Loading 80%


[Mitzchell's POV]

Tahimik kaming kumakain ng dinner bagkus dala ng biglaang kagustuhan ni Aria.

"S-seryoso ka ba dun Ari?" basag ni Jelo sa katahimikan. Nagtanong nga bagamat sa pagkain pa rin siya nakatingin.

Binaba ni Aria ang kanyang mga kubyertos bago nagsalita habang tinitingnan kami isa't isa "I said it na, diba? You know it na. Gusto ko ng ma-deads na---"

Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang bumukas ng malakas ang backdoor o ang pinto dito na halos katabi lang ng hapag kainan. Napalingon kami dito nang biglang pumasok si Pipo na may hawak na kutsilyo. Ang suot niyang puting t-shirt ay may disenyong "Your wish is my command" na nakasulat pa sa pulang mga titik.

Agad akong napatayo nang naglakad na siya palapit samin. Napatayo na rin ang iba.

"A-anak? Ibaba mo yan." tukoy ko sa kutsilyong hawak niya

Pero dire-diretso lang siyang nakatingin kay Aria habang nakataas ang kutsilyo sa ere.

"P-pipo.." tila nagmamakaawang boses ni Aria














===================================

"YOU'LL MISS my MemEs WHEN I PATAY."
-Meme Lady, 2018

03-15-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top