Loading 22%
[Jelo's POV]
Silence is all I hear in this house. We are now at the living room as they wait for me to turn on the tv. Ako na ang naglakas loob kumuha ng remote control sa bangkay ni Kesha. May bahid pa nga ito ng dugo. Natatakot man ay pinindot ko na ang switch button.
Napasigaw naman ang mga kababaihan lalo na si Aria na umiyak nanaman. Trauma, I guess. Since she's the one who discovered Kesha's dead body.
Lumitaw sa screen ang basang basa at duguang si Kesha habang nakagapos sa upuan. Tila ba binuhusan ito ng tubig. Taken ito (CrishaneAen: buti pa ito taken, ako single) sa kusina pero bakit wala kaming narinig at di man lang nagising? Siguro nga't ginamitan niya kami ng pampatulog. Wala na ring bahid ng dugo malamang nalinis na ito. Pinlay ko na ang video.
"H-hi?" sabi ni Kesha. Bumulwak ang dugo sa bibig niya kaya't napaubo siya.
Napapikit ako. Holding back my tears. Nakita kong pinipigilan din nilang maiyak at tanging si Aria lang ang hagulgol nang hagulgol.
"Siguro habang pinapanood niyo 'to patay na ako." hirap na hirap siyang magsalita at huminga. Nanginginig din siya marahil sa ginaw.
"Pinapasabi lang ni Paulina na.. *gulp* .. ang susunod niyong game ay.." tumigil siya at naiiyak na napatingin sa kumukuha ng video
Biglang nagulo ang video. Tinakpan ito ng kumukuha at wala kaming sounds na naririnig. Maya-maya'y naging stable na ito ulit at bumalik ang screen sa duguang si Kesha na ngayo'y umiiyak na.
"Pumunta na lang kayo sa kusina and enjoy your dinner without me." ngumiti ito at biglang nawala ang video
Bigla akong nakaramdam ng kilabot. Tiningnan ko sila ngunit wala pa ring kumikilos. Pare-parehong tulala. Tumayo ako at pupunta na sana sa kusina nang biglang may lumitaw nanaman na video. Nakayuko si Kesha na patuloy sa pagiyak.
"G-guys.. A-all you need to do is go to the kitchen, eat my heart, ang di makakagawa *gulp* s-susunod sakin." nagangat siya ng tingin, namamaga na ang mga mata niya "Save your life! Tumakas na kay---"
Napatigil siya sa pagsasalita nang may tumamang kutsilyo sa kanya, sapul sa dibdib niya. Patuloy ang pagragasa ng dugo mula sa bibig dibdib niya. Nagkikikisay na rin siya.
"Stop! Stop na! I don't want na! Ayoko na! Mommy! Ayoko na here!" sigaw ni Aria habang nakapikit at nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tenga na sinabayan pa ng sunod sunod na iling. Pinapatahan na siya ni Shobee at niyakap ni Kairee na parehong lumuluha.
Patuloy sa pagkisay si Kesha hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay.
Tila ba napako ako sa kinatatayuan ko. Lumingon ako sa kusina at tama nga, nakaayos na ang hapag kainan. Sa gitna nun ay may platong naglalaman ng sariwa pang puso ni Kesha.
Lumapit ako kay Christopher at marahas siyang hinatak. Napatayo naman siya at nagulat sa ginawa ko.
"Tangina, wag mong sabihing ako nanaman may gawa nun." tinulak niya ako dahilan para mapabitaw ako sakanya
"Pinlano mo 'to noh? Kakampi ka ni Paulina, ano? Kunyari dumumi ka pero ikaw ang nagsabit sa bangkay ni Kesha sa CR!" sambit ko habang dinuduro duro siya
Hinawakan niya ang daliri kong nakaturo sakanya at muntikan na itong mabali kung hindi ko pa iniwas "Kung ayaw mong maniwala, edi wag! Wala akong panahon para makipagtalo pa sayo. Lahat tayo hindi ginusto ang nangyari!" sagot niya pa
"Eh gago ka pala eh!" akmang susuntukin ko siya nang umawat samin si Victor "Wala magagawa ang pagtatalo niyo. Hindi na nito mabubuhay pa si Kesha."
"Tsaka pwede ba? Tigilan niyo na 'yang pagiging immature niyo." sabi ni Mitzchell na ngayon ko lang napansing nakatayo rin at mukhang kakagaling lang ng kusina "Isipin mo, kanina nandun tayong lahat sa kusina pero wala pang nakahain doon. Mabilis at maingat siyang kumilos. Kaya maaaring ganoon din ang ginawa niya pagkatapos lumabas ni Christopher sa banyo. Di niyo ba napapansin? Pinagaaaway niya tayo?"
Napatingin ako kay Christopher. Nagsukatan ng tingin. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi ni Mitzchell pero siguro nga't nandito si Paulina na pinagmamasdan kami.
===================================
02-17-18
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top