Chapter 01
Chapter 01
I don't have siblings; that's why I dreamed of having one, especially an older brother. Having a big sister was okay too, but I want someone who will fight for me most of the time. Having a strict brother was something I wanted to experience before. I envied someone who has had a brother all my life and who can drop and pick them up from school. Being their second superhero, beside their father.
But seeing these two people in front of me exchanging death glares at each other and words, I think I might forget my dream and be content that I'm an only child.
"You can't go with that bastard, Rossevelt. You're too young for him! I already told you to study first; you're just a damn senior high." halata ang pagpipigil ni Ross sa nakababatang kapatid.
Umirap ang babae at prenteng isinandal ang sarili sa upuan.
"Since when did the age matter, Kuya? And you're being extra dramatic; he's three years older than me. That's it. I'm not that young for a college student."
Napapikit si Ross sa narinig. Para bang isang malaking bomba ang binitiwan ng kapatid o kaya ay itinakwil siya sa buhay nito kung makapag-react siya ngayon.
"You're seventeen; stop fighting with me, Rosse." may pagbabanta sa boses niya.
"Kuya, h'wag ka ngang oa. May age gap din naman kayo ni Ate Farah, remember? Five years pa nga 'e, kaya kumalma ka." inis na balik nito sa nakakatandang kapatid.
Mas lalong tumalim ang titig ni Ross kay Rosse. Asar na asar na siya sa bunso na ikinailing ko. Minsan na nga lang dumalaw dito si Rossevelt, papagalitan niya pa. At kung ako ang tatanungin, wala namang masama kung may age gap sa pagitan nila ng natitipuhan niya. Basta ba't marunong itong maki-tao at handang harapin ang bagsik ng isang Rossezekiel.
"We're adult, Rossevelt. Alam namin ang pinapasok namin. And when did you even have the guts to answer me with that tone? Do you want me to be stricter with you than this? "
Nanlaki ang mata ng kaniyang kapatid. Sa reaksyon nito ay parang natauhan siya sa kaniyang inaakto. Sumilay ang mapag-paumanhing ngiti sa labi ng babae at tumayo para yakapin ang kaniyang Kuya.
Nagsumiksik ito sa gilid ni Ross na siyang ikinangiwi ng lalaki.
"Hindi ka naman mabiro, Kuya Ezekiel. Naiintindihan naman kita, tama ka nga," taas baba ang kilay ni Rosse at sumaludo pa sa Kuya niya. "I'm too young for him; I'm going to tell that to him when we meet."
"At talagang nagkikita kayo ah." pasada pa ni Ross sa kapatid bago guluhin ang buhok nito at tumayo.
"Selos ka naman, kayo pa rin naman nila 'Dddy ang number one sa puso ko." busangot ni Rosse bago lumingon sa'kin. "Iyang boyfriend mo Ate Farah parang 'di na-inlove no'ng kabataan niya."
"Hep. H'wag mong idamay ang Ate Farah mo dito. It's between you and me, at hindi ka kakampihan niyan, masyado akong mahal ng Ate mo para ipagpalit ako sa 'yo." parang batang saad pa ni Ross sa kapatid bago tumunog ang kaniyang phone.
Dali dali siyang tumalikod sa'min at umakyat sa taas.
Natawa na lang ako sa kanila bago ipinapagtuloy ang paghahanda ko ng pagkain sa hapag. Sakto at natapos na rin ako sa pagluluto nang tantanan nila ang isa't isa.
"Ang istrikto, dinaig pa tatay ko. Paano mo natatagalan si Kuya Ezekiel, Ate Farah? Kung ako sa 'yo, iwanan mo na." may birong wika niya't tinulungan akong magsalansan ng plato sa mesa.
"Just listen to your brother, Rossevelt. Pagpasensyahan mo na at hindi niya lang matanggap na ang bunso nila ay nagdadalaga na."
