Loading 92%

WARNING: Sobrang selos lalo na't wala namang karapatan, nakakapatay!
Sobrang pagmamahal sa taong hindi ka naman mahal, nakapapatay!

#WagTularanSiShobee



========================================================


Ateng Shobae's Blog

Nagalit kay Paulina lahat nang malamang may nangyari sa kanila ni Victor na boyfriend ni Kairee nang mga panahong iyon. Dahil walang maalala si Paulina sa nangyari, na akala nila'y dahil lasing pero ang totoo'y dinroga ko siya, wala itong nagawa kundi tanggapin ang mga paratang.

Naghiwalay si Kairee at Victor. Nagkaroon kami ng kanya kanyang barkada. Iyon ang mga panahong nagiisa at walang karamay si Paulina kundi si Mitzchell. Muling nanligaw si Mitzchell sakanya na lalong nagpaigting ng selos ko. Dahil kaming dalawa lang ang hindi uminom ng liquor, siniraan ko siya ng palihim kasama sina Aria at Kesha,

Nang maging sila Paulina at Mitzchell, pinagkalat ko yung sex video nila ni Victor. Nalaman din ng lahat na buntis si Paulina. Akala ni Mitzchell na si Victor ang ama ng dinadala ni Paulina kaya hiniwalayan niya ito dahilan para lalo itong masiraan ng bait. Dahil wala na siyang kaibigan, ako ang naging kasakasama niya. Oo, pinlastic ko siya.

Akala ni Paulina na si Kairee ang may kagagawan nito kaya sinugod niya si Kairee na walang kaalamalam. Sulsol kasi ako. Inuntog untog niya si Kairee hanggang sa mawalan ito ng malay. Nacoma siya ng ilang linggo. Dahil sa away nila at pagod na rin, dinugo ito at namatay ang dinadala niya.

Nang kausapin ang mga magulang ni Paulina tungkol dito, ako ang nagsabi na depressed ito at naghahallucinate minsan. Kaya siya nadala sa mental. Proof na rin ang ginawa niya kay Kairee dahil wala sa record nito ang makipagaway.

Hindi naman nagalit si Kairee nung nagising ito bagkus naawa siya sa dating kaibigan dahil hindi niya alam na may pinagdadaanan ito tas di pa nila tinulungan. Gayun din si Kesha na tinuringan pang matalik na kaibigan. Akala nila nabaliw na ito sa pagmamahal kay Victor. Pero ang totoo, ako ang may kasalanan ng lahat.

Like • Comment • Share







===================================

Ang cringe nung binabasa ko 'to ulit. Just----- Wag kasing magselos kung walang karapatan at wag magmahal ng taong di ka kayang mahalin, leshe! Oo na, pinapatamaan ko na sarili ko!

03-17-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top