Chapter 5 NURDAN MARSIAN
Algeree was so hopeless at that moment, walang ibang laman ang utak niya kundi ang kapatid niya at kung paano niya ito mahahanap lalo pa’t iniwanan na sila ng kanyang Ama sa ganitong sitwasyon pa. She’s just twenty years old, no parents, no family at her side, just nothing but herself alone and she knows this is just a beginning of reality dahil mayroong isang nilalang na hinding-hindi matatahimik hanggat nakikita siyang malayang humihinga.
Mabilis ang pintig ng puso niya habang nasa harapan ng ATM machine, she’s overthinking and a negative situation weakening her and it’s creating a cavernous void that threatened to swallow her whole. She’s sickly worried dahil baka hindi niya na ito magamit, she’s almost about to vomit in this kind of situation. She need money to save her sister, she need money for her school. Her hands trembling while entering the pin code of card but a beacon of hope in Algeree’s otherwise hopeless life when she able to process the withdrawal.
Mabuti na lang nakapagdala siya ng backpack para may mapaglagyan siya ng cash. She withdraw two hundred thousands in cash. Iyon lang ang cash puwede niyang ilabas ngayong araw dahil exceed na ito pero puwede niya pang gamitin ang card para sa grocery items. She’s still lucky somehow. Alam niyang hindi siya pababayaan ng kanyang Daddy, he loves his daughter unconditional at hindi nito hahayaang mabuhay silang parang pulubi ng kanyang Ate Xandra.
“Thank you, Daddy,” bulong niya sa sarili habang palinga-linga sa paligid.
Now, she need to deposit it to her own accounts. Mabuti na lang nakinig siya sa kanyang Ate Xandra noon na kumuha ng sariling back account to save her own money noong sinubukan niyang mag-online selling. Agad siyang pumasok sa loob ng banko at nag-deposit ng pera sa sariling account. At bago siya umuwi sa apartment ay dumaan na rin siya ng grocery sa loob ng Mall dahil doon lang puwede niyang gamitin ang credit card.
Halos ubusin niya na ang canned goods at noodles sa loob ng grocery dahil iyon ang halos laman ng kanyang cart. Mukhang hindi siya lalabas ng ilang buwan sa rami ng grocery na kinuha niya, well kailangan niyang mabuhay ng matagal para mabawi niya ang dapat na sa kanila. Kulang pa nga ang laman ng credit card na iyon kung tutuusin e’ sila ang first family ng Daddy niya kaya dapat doon sila sa mansion nakatira pero dahil sakim ang step mother nila ay minabuting sila na lang ni Alexandra ang umalis para walang malaking gulo.
Pero mas magulo pa tuloy ang mga nangyayari ngayon. Mabuti na lang lumaki si Algeree na hindi nakadepende sa magulang at kapatid. She know how to live in reality, she woke up early from the truth that no matter how kind her father is. He’ll abandoned them in the future and recently happened, sobrang napaaga nga lang ang pag-alis ng kanyang Ama. Hindi niya pa ito inaasahan lalo pa’t nawawala rin ang kapatid niya.
Malaking dagok ang dumating sa buhay ni Algeree pero kakayanin niya, “Hope in.” Nabaling ang atensiyon niya sa isang itim na sasakyang huminto sa tapat niya. She’s waiting for a cab para magpahatid sa kanyang apartment dahil sa rami ng kanyang pinamili sa grocery store.
Inaaninag niya ang driver, madilim sa loob ng sasakyan, akala niya ay sasakyan ng Daddy niya pero hindi pamilyar sa kanya ang sasakyang iyon. Black SUV. “Your friend, Yvonne sent me,” giit pa ng driver na ibinaba pa ng bahagya ang windshield.
Siya na ba ang sinasabi ni Yvonne na puwedeng tumulong sa kanya para mahanap ang Ate Xandra niya? Or baka si Wilora ang nagpadala ng taong ito dahil nalaman na nito ang ginagawa niya? Nasundan ba siya ng tauhan nito? “C’mon! It’s almost late,” napaigtad si Algeree sa boses ng driver. Noon niya napagtanto na kakaiba ang dating ng lalaking ito sa driver seat.
Algeree was hesitant at first, unsure of this stranger and his motives. But she could see the determination in his eyes, and she knew that she needed all the help she could get. Kanina pa talaga siya naghihintay na may dumaang cab ngunit napagtanto niyang madilim na talaga ang paligid at delikado na para sa kanya ang manatili sa lugar na iyon.
“What?” pukaw pa nito sa kanya at nagulat na lang si Algeree dahil nasa harapaan niya na ito.
“O-Okay,” saad niyang hindi mapakali dahil nagtama ang kanilang mga mata. Maliwanag sa waiting area ng Mall kaya kitang-kita ni Algeree ang kabuuan ng mukha ng estranghero sa kanyang harapan.
