Chapter 08

Chapter 08

"May one month kang bakante, Farah. Sina Kheana na ang nag-suggest no'n kaya pwede kang magpahinga na muna sa bahay mo."

"Bawas sahod 'yan." wika ko at napabuntong hininga.

Inirapan naman ako ni Ria sabay simsim sa kape niya.

"Kaysa naman pumasok ka agad, Farah. Alam mong para mong buntot ang isang 'yon. Hindi malabong kulitin ka at baka ma-trigger ka pa ng wala sa oras." may pag-aalala sa tinig niya.

Hindi pumasok ngayon si Ria para lang mailabas niya ako ngayon. Maaga ring umalis si Rossezekiel ng bahay dahil may biglaang meeting na naganap. Mukhang may problema sa contract signing nila kaya kahit hindi pa sumisilip ang araw ay nagmamadali na siyang nag-asikaso.

Halata pa nga ang pagod at antok sa mukha niya, kaya nag-aalala ako. Balak ko siyang puntahan ulit mamaya, nagtanong na rin ako kay Jean at ang sabi niya, whole day ay nasa office lang niya si Ross.

"Paano ang trabaho ko, Ria? Magtataka si Rossezekiel kung lagi lang akong nasa bahay."

"Edi sabihin mo ang totoo, Farah—"

"Maria naman,"

Ngumiwi siya. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Alam ko namang kahit pilitin kita ay hindi mo ako susundin kaya I suggest the other way."

"Ano naman?"

"Sabihin mo na may bakante kang isang buwan, unahan mo na bago pa siya ang magtanong sa 'yo. Sabihin mo na lang din na may mga interns na magtuturo for one month, para hindi na humaba ang usapan niyo. And kung gusto mong may pagkakitaan, may bakery shop ang kakilala ko. Hindi naman mabigat ang trabaho do'n, actually sa counter ka lang. Ano, payag ka?"

Hindi na rin masama. May pera naman ako sa account ko kaya hindi rin naman mabigat sa akin kung wala akong trabaho for one month. Ang kaso, hindi ako sanay na nasa bahay lang.

"Mabait naman ang may ari no'n. Kilala rin 'yong bakery shop na papasukan mo, at dinadayo talaga ng mga tao lalo na ng mga estudyante. Kayo na lang din ang mag-usap sa sahod mo, hindi naman kuripot 'yon kaya makakaasa kang hindi ka dadayain ng kakilala ko."

"Oo naman. Magiging libangan ko na rin 'yon since wala naman akong ibang pagkaka-abalahan."

Napangiti si Maria at kaagad na binigay sa akin ang calling card ng bakery shop. Upon seeing the name of the owner in it, napangiti ako.

Famela's Bakery & Co.
Famela Rivera.

"Kailan na'tin pupuntahan?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Kung gusto mo ay pwede naman ngayon."

Napatingin ako sa relong pambisig ko. Alas dies pa lang naman ng umaga at hapon ko pa naman pupuntahan si Rossezekiel.

Sa huli ay napagkasunduan namin ni Maria na tumungo na sa sinasabi niyang bakery shop. Hindi naman din kalayuan ang daan patungo doon kaya ilang minuto lang rin ay nasa tapat na kami nito.

Italian style ang labas ng bakery. Para kang nasa Paris, France dahil may mga display pang biseklta sa labas at ilang mga lamesa't upuan kung gusto mong makalanghap ng sariwang hangin.

Malawak na lupain ang kinatatayuan ng bakery. Puro green grass ang nasa paligid, sinadyang itayo sa gitna ng malawak na lugar, kaya kahit may dumaang sasakyan ay mas tanaw na tanaw pa rin ang kagandahan ng lugar.

"Good morning po, Ms. Maria and Ma'am." bati sa amin ng guard.

Tipid akong ngumiti habang si Maria ay nakipagbiruan pa dito saglit bago kami tuluyang pumasok sa loob.

Kung maganda na ang labas nito, mas maganda naman ang nasa loob. Patok para sa mga gusto ng aesthetic vibe. Minimalist ang loob at may pagka-cement ang vibe ang bawat pader. Bawat lamesa at upuan din ay tugmang tugmang bumabagay sa kabuuan ng bakery. Kaya pala kuhang kuha ang timpla ng masa, lalo na sa mga estudyante nakikita ko ngayon dito.

"Nandiyan ba si Ms. Fam, Ate Claire?"

