Prologue
Prologue
"May the Lord bless you and keep you. God bless everyone!"
Inayos ko ang sling bag ko bago tumayo. Kakatapos lang ng Sunday service kaya naman sabay-sabay kung maglabasan ang mga tao. Mukang matatagalan pa bago ako makalabas kasi sa bandang unahan ko napiling umupo.
Inilabas ko na lang ang phone ko habang nakikisabay sa daloy ng tao. Nakita kong may dalawang mensahe doon.
From: Ate Joan
Eri, meet tayo sandali sa may tapat ng Worship Gen. See you.
To: Ate Joan
Okiee po. See you.
Binasa ko rin yung isa pang mensahe na nanggaling naman kay Kheeza.
From: Kheeza May
Eriiii sorry kala ko magigising ako ng maaga huhuhu
Napairap ako bago nagtipa ng reply sa kanya.
To: Kheeza May
Hay nako Kheeza. Lagi nalang.
"Eri!" Agad kong nakita si ate Joan na kumakaway sakin sa may table katapat ng Worship Gen. Tumayo sya para lumapit at makipagbeso sakin.
"Hello po ate Joan," bati ko habang umuupo sa tapat niya. Mukang alam ko na yung sasabihin niya pero wag naman sana. Lord, please kalalabas ko lang po ng church ayoko po magsinungaling.
Ngumiti siya sakin bago nagsalita, "Di ko na ba talaga mababago isip mo?" Napabuntong-hininga ako. I knew it. Naghanap muna ako ng salita kung pano ba ako magpapaliwanag kay ate Joan.
"Ate kasi," Hala shems. Ang hirap naman. Siguro dito talaga ako kinausap ni ate Joan, right after ng service, para di ako makatanggi.
"Di ka na nga sumama last year nung nagmission kami sa China, tapos this year di ka na naman sasama," kunwari pa'y nalulungkot niyang sambit. Pero in fairness, nagsisimula na nga akong maguilty. But still...
"Ate kasi ano... di ba alam mo naman na nagkaproblema po kami dun sa isa naming laboratory diba? Kaya ayun, di po talaga ako makakasama sa pag mission sa Thailand," Hala sorry Lord. Kakalabas ko lang ng church pero ganto agad. Totoo naman yung sinabi ko pero pwede naman magawan ng paraan na makasama ako kung gusto ko talaga sumama. The problem is, I don't want to go.
"Talaga ba?" Ngumisi siya sakin at nagtaas ng kilay. "Look Eri, I'm sorry to say this pero, kung si Kyoshi yung pinoproblema mo I—"
"A-ate, no! H-hindi po ganun," kabado pa akong tumawa pagkatapos kung putulin yung sinabi niya. Just like how I think it would be, they all think it's because of this. Well, tama naman sila so di ko na idedefend yung sarili ko. Pero gusto ko pa rin maging denial sa harap nila kahit papano.
"No need to lie to me dear. Ano ka ba, I'm your ate diba. About the mission, I assure you kahit nandun sya di naman kayo magiging awkward. You don't need to interact with each other. Madami naman tayo dun. At isa pa, ako lang naman yung palagi mong sasamahan," kumindat pa sya pagkatapos.
She has a point. Di naman ibig sabihin na nasa iisang place kami ay required na kaming mag-usap. And most importantly, pumunta naman kami dun to share God's word so yung mga tao dun yung dapat kausapin namin. Tama, tama. Napatango ako sa isip ko.
"Ate, you know what, I'll think about it po. I'll just text you po if nagbago isip ko," Napangiti sya dahil sa sinabi ko. "That's great! So, can I expect a good news from you?"
"Of course, ate," Or not? Di ko pa rin talaga gusto. Magdadahilan nalang ulit siguro ako sa kanya and I'll just promise to attend next year. I know, I'm bad. Hay.
"Uy sorry naaaa," salubong sakin ni Kheeza pagkapasok ko sa unit namin. Nakapajama pa siya so baka kakagising niya lang nung nagtext sya sakin. Di ko sya pinansin at nagdire-diretso lang sa bed ko. Sumunod pa nga ang loka at umupo pa sa tabi ko. "Sungit naman neto. Bakit, nakita mo si Kyoshiro sa service?"
Marahas akong lumingon sa kanya at sinimangutan siya. "Don't say bad words! Alam mo namang sa ibang branch na yun umaattend dahil sa work niya, diba?" Inirapan ko siya bago tumayo para kumuha ng damit pampalit, samantalang siya ay nanatiling nakaupo sa bed ko.
"Uyy updated siya," pang-aasar niya habang tinataasan ako ng kilay. Aba't talaga naman.
"Gaga! Siya kaya yung bukambibig ng mga tao sa ministry, panong di ko malalaman?" Nilampasan ko siya at pumasok na sa CR. Minsan talaga, ansarap tapalan ng tape sa bibig nitong si Kheeza eh. Baka gusto niyang asarin ko rin siya at siya naman yung mapikon.
