CHAPTER 2


ANDRE WASN'T FEELING anything. Sa loob ng utak niya, iniisip niya kung may maghahanap pa ba sa kanya kung mawawala siya. He was alone. His girlfriend cheated on him. He never treated his brothers as family. Kapag kasama niya ang lola niya, wala naman itong bukambibig kundi comparison sa kanila ng papa niya.

Living was harder than he thought, and all he wanted was to shut the voice inside his head, telling him to take everything from everyone because he deserved it.

Ilang taon siyang naghanda para sa posisyon ng pagiging CEO, at kung alam lang niyang puwede palang kumuha ang Board sa mga resort na under ng mother company, sana hindi na siya umalis sa resort na bigay sa kanya ng ama.

But it was too late for regrets. Kailangan niyang kumilos. Hindi pa naman bumababa ang CEO at wala pang botohan kaya tinatawanan na lang niya ang kawalan ng opisina ni Charlotta Reginente sa building nila.

"Wala ring available room sa tenth floor."

"Saan mag-oopisina si Ma'am Charlie?"

"Bumalik siya sa kung saang lupalop man siya nanggaling at doon siya mag-opisina," parinig niya habang kasabay ang ibang manager sa elevator.

Dalawang araw nang hinahanapan ng puwesto si Charlie sa building at walang makitang tamang lugar para dito. Hindi puwede sa cubicle ng mga office clerk. Hindi puwede sa Office of the President o kahit ng mga vice president. Mas

lalong hindi pa ito puwedeng mag-stay sa Office of the CEO dahil kahit si Andre ay aalma roon.

Magdiriwang na sana si Andre sa ikatlong araw nang pagpasok niya sa opisina ay bumungad agad sa kanya ang sariling mesang nasa kanang sulok at may isa pang mesa sa kabila.

"What the f—"

Everyone could read his anger written all over his face. Pabagsak niyang binuksan ulit ang pinto at sinigawan ang buong floor habang pinandidilatan ang lahat.

"Sino'ng gumalaw ng opisina ko?! Ronan!"

Mula sa kabilang dulo ng floor, nagmamadaling tumakbo ang assistant niya tangay-tangay ang mug na punong-puno pa ng mainit na kape. Halos mahubad na rito ang suot na salamin kamamadali.

"Sir, sorry po!"

Duro-duro ni Andre ang loob ng opisina niyang hindi na lang kanya sa mga sandaling iyon.

"Kailan pa ako nag-utos maglagay ng isang mesa sa loob, hmm?" gigil na tanong niya sa assistant.

Nakangiwing sumagot si Ronan, payuko-yuko habang alok-alok ang mug ng kape sa boss niya. "Sir, hindi ko rin po alam kung sino ang naglagay niyan." Lumapit pa siya sa amo para bumulong. "Pero ang narinig-rinig ko po kina Sir Guen, diyan na raw po sa inyo mag-o-office si Ma'am Charlie tutal pareho naman daw po kayong candidates as CEO."

"What?!" gulat na sigaw niya, at kahit si Ronan ay muntik nang maitapon ang kapeng laman ng mug sa pagkagulat.

Nagtitiim ang bagang niya at halos lumabas ang litid sa leeg nang lakarin ang aisle papuntang elevator. Pero nasa gitna pa lang siya, bumukas na iyon at lumabas mula sa loob nina Mr. Salves at Charlie na nagtatawanan pa. Minata agad niya ang buhat na box ng babae kaya napahinto na siya sa gitna ng daan saka namaywang.

"Good morning, Mr. Fortejo," Mr. Salves greeted. Hawak ng isang kamay nito ang likod ni Charlie at turo-turo naman ng kanan ang bitbit ng babae. "By the way, we apologize for the late notice. Sa office mo muna mag-i-stay si Miss Reginente habang hindi pa official ang position niya rito sa kompanya."

Natawa nang sarkastiko si Andre at paismid na tiningnan si Charlie na nakangisi na naman sa kanya.

"Late notice or you intentionally didn't inform me ahead of time?" he irritatedly asked.

"Does it matter?" Charlie confidently answered, raising her head to challenge.

Humakbang si Andre para tapatan ang babae. "It does." Akala niya ay hindi siya nito papatulan pero humakbang din ito at halos magkabungguan na sila kung hindi lang dahil sa kahong bitbit ni Charlie.

"Then let's put it this way, Mr. Fortejo," Charlie started. "Pareho naman tayong candidate sa pagiging CEO, let's see kung kaninong office table ang dapat alisin sa opisina mo until the day of voting. I'll be thankful kapag table ko ang inalis doon until that day."