Ngumuso ang babae. "Bini-baby nila ako, paano ako tatayo sa sarili kong paa kung lagi silang ganyan? Naiintindihan ko naman sila, lalo na sa ganitong bagay, pero kailan pa ako susubok? Kapag nasa twenties na ako?"
Napabuntong hininga ako sa narinig. "Hindi naman kasi minamadali 'yan Roosevelt."
"E, nagmamadali po ako, Ate Farah."
Ngali ngali kong hilain ang buhok niya sa isinagot. Ang batang 'to, kaya hindi mapakali sa kaniya si Ross ay dahil sa kakaganyan niya, na kahit na minsan ay biro lang sa kaniya sineseryoso naman ng mga kapatid niyang nakakatanda.
"Ah kahit pa nagmamadali ka, wala kang palag sa Kuya Ezekiel mo. Kilala mo 'yan, mahal ka sobra niyan pero kapag labag sa paniniwala niya ang sinasabi mo, wala kang ubra."
Nanahimik siya at maya maya'y ngumiti. "Hay, basta. Kakausapin ko si Reagan. Kung seryoso siya sa'kin maiintindihan niya naman siguro ako."
Naningkit ang mata ko sa narinig. "So that means . . . susundin mo ang Kuya Ross mo?"
Walang pasakalye siyang ngumiti. "Kapag nagsumbong 'yon kay Kuya Rowon, mas lalo akong walang palag doon. Sinubukan ko lang rin naman ngayon 'yong luck ko. Sa ugali ng boyfriend mo, bago pa ako pumunta dito ay alam ko na ang isasagot niya sa'kin."
Naging magana ang umagahan naming tatlo. At katuald ng inaasahan ko, Ross and her sister fight again. Halata ang pagkapikon ni Ross sa kapatid, samantalang itong si Rossevelt naman ay pilit pang pinipikon ang Kuya niya. Hindi ko na lang sila sinaway na dalawa.
Pagkatapos kong kumain ay iniwan ko muna ang magkapatid, tumungo ako sa kwarto ko at inayos ang higaan. Ni-laundry ko na rin ang mga damit ko't damit ni Ross dahil kung minsan ay dito na talaga siya namamalagi.
Sa totoo nga niyan ay gustong gusto na niyang mag-live in kami sa condo niya. Pero tinanggihan ko 'yon, bakit? Simple lang naman, alam kong hindi ko magagalaw ang sarili kong pera dahil siya mismo ang kusang gagastos sa'kin bagay na kinaaayawan ko.
Lumaki akong self independent. Para sa akin ay mahirap ang umasa sa iba kahit pa sabihing may relasyon kami. Isa pa, hindi pa kami kasal. Tsaka niya na ako pagkagastusan kapag kasal na kami at may anak na kaming binubuhay. But as of now, gusto ko sariling pera ko ang gagastusin ko. Kahit pa nandito siya bahay ko kung minsan tumira.
"Masasakal ang kapatid mo sa ginagawa niyo sa kaniya, Ross. Nagdadalaga si Rosse, give her space and let her enjoy being a teenage girl."
"She can enjoy her teenage year without having a boy around, hon. She's too young for that Reagan boy. And I heard a lot about him; that's why I'm being like this."
Ibinalik ko ang tingin ko sa laptop ko. Nagawa ako ng ppt para sa lesson ko bukas. Habang si Ross naman ay busy kaka-pirma ng mga proposals para sa Devega.
"Makapag-bawal ka naman sa bunso niyo, parang ikaw hindi ka lumandi noong kabataan mo pa." Wika ko. Ramdam ko ang pagbaling niya ng lingon sa'kin kaya nilingon ko rin siya para bigyan ng matalim na tingin.
"Lalaki ako, hon—"
"Ay naka-base na ba sa gender ang kalandian, Rossezekiel?" Taas kilay kong tanong.
