Loading 98%


[Mitzchell's POV]

Kahit nasugatan ko ang mga kamay ko, nagawa kong makakawala sa lubid. Sinunod ko ang mga paa ko. Hindi ko pa tuluyang natatanggal ang nakatali sa mga paa ko nang may narinig akong pagsabog. Hawak pa rin ang patalim, tumayo na ako para tumakas.

Pag bukas ko ng pinto, isang maitim na usok ang bumulaga sa akin. Nang mawala ito'y doon ko nakita na nasusunog na ang kusina. Tatakbo na sana ako sa nakabukas ng pinto nang may marinig akong sumisigaw mula sa kabilang kwarto. Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ito at nakita ko si Shobee na nakatali rin sa double deck na kama habang nakaupo, gaya ng sa akin.

"T-tulong.." nanghihina na siya dahil pakapal na rin nang pakapal ang usok "M-mitzch.."

Agad ko siyang sinaklolohan. Natanggal ko na ang mga kamay niya mula sa pagkakatali. Ubo na siya nang ubo gayun din ako.

"Saglit lang.." sabi ko at tumayo. Hindi na kasi ako makahinga. Patalikod na ako nang hawak niya ang kamay ko.

"K-kung m-mamamatay na tayo dito, g-gusto ko l-lang malaman mo na m-minahal lang naman kita p-pero bakit ganto ang nangyari? S-sorry." nanghihina niyang wika

"A-ano ba? Hindi pa tayo mamamatay. Saglit lang. Babalik ako." at tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin

Kumuha ako ng piraso ng bed sheet, pinutol ko ito gamit ang patalim. Pumasok ako sa banyong nasa loob ng kwartong ito at binasa ang tela bago ito ibalot sa ilong at bibig ko at gawing maskara. Sa ganong paraan, makakahinga pa rin ako kahit puro usok ma ang paligid. Gayundin ang ginawa ko sa isa pang tela para naman kay Shobee.

Pag labas ko ng banyo ay nakita kong wala nang malay si Shobee. Binalot ko muna ang tela sa ilong at bibig niya bago ipagpatuloy ang pagtanggal ng lubid sa paa niya. Nang tuluyang matanggal ay binuhat ko siya para makalabas na kami dito.

Lumabas na ako ng kwarto at palabas na sana nang tuluyan sa lugar na ito nang harangin kami ni Christopher na nasusunog ang kalahating katawan.

"At sinong nagsabing makakatakas pa kayo?"








===================================

Thanks to Bearbrand, nakapag-update ako. Ngayon ko lang nalaman na may free 20MB pala yun grabe. Nakadalawang basong gatas tuloy ako lololol~

skl convo namin ni sistah~
Me: Dba pag nilagay mo ang basang tela sa ilong mo---
Siya: Mababasa ilong mo
Me:
Siya:
Me:
Me: Basahin mo na nga lang ud ko

So ayun po, trivia ito sa inyo. Pag may sunog, basang tela ang itakip niyo sa ilong niyo para hindi kayo mamatay due to suffocation.

Anyways, matutusta rin naman pala si Christopher sa huli pinatagal pa. Sos! Inalagaan ko si fafa Christopher ko tas bubuhusan lang siya ni Jelo ng gasolina *sniffs uncontrollably*

Dahil mas mahaba pa an, HAPPY BIRTHDAY KAY BIBI HWANG HYUNJIN~!!💗

03-20-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top