Andre definitely hated competition, especially when he knew that the other player was more competitive than he was.

Charlie was getting on his nerves, and he has nothing to do with this dahil tila ba kuhang-kuha nito ang kiliti ng Board na ilang taon din niyang kinabubuwisitan.

His office was huge enough to have a mini library, a visitor's area, a space for his file cabinets, a space for his office table with an overlooking view of the city, and a personal toilet.

But this time, wala na ang tatlong magagandang couch doon at isa na lang ang natira. Ultimo ang glass center table na may cactus na alaga niya, wala na rin. Iniwan na lang ang end table na katabi ng sofa at doon ipinagsiksikan ang cactus niya at mga magazine na nasa ilalim ng mababang mesa na dating naroon. Hindi na rin siya basta-basta makalalapit sa library niya dahil nasa likuran na ito ng magiging office table ni Charlie.

Dikit na dikit pa ang mesa niya sa mga file cabinet at hindi niya alam kung nag-iisip pa ba ang nagdikit niyon doon dahil paano niya iyon mabubuksan kung nakaharang ang mesa niya?

"Your office smelled like spicy vanilla," Charlie noticed.

"Perfume mo?"

Andre was just crossing his arms. He was barely sitting on his office table, watching Charlie fix her things in her "new" office inside that building.

Ronan was just standing beside him, waiting for his next shout and complaint related to his boss' new office mate.

Ilang araw nang offended si Andre sa mga ginagawa sa kanya ng kompanya, at habang tumatagal, napapansin na niyang parang sinasadya na ng mga tao roon na painitin ang ulo niya araw-araw.

Hindi maipinta ang mukha niya habang nakikita kung paano isa-isang ilagay ni Charlie ang mga gamit nito sa mesa. Mula sa pen holder, sa mga clipboard, ultimo ang cute beach calendar nitong mula pa sa Green Island.

"Charlie!"

Sabay-sabay pa silang napatingin sa pintuan nang pumasok doon si David Endrada, ang outgoing CEO ng mother company. Madali nang sabihin na paretiro na ito dahil sa edad na animnapu. Malaking tao ito at masiyahin kaya ngiti agad ang isinalubong nito nang lapitan si Charlie para makipagbeso.

"Good morning, Sir Dave!" Charlie greeted like an excited child.

"How's your new office?"

"Better than nothing."

Tinapik-tapik lang ni Mr. Endrada ang likod ni Charlie habang matipid ang ngiti. "Don't worry, temporary lang naman ito. After the voting, mabibigyan ka na rin ng new office."

Lalong tumalim ang tingin ni Andre sa dalawa. Kulang na lang, ipamukha ng mga ito na hindi siya ang mapipili sa nalalapit na botohan sa board meeting.

"Sir Dave, hindi ba siya puwedeng dalhin sa seventh floor?" reklamo ni Andre. "May space pa naman yata sa IT Department. Masyadong maliit ang office ko para sa aming dalawa."

"Eh 'di, umalis ka. Problema ba 'yon?" sabad ni Charlie.

Napangiwi agad si Ronan at mabilis na sinalo ang dibdib ni Andre nang akmang susugod ang boss palapit kay Charlie. "Sir, kalma lang ho tayo, sir," awat ni Ronan. "Nakakarami ka na, ha?!" gigil na banta ni Andre nang duruin na naman si Charlie.

"Anyway!" Hinarap agad ni Mr. Endrada si Andre na kanina pa gusot na gusot ang mukha. "Andre, sana okay lang sa iyo na may kasama ngayon dito sa office." Siya naman ang sunod na nilapitan ng CEO at tinapik-tapik sa balikat bago mahinang nagsalita. "Temporary lang ito, you don't have to worry. Pagbaba ko sa posisyon, kung ikaw ang iboto ng board, sa 'yo na mapupunta ang office ko at hindi mo na kailangang mag-stay pa rito kasama si Charlie."

Ang bigat ng paghinga ni Andre habang matalim ang tingin sa CEO na nagpapasensya naman ang tingin sa kanya. "Habaan mo ang pasensya mo. Kailangan mong makuha ang loob ng Board. Nakita na nila ang kaya mong gawin. Titingnan naman nila ngayon ang kaya ni Charlie," seryosong paalala nito. "Kung ngayon ka pa maglalabas ng init ng ulo mo, sayang lang ang lahat ng pinaghirapan mo sa kompanyang ito. Sana naiintindihan mo 'yon."

