Chapter 4 LOWEST POINT OF LIFE



“I need them. I need Daddy.. I need Ate Xandra..” bulong ni Algeree sa sarili habang mahigpit na napapahawak sa tapat ng kanyang dibdib, makirot at mapait ang araw na ito. Walang ibang pumapasok sa kanyang isipan kundi ang kalupitan ng kanyang madrasta.

“Sana lang wala siyang alam sa pagkamatay ni Daddy dahil kapag napatunayan kong kagagawan niya ang mga pangyayaring ito sa pamilya ko ay mananagot siya sa akin.” Namamalisbis ang mga luhang walang patid sa pisngi ni Algeree, naghihinagpis ang kanyang puso sa labis na kalungkutan. She thought, she’s strong and brave but this kind of situations was slowly killing her inside, she is still vulnerable human, she’s just a daughter and a young sibling.

“Umuwi kana muna, pupuntahan ko si Daddy,” medyo kalma na si Algeree habang inaayos ang sarili at hinarap ang kaibigan. Pilit kinakalma ang sarili dahil wala na siyang ibang kakampi kundi ito. Hindi niya hahayaan na pati siya ay mawala rin sa landas at magtagumpay si Wilora. Isa itong sumpa sa kanilang pamilya, wala siyang nagawang mabuti para sa kanilang mag-aama.

“Nag-message na nga si Mama. Nag-aalala na rin dahil gabi na hindi pa ako nakakauwi. Kaya mo pumunta ng hospital mag-isa? Kung gusto mo, hatid muna kita doon?”

“Oo naman. Kaya ko. Huwag mo na ako ihatid. Sige na muna dahil mag-aalala pa sila sayo kapag matagal ka pang hindi nakakauwi sainyo.” Wala ng nagawa si Yvonne kundi ang maglakad papuntang kanto. “Pupuntahan kita sa hospital o kaya sa bahay ninyo,” giit nito at tuluyan ng naiwan si Algeree mag-isa. Kailangan niya ng puntahan ang kanyang Ama. Sigurado sa mga oras na ito ay nasa morgue na ang Daddy niya at nandoon si Wilora nagkukunwaring nagluluksa.

“Daddy,” bulalas niya at tuluyan na namang nalaglag ang mga luha sa kanyang mga mata. “W-why y-you left me alone...” wala na siyang kausap kundi ang kanyang sarili. Kailangan niyang magpakatatag dahil makakaharap niya ang kanyang madrasta.

Hindi niya namalayan kung paano siya nakarating ng hospital, hilam sa luha ang kanyang namamagang mga mata habang tinungo ang information desk para magtanong kung nasaan ang kanyang Ama. Algeree was totally empty, she don’t know if she’ll survive her life today. Pakiramdam niya ay bigla na lang babagsak ang mundo sa kinatatayuan niya. She is draining and drowning. Hindi niya akalain na maaga silang iiwanan ng kanilang Ama at si Xandra nawawala rin, ano ba ang dapat niyang unahin?

She finally saw the body of her lifeless father. Sobrang pagkaawa ang nararamdaman niya sa kanyang Ama. She knows, her father was struggling everyday and regretting about Wilora. Ramdam niya iyon ngunit pinoprotektahan silang magkapatid at may pinapangalagaan itong reputasyon. But it had all gone downhill after his untimely death.

Hindi niya pinansin si Wilora na nasa gilid at nakasandal sa pader habang pinagmamasdan siyang niyayakap ang kanyang Ama. Tahimik rin ito at mukhang walang lakas ng loob upang makipagbangayan sa kanya. Well, Algeree knows that Wilora was obsessed with her Dad at mas malalim ang sakit na nararamdaman nito dahil may kasamang panghihinayang dahil wala na sa kanyang tabi ang pangarap niyang asawa.

Wilora is dangerous. She need to be ready for her next moves. Bilang anak, nanatiling tikom ang kanyang bibig hanggat sa matapos ang paghihintay nila sa katawan ng kanyang Ama upang maiuwi sa kanilang bahay para sa burol. Hinayaan niyang si Wilora ang mag-asikaso ng lahat dahil iyon naman talaga ang dapat. Siya ang asawa kaya walang ginawa si Algeree kundi ang manahimik sa tabi ng kanyang Ama.

Ipinagpaliban niya rin ang paghahanap sa kanyang Ate Xandra, kikilos siya kapag nailibing na ang kanyang Ama. Hindi puwedeng mawala sa paningin ni Algeree ang kanyang Daddy dahil alam niyang kailangan siya at magtatampo ito kapag umalis siya. Isang linggo rin siyang nagpaalam sa kanyang School at si Yvonne ang bahalang kumausap sa mga Professor nila.

Time passed. Everything settled. Naihatid na nila si Gerald Lexton sa huling hantungan nito. Halos ubos na ang luha ni Algeree para sa kanyang pinakamamahal na Ama, mas nalulungkot pa siya dahil hindi man lang nasilayan ng kanyang Ate Xandra ang Daddy nila. Siguradong walang alam ito sa mga nangyayari, kahit sobrang nag-aalala siya kay Xandra ay hindi niya ipinakita kay Wilora ito. At hindi man lang nagtanong kung bakit wala si Alexandra sa lamay ng kanyang Ama. Kahit mag-usisa man lang ay walang pakialam si Wilora kaya nadagdagdan ang kutob ng dalaga na may kinalaman ito sa mga nangyayari.

