Chapter 07

Chapter 07

Pilit kong iwinaksi ang nangyari sa akin hanggang sa umabot ako sa tinirahan ko. Hindi ako nasundo ni Rossezekiel dahil may ginagawa ito sa kompanya niya. Naiintindihan ko naman ang dahilan niya ngunit hindi ko pa rin mapigilang madismaya. Sa kabila kasi nang naranasan ko, siya ang gusto kong makita sa pag-uwi ko.

Malalim akong napabuntong hininga at isinandal ang sarili ko sa sofa. Masyado akong pagod ngayon at ang nobyo ko lamang ang kailangan ko, ngunit kailangan kong magtiis muna dahil importante ang ginagawa niya.

Katahimikan ang lumulukob sa buong kabahayan nang tumunog ang phone ko. Kaagad kong kinuha sa sling bag ko ang phone, umaasang pangalan ni Rossezekiel ang bubungad sa akin ngunit nagkamali ako.

It's Gerald.

Napapikit ako sa biglang panginginig ng aking kamay. Imbes na buksan ang mensahe niya, kaagad kong pinatay ang phone ko at ipinasok muli ito sa bag. Napahilamos ako sa aking mukha at malakas na bumuntong hininga.

Pinakalma ko ang sarili ko at pumanhit pataas para makaligo at makapagpalit ng damit. Mababaliw ako kung ako lamang ang nandito sa bahay. Pagod ako at kailangan kong magpahinga, ngunit hindi ko magagawa 'yon kung minumulto ako nang nakakatakot na senaryo kanina.

"Kumalma ka, Farah. Kumalma ka."

Kahit ilang beses ko atang sabihan ang sarili kong kumalma ay hindi ko ata magagawa.

Halos mamula na ang iba't ibang parte ng balat ko dahil sa matindi kong pagkuskos. Nandidiri ako sa pagkalalapit ng balat namin ni Gerald. Pakiramdam ko ay nagtaksil ako sa nobyo ko kahit ang totoo ay isang karahasan ang ginawa sa akin ng hayop na lalaking 'yon.

Minsan kung sino pa ang siyang nagpapakita nang kagandahan sa 'yo ay siyang mayroong balak na masama sa pagkakataong alam nilang hindi ka makakahingi ng tulong.

Akala ko, simpleng atraksyon lamang ang nangingibabaw kay Gerald. Hindi ko akalaing may itinatagong kahalimawan ang isang taong gaya niya. Kung sabagay, bakit pa ba ako magtataka? Nasa dugo na nga ata ng angkan nila ang lahat ng kahayupan. Wala mang pruweba patungkol sa mga pangalang idinidikit sa kanila, karamihan naman ay naniniwalang ang pamilya ni Gerald ang punutdulo lalo na sa dayaan ng eleksyon.

Kung ano ang puno siya rin ang bunga. At nananalaytay sa dugo nila ang lahat ng kahayupan.

"Good afternoon, Ma'am Farah. Si Mr. Dela Vega po ba?"

Matipid akong ngumiti at tumango sa sekretarya ni Ross nang salubungin ako nito dito sa lobby nang makita niya ako.

"Nandiyan ba siya? Hindi na kasi ako nakapag-text sa kaniya kasi balak ko siyang supresahin." wika ko.

Malawak siyang ngumiti at sinundan ng tingin ang mini box na dala ko na naglalaman ng cupcakes. Binili ko ito bago ako pumunta nang tuluyan dito sa kompanya.

"Naku, Ma'am Farah. Ang sweet sweet niyo pa rin po sa isa't isa." komento niya't nginitian ko na lang. Kilala na rin ako dito dahil kung minsan napapadalas din ang pagtambay ko dito kapag maaga akong nakakalabas ng trabaho.

"Ang kaso Ma'am, nasa meeting po si Mr. Dela Vega. Nasa labas po kasama iyong pinsan niyang si Mr. Satori."

Napalabi ako. Mukhang wrong timing ang pagpunta ko't mukhang busy na busy ang nobyo ko ngayon. Dapat talaga ay nag-text muna ako bago ako pumunta dito para masaktuhan ko man lang siya.

