Chapter One
Chapter One
"Oh PUP Teresa!"
Agad akong umupo sa may bakanteng upuan sa tapat ng bakery dito sa bukana ng Teresa. Dito ko nalang siguro hihintayin si Kheeza (Pronounce as Kisha with the z). Hinubad ko ang backpack ko at pinatong ito sa maleta na nasa harapan ko bago inilabas ang phone ko.
Wala naman sigurong snatcher dito.
Matagal na ko dito and sa loob ng mahigit isang taon ko dito sa Manila, so far di pa naman ako nakakaencounter ng snatcher pero okay na rin yung nag-iingat.
Nakaabot na siguro ako sa dulo ng newsfeed ko sa Facebook pero wala pa ring sign ng Kheeza. Kung tutuusin pwede naman nga akong mauna na sa unit namin pero kasi before kami umuwi para sa sembreak, hiniram niya yung susi ko so ang ending sabay kaming babalik ng unit kahit pwede namang bukas na sya bumalik kasi tagaTaytay lang siya unlike me na taga probinsya at kailangan pang tumawid ng dagat.
Makalipas ang ilang minuto, natanaw ko na si Kheeza na bumababa ng jeep. Tumayo na ako at muling isinakbit ang backpack para salubungin ko sya. Haggard na haggard na ko shemay. Wala sana kaming makasalubong na pogi.
"Oy Kheeza,"
"Huy! Kanina ka pa?" Haggard na haggard si ate mo. Dalawang bag ang dala niya sa isang kamay tapos isang paper bag sa kabila tapos may suot pa syang backpack na mukang anytime ay puputok na. Tsk tsk kawawa naman.
Kinuha ko yung paperbag na hawak niya. "Akin na nga 'to. Baka sabihin ng makakakita, inaalipin kita,"
Naghanap kami ng bakanteng tribike at nang makakita kami ay agad ko itong pinara. "Kuya Oasis Condominiums po, 3rd building," sabi ko habang ipinapasok ang maleta sa loob. Oasis Condominiums, obviously condominium sya, it is few steps away from our school, Polytechnic University of the Philippines.
2nd year nang magdecide kaming magkakaibigan na magsama-sama nalang sa iisang unit. Since Aiecka, one of our friends, lives in Oasis, we decided na dun nalang din kami maghanap ng unit. We are seven in the squad pero apat lang kami na nagdodorm. Aiecka, lives in Oasis with her family then Amairreh lives on an apartment near Bambang with her sister while Zhajeerina lives in Mandaluyong with her lola.
"Nauna na si Anue (Pronounced as Anna)?" tanong ni Kheeza nang makalampas kami ng riles ng tren. Oo nga pala, lima kami sa unit. Si Anue ay kababayan ko from the province and kachurch ko rin. Freshman sya so ako as an ate, nagpresinta akong sumama na sya samin sa unit since first time nya lang dito sa Manila and medyo gamay ko na dito.
"Yezz. Kahapon pa,"
Nang makarating kami sa unit ay dumiretso agad ako sa bed ko para umupo. Si Kheeza naman ay nilapag muna ang mga gamit bago pumasok ng CR. Binuksan ko ang electrifan ko at nagbukas ng phone para magmessage kay mama at tatay na nakarating na ako.
Studio lang tong unit namin kasi medyo may kamahalan dito. Pagpasok sa unit, may maikling hallway na may shoerack sa gilid at trashbin tapos CR at dining. Sa tapat ng dining yung ref and kusina. Tapos diretso na ay yung dalawang double-deck tapos isang single bed. Dulo nun is sliding glass door then veranda. Bawat bed ay may electricfan, may aircon naman pero tuwing gabi lang namin yun binubuksan then kung sinong unang magigising sya yung magpapatay. Para tipid sa kuryente.
Bumukas ang pinto ng CR. "Lumabas siguro si Anue saglit," Binuksan niya ang mga dala niya at nagsimula nang mag-ayos ng gamit. Tumayo na rin ako nagsimulang mag-ayos. Pinaltan ko muna yung bedsheet ko pati punda ng mga unan then nilagay ko na rin sa cabinet ko yung mga dala kong damit.