Nguwi siya at binitiwan ang folder na hawak. Sumandal sa upuan at kinagat ang kaniyang pang-ibabang labi habang prenteng nakatingin sa'kin.
"Kinakampihan mo ba ang kapatid ko kaysa sa'kin, hon? . . . May I remind you that you're in a relationship with me? You should be on my side."
Napairap ako sa lumabas sa kaniyang bibig. Ang galing din nito mag-isip kung minsan, ang sarap tirisin.
"Stop being childish, Ross. I'm telling you this because Rossevelt definitely wanted to explore how relationships work. In her age, that's fine and natural."
"But I don't want her to be hurt." segunda niya.
Napangiti ako dahil doon. Alam ko naman na 'yon ang ayaw niyang mangyari, pero parte naman talaga ng pagmamahal at magmamahal ang masaktan. Kahit naman perfect match kayo for each other, may panahon at panahon pa ring hindi maiiwasan na makakaramdam kayo ng pain. Different stage pa nga.
"I know I'm too strict when it comes to this, but she's our little princess. I and Rowon promised our dad that no matter what happens, Rossevelt will never be hurt."
Tumayo ako para daluhan si Ross sa couch. Umupo ako malapit sa kaniya at isinandal din ang aking sarili sa kinauupuan.
"Being hurt will be part of our lives, hon. Hindi naman porket prinotektahan niyo siya ng husto ay hindi na siya masasaktan. Think about it, Ross. Tingin mo ba ay hindi niyo nasasaktan ang damdamin ni Rosse ngayon sa ginagawa niyong protection sa kaniya? . . . Kanina habang kausap ko siya, I saw dissapointment in her eyes."
"Hon, . . .."
"Free her in the meantime, Rossezekiel. Let her experience being in love or hurt. It's part of loving someone."
Umusog siya palapit sa'kin. Isinandal ang sarili sa balikat ko at yumakap.
"Let's not talk about this, hon. And I'll try my best not to be strict too much; I just can't attain thinking that someone will take advantage of her."
"I understand you, hon. I'm sorry for middling in."
He shook his head and smiled at me. "No, your words are a big help; I'll take that as a note."
Tinuloy na namin ni Ross ang kaniya kaniya naming ginagawa, nang matapos ay dumiretso na kami sa kwarto para matulog.
Kinabukasan ay gahol ako sa oras dahil sa tanghali na ako nagising. Maging si Ross ay gano'n din kaya hindi na namin naasikaso ang isa't isa. Hindi na rin ako nagpahatid sa kaniya dahil kung gagawin niya pa 'yon, male-late lang siya sa meeting nila.
"Late ka na sa first class mo, Farah! Dumiretso ka na at hinahanap ka kanina ni dragon." tukoy ni Ria kay Mrs. Corpuz.
Napalabi ako at nginiwian na lang si Ria na nagmamadali na rin makalipat sa next class niya. Napakamot na lang ako batok ko at inaalala kung papaano ko maitatawid ang lesson ngayon gayong kalahating oras na akong late.
Argh! Kung puwede ko lang talagang ireklamo ang may-ari ng school na 'to ginawa ko na. Proud akong dito grumaduate, pero minsan gusto ko na lang talagang alisin sa resume ko ang paaralang ito.
"Sorry for being late, class. Tinanghali ng gising ang cinderella." pagbibiro ko sa mga mga mag-aaral ko. Kaagad naman silang tumalima sa'kin.
"Naku, Ma'am, kahit ma-late ka ng one hour, ayos lang!" pabirong sabi pa ng isa.
Habang kino-connect ang laptop ko sa t.v. ay inungusahan ko naman ang nagsalita.
"Ay oo naman, siyempre pabor na pabor sa 'yo, Castillo, makakapagdaldal ka ba naman nonstop 'e 'no?"