"Anong oras pa kaya ang balik nila, Jean? Last meeting na ba 'yan o marami pang naka-linya ngayong araw?" nagbabakasali kong tanong.

Mabilis na inilabas ni Jean ang ipad niya't ipinakita sa akin ang schedule ni Rossezekiel. Kagat ang pang-ibabang labi ko'y pigil ko ang aking pagkadismaya.

Limang oras pa ang hihintayin ko bago kami magkitang dalawa. Para sa akin ay napakatagal no'n lalo na't gustong gusto ko na siyang makasama.

"Kung gusto mo Ma'am, ihahatid na lang kita sa opisina ni Mr. Dela Vega. I-inform ko na rin po siya na nandito ka—"

"No need, Jean. Ihatid mo na lang ako sa opisina niya, balak ko siyang surpresahin." putol ko sa kaniya.

Naunang maglakad si Jean na siyang sinundan ko naman. May ibang impleyado kaming nakasalubong na bumabati sa akin at may iba namang halatang nakikipagplastikan lang.

Hindi na bago sa akin 'to. Hindi naman lingid sa akin na sa ilalim nang pamamalakad ng nobyo ko ay mayroon talagang mga babaeng halos may pare-parehong pagtingin kay Rossezekiel. Hindi ko naman sila masisisi.

Iniikot ko lamang ang paningin ko habang nasa loob ng opisina ni Rossezekiel. Napapangiti pa ako kapag nakikita ko sa bawat parte ng opisina niya ang mga larawan namin. Ang pinakamalaki ay nasa likod ng kaniyang upuan. Simpleng larawan lamang namin iyon sa isang studio nang mag-isang taon ang aming relasyon.

Dalawang araw simula ngayon, idadaos na namin ang ikaapat naming anibersaryo. At hindi ko mapigilang hindi ma-excite sa araw na iyon.

Napukaw ang aking pamumuni-muni nang may ringtone akong narinig. Pamilyar sa akin iyon kaya't kaagad kong hinanap kung saan nagmumula.

"Naiwan ni Ross," tukoy ko sa phone niyang nasa ilalim ng mga folder na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa.

Halos magsalubong ng sobra ang aking kilay nang makita ang caller sa screen. Kaagad na nablangko ang damdamin at isip ko dahil hindi ko akalaing makikita ko ang pangalan niya sa screen ng phone ng nobyo ko.

Bumuntong hininga ako bago pindutin ang green button para sagutin ang tawag, at ngali ngali akong napairap dahil sa kalandian ng boses na bumungad sa pandinig ko.

"Hello, Ross! Are you busy? Nagluto ako ng kare-kare. You know, hindi ako nagluluto kaya hindi ko alam kung tama ba ang timpla ko or what, can you come over?"

She's flirting with my man again. Alam ko na ang tactics ng babaeng ito. Una pa lang ay tama na ang kutob ko sa kaniya.

"Hello—"

"This is Farah, Rossezekiel's girlfriend. Busy ang boyfriend ko at hindi ata magandang pupunta siya sa place mo, Miss." sarkastikong wika ko.

Sandaling natigilan ang kabilang linya bago nakabawi't malanding tumawa.

"Oh, it took me a while to remember you." Sa pagkakasabi niya ay napairap ako. "Where's Rossezekiel? Bakit nasa sa 'yo ang phone niya? Siya ang gusto kong makausap e."

Kung may bobita lang na title, champion ang babaeng 'to. Kung makapagtanong siya akala mo sa aming dalawa ay siya ang girlfriend ni Rossezekiel.

"Kung wala kang importanteng appointment sa boyfriend ko, I'll end this call. Please, stop calling his number kung hindi naman importante ang sasabihin mo."

Pagkabitaw ko sa linya ko, kaagad kong pinatay ang tawag. Hindi pa ako nakuntento at blinock ko pa ang numero niya't pinower off ang phone ni Ross.

Riana, Rossezekiel's childhood best friend, was really a pain in my ass since the very beginning I encountered her. She's so expressive with her feelings and doesn't care about anybody else.

Palibhasa spoiled brat kaya gustong nakukuha lahat ng gusto niya. Kung hindi lang ako pinaki-usapan ni Ross dati, baka no'ng una pa lang ay nakatikim na siya sa akin.

