Chapter VII

Her

"Cindy! Gawan mo ako ng damit!"

Natigil ako sa paglalaba nang marinig ang utos ni Ana. Nilingon ko siya at nasa harapan ko na siya ngayon, hawak-hawak ang pagkain ng mga manok.

"Bakit?" Malamig kong tanong sa kaniya.

"Pupunta kami sa bahay ni Hendrik. Kailangan kong maging maganda kaya gawan mo ako ng damit! I feel like he likes crochet dresses." She sighed dreamingly.

Kumalabog ang puso ko dahil sa balita. Erikson... they will go there? Hindi ako nakakatyempong tumakas papunta kila Erikson at wala rin akong lakas na kumatok sa bahay nila pero ito ang tamang pagkakataon para makita kung ayos lang ba siya! Baka kinulong siya nila sa bahay nila?

"Kailan?" I asked.

"This weekend."

"Gagawa ako." Sabi ko.

Her eyes widened as if she cannot believe I agreed to her that easily.  "Really?!"

"With one condition." Sabi ko at tumayo. I wiped the bubbles on my aprons and looked at her coolly, ready for some negotiation.

Kumunot ang noo niya. "Ano?"

"Isama mo ako."

She gasped as her eyes widened. Kaagad niya iyong inilingan kaya nagtaas ako ng kilay.

"Sige. Huwag na lang." Sabi ko at uupo na sana para makabalik sa paglalaba pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam mong magagalit si Mama!" She glared at me.

"Hindi siya magagalit kung hindi niya ako mahuhuli." I shrugged.

Hindi siya nagsalita. Nanatili ang sama ng tingin niya sa akin. She's obviously weighing the situation. And she knew, she knew how beautiful my dresses are. I sometimes caught her trying to learn crochet but give up in the middle. She loves crochet dresses.

"Fine! Pero huwag mong bonggahan ang suot mo! Mahuhuli ka ni Mama!"

I smirked at that and nodded. She pouted and looked like she was about to regret it but proceeded to agree.

And even though deep down I knew he wouldn't come, I still wait for the twelve noon to come, hoping someone outside the wooden fence would peek. A certain boy with an awfully bright smile and tousled black hair with his vibrant energy and deep gray eyes.

But none. So my only motivation during those agonizing days was the upcoming weekend, hoping I'll get to see him again. I put all mu effort stitching and crocheting Ana's dress until finally! The day has come!

Kumatok si Ana sa pinto ko kaya kaaagd kong kinuha ang damit na ginawa ko sa kaniya. It was a pink crochet dress perfect for her. Nang buksan ko ang pinto ay may make-up na si Ana at kulot na ang buhok nito. I gave her the dress and her eyes twinkled.

"Ang ganda!" She shouted, mesmerized.

Hindi ako nagsalita at tiningnan siya. Nagulat ako nang tinulak niya ako at pumasok sa loob ng kuwarto.

"Bakit ka—"

"Bihisan mo 'ko! Baka agawin 'to ni Drizzy kapag nagpatulong ako sa kaniya na suutan ako!"

Bumuntong-hininga ako nang walang-hiya siyang naghubad sa harapan ko. Isinuot niya ang damit at tumalikod sa akin dahil kakailanganing itali sa likod ang damit. I tied the dress from behind and she gasped in happiness as she wiggle its flowy skirt.

Hinarap niya ako, obviously satisfied. "Magbihis ka na! Aalis tayo kung ayaw mong iwan kita!" Aniya.

So I turned my back on her and grabbed the used crochet dress I made when I was thirteen. Hanggang tuhod ko nalang siya pero mukhang pormal naman kaya isinuot ko. Sumulyap ako kay Drizzy na nakaupo na sa isang upuan habang kumakanta at naglalagay ng dala niyang lipstick sa maliit na bag.

I turned my back on her and secretly grabbed the shoes I hid. Dahan-dahan ko iyong isinuot and my heart felt so happy wearing this precious shoes. Tumayo ako at nilingon si Ana na nakatingin pa rin hanggang ngayon sa repleksyon niya.

"Tapos na 'ko." Sabi ko.

