Loading 32%


[Shobee's POV]

"Anong ginagawa mo?" nagulat ako sa presensya ni Kairee kaya't dali dali kong itinago ang cellphone ko

"Uh, just making blogs." sagot ko

Tumango naman siya at mukhang convinced sa sinabi ko. Phew! That was close.

"Ano yun?" lumabas si Kairee ng kwarto nang marinig ang malakas na katok sa main door. Lumabas na rin ako para makiusyoso.

Naabutan ko na lang na pinagbuksan ni Jelo ang isang batang lalaki. Pur jaw literally drop as we saw the kid. Don't tell me isa ito sa mga pakulo ni Paulina? Myghad! Bakit siya mandadamay ng isang inosenteng batang?

Binaliktad ni Jelo ang name tag na suot ng bata para makita ang nakasulat --- Game 3

Napamura naman si Jelo sa nabasa na agad na sinaway ni Aria pagkat may bata nga naman.

"What's your pangalan?" tanong ni Aria

Lumapit na ako sa kanila "Aria, may bata oh. Itigil mo muna ang pagka-conyo mo. Toxic ka sa bata."

"I love bata." sagot ni Aria

"Anong pangalan mo? Ilang taon ka na?" tanong ko sa bata at hindi inintindi si Aria

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Sinong kasama mo? Sino naghatid sayo? Wala ka bang mga magulang?" sunod sunod na tanong ni Victor at akmang sisilip na sa pinto ng biglang humarang ang bata at sinara ang pinto

"Dami naman po tanong" natatawang sambit ng bata "Ako po Pipo. Limang taong gulang! Secret daw naghatid sakin. Bawal malaman."

"Ano na lang ginagawa mo dito?" tanong ko

"Dito daw tatay ko." sagot nung bata dahilan para magtinginan kami















===================================

Siya po si Pipo from my story Campus Zombis. Check if u want hehe~

02-18-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top