Nagtawanan ang mga mag-aaral ko na siyang ikinangiti ko na lang para makasabay sa kanila. Ito lang ang maganda dito, hindi ka mapapahawak sa sarili mong tinuturuan, siyempre may mga katulad nila na mas gustong walang teacher kahit pa sa susunod na linggo na ang examination para sa finals ng first semester.
Pero siyempre hindi dapat araw arawin lalo na't isa akong guro at ang hangarin ko ay magkaroon sila ng interest sa subject ko. Pasalamat na nga lang ako at maganda ang resulta ng evaluation ko 'e.
Dumaan din ako sa pagiging estudyante. Kaya ang mga pasakalye nila ay kabisado ko na. Ayos naman talaga ang walang teacher sa classroom. Kahit pa ang dahilan nang pagpasok nila dito ay para matuto . . . Ewan ko ba, natural na ata sa kalahatan ng estudyante na ang sadya lang ata sa paaralan ay makipagdaldalan—bonus na lang siguro 'yong may natututunan sila. At iyon ang naobserbahan ko madalas kahit noong nag-aaral pa ako.
"Habang inaayos ko ang presentation ko para sa klase na'tin, bakit hindi muna tayo magkaroon ng answer portion 'no?"
Biglang natahimik ang buong klase.
Napailing na lang ako dahil may iba pang paunti-unting dumudulas sa kanilang upuan pababa. Lumang style, gawain 'yan ng katabi ko noon 'e.
May ilang kalansing din ng ballpen na sadyang hinuhulog nang paulit ulit. At mayrooon ding pilit na inii-iwas ang paningin sa akin. Takot makipag-eye contact sa teacher. At ang mas lalong napansin ko ay ang dalawang madalas kong gawin dati, kung hindi ako magkukunwaring busy sa notebook, iyuyuko ko naman ang ulo ko at kunwaring masama ang pakiramdam. Mga style nila, bulok na.
"Kumalma kayo, guys. Karamihan sa inyo parang tinatawag na ng kalikasan." biro ko pa at nagsingusuan sila.
Nang matapos ko ang pagse-set up, ibinigay ko na ang buo kong atensyon sa kanila.
"Ano ba ang dahilan niyo bakit kayo pumapasok sa school?"
"Si Ma'am naman! Iyan lang pala ang tanong—Oh, ako na sasagot oh!" nakataas ang kilay habang nakanguso ng isang maligalig kong mag-aaral.
"Sige nga, Vargas. Bakit ka ba nandito sa school?"
Tumayo ito, mahinhin at biglang kumawaykaway na siyang ikinailing ko. She's always be like that, bagay na ikinakatawa naming lahat.
"Thank you for your wonderful question, Ma'am." pasasalamat niya't itinango tango ang ulo. "I believe—huy, 'di mag-e-english ah!" bigla niya ring suway sa sarili para lang makapagpatawa.
Parang pinagsisisihan kong tinawag ko pa siya. Parang another kalahating oras na naman ang masasayang.
"Sige, ubusin ang oras ko sis." pabirong wika ko na ikinalukot ng mukha niya.
"Ma'am, kaya ako nandito kasi sa baon ko." taas baba ang kilay niyang pahayag. "Number one reason, dito lang ako nagkaka-pera, kaya nga dapat one week na pasok na'tin para araw araw akong may datong!"
Kaagad na sinang-ayunan ng lahat ang sinabi niya. Kahit ako. Number one reason ko rin ang baon 'e.
"Tapos sa crush ko na taga-ICT. Tapos siyempre, gusto rin kita makita araw araw, Ma'am!" proud niyang sagot na may pakindat pang nalalaman. "Oh, plus two sa card, Ma'am Farah ah!"
"Take a sit na, Vargas. Ang dami mong sinabi, isang sagot lang ang kailangan ko 'e." pambabara ko sa kaniya. "Deducted two points sa card ah." biro ko na ikinapalahaw ng reklamo niya.