Panay ang irap ko sa kawalan habang pabalik ako sa pwesto ko nang bigla namang bumukas ang pinto ng opisina ni Rossezekiel. Bumungad sa akin si Jean.

"Ma'am, Farah. Extended po ang last meeting ni Mr. Dela Vega. Baka abutin pa po kayo ng alas-siete dito bago kayo magkita." may pag-aalala sa boses niya.

Sobrang tagal nga nang hihintayin ko kung gano'n. Baka mamuti na lang ang mata ko dito. Mas mabuti sigurong sa bahay na ako maghintay, atleast doon, sure akong makikita ko siya agad.

Dismayado akong ngumiti kay Jean bago kunin ang bag ko at isuklit ito sa balikat ko.

"Jean, h'wag mo na lang sabihin kay Ross na dumaan ako. Ako na lang ang magsasabi sa kaniya." aniya ko.

"Sure po, Ma'am Farah."

Palabas na kami ng opisina nang bumusangot ang mukha ni Jean at lumingon sa akin.

Nagtataka ko pa siyang binigyan ng tingin.

"Siya nga pala Ma'am Farah, hindi naman po sa nangingialam ako sa inyo ni Mr. Dela Vega, pero alam niyo po bang may pumuntang babae dito, para ngang kung sino kung utos-utusan ako 'e."

Natigilan ako, napakunot ang noo.

"Babae? . . . May pumuntang babae dito?"

Marahan siyang tumango sabay pindot ng button sa elevator nang makapasok kami.

"Opo, Ma'am. Akala ko nga po si Mr. Satori ang sadya kasi alam niyo naman po ang ugali ng pinsan ni Mr. Dela Vega." may pang-uuyam sa kaniyang tinig. Hindi ko na lamang pinansin dahil may katotohanan naman.

"Ang kaso si Mr. Dela Vega po pala ang hanap, usap usapan nga po dito 'yon Ma'am lalo na't dalawang araw ding namalagi 'yon dito."

"Sinong babae naman? Kilala mo ba?"

"Saglit po," aniya at in-open ang ipad niya. Maya maya lang ay ipinakita niya ang screen niya sa'kin.

"Riana Ramirez." pagbasa ko sa pangalang nailista sa lobby, dalawang araw simula nang araw na umalis ako.

"Kilala mo po, Ma'am Farah?" pukaw ni Jean sa akin.

Umayos ako ng tayo. Ayokong pag-isipan nila ng iba si Rossezekiel. Alam ko ang tumatakbo sa utak ng ibang tao, at ayaw kong pag-isipan nila si Rossezekiel na kagaya ng ibang lalaki.

"Kaibigan nila Rossezekiel at Ace. Galing ibang bansa." wika ko.

"Kilala mo pala, Ma'am. Gano'n po ba talaga ang ugali no'n? Masyadong pala-utos. Utos dito, utos doon. Arte dito, arte doon. Kairita."

Napanguso ako sa biglang pagbabago ng tono ni Jean. Para bang nasagad agad siya doon sa Riana.

Hindi na lang ako nagsalita. Sakto ring bumukas ang elevator kaya naman nagpaalam na ako kay Jean.

Napabuga ako ng hangin habang naghihintay nang masasakyan. Hindi mawala sa isip ko ang nai-kwento ni Jean.

Habang nandito ata sa bansa 'yang si Riana, araw araw akong mag-iisip kung ano bang binabalak niya't kailangan niya pang dumayo sa opisina ni Ross.

Sumapit ang ilang oras mula nang makauwi ako. Imbes na magmukmok o maghintay kay Ross ay naglinis na lamang ako nang buong bahay. Nagluto na rin ako para kakain na lang kami pagkadating niya.

Ang tantsa kong oras ay alas siete, ngunit alas nuebe na ay wala pa ring Rossezekiel Dela Vega akong nakikita sa harapan ko.

Nag-email na rin ako kay Jean para makumpirma kung nasaan na si Rossezekiel, hindi ko pa rin kasi binubuksan ang phone ko sa takot na baka mamaya ay hindi lang text message ni Gerald ang bumungad sa akin.

