Loading 49%
[Shobee's POV]
Masyado akong nagulat sa nangyari. Natauhan na lang ako mula sa pagkakatulala nang biglang bumagsak si Victor mula sa kinauupuan nito. Si Kairee naman ay lumuluhang nakaupo pa rin sa upuan habang hawak ang duguang kutsilyo. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko kaya't di ako lubusang makatayo.
Gumapang ako patalikod nang tumayo si Kairee "W-wag mo 'kong p-patayin.." patuloy pa rin ito sa paggapang
Tila walang naririnig si Kairee na biglang na lang tinaas ang kutsilyong hawak niya "A-anong gagaw--"
Hindi ko na naituloy ang itatanong ko nang gilitin niya ang sarili niyang leeg. Nagkikikisay-kisay ito at bumagsak sa ibabaw ni Victor nang nakabaon ang kutsilyo sa leeg.
Nakita ko si Pipo na kinukusot pa ang mga mata pagkat kakagising lang na papasok ng kusina.
"Pipo wag!" nanghihina ma'y tumakbo ako at tinakpan ang mata ni Pipo
"B-bakit po?" tanong nito at humikab pa
"Wag kang papasok ng kitchen. Balik tayo sa sala." pagaamo ko at inalalayan siyang lumakad pabalik
"But I'm hungry!" pagwawala ng bata
"I'll just get you food." sabi ko dahilan para tumigil na siya sa pagmamarakulyo
Lumabas naman si Jelo mula sa kwarto nila at nagtanong "Asan na si Kairee? Anong nangyari?"
Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at muling napaupo at napahagulgol.
"Bakit you cry?" nagaalalang tanong ni Pipo at hinawakan ang balikat ko na tila ba pinapatahan ako
Ngumiti ako rito at niyakap ito. Naramdaman ko namang hinahagod niya ang likod ko "Wag ka na cry. Pangit yun."
"S-sorry Pipo. Wag mo akong gayahin." tugon ko
Narinig ko namang napamura si Jelo nang paulit ulit nang makita niya na ang nangyari sa kusina dahilan para takpan ko ang tenga ni Pipo.
===================================
Halaa nahahawa na si Pipo sa kakonyohan ni Aria~
Protect this soft hearted and innocent Pipo~😢 Di ko alam pero naiiyak ako sa chapter na 'to😢
Pipo mah labs jk😂✌🏻️
Hi sa mga nakapanood na ng Daydream!👋
Double ud ngayon kasi nagrereklamo ang real-life Aria >:
03-02-18
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top