Loading 48%
Warning ni CrishaneAen: SPG!! Bawal sa inosente at painosente. Pero kung makulit ka, edi basahin mo!
===================================================================
[Victor's POV]
"Ay mud! Ba't ba there's always violence?" narinig kong sabi ni Aria matapos siyang pagbuksan ng pinto ni Jelo "Kairee is nagwawala! Magsu-suicide na ata!"
Napatigil ako sa pagsuntok sa walang malay nang si Mitzchell at lumingon sakanya "Ano? Saan?"
"There sa kusina! I tawag Shobee na. She is pinipigilan na siya but I'm still scared of Kai." Napatayo na ako at lumabas na para puntahan si Kairee
"At iiwan mo na lang si Mitzchell dito?!" singhal ni Jelo pero hindi ko na lang pinansin
Sa kusina nagulat ako sa nasaksihan ko. Si Kairee ay duguan. Tumutulong dugo mula sa kanyang bibig. Hawak niya pa ang kutsilyong may bahid na dugo at handa nang saksakin si Shobee na nakasandal nasa pader.
Agad kong hinawakan ang kanyang pulsuhan at pinigilan siya sa gagawin. Naramdaman ko ang panginginig at panghihina ng kamay niya kung kaya't dahan dahan kong binaba ang kanyang kamay at inagaw ang kutsilyo sakanya.
"M-mictor.." nahihirapan siya magsalita
Inilapag ko muna yung kutsilyo sa mesa at inalalayan siyang maupo. Umupo rin ako sa tabi niya at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat "Ano bang sumagi sa isip mo at ginagawa mo 'to!?" singhal ko sabay yugyog sa balikat niya "Tulong naman! Gamutin niyo si Kairee!" lumingon ako sa labas ng kusina at nanghingi ng tulong. Nakita ko si Shobee na nakaupong nakasandal sa pader na sinasandalan niya kanina. Mukhang di pa nakakarecover sa muntikan niya nang kamatayan kanina.
Humagulgol si Kairee sa harapan ko. Hindi ko maiwasang hindi maawa sa nangyayari sakanya. Mukhang nasiraan na rin ng bait. Ano bang ginawa ni Paulina sakanya?
"S-sorry, ini ko sinasadya." sabi niya sa gitna ng pagiyak niya
Niyakap ko siya't pinatahan "Shh. Wag kang magsalita. Lalo kang nauubusan ng dugo."
Naramdaman kong yumakap din siya pabalik. Ilang saglit pa'y may naramdaman akong malamig na metal na lumapat sa likod ko. Tiningnan ko ang kutsilyo sa mesa at wala na ito.
Tiningnan ko siya't nakapikit siya habang umiiyak. Hindi ko na napigilang mapaluha na rin at isang ngiti ang sumilay sa aking labi "S-sige. Patayin mo na ako. Mas okay na siguro 'to kesa si Paulina ang pumatay sa akin."
"Sorry. S-sorry.." paulit ulit niyang paumanhin kahit hirap na hirap siyang magsalita
Alam kong dito na matatapos ang buhay ko. Atlis masaya ako sa kung sino ang papatay sakin. Bago matapos ang lahat, gusto kong gawin ang isang bagay na matagal ko nang gustong gawin.
"Sorry din. Sorry sa nagawa ko dati. I know it's late to say this but, I-I still love you." sabi ko at hinalikan siya
"I still love you too." sagot niya sa gitna ng aming paghahalikan. Hindi alintana ang dugo niyang nasisipsip ko na.
Naramdaman ko nang unti unting bumabaon ang kutsilyo sa likod ko. Nararamdaman ko na rin ang malapot na likidong umaagos sa sugat na ginawa niya.
Bumitaw na siya sa halik at sinabing "Ahm sorry. I olnyedi forgib you. I love you. Good bye."
Hinugot niya ang kutsilyo at binaon pa ito ng mas malalim. Paulit ulit niya itong ginawa hanggang sa namanhid na ang buong katawan ko at wala na akong naramdaman pa.
===================================
Myghaddd ginagawa kong ngo-ngo si Kairee😂
Pero anyways, WHAAAAAAAAA WAT HAV I DONE. DROWN MEH IN BOILING HOLY WATER. SPG SCENE BY PEER PRESSURE!! Expect more spg scenes and more spg than this. Sisihin niyo yung mga nakamention sa first part. #VickaiIzHart
03-02-18
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top