Ang sabi ni Jean ay isang oras mula ngayon ay maayos na ang schedule ni Ross. Papauwi na nga raw ito kaya't labis akong nagtataka. Tumawag na rin ako sa building ng unit niya at sinabing isang buwan na daw simula nang umuwi si Ross doon.

Dito na siya namamalagi, kaya hindi na kataka taka pa.

Mukha rin namang nandito siya kagabi dahil magulo ang kwarto ko't mahamog din ang tuwalya niya. Kaya nagtataka ako ngayon kung nasaan siya kung ang sabi ni Jean ay pauwi na ito.

Sa sobrang pag-iisip ay kinuha ko na ang phone ko at binuksan. Halos manikip ang dibdib ko nang sunod sunod na lumabas sa screen ko ang mga message ni Gerald. Kaagad akong nag-clear screen at pinindot ang numero ng nobyo ko.

Paikot ikot ako sa sala. Walang sumasagot sa unang tawag ko kaya't inulit ko sa pangalawang beses, hanggang sa naging apat ang naging pagtawag ko.

Nagri-ring ang phone niya, pero walang sumasagot. Kung nasa byahe siya, dapat ay kanina pa siya nandito lalo na't hindi naman gano'n kalayuan ang bahay ko sa opisina niya.

Wala man lang ring message sa akin si Ross bukod sa bago ako makauwi dito sa Manila. That's odd.

"C'mon, Ross. Mag-aaway talaga tayo kapag hindi mo sinagot ang tawag ko ngayon." wika ko na para bang maririnig niya.

Nakailang dial pa ako, hanggang sa bigla itong sinagot. Napahinto ako sa pagkilos.

"Oh, the girlfriend, right?"

Nagpantig ang tainga ko sa pamilyar na boses.

"Bakit nasa sa 'yo ang phone ng boyfriend ko?"

Mahinang tumawa ang nasa kabilang linya.

"Not gonna answer that, girl. Hindi mo nga ako sinagot kanina when I'm asking the same question, right?"

Kaagad na namuo ang inis sa sistema ko. How dare this woman back fired me?

"Asaan si Ross? Pwede bang ibigay mo ang phone sa kaniya. Kailangan ko siyang makausap, ngayon din mismo." pigil ang inis kong wika.

Tikhim sa kabilang linya ang naging sagot bago ito nagsalitang muli.

"Siguro you should wait na lang, Farah? That's your name, 'di ba?"

Hindi ako sumagot. Talagang nananadya ang babaeng ito.

"Don't worry, sasabihin ko naman kay Ross na tumawag ka, pero after na lang ng family dinner namin. Baka kasi kapag sinabi ko agad, baka hindi nila mapag-usapan ni Dad ang balak nila sa future—"

Hindi ko na pinatapos ang litanya niya. Kaagad kong pinatay ang tawag at inis na binato ang phone ko sa sofa.

What the hell was happening?

Napahilamos ako sa aking mukha.

"You need to calm down, Farah. Rossezekiel doesn't know you're coming home this early."

Napapailing na lang akong tumango sa kusina at tinakpan ang ulam na iniluto ko. Umakyat na rin ako kinalaunan at nanlalatang nagtalukbong ng kumot sa buong katawan ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Alam ko namang hindi sisirain ni Rossezekiel ang tiwala ko sa kaniya, dahil mahal niya ako. Pero bakit parang ngayon ay kinakabahan ako?

"But every relationship has havoc, Farah. If it didn't take your relationship at first, it's possible that one of these days,"

Mariin akong napapikit nang maalala ang sinabi ni Ria sa akin.

Nagkakatotoo na ba ang sinabi ng babaeng 'yon?

"Bwesit ka, Maria! Sasabunutan talaga kita kapag nagkita tayo." pikon kong wika kahit ako lamang ang nakakarinig.

Inis akong nagpa-ikot ikot sa higaan, kumalma lang ngunit kahit anong pwesto ko ay nagwawagi ang kirot sa aking dibdib.

Hindi ko kakayanin kung mangyayari mang susubukin ang pagmamahalan namin ni Ross. Masyado na kaming malayo at buo na ang tiwala naman sa isa't isa. Maayos ang relasyon namin, maayos kami.