"Okay!" She stood and put the lipstick back on her purse. I put some on mine as well, I'm just thankful she didn't notice it unlike Erikson.

Hindi naman kasi halatang naglipstick ako dahil kasingkulay siya ng natural na kulay ng labi. Someone would only notice it if they know my natural colored lips are pink and not red. 'Tsaka hindi ang labi ko ang una mong mapapansin kapag tumingin ka sa mukha ko, unless of course, you look at my lips.

"Nauna na si Mama at Drizzy, ang sabi ko matatagalan ako dahil inaantay ko 'yong inorder kong damit." Aniya kaya tumango ako.

Hindi naman pala mahirap.

Naunang bumaba si Ana at sumunod ako sa kaniya pababa. She was humming and I was stepping carefully each step. Mukhang hindi napansin ni Ana ang sapatos ko dahil masyado siyang okupado sa damit niya.

When Ana opened the front door, her humming stopped and a small gasped escaped her lips. I paled when my eyes met the cold black eyes of Madona in front of the door.

"M-Mama—"

"Ano ito, Ana?" She asked calmly and dangerously.

Kumalabog ang puso ko at napaatras ako. Takot na baka talaganv itapon niya ang sapatos na suot ko!

"M-Mama, pinilit niya ako—"

"Cindy, hindi ko alam na ambisosya ka palang bata ka." Umiling si Madona kaya mas lalong lumakas ang kalabog ng puso ko.

"Gusto ko lang sumama dahil wala akong gagawin dito sa bahay." I tried my best to sound calm even when a storm was raging inside me.

"Walang gagawin? Pwede kang maglinis buong magdamag." She smirked and my heart fell. Hindi niya ako papayagan, halata na. Tangina. Gusto niya akong ikulong sa pamamahay na 'to!

Hindi ko na makikita si Erikson! Paano ako mapapanatag na walang masamang nangyari sa kaniya kung ikukulong ako ni Madona?! This is my only chance to meet him and yet she's going to deprived me of that!

"Bakit ba pinagkakaitan mo ako sa mga bagay na ganito?! Dahil ba takot ka na malamangan ko ang mga anak mo?!" Hindi ko na napigilan ang tono at pagtaas ng boses ko dahil sa galit.

Ana gasped, Madona's smirked widened at my outburst. My fist clenched as my neck and face redden in anger.

"You think you're prettier than them?" She laughed as if that was the most ridiculous thing she heard in her whole life. 

"Oo! Kung hindi mo ako pinagtigil sa pag-aaral, mas madami pa siguro akong manliligaw kaysa kay Drizzy! Kung hinayaan mo lang sana akong makalabas, marami sana akong kaibigan kaysa kay Ana! You knew that! And you were jealous because of that!" Because that's the fact. She's always been jealous of me.

She laughed hysterically and it made my blood fucking boil. I glared at her and pant to chase for my chase away breath.

"You've always been insecure of me because I had my mother's beauty!"

Napailing siya at pinunasan ang luhang lumabas dahil sa tawa. It was a mocking gesture and I feel like she just stomped onto my pride. Over and over again.

"You think you're pretty? Fine. Let's see, then. Sumama ka." She calmly said with a hinting and knowing smirk.

My lips part out of shock as Ana gasped in shock.

"H-Huh?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ana, siguro'y parehas naming inaasahang ikukulong niya ako sa kuwarto.

"Isasama natin siya. Of course, as our maid." Tinalikuran niya ako at naglakad palayo habang kaming dalawa ni Ana ay nakatulala sa likod niya.

Hahayaan niya akong sumama?

"'Wag ka nang tumanganga! Baka magbago pa ang isip ni Mama!" Si Ana at tumakbo sa direksyon ng mama niya.

In the end, she really did bring me with them. Nagulat ako dahil malayo akong nakakalakad nang hindi pinoproblema na mahuli ako ng kung sino man. There were a lot of teenage people like me but most of them are old and in their forties. Mukhang birthday ng Senyor— Papa ni Erikson, kaya siguro may ganitong pagtitipon.

Nasa likod ako ng dalawa habang nililibot ko ang mata ko sa pamilyar na hardin. I tried to loom for Erikson but I saw none.