Pinagbalingan ko na ang lesson ko. Actually madali lang naman ang lessson namin ngayon kung iintindihin lang nila ng maayos. Kahit nga aralin lang nila ang terms sa ibang slides or kahit gamitan nila ng commonsense ay masasagutan nila ang exam.
"Hala, bakit iba na naman 'yan, Ma'am Farah? Wala sa book namin 'yan ah, kasi module one na naman."
Napatingin ako sa laptop ko. Ito 'yong ginawa kong ppt kahapon. Ito kasi ang coverage ng exam kaysa sa mga nagdaang naituro ko sa kanila.
"May bagong book na inilabas ang paaralan na'tin, aware naman kayo doon 'di ba?" lahat sila ay nagtanunguan. "At ang pinakamaraming copy pa ay ang subject ko." dugtong ko.
"Paano 'yan, Ma'am?"
Tumikhim muna ako bago isinuyod ang tingin sa humigit thirty students ko.
"Dahil may bagong labas na libro, napag-usapan naming mga guro ang biglaang paggamit ng lesson galing sa bagong labas—"
"Hala, Ma'am Farah, hassle naman po sa amin 'yan kung bibili kami ngayon ng libro, 'e exam na po next week." reklamo ng isa.
"Oo nga, Ma'am Farah. Kung kailan isang lesson na lang tayo tsaka pa sila naglabas." at sinundan pa ng ilan.
"Okay class, magpapaliwanag muna ako ah. Masyado na kayong hot headed." biro ko, ngunit halatang namro-mroblema ang mga estudyante ko.
Maski ako ay gano'n din nang mapag-meetingan 'to kahapon through zoom meeting. Akala ko ay hindi na nila i-pu-push through ang paglabas ng bagong edition ng books dahil finals na nga, ang kaso heto naman pala ang nangyari.
"You don't need to buy the latest edition, dahil 'yong nasa new edition naman ay nandiyan na rin sa luma. Kailangan niyo lang talagang i-browse ng maigi ang books niyo, ang kaso mas detailed naman ang nasa book—but," itinaas ko ang kamay ko para wala na munang sumabat sa akin. "Kaya nga ako gumawa ng ppt ay para may advantage kayo. Module one to five ang nagawa ko, ang coverage naman ng exam ay only one to three lang ng module, para na rin mapadali ang pagre-review niyo, gagawa ako ng reviewer mamaya na accurate sa mga question na lalabas sa exam niyo, and make sure lang na babasahin niyo pa rin ang ppt ko para mas lumawak ang kaalaman niyo, maliwanag ba?"
Sandaling katahimikan ang ibinigay ng mga estudyante ko bago sila nagpalakpakan at iba masyadong exaggerated at pinaghahampas pa ang arm desk nila.
Napailing na lang ako.
Kapag talaga ganitong ginigipit kami, mas ayos nang bigyan ko sila ng lahat ng option para maayos nilang masagutan ang exam. Tiwala rin naman ako sa mga hinahawakan ko, dahil ipinakita nila ang interest sa subject ko during their prelim.
Kagaya nang inaasahan ko ay maayos na dumaloy ang klase ko the whole day. Marami ang natanggap kong reklamo, at ilang beses din akong nagpaliwanag dahil alam ko namang hindi pare-parehas ang status sa buhay ng mga estudyante ko. Malaki na rin kasi ang halaga ng libro at mahirap kumita ng pera sa panahon ngayon.
"You're almost half an hour late, Ms. Herrera! Maingay ang mga student sa unang klase mo, walang nagbabantay sa kanila kaya lumalabas ang pagka-asal kalye!"
"Ma'am, kilala ko po ang unang klase na pinasukan ko. Maingay po sila, oo nandoon na ako. Pero hindi naman po sila gano'n kaingay katulad nang sinasabi—"
"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako, Ms. Herrera?"