Nabibingi ako sa sarili kong iniisip na hindi ko man lang namalayan na bumukas na pala ang pinto ng kwarto ko at iniluwan no'n ang nobyo kong natigilan nang magtama ang paningin namin.

"H-Hon?" gulantang niyang tawag sa akin.

Naestatwa naman ako sa pagkakahiga habang nasa kanya ang tingin.

"Akala ko ba—I mean, fuck! You're home!"

Kaagad na tumakbo papalapit sa akin si Ross, hindi pa man ako nakakabangon ay kaagad na niya akong ikinulong sa mainit niyang yakap. Ang pag-iisip ko kanina ay biglang nawala. Napapikit ako nang muli kong maamoy ang pabango niyang kinaadikan ko ng sobra.

"Na-miss kita, hon. I'm sorry, hindi man lang kita nasundo. I thought—shit, hindi man lang ako nagtanong. I'm sorry. Sorry."

Napangiti ako sa tono ng boses niya. Inayos ko ang pagkaka-upo ko at marahang umalis sa kaniyang pagkakayakap.

"It's okay, Ross. Biglaan din naman, hindi rin ako nakapagsabi sa 'yo kaya h'wag kang mag-sorry."

Lumamlam ang mata niya at marahang hinawakan ang aking kamay.

"Anong oras ka nakauwi, hon? Kumain ka na ba? How's your day? Kumusta sa pinuntahan niyo? Maayos naman ba ang lahat doon?"

Sa huling katanungan ni Rossezekiel ay tila may bumara sa aking lalamunan. Gusto kong magsumbong, gusto kong sabihin sa kaniya ang nangyari pero natatakot akong mangialam pa siya.

Napayuko ako nang maramdaman ko ang panunubig ng aking mata.

"Hon?"

"I'm okay. Everything's okay, hon. Na-miss lang kita." wika kong totoo naman.

Yumakap ako sa kaniya at hinayaan kong maglandas ang aking luha. Pakiramdam ko ay safe na safe na ako dahil magkasama na kami ulit. I'm protected by his presence.

Naging mahigpit ang yakap sa akin ni Ross na sinundan pa nang halik niya sa aking sintido. God knows how I wanted to feel this warmth again.

"Babawi ako, hon. Si Ace na muna ang papa-puntahin ko sa contract signing namin. I'll give you my whole day tomorrow, hmm."

"You don't need to, Ross. That's too important, hindi mo kailangang ibigay ang buong oras mo sa akin dahil magkasama naman tayo ngayon ay may susunod pang mga araw." iling ko at umiwas sa kaniya para makita ko ang kaniyang mga mata.

He looks tired, pero kitang kita ko ang natural na ngiting iginagawad niya sa akin.

"I gotta tell you something pala, hon."

"Hmm,"

Bumusangot ang mukha niya at bigla na lang sumubsob sa akin. Natawa tuloy ako. Alam ko na ang mga paganyan-ganyan niya. He did something na alam niyang ikaka-bad trip ko kapag nasabi niya na, kaya inuunahan niya.

"Galing ako sa family dinner," pag-uunti unti niya, nag-angat ng tingin sa akin, tinatantya ang reaksyon ko. Nang wala akong naging kibo ay lumubo ang pisngi niya at napalabi. "Nandoon si Riana."

"Did you enjoy?"

Kaagad na nanlaki ang mata niya.

"Being with my family, yes. Pero hindi siya kasama, hon. I swear, hindi ko nga pinansin 'e. Ayaw kong mag-isip ka nang kung ano ano, kaya kahit wala ka sa tabi ko, hindi ko ginawang pansinin siya. I did a great job, hon."

Napailing na lang ako.

"Hindi naman sa h'wag mo siyang pansinin, hon. Ang akin lang, h'wag lang masyadong maging malapit sa isa't isa. Parehas na'ting alam kung ano ang nararamdaman niya sa 'yo—"

"It's been a year, hon."

