Loading 33%
[Kairee's POV]
"Dito daw tatay ko." sagot nung bata dahilan para magtinginan kami
"Is your mom Paulina?" alanganing tanong ko
Alanganin ding tumango ang bata.
Natampal ko ang noo ko at lahat kami'y nilingon si Victor.
"Anong-- bakit ak-- put-- wag niyong sabihing ako ang ama niyan."depensa ni Victor
"Sino ba sainyo ang pwedeng maging ama niyan?" tanong ni Shobee
"I'm out!" sabi ni Jelo habang nakataas ang dalawang kamay
"Si Mitzchell!" sabi ni Victor sabay turo kay Mitzch
"Bakit ako?" gulat na tanong ni Mitzchell "Ikaw! May nangyari sainyo!"
"Ikaw nanligaw kay Paulina noon!" sambit ni Victor
"Nauna ka!" depensa ni Mitzchell
"Nahuli ka!" sagot pabalik ni Victor
"Argh! Tigil that! Don't pagusapan nga that sa front ng bata." awat ni Aria
Sinubukang buksan ni Jelo ang pinto ngunit hindi na ako nagulat nang nakalock ito ulit mula sa labas "So what are we gonna do to that kid?"
"Eto daw gawin niyo." sagot nung bata sabay labas ng papel na nakatupi mula sa maliit na backpack na suot niya
Ako na ang kumuha nito at tinanggal ang pagkakatiklop.
Game 3: Know the father of that kid
-Her Mother
P.S. Take care of my biby
===================================
Baka maging busy this week kaya habang weekend pa, sulitin na ang kakaupdate! Hoho~ Magiiwan muna ako ng palaisipan sainyo.
02-18-18
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top