Nakarinig kami ng tunog ng susi at nagsimulang umikot yung doorknob. It must be Anue.
"Uy, andito na pala kayo," pumasok sya at dumiretso sa ref para ilagay yung mga pinamili niya. I forgot, I need to buy groceries pala. Tumingin ako sa wristwatch na suot ko at nakitang 7 PM na. Mukang di na ako makakapunta ng Puregold. Bukas nalang siguro.
Maaga kaming nakatulog dahil na rin siguro sa pagod. Naalimpungatan lang ako ng marinig kong bumukas yung pinto. Pupungay-pungay akong sumilip sa kusina at nakita si Au (Pronounced as Ayu) na may hila-hilang luggage. Di nagtagal, dumating na rin si Khrizna (Prounounced as Krishna) kaya narinig ko pa yung usapan nila bago ako makatulog ulit.
Nauna akong magising sa kanila kaya ako na yung pumatay ng aircon. Buti nalang 1 PM pa yung class namin kaya okay lang na tanghaliin sila ng gising. Tsaka 7 AM palang naman. Maraming tulog pa ang mababawi ni Krizhna at Ayu.
They are both from Bicol pero magkaiba ng city. Krizhna is from Albay while Au is from Sorsogon. Kagabi sila bumyahe paManila at kanina lang sila nakarating dito. Kulang-kulang 12 hours ang byahe nila from there to here kaya mas convenient sa kanila na bumyahe ng gabi. Unlike me na eventhough kailangan ko pa tumawid ng dagat, wala pa namang 9 hours ang byahe ko lalo na kung madaling araw ako aalis sa amin.
Di nagtagal, isa-isa na rin silang nagising. Buti nalang nauna na akong maligo kaya di na ako nakipag-unahan sa kanila sa CR.
"Uy, what time daw tayo aalis sabi ni Aie (Pronounced as ayi)?" sabi ni Kheeza habang nagsusuklay ng basa niyang buhok. Nagbukas ako ng messenger at nakitang may message nga si Aie sa GC namin.
PokpokMaster: @dormpips pasabay akoooo. Anong oras kayo papasok?
Nagreply naman dun si Khrizna.
MagandangPokpok: Bilisan mo ha. Mamaya gumapang ka na naman
Pokpok Pamili yung pangalan ng GC namin at ganyan yung mga nicknames namin. It's an inside joke in our squad kasi mabibilis yung mga mata namin pag may gwapo. Mabibilis din sila sa paghahanap ng pogi sa pangunguna ni PokpokSinceBirth na si Au.
"Uy tara na," yaya ni Krizhna na nakasuot na ng bag at nagsisimula ng maglakad papuntang pintuan. Tumayo na rin ako at sinuot na rin yung backpack ko.
Nagchat ako sa GC para umalis na rin sa Aie sa unit nila. Sa 4th building yung unit ng family niya kaya madalas sabay talaga kaming napasok. Minsan sinusundo niya kami sa unit, madalas nag-aantayan nalang kami sa baba ng building namin which is ang Building 3.
Mokmok: Aieshingkels, andito na kami sa baba. San ka na?
Mokmok pangalan ko sa GC dahil dun sa inedit ni Mairre (Pronounced as meyr) na picture. Picture yun ng Momoland sa kanta nilang Bboom Bboom tapos pinaltan yung muka nila ng muka nung creepy creature na si Momo. Tapos, ewan ko kung anong masamang espiritu ang sumanib kay Mairre at natripan niya ilagay ang muka ko dun sa gitna.
Kumukulo na naman dugo ko pag naaalala ko yun. Makagat sana ni Mairre dila niya. Hmp!
After ilang taon, nakarating din si Aie. Kala mo talaga anlayo-layo ng pinaggalingan eh.
"Gumapang na naman si gurl," puna ni Au kay Aie. Nagmake face lang si Aie sa kanya habang lumalapit samin.
Nang makarating kami sa room, maingay pa ng mga classmates namin so malamang wala pang prof. Ganun naman madalas pag start ng sem, sa 1st week wala pang prof kaya nga chill lang kami kanina eh, nahintay pa nga namin gumapang si Aie.