"Uh-huh?" taas kilay kong sagot. "Alam mo bang siya ang sumagot ng tawag ko kanina? Ininis niya pa ako, at sinabing baka hindi niya mapag-usapan ang future with her dad kung sasabihin niya kaagad sa 'yo na tumawag ako." pagkwe-kwento ko.

"She did?" ngiwi niya.

Napairap ako. "When did I lie to you, Rossezekiel?"

"Pagsasabihan ko, hon. Or maybe I'll talk to her dad, Tito Erick."

"Sige na, maligo ka na para makatulog na tayo." tulak ko sa kaniya ngunit pinigilan niya ako.

"Matutulog na agad?"

Napataas ang kilay ko. "Pagod ako, Ross." nanghihina kong sagot dahil mukhang gusto niyang magpapawis ngayong gabi.

Bumusangot ng sobra ang mukha niya.

"Hon, I'll do the work." pagsusumamo niya.

Kaagad akong umiling. Pinipigilang matawa sa reaksyon niya.

"Bukas na. Wala pa akong pahinga, hon. Ikaw din, kakagaling mo lang sa labas. Kaya sige na. Stand up, pumunta ka na sa banyo para makatulog na tayo." aniya ko't humiga na.

"Bukas, hon? Morning?" may panghihinayang sa kaniyang boses.

"Ross, matulog muna tayo please lang. H'wag kang makulit ah." natatawa kong suway.

"Hon naman! Pampagana—"

"Okay fine, bukas. Just shut your mouth and go to the bathroom, Rossezekiel. I'm dead serious, kapag hindi ka pa kumilos, hindi ka makaka-score."

Wala pang isang segundo kung magmadaling kumilos papasok ng banyo si Ross. Sumunod ang pagtawa ko sa kaniya na siyang ikinabagsak ng pinto ng banyo ko. Siraulo talaga.

Nang marinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo, napabuga ako ng hangin at napatitig sa kisame.

Kakaiba ang pakiramdam ko habang sinasabi sa akin ni Ross ang nangyari ngayon kahit hindi pa ako nagtatanong. Kusa siyang nagsabi dahil ayaw niya akong mabahala.

Gusto ko ring maglabas sa kaniya ngunit iba ang sa akin. Gayon pa man ang pakiramdam ko naman ngayon ay para bang pinagtataksilan ko siya dahil sa paglilihim ko. Hindi katanggap tanggap.

Parang wala akong karapatang kuwestiyunin na siya kung darating ang isang araw na maglilihim siya sa akin, dahil ako naman ang unang gumawa no'n.

Binibiyak ang utak at puso ko ngayon. Nahahati ako sa ano ba ang dapat ko gawin.

Inabot ko ang phone ko at pikit matang gumawi sa inbox ko. Nasa pinakataas ang numero ni Gerald. May mahigit twenty plus na message ang na-send niya sa akin simula kaninang pagkadating ko.

Ayaw ko mang buksan ang mensahe niya ay mas mabuti sigurong mabasa ko ito para alam ko kung papaano pabubungahin pang lalo ang galit ko sa kaniya. Hindi ako pwedeng magpatawad lang kaagad, dahil kabastusan at kawalan ng moralidad ang ginawa niya sa akin.

Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang ilang sorry niya. Gusto kong matawa at maiyak sa mga nabasa ko.

From: Mr. Samonte

Farah, I'm really really sorry for what happened between us. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng nararamdaman ko sa 'yo. I know my action won't justify any of my words, but please, talk to me. Gusto kong linawin ang sarili ko sa 'yo. Hindi ko sinasadya ang nangyari, Farah.

Farah, please. Let's talk about what happened between us. Ayokong lumayo ka sa'kin.

Farah, I'm sorry.

Farah, I love you so much. Please, I'm sorry.

Please, forgive me.

Napapikit ako't niyakap ang phone ko. What's with him? Para siyang siraulong hindi maintindihan na hindi na nga ako pwede, dahil una sa lahat hindi ko siya gusto at may boyfriend ako.

Marami namang iba sa paligid niya. Bakit ba ayaw niya akong tigilan?!

Dali dali kong blinock ang numero ni Gerald sa phone ko. Maging sa ilang social media accounts ko. Ayokong makita siya sa kahit saan. Para akong minumulto. Kakaibang lakas din ang ilalaan ko sa akong sarili, dahil nasa iisang paaralan lamang kami.