Napalabi ako naging asal ni Mrs. Corpuz sa'kin. Pinatawag niya ako ngayon dito sa opisina niya para pagalitan sa pagiging late ko ngayong araw at ang pag-iingay daw kuno ng unang section na nasa schedule ko ngayon.
"Hindi naman po, Ma'am. Ang sa'kin lang po, alam naman po kasi ng president ng room nila ang disiplinang kailangan niyang gawin kapag wala silang teacher. Kaya imposible pong may lumalabas labas sa kanila kung hindi naman kailangan."
Tumaas ang kilay ni Mrs. Corpuz, halata na hindi niya gusto ang pagsagot ko sa kaniya.
"Mababait ang mga bata doon, Mrs. Corpuz, baka naman sa ibang section ang narinig mo? Hindi naman ipapahamak ng mga mag-aaral na 'yon ang paborito nilang guro." segunda ni Gerald na nasa kabilang desk lang ni Mrs. Corpuz.
Imbes na matuwa ako sa ginawa niya, ay inis ang bumalatay sa kalooban ko. Hindi ko inaasahan na hanggang dito ay bubuntot siya sa'kin kahit hindi ko naman siya kailangan.
"Ma'am—"
"H'wag mong ipagtanggol si Ms. Herrera, Sir. Samonte. Alam kong apektado ka dito dahil under siya sa team mo at hindi rin lingid sa'kin ang namamagitan sa inyo . . . "
Nanlaki ang mata ko sa narinig, akmang itatama ko sana ang sinabi ni Mrs. Corpuz nang lumapit sa'kin si Gerald at umiling.
"Pero sana naman, h'wag mong dalhin ang personal niyong relasyon dito sa paaralan. H'wag mong ilagay sa likod mo si Ms. Herrera, dahil siya ang may mali dito." dagdag pa niya.
Tumango si Gerald. "I'm sorry, Ma'am. But please, palampasin na po muna na'tin 'to. Unang beses pa lang namang na-late si Ms. Herrera, I'm sure hindi na mauulit 'to, hindi ba, Ma'am Farah?" baling niya sa'kin.
Napukaw naman ako doon kaya mabilis akong tumango at dumistansya sa kaniya.
Mabigat na bumuntong hininga si Mrs. Corpuz bago ibaling ang paningin sa'kin.
"Sige na, h'wag na sanang maulit 'to, Ms. Herrera." simpleng wika nito bago kami alisan ng tingin.
"Salamat, Ma'am. Pasensya na rin po." wika ko tsaka mabilis na lumabas ng office niya.
Matunong akong nagpakawala ng hininga. Kanina pa pala ako nagpipigil sa loob. Napapikit ako at unti unting ikinalma ang sarili ko. Nang buksan ko ang aking paningin ay ngali-ngali pa akong napatalon dahil bumungad sa'kin ang mukha ni Gerald.
"Ayos ka na?" malambing na tanong niya.
Napalunok ako. Kailan ko ba 'to hindi makikita?
"Thank you kanina, Sir., pero sana po sa susunod h'wag niyo na po akong ipagtanggol, kaya ko naman bigyan ng dahilan si Mrs. Corpuz." sinubukan kong h'wag maging bastos sa kaniya.
Ngumiti ng malawak ang guro. "Naiintindihan ko naman, Ma'am Farah. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang tabas ng dila ni Mrs. Corpuz dahil alam kong maayos ang record mo dito sa school."
Napatango na lang ako.
"A-ah, sige Sir., baka hinihintay na ko ni Ria sa baba, mauna na po ako." paalam ko.
"Sabay na tayo, Ma'am. Ako na lang din kasi ang naiwan, kung ayos lang?" mabilis niyang tanong.
Ano naman ang magagawa ko kung sasabihin kong ayaw ko? Matik na isisiksik niya ang sarili niya sa'kin.
