Loading 94%


[Third Person's POV]

Matapos iwan ni Christopher si Jelo sa sala papunta sa kwartong kinalalagyan ni Shobee, sinubukas niyang tumakas. Dahan dahan at iniiwasang makalikha ng tunog ang ginawang pagbasag ni Jelo sa glass table na nasa gitna ng sala. Hindi naman siya nakatali sa upuan at tanging mga kamay at mga paa lang ang nakatali, sinubukan niyan tumalon talon at ipagkiskis ang mga lubid na nakapulupot sakanya sa mga basag nang piraso ng mesa. May sugat man ay hindi ito hadlang para tumakas siya.

Biglang bumukas ang pinto kung nasaan si Christopher. Agad umupong muli si Jelo sa sofa kung saan siya iniwan ni Christopher. Saglit lang siya nitong tinapunan ng tingin at pumunta sa kwarto kung nasaan si Mitzchell na may dala dala pa ring lalagyan ng gasolina, malamang binuhusan na niya ng gasolina si shobee gaya ng ginawa niya kay Jelo at iyon din ang gagawin kay Mitzchell.

Nang tuluyang maputol ang mga lubid sa paa't kamay niya, agad siyang tumakbo palabas. Mabuti na lang ay bukas ito. Hindi sigurong inaasahan ni Christopher na may makakatakas.

Nakita niya ang sasakyang nagdala sakanila sa lugar na iyon. Marunong naman siyang magdrive kaya't hindi na siya nagdalawang isip na sumakay doon. Akmang bubuksan na niya ang makina nang may naramdaman siyang patalim sa leeg niya.














===================================

Paktay kang bata ka

03-17-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top