Bumaba lang ang tingin ni Andre sa sahig at tumango- tango na parang batang pinagsasabihan.

Andre could feel that the world was against him may ilang linggo na. And it only got worse when Charlie came into his life—and his office.

Magpasensya raw, but first day pa lang na kasama niya ito, kung kaya lang makasunog ng tingin, malamang na umaga pa lang ay abo na si Charlie.

He was already annoyed by her presence, and his irritation has gotten worse dahil first day pa lang, hindi na niya mabilang kung ilang beses binuksan at isinara ang pinto niya dahil hindi mapakali ang babae sa office table nito.

"Ronan, i-lock mo nga 'yang pinto," utos niya sa assistant.

"Pero, sir, nasa labas pa po si Ma'am Charlie."

"Wala akong pakialam. I-lock mo."

"Pero, sir—"

"Sino ang boss mo?"

Natitigan siya nang matagal ni Ronan, hindi alam ang isasagot.

"Hindi mo na kilala kung sino ang boss mo?" hamon niya rito.

"Kayo, sir."

"Alam mo naman pala, eh. Bakit hindi ka—" Hindi na niya natapos ang sinasabi nang biglang pumasok si Charlie sa loob dala ang makakapal na bungkos ng copy paper. Bored na bored ang tingin niya nang sundan ito ng titig pabalik sa mesa nito. Ni hindi man lang ito naupo, ibinagsak lang ang mga papel doon at tumalikod na naman para lumabas ulit.

Hindi na nag-utos pa si Andre, siya na ang tumayo at pumunta sa pinto saka iyon pabagsak na isinara. Napaatras tuloy si Charlie at nakataas pa ang magkabilang kilay nang pandilatan siya.

"Excuse me," sabi lang nito at akmang hahawakan ulit ang doorknob nang unahan na niyang hawakan iyon nang mahigpit.

Umawang lang ang labi nito at nagkrus agad ng mga braso para kuwestiyunin ang ginagawa niya. Nanatili lang ang nagbabanta niyang titig dito sa kanina pa nitong paglabas-pasok sa opisina niya.

"Wala ka bang work, hmm?" naiiritang tanong ni Charlie. "May work ako, pero hindi ko magawa nang maayos dahil hindi ka mapirmi sa upuan mo," mariin niyang sermon dito. "Kung lalabas ka, lumabas ka na lang at huwag ka nang bumalik."

Tumindig nang deretso si Charlie at maangas na lumapit sa kanya bago siya pinagtaasan ng mukha harap-harapan. "Hindi ba uso ang professionalism sa 'yo?"

Tumayo rin siya nang deretso at bahagyang yumuko para tapatan ang talim ng tingin nito. "Hindi ba uso ang hiya sa 'yo?"

"At bakit ako mahihiya kung ikaw ang may ginagawang kahiya-hiya sa 'ting dalawa, hmm?" hamon pa nito nang ngisihan siya. "Nakikipagtalo ka even kay Sir Guen.

Ipagmamalaki mong Fortejo ka samantalang mas deserving pa sa 'yo si Fourth? Come on! Give us nothing, Alessandre." Ang lalim ng pagkakahugot ni Andre ng hininga niya nang banggitin nito ang buong pangalan niya—salitang miminsan lang niyang marinig sa kahit sinong nakakakilala sa kanya.

May galit sa mga tingin niya ngunit may sumisilip na lungkot doon. Ayaw na ayaw niya ng may nagsasabi sa kanya na kulang pa ang lahat ng ginagawa niyang sakripisyo kahit na halos isuko na niya ang buong buhay sa trabaho.

Gigil na gigil niyang kinuyom ang neckline ng damit ni Charlie at saka niya inilapit ang babae sa kanya. "Wala kang alam... kaya huwag kang magsalita."

Nakipagtagisan siya ng titig sa babae na halatang hindi rin papatalo sa kanya. May tapang doon, may galit, at may pagnanais na maungusan ang isa't isa sa kahit na anong paraang maiisip nila.

"Uh, sir, sorry po, ha?" putol sa kanila ni Ronan. Ang talim tuloy ng tingin ni Andre sa assistant. "Wala pong masamang intention pero... mahuhubaran na po kasi si..." Hindi na nito natapos ang sinasabi. Itinuro na lang nito ang suot na red dress ni Charlie na halos kalahati na ng itaas na parte ng dibdib ang nakalitaw. At naroon pa sa loob ang kamay niya, kuyom ang damit nito.