"Byeee Krizhna," paalam namin ni Kheeza bago lumabas ng unit. Kawawa naman si Krizhna, patay sa tulog mukang pagod na pagod.
"Haggard na haggard si ate mong girl," sambit ni Kheeza bago pinindot ang groundfloor sa elevator. Papunta kami ngayon sa trabaho, maaga pa naman kaya chill chill lang kami sa paglalakad. Maaga talaga kami ngayon kasi i-mi-meet namin yung magiging katulong namin sa pag-aayos nung nagkaproblemang laboratory.
"Bakit, anong oras nakauwi yun?" tanong ko, tinutukoy si Krizhna. Nilagay ko yung bag ko sa backseat bago pumasok sa driver's seat ng sasakyan ko. Today, we decided na yung sasakyan ko nalang muna ang gamitin since sabay naman kaming pumasok and wala naman kaming ibang pupuntahan later kaya obviously, sabay din kaming uuwi. We work on the same company, after all.
"I don't know, maaga rin ako natulog like you. Pero nagising ako ng bandang 3 AM, nakita kong nakababad siya sa harap ng laptop niya," sagot niya habang naglalagay ng powder sa muka. So baka, kakatulog niya lang kanina. Poor her. I think I made the right choice on choosing my career. Di ko yun kaya.
"I saw their topic eh, mukang mahirap," Lumiko ako at nakalabas na ng parking. Maaga pa naman kaya di ko na kailangang bilisang magdrive.
"True. Mahirap na yung topic, nakakastress pa yung partner niya sa research," Sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya. Naalala ko tuloy nung sinabi samin ni Khrizna kung sino yung partner niya. Stress na stress si gurl.
"Good morning, ma'am," ngumiti kami sa guard bago dire-diretsong sumakay sa elevator para umakyat sa floor kung nasan ang office namin. Medyo nagmamadali na kami dahil andun na daw yung magiging partner namin. Bat naman kasi ang aga-aga nun magsidating, ni di pa nga time ng work namin eh.
Pagpasok ko ng office ko ay nilapag ko agad yung bag ko sa table bago hinubad ang blazer na suot ko. I am now wearing a white longsleeves button down shirt and a black fitted slacks where the shirt is tucked in. Nagsuot na ako ng labgown bago lumabas para pumunta sa office ni boss. Nakita ko pa dun si Kheeza na nakatanga sa pintuan at di pa pumapasok. Hinihintay niya yata ako.
"Ang bagal mo," puna niya sakin bago pinihit ang seradura ng pintuan. Ngumiwi ako sa kanya bago dire-diretsong pumasok sa office.
"Sorry ma'am, we're late," sabi ko habang diretsong nakatingin sa boss namin. Syempre mabait tayo. Kahit sobrang aga naman talaga namin, magsosorry na rin ako.
"That's fine Ms. Ereché," nakingiting sambit niya bago nilingon yung dalawang lalaki na nakaupo sa tapat niya. Di ko sila napansin nung pumasok kami. How rude of me. Tumayo yung dalawang lalaki para batiin kami. Inayos ko yung suot kong labgown bago sila binalingan.
OH. MY. GOD. Anong ginagawa niya dito?!
"Gurl, yung bibig mo sarhan mo baka mapasukan ng langaw," Di ko napansin natigilan na pala ako nang makita ko kung sino yung isa sa lalaki. Shems, nakakahiya. Pero kasi... Lord, sorry po for the word pero, anong ginagawa ng gagong to dito?
"Ms. Ereché, Ms. Kheeza, this is Engr. Villacorte and Engr. Advincula, they will be accompanying us in fixing our current problem on the laboratory,"
What the... eh ano naman kung engineer sila? We need someone related to chemistry, or kahit sa lab nalang. This is a serious problem for goodness sake! What we need is a laboratory analyst or a... wait a minute. Shoot.
"Ikaw ha. Kaya ayaw mo sa mga Civil Engineer, Chemical Engineer naman pala ang nais," bulong pa sakin ni Kheeza matapos magpakilala nung dalawa as a Chemical Engineer. I forgot he's a freaking Chemical Engineer!
Lord, parusa nyo po ba to sakin, kasi di po ako aattend ng mission? Lord, promise pag panaginip lang 'to aattend na talaga ako kahit andun pa siya. Atleast one week lang naman yun at di naman kailangang mag-usap. Pero dito, myghad!
Kalma, Eri, kalma.
Taas noo ko silang binalingan nang sikuhin ako ni Kheeza matapos niyang magpakilala. I guess it's my turn. Una kong tinanggap ang kamay nung isa para makipagshake hands.
Then, I faked a smile before turning to him. "Ereché Faith Villanueva, the quality control chemist, looking forward on working with you Engr. Kyoshiro Advincula,"
Lord, sorry na huhuhu.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top