"Late na kayo nag-attendance na si Sir," bungad sa'min ni Mairre. Uyyy namiss ko kacute-an ni Mairre. Sarap pisilin ng pisngi.
"Talaga ba, Immairreh? Namiss mo lang kami eh," pambabasag ko sa trip niya bago umupo sa likod ng upuan niya. Sinadya ko talagang kumpletuhin yung pangalan niya para mainis siya.
"Hindi, Eri," Iniripan pa ako ng bruha. Dukutin ko kaya mata nito? Well, sanay na naman ako sa kanya. Minsan talaga attitude tong babaeng to eh pero madalas naman sumasakay siya sa trip namin, PerfectNaPokpok to eh.
"Uyy Krizhna tumaba ka," pambungad ni Zha nang dumating siya ilang minuto pagkarating namin. Ayan na si InangPokpok, ang ina ng mga pokpok.
"Luh, pasmado bibig," ngiwi sa kanya ni Khrizna bago umirap.
"Joke lang!"
Just like what I expected, after one hour dinismiss na kami ng class president namin matapos dumaan yung checker. And as usual, diretso kami sa paboritong tambayan ng PUPians, ang SM Sta. Mesa. Syempre gala muna habang di pa busy tsaka isang buwan din kami di nagkita. Baka namiss nila beauty ko. Char.
Nag-arcade lang kami tapos nagtingin sa mga shops, kala mo talaga may pambili. Tapos sa huli, nagdecide kaming kumain for dinner. Sa food court nalang kami nagpunta kasi di kami magkasundo kung sang restaurant kakain.
"Oy gusto nyo magclub tayo sa Friday?" Nasamid ako bigla sa iniinom ko dahil sa sinabi ni Aie.
"Ay bet!" Sang-ayon ni Au. Nag-apir pa yung dalawang dimunyu.
Dati pa yan nag-aaya si Aie eh pero lahat kami tumatanggi kasi busy tsaka isa pa, di pa ko ready.
"Dadayo pa kayo dun pwede naman sa club ko nalang kayo pumunta, kikita pa kayo," sabi ni Krizhna tapos kumindat pa. It's not true. It is one of our inside jokes na may-ari ng club si Krizhna tapos naghahire sya ng mga sasayaw dun sa club niya.
"Oh giling na yung mga gigiling," gatong pa ni Zha.
"Ay need ko yan mamsh, pambili ng mga merch," Humampas pa sa ere si Kheeza nang sabihin yun.
"Malay nyo pa may sugar daddy dun," pagsakay ni Mairre sa trip nila.
Nakakahiya kung may makakarinig ng sinasabi namin baka isipin nila totoo yun. Buti nalang maingay dito sa food court.
"May pupuntahan ako sa Friday eh," pagdadahilan ko. Pero totoo naman may pupuntahan naman talaga ako. Actually, kasama si Au eh. Tingnan mo tong babaeng to.
"Hoy, kasama ka diba?" Kalabit ko kay Au. Para naman syang natauhan dahil dun.
"Ay oo nga pala mami, aattend kaming youth service sa Friday,"
"San?" tanong ni Zha.
"Sa may UBelt mader! Madaming pogi dun, sama kayo!" sagot ni Au na sinundan ng signature niyang tawa. Sa sobrang lakas ng tawa niya, napapalingon mga nasa kalapit na table.
"Pass ako dyan, baka masunog ako," tumawa pa si Aie matapos sabihin yun. Adik talaga tong babaeng to.
"Ay grabe sya!"
8 PM nang makauwi kami ng unit. Kumakain si Anue nang madatnan namin siya.
"Mamsh, sama ka this Friday sa youth service?" pag-iimbita ni Au kay Anue. Tatlo kaming christian born again dito sa dorm. Just like what I've said before, churchmate ko si Anue sa probinsya namin sa Calapan, and magkasama din kami sa worship team. Si Au naman ay nakaclose ko dahil magkasama kami lagi sa pagpunta sa church simula pa nung 1st year.
"Hanggang 7 PM klase namin eh," dismayadong sagot ni Anue. Sayang naman.
Mabilis na lumipas ang araw at Friday na. Pakiramdam ko sobrang tagal ko na dito sa Manila kahit na five days palang naman ang nakakalipas.