Sa isang iglap, parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Andre habang nakatingin sa kamay niyang nakasilid sa damit ng babaeng kaaway.

Mabilis niyang binawi ang kamay at hindi mawari ang tinging ibibigay kay Charlie na nangangasim ang mukha sa kanya.

"Gusto n'yo po, sir, ako na lang po ang lalabas," alok pa ng assistant niya.

Sumagap na lang ng hangin si Andre habang nakapikit at walang pasabing lumabas ng opisina niya.


♥♥♥


"IPAGMAMALAKI MONG FORTEJO ka samantalang mas deserving pa sa 'yo si Fourth? Come on! Give us nothing, Alessandre."

Deserving. Kailan nga ba niya masasabing deserving siya gaya ng ibang mga kapatid niya?

He was trying to do everything for his father's company. He worked hard. He studied everything kahit na isinusuka ng utak niya. Hindi maiiwasan ang ilang problema sa kompanya, but he was trying to contribute his knowledge para maresolba iyon—kahit pa madalas na hindi iyon kinikilala ng Board.

But apart from another low-blow insult, he didn't expect to hear his name from Charlie's mouth. It felt like he wasn't acknowledged as a Fortejo, but he was seen as Alessandre at last.

And deep inside him, above all the recognition, he only wanted everyone to know him by his name—not because of his father, not because of his family. It gave a tiny spark to his heart even if he didn't want to accept it.

Napapatulala na lang siya habang lumalamig na ang biniling kape sa vendo machine ng kompanya. Ilang minuto na rin siyang tambay sa balcony ng building na may mini garden. Masarap ang simoy ng hangin doon dahil nasa mataas na floor sila, at kumalma na rin ang damdamin niya, sa wakas.

"Sir Andre."

Umangat ang tingin niya nang makita si Ronan na alanganin ang ngiti at payuko-yukong lumapit sa kanya.

"Kanina ko pa kayo hinahanap, sir. May meeting daw po mamayang three p.m." Tumayo lang ito sa gilid ng bench na inuupuan niya at nahihiyang yumuko habang naghihintay ng utos. "Nag-confirm po ako ng attendance. Sana po, okay lang."

"Kasama ang babaeng 'yon?" "Si Ma'am Charlie po ba?" "May iba pa ba?"

Napangiwi na naman si Ronan bago sumagot. "Hindi po isasama sa mga meeting si Ma'am Charlie since hindi naman po siya talaga taga-corporate sa ngayon. Nagsabi na rin po ako sa kanya na ayaw n'yo ng bukas-sara ng pinto."

"Bakit ba kasi labas-pasok siya ng office ko?!" galit na

naman niyang sigaw na halos ikatalon ni Ronan sa puwesto dahil sa gulat.

"Sir, ano po kasi, wala po kasi siyang secretary."

"Kasalanan ko pa bang wala siyang secretary—" Nahinto na naman ang pagsigaw niya nang kuwestiyunin ng tingin ang assistant. "Bakit wala siyang secretary?"

"Sabi po kasi ng Board, hindi po siya bibigyan ng secretary dito sa corporate unless mananalo siya sa botohan. Kaya po lahat ng trabaho, kanya lang talaga."

Gumilid ang tingin niya nang mapaisip sa sinabi ng assistant. Walang secretary si Charlie at tumatakbo pa ito sa pinakamataas na posisyon sa kompanya.

Nanatili sa isip niya ang tungkol doon hanggang makarating sila sa conference room para sa isang mahalagang meeting.

At dahil katabi niya sa upuan si Mr. Endrada, nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ito tungkol sa kawalan ng sekretarya ng kasama niya sa opisina.

"Don't tell me, pati si Ronan, ipahihiram ko rin sa Charlotta na 'yon?" naiiritang tanong niya nang bulungan ang katabi.

Tinawanan tuloy siya ng CEO. "Decision ng board na huwag siyang bigyan ng assistant dito. May memo rin ang bawat secretary na walang tutulong sa kanya once she needed clerical assistance. It was a challenge, and she gladly accepted it." Nakangiti lang ang ginoo nang tingnan siya. "Walang madali sa pagpasok sa kompanyang 'to, Andre. And like you, hindi namin siya bibigyan ng special treatment. Pinaghirapan mo ang posisyon mo at ang posisyong gusto mong makuha. Dapat siya rin."

He thought a few hours ago about how unfair the whole executive department was until he heard that news from the outgoing CEO's mouth.

It was a call for a celebration, but there was something off to him about celebrating Charlie's lone battle inside that company. There was a familiarity to it, and he did not like the feeling.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top