Loading 53%



[Third person's POV]

"Tangina naman Aria." sabi ni Shobee kay Aria

Silang dalawa na lang ang nasa kwarto. Si Aria sa taas ng double deck, si Shobee naman sa baba. Si Pipo naman ay nasa dating higaan ni Kairee, sa kabilang kama sa ibabang higaan.

"Luh? Am I mura you?" sagot nito

"Kung ako lang si Jelo, malamang sasabihin kong ikaw ang kakampi ni Paulina. Puro memes na lang sinesend mo. Pag ikaw pinatay nun." Shobee

"Psh. I'm doing something oh. So di ako makatype ng ayos." Aria "And don't ingay ah. Pipo's tulog."

"Ano bang ginagawa mo diyan? At ang likot mo?" sabi ni Shobee at tumayo para silipin ang ginagawa ni Aria

"Teka--" nilingon ni Shobee ang kabilang kama bago nagpatuloy "Bag ba yan nila Kesha't Kairee?"

Tumango naman si Aria at patuloy sa pagkalikot ng mga gamit ng dalawang yumaong kaibigan.

"Ba't mo ba pinapakialaman yan?" tanong ni Shobee at tumuntong sa kanyang kama para masilip nang maiigi ang ginagawa ng kaibigan. Kaibigan nga ba? Owww *dab*

"Eyy wag nga you go up dito." saway ni Aria

"Nakasilip lang ako." sagot ni Shobee

Aria rolled her eyes and continue "Maybe she gusto us to know something."

"Don't tell me na naniniwala ka kay Jelo na gusto niyang ipaalam satin kung sino yung kakampi niya?"

"If I'm Jelo, masasabi ko ngang you're guilty. But nah! Yah know? Let's just discover something."

"Dapat mo 'tong sabihin sakanila para makatulong din sila."

"Sabihin mo!"

Napabuntong hininga na lang si Shobee at muling humiga kanyang higaan. Kinuha nito ang cp at nagsimulang magtype para sabihan ang mga kalalakihan.









Sa kabilang kwarto...

"Jelo naman!" reklamo ni Mitzchell nang agawin ni Jelo ang cellphone nito

"Jelo naman!" panggagaya ni Jelo sa tono ng pananalita ni Mitzchell, hirap kasi itong magsalita at may pasa sa labi "Kung hindi lang ako naaawa sayo. Nabugbog na kita."

Napahiga na lang si Mitzchell at diretsong nakatingin sa kisame. Puro pasa ang mukha nito. Buti na lang may nakita silang first aid kit sa bag ni Christopher.

"Bakit kaya may first aid kit si Christopher sa bag niya?" biglang tanong ni Jelo

"Hay nako, Jelo! Patay na yung tao pagbibintangan mo pa." sagot ni Mitzchell

Nagkibitbalikat si Jelo "Malay mo."

Umilaw ang phone ni Mitzchell kasabay ng pagvibrate ng cellphone ni Jelo sa bulsa niya. Agad namang kinuha ni Jelo ang cellphone niya samantalang si Mitzchell ay hindi na nagabalang agawin pa ang cellphone niya kay Jelo.

"Magimbestiga raw tayo?" sabi ni Jelo matapos basahin ang mensaheng natanggap

"Huh?" naguguluhang tanong ni Mitzchell















===================================

03-05-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top