PROLOGUE
"HE'S HERE."
Boredom was visible in Andre's eyes as he walked along the aisle. Nakasunod ang mga mata sa kanya ng lahat ng dumalo sa lamay na 'yon. Deretso ang tingin, nakataas ang mukha, dinig ang tunog ng suwelas ng sapatos—ipinararating na dumating na ang panganay ng mga Fortejo.
His jet-black hair was neatly combed, and he even wore an all-black, three-piece suit, trying to make an impression. Wala siyang kilala ni isa sa mga naroon ultimo ang nasa kabaong—at wala rin siyang balak kilalanin pa kahit yumao niyang ama ang naroon. Nakalingon sa kanya ang mga babaeng bisita at nakalimot na lamay ang ipinunta roon.
Growing up as a Fortejo was a rough road for Andre. Walang ibang bukambibig ang mama niya kundi ang sundan ang yapak ni Henry Fortejo—ang tatay niyang ni anino ay hindi niya nakita noong lumalaki siya. He felt like he needed to follow someone blindfolded, and he had to do that perfectly. It put him under a lot of pressure, which he never asked for.
But now, facing his relatives, it was a strange feeling. He could feel their vibe—the dominance, the superiority. Mga bagay na ilang beses inulit-ulit sa kanya ng mama niya na kailangan niyang tapatan.
His mother wasn't rich pero kailangan niyang dalhin ang sarili sa ganoong estado. Dinikdik talaga nito sa utak niya na kailangan niyang maging kabilang sa kanila kaya maaga pa lang, dapat kumilos na siya gaya nila.
Parang sirang plaka sa utak niya ang turo ng ina. Maglakad nang deretso, itaas ang mukha, bawal magkutkot ng daliri, tumingin nang deretso sa kausap, magsalita nang maayos at bawal mautal. Bumati nang pormal at magpakilala.
"Nandito si Doña Gertrude. Magpakilala ka sa lola mo," utos ng lalaking naka-amerikana sa harapan, itinuturo ang matandang babaeng nakaupo sa harapan ng mga nakahilerang upuan.
Sinabayan niya ng lakad ang paghinga nang malalim. Nakatuon lang ang tingin niya sa ginang. Nakapusod ang buhok nitong kulay pilak, may disenyo pang gintong ipit na sigurado siyang mamahalin at puro. Namumutiktik ang leeg, tainga, at kamay nito ng mga perlas. Kumikinang ang mga palamuti sa Filipiniana nitong kulay puti.
Nakasunod ang tingin nito na hindi rin niya binitiwan. Pinakikiramdaman ang lukso ng dugo. Walang emosyon sa mukha niya nang mag-alok ng kamay sa ginang.
"Good morning, I'm Alessandre Fortejo. The only son of Henry Fortejo. Nice to meet you, madam."
Pinilit niyang huwag mapikon nang tawanan siya nito. Umalingawngaw ang halakhak na iyon sa buong lugar habang nakikita siya ng lahat.
"May apat ka pang kapatid," balita sa kanya ng lalaking nagturo sa kanya sa ginang. "Ikaw lang ang panganay."
Pinandilatan ni Andre ang lalaki at hindi na alam kung paano pa lilingon sa lahat ng bisita matapos magpakilala bilang nag-iisang anak ng namatay.
May apat na kapatid. May apat na kaagaw.
"No one informed me. Kayo ang kamag-anak, obligasyon n'yong sabihin 'yan sa mga pupunta rito, 'di ba?" aniya, nagtaas pa ng mukha para magmalaki. "Walang nagsabi sa 'kin bilang anak niya. Kasalanan ko pa ba 'yon?"
Napayuko ang lalaking kausap at paglingon niya sa ginang ay hindi pa rin nawawala ang mahinang tawa nito sa kanya. Kitang-kita ang edad nito dahil sa mga kulubot sa balat at pekas sa mukha, ngunit mukhang may sapat pa itong lakas para painitin ang ulo niya.
"Para kang si Henry," natatawang sabi ng lola niya.
"Andre," mariing banggit niya sa pangalan matapos marinig ang panibagong comparison sa kanila ng ama. "Andre ho ang pangalan ko. Baka lang makalimot kayo."
"Hindi lang din ikaw ang anak. Baka lang makalimot ka, hijo," babala nito sa kanya.
Pinigil niya ang inis bago sumagot. "Tatandaan ko ho, Lola."
Seryoso lang ang mukha niya nang maupo sa dulo ng mahabang upuan sa harapan.
He was looking for his siblings. Nakikiramdam siya sa tinutukoy na apat ng lalaki, pero wala pa siyang nakikitang "kapatid" sa mga upuang naroon.
Natatawa na lang siya sa isipan habang iniisip kung gaano kainutil at kawalanghiya ng ama niya. Oras na malaman ng mama niya ang tungkol sa apat pa niyang kapatid, malamang na sasabog ito sa galit. Umaasa pa naman itong masosolo niya ang lahat ng mana oras na magpakilala siya bilang anak ni Henry Fortejo.
"Hi, Andre," mahinang bati sa kanya ng personal assistant ng lolang si Gertrude. "Nagtatrabaho ako sa lola mo—"
"Walang nagtatanong."
Tumikom bigla ang bibig nito at lumayo ng puwesto sa inuupuan niya.
Ilang oras pa ang inabot bago isa-isang dumating ang mga kapatid niya sa ama at inisa-isa rin niya ng kilatis ang mga ito kung gaano ba kadali ang mga itong pabagsakin para makuha niya ang lahat ng kayamanan ng ama.
Zion, Dominic, Fourth, and Brent. As he looked at his brothers, he could tell that he was the eldest among them. At madali ring sabihing wala ni isa sa mga ito ang makikinig sa kanya dahil lang panganay siya.
Naubos ang araw niya kakapakinig ng mga walang katuturang bagay ukol sa "magaganda" at "kabutihang" nagawa ng ama niya noong nabubuhay pa ito habang nakikita sila ng mga bisita at ipinakikilala bilang bastardo ni Henry Fortejo.
Mga ipokrito.
Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang tumawa sa isip habang nakikinig, kaya ang gaan ng paghinga niya nang magpasabing may importanteng appointment pa siyang kailangang daluhan.
"Fortejo Resorts and Hotels," bulong niya habang naglalakad paalis sa lamay na iyon. Kailangan niyang makuha ang lahat ng kailangan nilang paghatian sa yaman ng ama.
Dere-deretso lang ang lakad niya nang dumako ang tingin sa nakahintong itim na sasakyan sa dulo ng lote ng kapilya. Bumaba roon ang babaeng nakaitim na bodycon dress, at gaya niya, nakataas din ang mukha nito at deretso ang tingin. Walang kaemo-emosyon ang mukha nang salubungin niya sa daan.
He couldn't count how many intimidating people were there in his father's wake, and this woman was going to join the group.
"Charlotta!" sigaw sa likuran ni Andre.
"Tita," bati nito na kinulang sa tuwa, hindi napantayan ang saya ng naunang tumawag.
Walang ibang nagawa si Andre kundi sundan ng tingin ang Charlotta na iyon mula sa gilid ng mata.
"Hypocrites," bulong niya nang makalampas sa kapilya.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top