"Ayos lang, Sir., tara . . . "
Nauna akong maglakad kay Gerald. Ngunit kagaya nang inaasahan ko ay nagmadali siyang makapantay sa'kin. Inalalayan niya pa nga ako pababa sa hagdan kahit hindi naman kailangan! Pilit ko na lang siyang nginitian at pinasalamatan.
Nang makalabas kami ng paaralan ay dali dali kong kinuha ang phone ko para tawagan si Ria ngunit bago ko pa magawa 'yon ay bigla nang may sumigaw mula sa may parking.
"Farah!" It's her, Ria.
Para akong nabunutan ng tinik nang patakbo siyang lumapit sa'kin.
"Naku, bakit kasama mo 'yan?!" hysterical niyang hila sa'kin palayo pa lalo kay Gerald na nakamasid lang sa'min.
"Wala akong choice, alam mo naman na makulit 'yan 'e."
Umirap si Ria sa kawalan bago pasadahan ng tingin si Gerald na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya.
"Hindi ka pa ba uuwi, Sir. Samonte?" tanong ni Ria.
Ngumiti ang lalaki. "Mauna na kayo, para naman mapanatag akong maayos kayong makaka-alis ni Farah dito."
"Ay wow, first basis ng name ang ganap." bulong ni Ria na rinig ko naman. "Naku, Sir., mauna ka na po, h'wag na kung ano ano ang sinasabi mo at baka bigla kang bumulagta . . . " pahina nang pahina na turan ni Ria.
Hindi naman tinake ni Gerald ng seryoso si Ria, bagkus ay lumapit pa nga ito sa'min at akmang magsasalita pa nang kaagad akong hilain ni Ria.
"Sige na Sir! May lakad pa kami, ba-bye!" si Ria na ang nagpaalam.
"Teka ka nga, bakit ba nagmamadali ka?" pigil ko sa kaniya nang makarating kami sa sasakyang nilabasan niya kanina. "At bakit bago ang sasakyan mo? Bumili ka?" takang tanong ko dahil wala namang balak 'tong babaeng magwaldas ng pera dahil may sasakyan pa naman siyang maayos.
"Hay naku, pumasok ka na lang. Sa front ka umupo, sasabay lang naman ako palabas." aniya na hindi na ako hinintay pa.
Dali dali ko namang binuksan ang pinto ng sasakyan sa harap at gano'n na lang ang pagbilog ng bibig ko nang makita si Rossezekiel!
"Bago sasakyan mo ah." ngiwi ko.
"Pang-sundo para sa 'yo, hon." malambing niyang wika. "But wait, who's that damn guy? Nilalandi ka ba no'n?" may bahid ng selos sa tinig nito.
Tumikhim ako bago pumasok. Humalik ako sa pisngi niya at binalingan si Ria na umiiling iling. Tanda na wala siyang sinabi na kahit ano.
"Co-teacher namin, tsaka anong nilalandi ka diyan, nagsabay lang kami kasi sa parking din naman ang punta niya." paliwanag ko, wala akong maisip na dahilan para sabihin ko pa sa kaniya ang pasimpleng motibo ng lalaki sa'kin. Ayaw kong mag-alala pa siya.
Tinitigan niya ako bago bumuntong hininga.
"I don't like him." sapat na salita na 'yon para maintindihan ko ang gusto niyang iparating.
"I don't like him either." sang-ayon ko sa kaniya at maya'y nginitian siya.
Unti unti ring nawala ang talim ng tingin niya at napalitan 'yon nang ngiting nakasanayan ko, kaya sumandal na ako sa kinauupuan ko.
Nang umandar kami ay nahagip pa ng paningin ko si Gerald na hanggang ngayon ay wala pa sa loob ng sasakyan niya. Tinted ang sasakyan ni Ross, pero parang nakikita niya akong nakatingin sa kaniya nang sundan niya ng tingin ang sasakyan kung nasaan ako.
Napabuga na lang ako ng hangin bago ipinikit ang mga mata ko.
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top