His eyes, the colour of storm clouds, he had a fearless eyes, held a knowing glint that both terrified and intrigued her. His fake smile that made her face red or pale, a flicker of lightning across his handsome face, promised both salvation and damnation. ‘The hell, what she’s thinking?’ this is like a dream! He looks like Brad Pitt in Filipino version!Hindi mapalagay si Algeree sa kanyang kinatatayuan habang tinititigan ang lalaki sa kanyang harapan, isa-isa nitong binubuhat ang mga plastic bag at inilalagay sa sasakyan.
‘Who is this man?’ why she suddenly become interested to him? Her hands trembling, she feel a rapid heartbeat inside her, this is the first time in her womanhood that she become interested in opposite gender. She was captivated by his mysterious looks, his presence offered great attraction to her.
“Hope in, now,” matigas na sambit ng estrangherong driver habang itinuro ang nakabukas na pintuan ng itim na sasakyan. One thing for sure, patiently waiting isn’t his thing, medyo mainit rin ang ulo niya. No choice si Algeree dahil may mga gamit sa passenger seat kaya katabi niya ito sa unahan at hindi niya alam kung anong kahihinatnan ng buhay niya ngayong gabi. ‘Bakit ang bilis mo magtiwala sa lalaking ito Algeree Junos.’
“Nurdan, that’s my name. Tawagan mo ang kaibigan mo kung sa tingin mo masama akong tao. Well, technically masama talaga akong tao, because I’m not a good person,” giit nitong patuloy lang sa pagmamaneho ng sasakyan. ‘Pinagsasabi niya? Pinahaba niya lang ang pagpapakilala sa sarili e’ nagmamaktol ang isipan ni Algeree habang tahimik na nakikiramdam.
“Your school was SEU right?” Nurdan confirming.
“Opo. South Eastern University,” she replied.
“I need three hundred thousand in exchange of your oldest sister, Alexandra Junos Ty. Half downpayment. Cash. Tomorrow evening. If you accept my offer just contact me here,” sunod-sunod na saad ni Nurdan na hindi man lang tinitingnan ang kausap at sabay bigay ng maliit na kapirasong makapal na papel; business card.
“O-Okay.” Wala siyang ibang nasambit dahil sa gulat. Three hundred thousand? Kulang ang pera niya, sasabihin niya na ba? Hindi, baka umatras kapag nalaman na hindi niya sigurado kung mabubuo niya pa ang ganoon kalaking pera. Two hundred thousand ang laman ng account niya, kulang pa. Sabay lingon siya sa labas ng sasakyan, tulala. Paano na ang pag-aaral niya? Ganoon pala kamahal ang bayad sa paghahanap ng missing person.
“Ang full payment kapag na-rescue ko na ang kapatid mo. No question. No suggestion. No distraction. Just do what I told para mapabilis ang kilos ko dahil ayokong sagabal. I have a little information about her and her abductor, but not enough because I’m not yet into it. Unless you pay me tomorrow evening. Seven o'clock at the park, infront of La Cave Coffee Shop,” mahabang litanya ni Nurdan na wala man lang kurap. Ganito ba siya palagi? Seryoso? Well, dapat lang naman talagang seryosohin ang mga ganitong sitwasyon.
“Seven p.m sharp,” pahabol pa nito.
Halos mahulog ang dalaga sa kinauupuan, buti na lang mayroon pala siyang seatbelt. Sana puwede pang maglabas ng ganoon kahalaga ang credit ng kanyang Daddy bukas. Para wala na siyang iisiping iba kundi ang gastusin niya sa pag-aaral. Puwede siyang magtrabaho habang nag-aaral. Sa ibaba ng kanyang apartment ay mayroong coffee shop, nagbibiro nga siya dati na magpapasa ng resume dahil tanggapan noong nakaraang buwan.
“We’re here. Drop you off,” pukaw sa kanya ng misteryosong lalaki sa driver seat dahil hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa tapat ng kanyang apartment.
“Thank you.” Mabilis siyang umibis palabas ng sasakyan at pinuntahan ang kanyang mga bagahe mula sa likod na upuan. Isa-isa niyang nilabas ang malalaking plastic bags at inilapag sa baba ng hagdan paakyat sa kanyang apartment. “Pssh!” sambit ni Algeree dahil walang balak na bumaba ang kanyang driver. Hinayaan lang siyang magkumahog kakabitbit ng mga malalaking plastic grocery.
“Walang manners! Hmmp! Ungentleman!” pagmamaktol ni Algeree ng pinaharurot ni Nurdan ang kanyang sasakyan pagkasara pa lang niya ng pintuan sa likuran. Hindi man lang nagpaalam.
“Nurdan Marsian.” Pagod siyang naupo muna sa ikalawang baitang ng hagdan paakyat sa tinutuluyan at binasa ang nakasulat sa kapirasong papel na ibinigay ng guwapong lalaki sa kanya kanina. Kahit ang bank accounts nito ay nakasulat doon. His surname was familiar. She heard it before, hindi niya lang maalala kung saan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top