Hindi siya puwedeng maunahan ni Wilora sa mga plano nito. Nanatili siya sa malaking bahay kasama ito at ang malditang anak nitong si Nora. She want to endured a little for the sake of her father's memories but her stepmother, a snake in a silky gown, had quickly shown her true colours, transforming Algeree's house into a battlefield of emotional abuse and it had become a battleground of psychological torment.

Three days after her father's burial. Nagpaalam na si Algeree kay Wilora na babalik na siya ng apartment at wala man lang itong imik. Ni hindi nga siya tiningnan nito habang nagpapaalam. Lahat ng natitirang damit niya sa mansion na iyon ay dinala na niya. Nagpasundo siya kay Yvonne dahil marami siyang gamit na hinakot. Wala na siyang balak pa na bumalik sa bahay na ito kaya nilimas niya lahat ng gamit sa kanyang dating kuwarto.

Algeree worried about her life starting now because her Daddy was gone, she’s doubting that Wilora support her studies. She knows what she’s up to, kahit wala itong imik habang naghahakot siya ng mga gamit niya at hindi man lang komontra ay alam niya ang nasa utak nito.

“Thank you for everything Yvonne,” she uttered a cried for gratitude.

“Don’t say a word. I’m here for you. Tito Gerald was so kind to me. I’ll stay beside you,” giit ni Yvonne na awang-awa sa kaibigan.

Nagpahatid sila sa driver ng kanyang yumaong Ama, hindi naman tumanggi si Wilora nang ipaalam niyang gagamitin ang isa pang sasakyan ng Daddy niya para magpahatid. Marami kase ang gamit na dinala niya dahil mga lumang gamit pa ng kanyang ina ang mga ito na itinatago niya sa kanyang kuwarto dahil gustong ipatapon ni Wilora. May lumang kabinet, TV, Radio at mga gamit sa kusina, kahit ang mga painting na binili ng kanyang Ina noon ay itinago niya.

Mabilis na nakarating ang sasakyan sa apartment ni Algeree at tinulungan pa sila ni Manong driver na iakyat ang mga hinakot na gamit ni Algeree. Wala siyang oras na sasayangin dahil kinabukasan niya ang nakasalalay, hindi niya alam kung anong plano sa kanya ni Wilora lalo pa’t wala na ang kanyang Daddy Gerald.

“Salamat sa lahat-lahat, Yvonne. Okay na ako rito. Ako na ang bahalang mag-ayos ng mga gamit na ’yan,” giit ni Algeree matapos nilang ipasok ang mga gamit.

“Sure ka friend? Kailangan ko talagang makauwi ng maaga dahil ’yong projects natin at mayroon pang assignment and research papers. Magpahinga ka na muna hanggang bukas, Sunday pa lang naman para makabawi ka ng tulog okay? Ako na gagawa ng para saiyo,” saysay ni Yvonne.

“Maraming salamat talaga sa lahat-lahat. Babawi ako sa’yo kapag nakaahon na ako,” nahihiyang saad ni Algeree.

“No worries. Basta magpahinga ka muna. Tutulungan kitang maghanap ng puwedeng makatulong sa atin para mahanap si Ate Xandra mo. May kakilala akong maraming koneksiyon sa ganyang trabaho..”

“Talaga? Gusto ko ng mahanap si Ate Xandra. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang may gawa nito sa kanya. Someone abducted her, maybe because of his husband wealth and property or because of evil intention.” Nagkaroon ng kaunting pag-asa si Algeree dahil sa sinabi ni Yvonne ang tanging kailangan niya na lang ay ang pambayad niya sa makukuhang nilang tao para hanapin si Alexandra.

‘I need my Daddy's credit card,’ sigaw ng utak ni Algeree. Kailangan niyang maunahan si Wilora baka ipa-close lahat ng account ng kanyang asawa. Nang magpaalam na si Yvonne ay agad namang umalis ang dalaga papunta sa pinakamalapit na banko. Isasagad niya ng gamitin ang credit card, kung sakaling maisipan ni Wilora na bawiin ito sa kanya o ipa-close ay nagamit niya na.

‘WATCH YOUR MOVES’ habang lulan siya ng trike ay isang mensahe ang natanggap niya na halos ikalaglag ng kanyang puso. ‘What the hell is this?’ magkahalong kaba at takot ang bumalot sa buong pagkatao ni Algeree dahil ang mensaheng iyon ay galing sa kanyang Ama. Gamit ang messenger ng kanyang Daddy Gerald, sigurado siya na si Wilora ang may gawa nito. How disrespectful she is para pakialaman ang personal na gamit ng kanyang Ama? Wala talaga siyang utak. Kakalibing lang ng kanyang asawa e’ hindi niya man lang irespito ang pangalan nito.

Nagdadalawang-isip sana si Algeree kanina na gawin ang nasa utak niya pero ngayon buo na ang desisyon niya. Hindi niya na kailangan ang concern ni Wilora para sa gagawin niyang hakbang. She’s a daughter of Gerald Lexton anyway kaya may karapatan siya sa pag-aari ng kanyang Ama. She’s sure of it. She need to do it now or never.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top