Napukaw ang pag-ikot ng mata ko sa buong lugar nang hilain ako ni Maria patungo sa isang waitress. Malawak na ngumiti ang kausap at tumango.

"Noong isang araw pa naghihintay si Ma'am sa 'yo, Ria. Ikaw na bata ka, hindi ka man lang nag-reply sa message ko sa 'yo, wala tuloy akong maisagot kay Ma'am Famela." aniya habang inilahad sa amin ang isang pwesto upang makaupo.

"Pasensya na, Ate Claire. Busy ang babae nitong nakaraan. Maraming nangyari kaya nakalimutan kong replyan ka."

"Oh siya sige, mahintay muna kayo dito at tatawagin ko si Ma'am Famela."


Isang ngiti ang iginawad namin kay Ate Claire at nagkatinginan kami ni Maria. Sandali naming pinag-usapan ang lugar at nagplanong kapag may ipon na kaming pareho na pwedeng gawing kapital ay magtayayo rin kami ng ganito. Lalo na't parehas kaming mahilig sa kape.

Nagtatawanan kaming dalawa nang biglang may yumakap sa akin. By the scent of the perfume that lingers through my nose, I immediately called the name of whose hugging me from my back.

"Rossevelt?!"

"Ate Farah!" masayang bati nito akin, humila pa ng upuan at tumabi sa pwesto ko. Ngumiti siya kay Maria at sinuklian din ni Maria nang malawak na pagkakangiti.

"Anong ginagawa mo dito? Are you alone?"

Napailing siya. "I'm with someone po."

Napataas ang kilay ko. "Who's someone? The guy you're talking about?"

Mas lalo siyang napailing at naibaling ang tingin sa direksyon ni Maria. Napasunod ang tingin ko doon. Mula sa counter ay nakita ko ang pamilyar na bulto, mukhang may hinahanap. And when Rossevelt waved her hands in the air and shouted a little bit, ...

"Kuya Ace! Over here!"

The man face show relieved and smiled immediately when she saw her cousin and me afterwards. Naglakad si Ace papalapit.

"It's nice to meet you again, Farah." he formally greeted me.

"It's nice to meet you too, Ace. By the way, this is Maria." pagbaling ko kay Ria na nakatingin na kay Ace. Tila hindi na rin humihinga kaya marahan kong sinipa siya sa ilalim ng mesa. Napalingon siya sa akin at napalabi. Pinigilan ko namang matawa.

Dumako si Ace sa bakanteng pwesto sa tabi ni Maria. Sukbit ang ngiti sa labi ng lalaki ay naglahad ito ng kamay.

"Ace Anderson Satori. Just call me, Ace."

Tiningnan ni Maria ang kamay ni Ace, bago ito inabot.

"Maria. Just call me Ria." simpleng wika nito.

"Full name?"

"You don't need to know, I guess." aniya ng kaibigan ko at binawi ang kamay niya na tiwala walang balak na pakawalan ni Ace.

Napatikhim kami ni Rossevelt, kaya nabaling ang tingin sa amin ng dalawa.

"Kuya, na-love at first sight?" natatawang biro ni Rossevelt na ikinailing ni Ace na may ngiti sa labi.

Naibaling ko ang tingin sa kaibigan ko na parang wala lang naman sa kaniya ang sinabi ni Rossevelt. Sabagay, ano pa bang aasahan ko sa kaniya. She's too loyal to her not-so-loyal boyfriend, kaya kahit gaano ka-gwapo ng ten times ang makaharap niya, balewala.

Sometime I just wish that her boyfriend must impregnate others so that she can be free from being martyr. Masama na kung masama, pero alam kong magiging mas maayos ang kaibigan ko nang wala sa buhay niya ang lalaking 'yon.

"Family dinner mamaya, nasabihan ka na ba ni Kuya?" si Rossevelt.

Napailing ako.

"Baka nakalimutan. Buti na lang nagkita tayo, baka bigla kang hindi magkandaugaga mamaya kung late niya na masabi." si Ace.

"Thank you for informing me, sasabihan ko na lang din mamaya si Ross. Ang dami kasing ginagawa ng taong 'yon, parag ayaw magpahinga kahit isang araw man lang muna."

"Eh kasi naman Ate Farah, baka kaya sobrang naglulunod sa opisina niya 'yon dahil may balak—"

Hindi naituloy ni Rossevelt ang sasabihin nang bigla siyang batuhin ni Ace ng may kakapalang tissue. Sandaling natigilan ang katabi ko bago tinakpan ang bibig niya.