"Madona! It's nice to see you again!" Narinig ko ang matandang boses ng Senyor.

Nilingon ko siya at nakita ang ngiti niya. He was wearing a white suit with an intimidating woman beside him. He looked like Erikson, while the woman doesn't look one bit like Erikson. Siguro ay nakuha lahat ni Erikson ang hitsura sa Papa niya.

"Happy birthday, Senyor!" Si Madona.

"At nasaan ang isang anak mo?" Ani ng matanda matapos makitang mag-isa lang si Ana. Tumama ang mata namin ng Senyor dahilan ng pagpawi ng ngisi niya. There's a look of recognition in his eyes and my heart thumped loud against my chest.

"Nauna na iyon dito, Senyor. Malay mo at kausap na ang unico hijo mo?" Si Madona kaya bumalik ang atensyon ng matanda sa babae.

He laughed and glanced at me. "At kaano-ano mo ang babaeng iyan?" He asked as if he knew who I was, I shivered at that.

"Ahh, anak ng asawa kong nasa ospital." Si Madona. Nagtaas ng kilay si Senyor sa akin.

"Pa." Isang biglaang baritonong boses ang sumulpot dahilan para kumalabog ng malakas ang puso ko.

Nanigas si Ana at ramdam ko ang impit niuang pagtili. Halos kurutin siya ni Madona dahil sa hindi kaaya-aya niyang iniasal kaya napatuwid ng tayo si Ana. Habang ako? Natulala sa mukha ni Erikson. It's been almost two weeks since we last met but it felt like two years for me. Like the little Cindy who waited every year for her birthday present despite knowing full well it would not come, like a hopeless romantic girl, only now that I am indeed a hopeless romantic girl.

Hindi man lang siya sumulyap sa akin pero ang lakas na ng kalabog ng puso ko. Sobrang saya ko na makitang maayos lang siya! Akala ko napaano na siya!

"Erikson, you met Ana didn't you? Introduce yourself again." Utos ng Senyor sa kaniya.

Tumango si Erikson at magsasalita sana nang biglaang magtama ang mata namin. His eyes widened when he saw my presence behind Ana as his mouth part in shock. I was about to smile at him when he avoided my eyes and looked at the shrieking Ana who's too mesmerized by his face to even notice the short span of time he looked past her.

But I'm sure they noticed it. Erikson's eyes on me.

"I'm Hendrik Son Martin." He gave her his hands.

"Ana Mae Dela Vega!" Tinanggap ni Ana ang kamay at paigik na humagikhik.

"Meet my stepdaughter, Erikson. Cindy Dela Vega." Tinulak ako ni Madona sa harapan kaya nagulat ako.

"Cindy?" Gulat na tanong ni Erikson. Fuck, yes. I lied to him about my name being Ella but that's what my mom wanted to call me!

"Kilala mo?" Si Madona.

"Hindi." Umiling siya at nag-iwas ng tingin sa akin, my eyes widened in shock.

"Oh? Hindi mo kilala? Siya iyong sinayaw mo sa kaarawan mo." Pagpapatuloy ni Madona.

Kumunot ang noo ni Erikson at binalingan ang nakangising si Madona. Umiling siyang muli, tinatanggihang kilala niya ako!

"I don't know her. I just picked a random girl. She happens to be the random girl." He shrugged and my heart crushed into pieces.

He's... denying me?

Bakit? May kayo ba, Cindy?

"Oh, she's a random girl." Tumawa si Madona, it was an obvious mockery.

"Just random." Tango ni Erikson. He glanced at me but it was cold and emotionless, it wrecked something inside me.

"Kids, why don't you enjoy your time?" Ang babaeng kasama ni Senyor ang nagsabi at nakahinga ako nang maluwag dahil doon.

"Accompany Ana, Erikson." Si Senyor.

Tanging tango ang sagot ni Erikson. Tinalikuran na kami ng mga matatanda dahil mayroon yata silang pag-uusapan. Pagbalik ko ng tingin ay nawala na ang dalawa. I found Erikson and Ana walking together! Away from me!

"Erikson!" I called and they both stopped.

