Loading 15%


[Kairee's POV]

Bumaba na kami ng van bitbit ang mga gamit namin. Hindi ko alam kung anong pakulo 'to pero kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Lalo na't bumalik nanaman kami sa lugar na 'to. Isa iyon sa dahilan kung bakit pinilit kong ibenta itong rest house. Para makalimutan ang nangyari. Ipinagtataka ko lang na kung paano niya ito nabili o talagang nabili niya ba talaga ito.

Medyo malayo ito sa city at halos puros mga talahib. Malapit na maging gubat. Wala ring mga kapitbahay.

Nagpapakiramdaman kami sa kung ano ang sunod na gagawin. Matapos kong i-park ang van at bumaba, nandito lang kami nakatayo habang nakatitig sa bungalow type rest house.

"So tatayo na lang ba tayo dito?" tanong ni Victor dahilan para mapairap ako. Di pa rin siya nagbabago.

Sinimulan ko nang maglakad at sumunod naman sila.

"May papel oh," sambit ni Mitzchell na siya ring pumulot sa tabi. Matapos niyang tingnan ay ipinakita niya ito sa amin,

"The key is under the doormat." basa ni Aria sa papel. For the first time di siya naging conyo "So the susi is nasa under ng doormat. Gotta kuha it." kakasabi ko lang eh

Inangat na niya yung doormat at tama nga ang nakasaad sa papel nandoon ang susi "So who will bukas the pinto?"

Inagaw na ni Jelo ang susi kay Aria at siya na ang nagbukas. Bumungad samin ang salang napaka-plain. White walls. Gray sofas. Brown table. Black tv set. Napaka-dull ng theme. Black, gray, white, at brown ang tanging kulay sa loob. Sa kanan nun ay dalawang pinto na sa pagkakatanda ko'y kwarto. Sa kaliwang bahagi naman ay ang kusina at dinning area na rin.

"Oy, may wifi." sabi ni Christopher at lumapit doon sa tabi ng tv kung saan nakalagay ang wifi at in-on iyon

"Ano password?" tanong ni Mitzchell habang hawak ang phone

"Wala." sagot ni Christopher at nagce-cellphone na rin "Pero ang weird ng pangalan ng wifi."

"Yea." sangayon ni Mitzchell

Chineck ko ang phone ko at in-on ang wifi. Isa lang naman ang lumitaw kaya iyon marahil ang pinaguusapan nila. Wifi in hell.




Bago kami tumuloy sa kwarto'y napagpasyahan naming kaming mga babae ang magkakasama sa kaliwang kwarto at sa lalaki nama'y sa kanan. Ako na ang nabukas ng pinto namin at nakita ko namang si Jelo ang nagbukas sa kabilang pinto.

Sa loob ay may dalawang double deck na higaan at may CR na rin sa loob. Siguro'y ganon din sa kabilang kwarto. Pumasok na kami sa loob at nagkanya-kanyang pili ng mahihigaan.

"Ako sa taas." sabi ni Kesha at nanguna na

"Luh? Sa up din me gusto." sabi ni siguro'y kilala niyo na at pumanhik na sa kabilang kama

Nagkatinginan kami ni Shobee na wala nang choice at pareho kaming sa babang parte ng higaan. Ako sa ilalim ng higaang pinili ni Aria at siya'y kay Kesha. Mamaya ko na lang aayusin ang mga gamit ko'y mahihiga muna ako. Ngunit di pa ako nakakahiga nang bigla na lamang may kumatok.

Pinagbuksan ito ni Shobee at iniluwa nito si Christopher.

"Guys, check niyo yung group chat." sabi ni Christopher dahilan para tingnan naming lahat ang phones namin







===================================

02-16-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top