Loading 62%


[Jelo's POV]

Agad akong lumapit sa tabi ni Mitzchell. Nakita kong may babaeng nakauniporme na tila bang isang  letter carrier.

"Paano mo nabuksan yung pinto?" tanong ni Mitzchell sa babae

Hindi pala si Mitzchell ang nagbukas ng pinto.

"Akala ko po kase abandonado na itong bahay at nagkamali lang ng address. Wala rin akong mapagtanungang kapitbahay dito. Saktong hindi nakalock kaya binuksan ko. Sorry po." paumanhin nito sabay bigay ng isang letter "Eto nga po pala. Papirma na lang po dito."

Matapos mapirmahan ni Mitzchell ay binalik na niya ito. Tinanggap niya na rin ang sulat bago sumakay sa motor at umalis ang babae.

"Walang lock? Pwede na ba tayong tumakas nito?" lumabas ako ng pinto at nagmasid sa labas. Parang ang tagal na rin simula nung nakita ko langit, araw, mga puno at nakalanghap ng sariwang hangin.

"Sabi sa sulat, na hindi na kayo magugulat kung galing kay Paulina, ay hindi raw pwede." sabi ni Mitzchell na binabasa na pala

"Di niya naman malalaman--aray!" palabas na ako nang hablutin ako papasok ni Aria at sinara ang pinto

"Look, malay mo it's a trap. Baka kakampi pa ni Paulina yung si Marcy." Aria

"Marcy?" tanong ni Elena

"Yung babae." sagot ni Aria

"Kilala mo yung babae?!" sabay sabay naming tanong



















===================================

What can you say about Marcy?

03-09-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top