Loading 100%
CrishaneAen: Sa susunod ko pa sana ia-update kaso di naman ako crush ng crush ko kaya eto na!!! Ilang beses ko 'tong nirevise kaya natagalan. Sana ma-enjoy niyo! Pero kahit anong revise na gawin ko, di pa rin ako crush ng crush ko. Geh na, enjoy!!!!
Matapos mag-alay ng bulaklak at munting dasal sa puntod ni Paulina, gayundin ang ginawa ko sa mga yumao kong kaibigan. Sa chapel ko lang sila ipinagdasal pagkat hindi ko alam kung saan nilagay ni Christopher ang mga bangkay nila. Ang bilis ng panahon, limang taon na rin ang lumipas. Pabalik na ako ng sasakyan ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalabas nang makasalubong ko si Shobee.
"Mitzchell, si Pipo?" tanong niya
Nakatakas kami kay Christopher pagkat mahina na siya nun. Patakas na kami gamit ang van na siyang nagdala samin papunta sa lugar na 'yon, nakita ko si Pipo na umiiyak sa sulok ng back seat. Hindi na umaandar ang sasakyan pagkat na-flat-an na iyon. Mabuti na lang ay may nasalubong kaming mga taga-baranggay nang makalayo na kami na agad kaming sinaklolohan. Matagal kaming ginamot pagkat ang laki na rin daw ng dosage ng droga ang kumalat sa katawan namin. Matapos nang gabing iyon, kaming dalawa na ang tumayong magulang ni Pipo at masayang namuhay na tila ba isang pamilya.
"Huh? Iniwan ko kayo sa kotse diba?" taka kong tanong
Kababakasan na siya ng kaba at takot "S-sumunod siya sayo."
"Shh ayan ka nanaman." sabi ko at inalo siya "Wag kang magisip ng kung ano-ano."
"H-hindi ko maiwasan." naiiyak niyang sagot
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi niya "Halika na baka dumalaw lang yun sa tatay at tito niya."
Nagsimula na kaming pumunta sa magkatabing puntod ni Gabriel at Christopher ngunit wala si Pipo.
"Ayun sa Pipo!" nahihintakutang sambit ni Shobee at tinuro si Pipo na nasa di kalayuan sa tapat ng isang malaking butas
Agad kaming pumunta sa direksyon ni Pipo dahil baka mahulog pa ito. Unang lumapit si Shobee. Nang makalapit ay hinatak siya ni Pipo at tinulak sa butas. Napatigil ako sa pagtakbo, "P-pipo?"
Ngumisi si Pipo at tila ba may tinitingnan sa likod ko. Parang hindi siya ang batang tinuring kong parang anak. Dahan dahan akong lumingon at may isang pamilyar na babae na may hawak na shovel ang bumungad sa akin, "Marcy?"
"Wow, naalala mo pa ako? Buti naman." natatawa nitong sambit at pinukpok ng shovel ang balikat ko dahilan para matumba ako
Sinipa sipa niya ako at pinagulong gulong sa tulong na rin si Pipo hanggang sa tuluyang mahulog ako sa makipot butas. Sa tingin ko'y may lalim ito na 6 feet. Hindi ako agad nakatayo dulot ng pagbagsak na katawan.
"Shobee!" nakita kong walang malay si Shobee at duguan ang nabagok niyang ulo. Lumapit ako sakanya at pinakinggan ang pulso. Mahina na ito.
Tumingala ako nang maramdaman kong may nahuhulog na lupa.
"Walang forever!" si Marcy katabi ni Pipo, nililibing kami ng buhay.
"Wala kang utang na loob Pipo! Pinalaki ka namin--"
"Oh shut up!" sigaw ni Marcy sabay pukol sa akin ng malaking bato
Mabuti na lang at nakaiwas ako kundi sapol sa ulo ko.
"Ako kasi dapat ang nagpalaki sa anak kong si Pipo. Kami ni Gabriel. Kung hindi ka lang umepal. Letse naman kasi Christopher. Ang yabang yabang pumalpak naman ang plano." sambit niya na patuloy pa rin sa pagpapaulan sa amin ng lupa
"A-anak mo?" nanghihina ngunit gulat kong tanong
"Oh?" napatigil siya sa ginagawa niya "Ah oo nga pala. Ang alam ni Christopher anak niya 'tong bata. Anak namin 'to ni Jelo."
Hindi ako nakapagreak dahil sa gulat. Pinalayo niya muna si Pipo at hindi na ito sakop ng paningin ko.
"Nagalit siya sa akin at nirape niya ako nang magbreak kami at mas pinili ko si Gabriel kesa sakanya. Di niya alam na nagkaanak kami. Binigay ko siya kay Kesha dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. At alam kong namatay ang anak niya nang ipinanganak niya ito. Baka kako sasaya siya pagbinigay ko sakanya si Pipo at hindi nga ako nagkamali. At ngayon wala na si Kesha, susubukan ko nang maging ina sakanya." pagpapatuloy niya "Yun ang dahilan kung bakit nakipagkampihan ako kay Christopher. Para maghiganti kay Jelo."
Marahas niyang pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya "Tapusin na nga nati--- Pipo? PIPO?! ASAN KA?! ANAK KO?!" muli siyang pumulot ng bato at ipunukol ito sa akin bago nagtatatakbo hanggang sa balutin ako ng dilim
===================================
Naalala ko lang si Sisa kay Marcy.
Magpopromote sana ako kaso sige na nga. May ginagawa akong another epistolary sa drafts ko entitled Aling Vicky. Pamalit dito sa Former Friends hakhak~ Baka lang interesado kayo kahit walang kayo.
Happy ending sana kaso gaya nga ng sabi ni Marcy, "Walang forever!"
At diyan nagtatapos ang Former Friends huehuehuehuehuez~ Last must read author's note buong ud is next ~~~>
03-25-18
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top