Sa ugali niya, paniguradong maihahalo niya na naman ang personal niyang rason sa oras ng trabaho.

"Hon? Are you okay?"

Nagmulat ako nang maramdaman ang paglubog ng kama sa aking tabi. Bumungad sa akin si Ross na may mukhang nag-aalala.

"You're crying. Why? May problema ba, Farah?" seryosong tanong niya.

Hinila niya ako ng may pag-iingat papunta sa kaniyang bisig. Nagpadala naman ako sa kaniya.

"N-nothing. Pagod lang." sagot ko.

Halata namang hindi kumbinsido si Ross.

"Sa akin ka pa gumanyan, Farah. Kilala kita. There's something bothering you, pero kung hindi ka pa handang sabihin sa akin kung ano man 'yan. Hindi kita pipilitin. But please, as much as possible, nandito ako, you can always count on me, hon." aniya't pinatakan ako ng halik sa labi.

Mas lalong nanubig ang mga mata ko nang maghiwalay ang mga labi namin at nagkatitigan.

"I love you so much, Ross. Kapag nasa tabi kita, wala akong ibang iniisip kundi safe ako sa 'yo. Salamat at ikaw ang ibinigay sa akin. Salamat kasi ako ang nagustuhan mo at minahal. I'm so lucky to be with you, hon."

Malawak siyang ngumiti. Pinatalikod niya ako sa kaniya at isinandal ako sa kaniyang dibdib. Marahan niyang hinihimas himas ang braso ko at niyayakap ako.

"I'm the luckiest, hon. I'm so grateful dahil may karelasyon ako at ikaw 'yon. Pinapangarap ko lang dati 'to, building myself with my love. Pero tingnan mo ngayon, habang binubuo ko ang sarili ko, binubuo mo rin ako. Ikaw ang ilaw ko, Farah. Ikaw ang kahinaan at kalakasan ko. Ikaw lahat. Kaya wala na akong ibang hihilingin kundi ang makasama ka habang buhay at magkaroon ng tahimik, masaya at mapayapang pamilya sa 'yo. You're my everything, hon."

"And you're my everything too, Ross. Kapag dumating ang araw na masusubok ang pagsasama na'tin, parehas tayong lumaban ah. Kasi hindi ko kakayanin kung ako lang mag-isa. I need you to be with me." baling ko sa kaniya.

"You're too emotional, hon. Sign na ba 'yan na buntis ka sa anak ko?"

Natigil ang luha ko kasabay nang pagpupumiglas ko sa pagkakayakap ni Ross sa akin. Sinundan iyon nang barito niyang pagtawa kaya't nahampas ko ang binti niya.

"We're in the middle of a sincere conversation, Rossezekiel. Nakakainis ka naman!"

Muling bumalanghit ng tawa si Ross. Hinila niya muli ako at hinalik halikan.

"I'm lighting up our mood, hon. Pagod ka na, iiyak ka pa. Baka mamugto rin ang mata mo. I told you, iiyak ka lang kapag hindi na kaya ng stamina mo—"

"Fuck you, Rossezekiel!"

"Uh-huh, would you, hon?" nanunuya niyang wika.

"Isa pa, Ross. Talagang wala kang good morning sa'kin bukas." pagbabanta ko.

"Sinabi mo na rin 'yan sa'kin for how many times, hon. Bumubuka ka naman ng kusa."

"Rossezekiel!"

Sa pinaghalong inis at pagkapahiya, umalis ako sa bisig niya at nahiga na sa pwesto ko. Nagtalukbong ako ng kumot at kahit na hinihila niya iyon ay hindi na ako natinag.

Siraulo talaga 'tong lalaking 'to. Akala mo naman lagi akong nakabuka sa kaniya! Letche, pinapahiya ako sa sarili ko!

"Hon, c'mon, yakapin mo ako." kalabit niya sa akin.

"Yakapin mo sarili mo." inis kong balik.

Tumawa na naman siya't inilapit ang sarili sa akin.

"I love you, Farah. I'll never forget our warmth."

𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #romance