Nilingon nila akong dalawa pero nanatili ang tingin ko sa mata ng lalake. His eyes were cold and distant and he looked nothing like the Erikson I met.

"Bakit?"He asked coldly.

"Magkakilala kayo?" Kunot-noong tanong ni Ana.

"Oo—"

"Hindi." Malamig na putol ni Erikson sa sinabi ko.

Natawa si Ana dahil doon. "Naisayaw ka lang, ang assuming mo na!" Asar niya sa akin kaya kinuyom ko ang kamao.

"Magkakilala kami." Giit ko.

"Wala akong kilalang Cindy ang pangalan." Malamig niya akong tiningnan sa ulo hanggang paa na para bang hinuhusgahan niya ang pagkatao ko.

Natigil lamang ang mata niya nang makita ang sapatos na suot ko.

"Kilala mo ako! Palagi mo akong binibisita!" Iritado kong sabi, gustong igiit na hindi ilusyon ang lahag ng ginawa niya.

Nag-angat siya ng tingin at heto nanaman tayo sa malamig at walang emosyon niyang mga mata. Akala ko magpapatuloy iyon ngunit nagiba ang walang emosyon niyang mukha nang tumawa siya at umiling.

"You must be hallucinating things, Ms. Cindy. Hindi kita kilala at wala akong babaeng binibisita."

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Wala kang... binibisita?"

"Wala. Hindi kita kilala at hindi ko alam kung bakit ginigiit mo na kilala kita. Isang beses lang kita nasayaw tapos ganito ka na makaasta." Napailing siya sa akin kaya nalaglag ang puso ko.

"Hoy! Amfee mo naman pala! Nakakahiya ka!" Napailing sa akin si Ana kaya kinuyom ko ang kamao ko habang pinagmamasdan sa mata si Erikson.

Tinuro ko ang sapatos ko kaya bumaba ang tingin niya sa sapatos na ibinigay niya sa akin. Walang emosyon siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Kilala mo kung sinong nagbigay ng sapatos na 'to sa akin?" Tanong ko.

"Hoy! Mukhang mamahalin!" Si Ana.

"Hindi ko kilala." Sagot ni Erikson, inignora si Ana.

"Taong gago." Sabi ko bago siya tinalikuran at naglakad palayo.

"Anong nangyari roon?" Tanong ni Ana.

"I don't know."

Tangina mo, Erikson.

Tumigil ako sa isang chocolate fountain at bumuga ng hangin. I should at least enjoy the food here or else all would be for nothing.

"Gusto mo ng tskolate?"

Napatalon ako nang may sumulyap na boses sa gilid ko. Nilingon ko ang pamilyar na baritono na boses at hindi nga ako nagkamali dahil siya iyong lalakeng inaya akong sumayaw noong birthday ni Erikson.

Lumagpas ang tingin ko sa likod niya at nakitang nakamasid si Erikson sa amin. Nang makita ako ay kaagad niyang ibinalik ang atensyon sa dumadaldal na si Ana.

Hindi mo ako kilala, huh?

"Anong pangalan mo?" Baling ko sa lalake.

Now that he has no mask on, I can tell he's a very handsome man. Probably much more older than me but that wouldn't matter. He's a moreno too and looks like a pure filipino.

"Jericho." He smiled at me and lended me his hands.

"Cindy." I introduced with a smile.

"Ang sungit mo noong nakaraan. Bakit bigla kang bumait?" Tumawa siya kaya natawa ako kahit wala namang nakakatawa.

"Ka—"

"Jericho?"

Sabay kaming sumulyap kay Erikson na tinawag siya. Kumunot ang noo ko sa kaniya at sinulyapan ko si Ana na nakakunot din ang noo habang tumitingin sa amin.

"Oh, Hendrik?" Nilingon siya ni Jericho.

Sumulyap sa akin si Erikson at nag-iwas ng tingin. "Wala." Umiling siya at tumalikod.

"Kilala mo 'yon?" Tanong ni Jericho.

Nanatili ang mata ko sa likod ni Erikson na papalayo, napansin kong tumigil siya sa tanong ni Jericho kaya umiling ako.

"Just a random man I danced with."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top