Humagikhik si Rossevelt kinalaunan na ikinalaki ng mata ni Ace. Napatayo pa ito sa pagkaka-upo at hinatak ang pinsan niya sa tabi ko. Napaawang ang labi ko sa eksena nila.

"Aalis na pala kami, Farah. Kita na lang tayo sa bahay nila Rossezekiel." ngiwi ni Ace at binalingan ang kaibigan ko. "It's nice to meet you, Maria."

Tiningnan lang siya ng kaibigan ko bago tanguan.

"Weird." tanging naisantinig ko at sakto namang dumating ang hinihintay namin.

Isang babaeng kagalang galang. Halata ang estado sa buhay nito base pa lang sa kaniyang kasuotan. Sa tantsa ko ay nasa mid 40's na ang ginang, ngunit batam bata pa rin ang kaniyang mukha.

"I was waiting for you, Ria! It's been a week."

Umaliwalas ang mukha ng kaibigan ko at pinaghila ng upuan ang bagong dating.

"Na-busy, Ma'am Fam. By the way, kaibigan ko po pala. Farah Herrera, 'yong madalas ko pong ikwento sa 'yo."

Nagtama ang paningin namin ng babae. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kumalabog ang dibdib ko, sa sobrang kalabog ay tila gusto kong maiyak, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Pasimple kong sinuway ang aking sarili at ngumiti ng malawak sa ginang.

"Farah Herrera po," paglalahad ko ng kamay.

"Famela Rivera, hija." pagdalo niya sa akin.

"It's nice meeting you, Ma'am."

"Gano'n din ako, hija. Paano, mukhang magkakasundo tayo, magaan ang loob ko sa 'yo ngayon pa lang. Ikaw ba ang papasok sa bakery ko?"

Nagkatinginan kami ni Maria. Tinanguan niya ako kaya binalik ko ang tingin ko kay Ma'am Famela.

"Yes po, Ma'am. Kanina lang rin po nasabi sa akin ni Ria na naghahanap ka ng tauhan dito. I'm on leave naman po sa work, kaya magandang sideline na rin ito for me."

"Kanina niya lang sinabi, pero sa bawat pag-uusap namin ay ikaw ang lagi niyang nirereto sa akin." natatawang wika ni Ma'am Famela.

"Inunahan ko na, Ma'am. Kapag sinabi ko rin naman sa kaniya, babalakin niya ring pumasok dito. Like what I've told you, mahilig sumideline 'yang si Farah lalo na kapag nagustuhan niya ang lugar."

Sang-ayon ako doon. Kung hindi nga lang dahil sa full time na trabaho ko, baka nga may extra pa akong job sa pagtuturo.

"Then, I should be thankful to you, Maria. Mukhang katiwa-tiwala ang ipapasok mo sa akin. Hindi na ako mahihirapan pang kilatisin ang ipapasok ko dito dahil may tiwala naman ako sa 'yo."

Napangiti silang dalawa ni Maria.

"You don't need your resume, hija. Hindi naman full time job ang offer ko since maglilipat na rin ako ng ibang tauhan dito kapag naayos na ang lahat ng kailangan kong ayusin. By your looks, I can tell you can carry the work sa counter, and kung gusto mong matutong mag-bake, you can always go to my kitchen and have our time together. I would like to teach you each step."

"Naku, that's would be nice to hear, Ma'am—"

"Just call me, Tita, hija. And also, you, Maria. Call me Tita Fam or Famela."

Hindi na rin kami masyadong nagtagal ni Maria. Pagkatapos naming magkaliwanagan ni Tita Famela, inaaasahan niya na kaagad ako sa bukas sana, kaso anniversary naman namin ni Rossezekiel kaya pinaki-usapan ko siyang sa makalawa na lang na ikinatuwa ko naman kasi pumayag siya. Nahihiya ako dahil ako pa talaga ang nag-suggest, ang sabi naman ni Tita Fam, ay ayos na ayos lang daw, tutal ay wala rin siya sa loob ng dalawang araw simula ngayon.

Bago kami maghiwalay ni Maria ay sandali kaming kumain, nag-take out na rin ako para kay Rossezekiel. Nag-message kasi ito na maagang uuwi at ibinalita na sa akin ang family dinner nila mamaya.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako. This is the first time sa loob ng apat na taon namin ni Rossezekiel. Kung noon ay hindi pa ako handa, mas lalo ata ngayon at baka mamaya mag-back out na naman ako, bagay na ayaw kong mangyari. Kaya kahit dumadagundong ang puso ko ngayon, mas pinili kong patibayin ang damdamin ko.

