Loading 36%


[Kairee's POV]

Padabog kong hinagis ang phone ko sa kama at nakahalukipkip na sumandal sa headboard.

"Bakit apektado ka pa rin? Kala ko ba--"

"Oh shut up." putol ko sa anumang sasabihin pa ni Shobee. Kami lang ang nasa kwarto pagkat si Aria'y nandun sa labas at nilalaro ang bata. Hindi naman sa ayaw ko sa bata pero...

Tumabi sa akin si Shobee "Alam mo--"

"Hindi."

"Kaya nga sasab--"

"Tangina wag mo akong kausapin."

"Tangina mo rin patapusin mo muna ako."

Matalim ko siyang tiningnan at pinagbabantaan ang kung ano man ang sasabihin niya.

"Kairee..."

"Shobee.." gaya ko sa tono ng pananalita niya "Alam ko kung saan mapupunta ang usapang ito. At ayoko nang simulan pa."

"Pero alam kong nasasaktan ka pa rin. Myghad! Anim na taon na ang lumipas! Move on! Don't tell me di ka nagkaroon ulit ng boyfriend after ng-- okay shut up na nga eh." pinanlisikan ko siya ng mata kaya hindi na niya itinuloy pa ang balak niyang sabihin "Kaya sana if ever siya ang ama ng bata, wag kang magalit sa bata."

"Wow parang ako lang ah. Nagsalita ang hindi dinadamay ang bata sa galit niya."

"Gaya nga ng sabi ko. Move on na." walang kagatol-gatol niyang wika "Pero Kai, former friendly advice, move on na. Baka hindi talaga kayo para sa isa't isa ni Victor." napatakip naman siya ng bibig ng mapagtanto ang kanyang nasabi

Sa inis ay padabog akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan. Bago lumabas ng kwarto'y "Gusto ko lang sabihing, una, tangina mo. Pangalawa, gago ka. Pangatlo, wag mo na akong susundan. Pangapat, sino ka?" at tuluyan nang lumabas

Sa sala nakita ko silang apat kasama ang bata. Hindi nila ako napansin kaya't dirediretso ako sa kusina. Gusto ko lang mapagisa.

Napansin kong nakaawang pa ang refrigerator kaya nilapitan ko ito. Pag harap ko sa ref ay may naramdaman akong may gumalaw sa likuran ko na tila ba tumakbo patungo sa back door. Agad ko itong sinundan at paghawak ko ng doorknob ay hindi niya pa ito nailo-lock. Pinihit ko ang doorknob ngunit napalakas niya kaya't hindi ko ito mabukas bukas. Ilang sandali pa ang nagtagal nang biglaan at malakas niyang itinulak ang pinto na tumama sa mukha ko. Napaupo ako at bago itaas ang tingin ay may itinakip siyang panyo sa aking mukha na may kakaibang amoy na nagdulot sa aking paghimbing.


















===================================

Jaz wanna say hi to my bessylogs (bessy kong mukhang itlog) na silang dahilan kung bakit lagi akong nagu-ud~

02-20-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top