Medyo late kami nakarating ng church dahil naabutan kami ng traffic sa may bandang Legarda. Nagsimula na yung Praise and Worship. Buti nalang may kakilala si Au at nireserve kami ng upuan malapit sa unahan.
"This is living now!" Sabay-sabay kaming tumalon kasabay ng beat while singing songs of praises to God. Ang sarap talaga ng feeling magpuri kay Lord.
"Erling, tingnan mo yung worship lead oh ang papable," bulong sakin bigla ni Au nang matapos yung kanta. Kahit saan talaga tong pokpok na to.
Umiling ako at tinawanan siya, "Adik ka,"
Nagpeace sign sya bago tumingin sa taas. "Sorry po Lord,"
Ang ganda ng message ngayon, well lagi naman. It's about how God is present even though we feel like He's absent. The pastor emphasized that when we felt like God is not around, it just means that He is working on something. And it is for our own good.
I am just always amazed how great God is. Kaya naman I have faith in Him na He has plans for me. As what is said in Jeremiah 29:11, His plans is for me to prosper and to have a bright future. Kaya di ako nagmamadali magjowa eh, yes, syempre nagkakacrush at nagagwapuhan ako pero hanggang dun lang yun.
And I'm proud to say na kahit puro kapokpokan yung mga pinaggagawa namin, I'm sure wala pa din sa isip naming magkakaibigan yung mga gantong bagay. Impossible as it may sound, NBSB kaming lahat. Yung iba siguro nagkaMU pero hanggang dun lang.
I believe God has stored something for me. May right guy at the right time na dadating na binigay ni Lord for me. So I don't need to rush. He will eventually find his way to me. And I too, will eventually find my way to him.
"Eri! May papakilala ako sayo," Hinila ako ni Au kaya nagpatianod nalang ako.
"Hi! I'm ate Jewel, naghahanap ka daw ng magiging leader mo?" pagpapakilala niya. Wow ang ganda naman niya, sana all. I think she's just 2 to 3 years older than me. We're just same in height pero halatang mong mas mature siya kesa sakin.
"Yes po. I'm Erechè po pala," ngiti ko bago tinanggap yung kamay niya at nakipagshakehands.
"Great! Can you write your number here?" Nag-abot sya sakin ng notepad at ballpen. Agad kong kinuha yun para isulat yung number ko.
"Wait here, I'll introduce you to my friends," Saglit akong tumingin sa kanya at ngumiti bago tinuloy ang ginagawa ko.
Nang matapos ako ay madami ng tao sa harap ko. Wow, andami niyang friendsssss.
Nalito na ko sa dami ng pangalan na narinig ko at sa dami ng taong nakashakehands ko pero may natandaan naman ako kahit papano like ate Gina, ate Macy, Kuya Marc and kuya Mico.
"Jewel, you forgot your guitar," Biglang may dumating na lalaking may bitbit na gitara.
"Oops," tawa ni ate Jewel.
"Aray naman--" Nakaramdam ako ng pangalawang kurot sa gilid ng napasigaw ako dahil sa sakit.
"Siya yung papable na vocalist kanina mader!" bulong ni Au. Bwiset to ah. Sa tagiliran ko ata binunton yung kilig niya.
Nilingon ko yung tinutukoy niya. A moreno guy with tall height, wearing a stripes polo shirt and a simple jeans. Kumislap yung mata ko nang matingnan ko nang mabuti yung muka niya. Hala, ang gwapo nga.
Nagtagal ata ng yung tingin ko sa kanya at napansin yun ni ate Jewel. Shemay, lupa kainin mo na ko ngayon din.
"By the way, Kyoshiro this is Erechè, my new VG member," pagpapakilala ni ate Jewel samin.
Nahihiya akong tumingin kay Kyoshiro na nag-abot ng kamay sakin.
"Ay ako din," bulong-bulong ni Au sa gilid. Di ko nalang siya pinansin.
Dahan-dahan kong inabot yung kamay niya para makipagshakehands. "Kyoshiro," ulit niya habang nakangiti. Ang swerte ko naman tonight! Iba talaga si Lord magplano. Thank you Lord!
Lord, ito na po ba yun? We found the way to each other na po ba? Charot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top