Loading 24%
[Victor's POV]
Nakapalibot na kaming lahat sa mesa. Walang kumikibo't kumikilos. Pinapakiramdaman ang isa't isa.
"Uupo na lang ba tayo dito?" inip kong tanong
"Edi kainin mo." pairap na sabi ni Kairee
"Lahat naman tayo kakainin yan eh." sabi ni Mitzchell
"Kaya mo?" gulat na tanong ni Shobee
Tumayo si Mitzchell "Kakayanin." sabi nito at kumuha na ng konting laman mula sa pusong nakahain gamit ang kanyang tinidor at pikit matang isinubo
Umiwas ako ng tingin. Hindi ako ang timikim ngunit parang masusuka ako.
Sumunod naman si Jelo "He's right. Wala tayong ibang kakainin dito kaya tiisin na lang natin." kumuha rin siya ng kapiraso at walang ano ano'y isinubo ito
Sumunod naman si Shobee na humiwa ng kaunting laman at pikit matang nilunok na sinabayan niya ng inom ng isang basong tubig. Ganoon din ang ginawa ni Kairee.
Nakihati na rin ako sa pagkain. Pikit mata ko itong sinubo. Diring diri ako habang nalalasahan ang mapait na lasa nito sabayan pa ng malapot na dugo na parang mabubulok na. May taba rin akong nalalasahan. Di ko na kaya. Dali dali akong uminom ng tubig. Nakailang baso ako ng tubig.
Di ko napansing kumain na rin pala sila Aria at Christopher. Si Aria'y kagaya ko na isang subo lang ang ginawa at patuloy pa rin sa pagluha habang nakatulala. Si Christopher nama'y agad tumakbo sa lababo para sumuka. Habang ang iba'y patuloy sa pagkain hanggang sa maubos ito. Diyos ko, ano bang nangyayari sa amin?
===================================
02-17-18
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top