Rossezekiel's family was too good to be true as they say. Ramdam ko rin naman iyon nang minsan ko silang maka-usap.

"You're already here, naunahan mo pa ako." aniya ko nang salubingin ako nang mahigpit na yakap at malalim na halik ni Ross.

Napangiti ako ng maghiwalay kami at igiya niya ako pa-upo sa couch.

"Sinubukan ko talagang umuwi agad, dahil excited akong ipakikila ka na for real sa pamilya ko. It takes long but I know you'll get together with them, especially my Mom."

Napawi nang bahagya ang ngiti ko. "But I'm too nervous right now, Ross."

"You're backing out, a-again?" his voice became disappointed, but then he smiled at me and caress my cheeks. "Tell me if you can't face them for now, hon. You know I'll understand you."

Kaagad akong napailing. Ayaw kong i-down na naman ang gusto niyang mangyari. I shouldn't be coward. Mahal ko si Ross. Totoong mahal ko siya, kaya bakit ako aatras na naman?

"I'm just nervous, hon. Wala sa isip kong umatras for how many times. I want to meet your family, I want them to see me as your partner through ups and downs."

Malawak na ngumiti sa akin si Rossezekiel at marahan akong dinampian ng halik sa aking noo. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay unti unting napawi kahit papaano.

"Kumusta nga pala ang lakad mo, hon?"

Napalabi ako sa biglaang pagtatanong ni Ross. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya na on leave ako ng one month, kung sasabihin ko man wala naman akong maisip na magandang idahilan.

"Hon? Is there a problem? You're spacing po." malambing na litanyan nito.

Nabalik naman ako wisyo ko at marahang tumango. "I'm okay, hon. It's just I don't know how to tell it to you." napapanguso kong wika.

"Tell me what, hmm?"

Napalobo ako ng pisngi at malalim at bumuntong hininga. Hindi naman ako natatakot na sabihin sa kaniya na wala muna akong trabaho, ang kinakatakutan ko lang ay baka magtanong siya ng magtanong.

"I'm on leave." pag-uumpisa ko. "Wala akong trabaho for one month."

Nagtaas siya ng kilay. "Why— I mean, is there something wrong sa trabaho mo? Ginugulo ka pa rin ba ng katrabaho mong lalaki?"

Mabilis akong napailing. Mabilis ko ring kinagat ang pang-ibabang labi ko para hindi ako makapagsumbong o madulas dahil alam kong pangungunahan ako ng emosyon.

"Hindi, hon. May mga mag-o-ojt kasi na fresh graduate sa school kaya ilan din sa'min ang pinag-leave muna, don't worry, may bayad naman—"

"Cut that off, hon. I don't care if you even lost your job. Kaya kitang buhayin. Don't misinterpret me, please." gagad niya kagaad na mabilis kong nakuha.

"But I don't want to be your burden."

"Silly," natatawa niyang wika at lumapit sa akin ng husto. "You'll never be a burden to me, hon. My money is yours too. What I have right now is yours too, okay? I told you, everything na trinatrabaho ko ngayon ay para sa 'yo at sa future na'ting dalawa. So stop thinking that you'll be a burden to me because you're not."

Napayakap ako kay Ross. I'm such a lucky woman in the whole universe. Binigyan ako ng taong walang ginawa kung hindi ang mahalin lang ako at alagaan at intindihin.

"Magluluto ako ng dadalhin na'tin sa bahay niyo. May stock pa naman dyan, pero gusto ko sana mamili tayo ngayon." maya'y wika ko.

"That will be good. Mahilig sa lutong bahay ang nanay ko, hon. But can I request?"

Napatango ako. "Oo naman, ano ba 'yon?"

"Can you cook kare-kare and mechado, she loves that foods."

Malawak akong ngumiti.

"Oh, then that should I cook for her. Anong oras ba tayo mamaya?"

"Seven pm pa, hon. Kaya ba?"

Napatangin ako sa orasan, it's already five in the afternoon, kung aalis na kami ngayon, kayang kayang maluto agad.

"Of course, hon. Let's go?" alok ko sa aking kamay.

Malawak na ngumiti si Rossezekiel sa akin sabay abot sa aking kamay. Damang dama ko ang kasiyahan niya. Kung sabagay, matagal niya na rin kasing hinihintay ang araw na ito.  Iba saya ang dulot sa kaniya na labis ko ring ikinatutuwa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #romance