Loading 83%
[Jelo's POV]
Matapos naming isa isang saksakin si Aria, bumalik kami sa sala kung saan pansamantalang iniwan namin si Pipo pagkat masyado pa siyang bata para sa gantong karahasan.
Naabutan namin si Pipo na tahimik na umiiyak sa sala "W-wala na ate Aria?"
"Pipo.." nanghihinang sambit ni Mitzchell at lumapit sa anak "B-bakit mo naman ginawa yun?" agad niyang pinunasan ang luhang tumulo sa mata "Pipo naman bakit mo papatayin si Aria?!"
Lumapit na ako sakanila at pinigilan si Mitzchell pagkat napapahigpit na ang kapit nito sa magkabilang balikat ni Pipo na ngayon ay humahagulgol na.
"Bata pa siya. Hindi niya alam ang ginagawa niya. Inutusan lang din siya." sabi ko
Marahas na bumitaw kay Pipo at inalis ang hawak ko sakanya si Mitzchell. Tumayo siya at sumuntok sa pinakamalapit na pader para dun ilabas ang galit.
Lumapit naman si Shobee kay Pipo at siya ang nagpatahan sa bata "Sino ba ang naguutos nito sayo?"
Umiling-iling ito at tinanggal ang kamay ni Shobee na humahagod sa likod niya.
"Wag po akong sundan. Magagalit siya." sambit ni Pipo at muling tumakbo palabas sa back door
Wala na akong nagawa kundi mapaupo na lang dulot ng panghihina at pagod na rin sa mga nangyari.
===================================
03-15-18
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top