Loading 35%


[Jelo's POV]

Andito kami sa sala, maliban kila Shobee at Kairee na nasa kanilang kwarto, kasama ang batang si Pipo. Napakatahimik ng dalawang pinagdududahang ama ng bata habang si Aria naman ay nilalaro ang bata.

"Omg you're so cute talaga~" maarteng sambit nito

"Aria yung bata, mahahawa sa kaconyohan mo." saway ko

Nagpout naman ito at patuloy pa rin sa paglalaro sa bata. Nilalaro nila yung mga mumunting laruan ni Pipo mula sa kanyang maliit na backpack na naglalaman din ng damit. Balak pa ata ni Paulina na dito ito patirahin.

"So?" biglang nagsalita si Victor "Kanina pa kami nandito. Pwede bang--"

Hindi pa natatapos ni Victor ang sasabihin nang sumingit si Aria "No! Dapat nga you two are dapat na naglalaro with Pipo."

"Hin--"

Pinutol ko na ang sasabihin pa ni Mitzchell "Wag na kayong magtalo kung sino talaga ang tatay ni Pipo."

"Baby, who you think ang daddy mo sakanila?" tanong ni Aria kay Pipo

Nagkibitbalikat naman ang bata tas tumingin sakin.

"Boi, don't ever say na ako. Nakooo kung di ka lang bata." sabi ko

"Nigugutom ako." sabi ng bata

Nagulat naman kaming lahat. Diyos ko! Anong ipapakain namin sa bata? Tao? I want to protect this innocent kid.

"Are you really gutom?" dahan dahang tumango ang bata at mukhang iiyak na

"Oh boy!" nasabi ko na lang at dali daling pumuntang kusina baka sakaling may ibang pagkain o wala na ang katawan ni Christopher.

May nakita akong sticky note sa ref kaya binuksan ko na ito at nagulat ako nang makitang may mga pagkain na ito. Ngunit hindi para samin. Dahil sabi sa note...


Foods for my biby.
Ubusin niyo muna si Christopher bago kayo makihati.

-You know who



Kumuha na lang ako ng chocolate at gatas at dinala ito sa sala.

"Oh? May food?" gulat na tanong ni Aira

"For Pipo only." sagot ko

"Yey!" sabi ni Pipo at excited na tumakbo papunta sakin at kinuha ang pagkain "Thank po."

Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. Aww this boy is so cute. How come naging anak 'to ni Paulina at ng kung sino man sa dalawang 'to?

Bumalik na kami sa sala. Titig na titig ako kay Pipo at kanina pa may gusto ng itanong dito. Hindi ko lang alam kung paano sisimulan.

Napatingin sakin si Pipo at nang mapansing nakatitig ako sakanya'y tumitig din ito sakin at nagduling-dulingan. Napatawa naman ako at gayundin siya.

"Arggg! Your cuteness is killing me." sabi ni Aria at pinisil pa ng mahina ang pisngi ng bata

"You're kaconyohan is improving. Bawasan na lang ang kaartehan sa pananalita." puna ko kay Aria

"I'll do lahat para kay Pipo." sabi nito at pinunasan ang tsokolateng nagkalat sa pisngi ni Pipo gamit ang kamay niya

"Uhmm Pipo?" panimula ko

Nagtatanong na tumingin siya sakin. Itatanong ko na sana ang kanina pa bumabagabag sa isip ko nang biglang lumapit samin si Shobee. Hindi ko namalayan na lumabas pala siya ng kwarto.

"Asan si Kairee?"

















===================================

Aww Pipo is soooo cute~ I will kill this lil boi~😍💞

So far (away~) this is the longest update~

02-20-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top