glared back.

"Hindi niya 'to malalaman. Kapag nalaman niya, ikaw ang una kong sisisihin." Although Rony knew as well, I kind of trust him...  a little.

"Anong gagawin mo kapag nagsumbong ako?!" Hamon niya.

I smirked mockingly at him as I trail my eyes down his balls. He gasped and covered a possesive palm around it, stepping back.

"Magpaalam ka na sa mga anak mo kung ganoon."

"Hindi puwede!" Aniya sabay takbo palayo sa akin, hawak-hawak ang itlog niya. Hindi ko na napigilan, mukha siyang tanga kaya natawa ako.

Still, I followed him back to the bar. Lumapit siya kay Erikson na mag-isa na ngayon at umiinom. Jericho hid behind him and glared at me, I smirked at him and gave him a knowing look. Kumunot ang noo ni Erikson dahil doon kaya napawi ang ngisi ko at nag-iwas ng tingin.

Nasaan ang babae niya?

I shouldn't care. Sumulyap ako sa kung saan naka-standby si Rony at nahuli ko siyang nagmamasid sa akin. I forgot to give him my thanks so I gave him a nod, he raised his brow but accepted my gratitude by nodding as well.

From my peripheral vision, I saw Jericho trying to lean on Erikson's ears, maybe he'll whisper my secret! Bago niya pa magawa iyon ay kaagad ko siyang nilapitan. He flinched when I held his arms. Bumaba ang mata ni Erikson sa kamay kong nakahawak sa braso ng kaibigan niya ngunit nanatili ang mata ko kay Jericho.

"Jericho." Seryoso kong tawag, namutla siya. Hindi ko siya tinatawag sa pangalan niya at ito ang unang pagkakataong ginawa ko ito.

"W-Wala a-akong s-sinabi..." Mahinang usal niya, tama lang para kaming dalawa ang makarinig.

"Iwan mo siya, sumama ka sa akin." Sabi ko, hindi na nag-aksaya ng laway para bumulong kaya rinig na rinig iyon ni Erikson.

Nanlaki ang mata ni Jericho sabay sulyap kay Erikson. He gulped loud and I motion him to follow him. Hindi siya gumalaw kaya hinigpitan ko ang hawak sa braso niya dahilan para dahan-dahan siyang tumango.

"Saan kayo pupunta?" Sabat na ni Erikson.

"Diyan lang. Iinom." Malamig kong sabi.

"Kayong dalawa?" Nakakunot ang noong sumulyap si Erikson sa takot na Jericho.

"Oo. Kami lang."

"Hindi ba't ayaw mo sa kaniya?" Baling nito sa kaibigan na inirapan ko.

"Hindi na ngayon. Gusto niya na ako." Iritado kong sabi dahil baka madulas pa itong si Jericho at kung ano ang masabi.

"Gusto?!" Tumaas ang boses ni Erikson sabay tingin kay Jericho na para bang tinraydor siya nito. Ano naman ngayon?

Bumuka ang bibig ni Jericho kaya tinaliman ko siya ng tingin at ibinaba ang mata sa kung saan ko siya sisipain kung sakaling may sabihin siyang masama. He gulped loud and slowly nodded.

"Y-Yes, bro..."

"Gusto mo si Ci?!" Hinawakan niya ang kabilang braso nito. I saw how Erikson's veins slowly formed from his forearms, he must be gripping him tightly. Kaya mas lalo ko ring hinigpitana ng hawak kay Jericho. He winced.

"O-Oo..."

"You're gay?!" Hindi makapaniwalang tanong nito kaya nanlaki ang mata niya sabay baling sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata.

"H-Hindi—"

"Lalake si Ci!" Paalala niya sa kaniya na para bang gusto niya iyong isampal sa pagmumukha niya.

Mas lalong namutla si Jericho kaya binaon ko ang kuko ko sa braso niya.

"P-People change. Ha... ha... ha..." Kunwari natatawang sabi niya sabay sulyap sa akin.

"I know you! You're attracted to girls ever since we were kids!" Erikson subtly pushed me away as he stepped in front of me, shielding Jericho from me or... the other way around?

"P-People cha—"

"Hindi puwede! Maghanap ka ng iba!" Tinulak niya si Jericho palayo sa akin.

"Tumahimik ka. May babae ka, doon ka pumunta." Iritado kong sabi sa kaniya sabay kuha sa kamay ni Jericho na nabitawan ko dahil kay Erikson.

"Jericho!" Iritadong bulyaw ni Erikson sa kaniya.

"Jericho." Kalmado kong tawag.

"Sorry, bro. Kailangan kong mabuhay." Tinapik niya ang balikat ni Erikson at hinawakan ang kamay ko. Naiwan ang mata ko kay Erikson na nakakunot ang noo at halatang sasabog.

Ningisihan ko siya kaya nasira ang mukha niya. Jericho was about to pull me away but before he could even do that, a strong force made the both of us stop.

Nakakunot ang noong bumaba ang mata ko sa braso kong mahigpit na hinahawakan ngayon ni Erikson. My eyes trailed up his forearm until I met his cold eyes.

One word. One command, and it revived my heart back to the teenage Cindy I forgot still exist.

"Stay..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top