Loading 96%


[Jelo's POV]

Tiningnan ko ang salaming nakasabit para makita ang kung sino mang tumutok ng patalim sa leeg ko.

"Gabriel." tawag ko sa pangalan niya

"Hi po! Long time no see. Sorry inutusan lang ako ni kuya." nakangiti nitong sabi at unti unting binaon ang patalim sa leeg ko

Nadaplisan man, agad akong lumabas ng kotse. Muli akong pumasok sa loob ng rest house. Nakita ko namang hinahabol ako ni Gabriel. Bago ako pumasok sa kwarto namin kung saan pumasok kanina si Christopher, nakita ko yung lalagyan ng gasolina. Malamang ay naiwan niya ito. Nang makita kong papunta na si Gabriel sa akin ay agad kong binuhos sakanya ang gasolina dahilan para mapatigil siya sa pagtakbo at madulas. Nabitawan niya ang patalim na hawak niya kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon para kunin ito habang namimilipit siya sa sakit ng pagkakabagsak.

Bigla kong binuksan ang pintuan. Nagulat ako nang makitang nakaharap na sa direksyon ko si Christopher. Gulat din siya kaya hindi na akong nagdalawang isip na ibuhos ang gasolina sa kanya. Nakaiwas man siya ay nagawa ko pa rin naman siyang mabasa ng gasolina.

"Tapusin na natin 'to." at hinanda ang patalim kong nakatutok sakanya





















===================================

Whooooo~! Pati ako naeexcite huehuehue~

Sabi ng nanay ko nakakatakot daw yung mga tumatakbo sa isip ko lololol~ Pero mas nakakatakot pag di ka niya mahal~

Dalawang ud muna for today hehe~

03-18-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top