Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Five
Couple
"Yes. I love it!"
Ngumiti ako pero naramdaman ko ang pait na parang lumalason sa sayang nararamdaman ko.
"Yes. I love it!"
It was like a whisper of my own voice. Masaya naman ako pero may bumubulong sa akin na hindi dapat. Hindi ako magiging masaya dahil hindi totoo. Pumikit ako nang maramdaman ang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko na maintidihan ang sarili ko.
Holding a bouquet of pink peony flowers I got up and placed it on the table.
"You really know what I like," I said smiling but my heart screamed pain.
Even though at times I forgot what I should do, this gesture of him reminded me that I shouldn't indulge myself too much. These would all end. It would be my loss and I shouldn't be attached.
But how would I stop myself from feeling this way towards him? The guilt was eating me up but I just let myself. Maybe the things that were forbidden were the things that we crave for too much.
"Yeah. You were pretty much looking for that flower." He lazily pulled my wrist and urge me to sit beside him. His hand snaked around my waist and sniffed on my hair.
Nakikiliti ako sa hininga niyang tumatama sa aking tainga pero hindi ako umiwas. I smiled but my heart ripped into pieces.
I would lose myself this time and wouldn't think about what would come for tomorrow. It would be too selfish of me to wish for the time to stop but in the end, there was no way to escape my reality. I would do what I had to do... even if it would hurt big time.
"It's still early. Do you want to go somewhere before going home?"
Napatingin ako kay Genus ngunit hindi agad nakapagsalita. Diretso ang tingin niya sa kalsada. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang halo-halong pakiramdam sa loob lang ng ilang minuto.
What was that all about?
I heaved a sigh and stopped thinking. I never thought that my hope for us was slowly fading. The comfort and happiness I found in this place was tainted with sadness.
Naalala ko ang napabalitang fiancée niya. Nakapunta na 'yon sa rest house niya at ni minsan ay hindi niya pa ako inimbita roon. Ang kaninang nagbabaga nang pakiramdam ay nag-aalab na. Nagtagal ang masamang tingin ko sa kaniya ngunit ibinaling ko rin sa bintana nang sumulyap siya sa akin. Hindi ko alam paano pakakalmahin ang sarili.
"Dumaan muna tayo sa bookstore," sabi ko nang hindi siya sinusulyapan.
Ilang minuto pa ay narating namin ang bayan. "Sa mall na lang tayo," aniya.
Tumango ako, ayaw nang pahabain pa ang usapan pero naisip ko si Miguel. Maybe seeing him would lessen my raging self.
"Bisitahin natin si Miguel?" maliit ang boses na tanong ko.
Sumimangot siya. "Bakit pa?"
"Kaibigan mo siya, hindi ba? Bakit hindi?" Kumunot ang noo ko.
Tamad niyang niliko ang sasakyan papunta sa parking lot. "He's in Manila."
Nalungkot ako sa sinabi niya. "Sayang naman."
"Bakit ba gustong-gusto mo siyang makita?" iritadong saad niya, hindi makatingin sa akin.
Napamaang ako. "Magkaibigan kami."
Ano bang problema niya kay Miguel? Wala namang ginagawa sa kaniya ang tao, ah.
"Ikaw nga d'yan, pinapapunta mo ang fiancée mo sa rest house mo," bulong ko.
"What did you say?" tanong niya nang mai-park ang sasakyan. Hindi pa siya lumabas ng sasakyan at nanatili ang tingin sa akin.
Umirap ako at lumabas na ng sasakyan. Wala na akong pakialam kung narinig man niya ang sinabi ko. Nauna akong naglakad papunta sa entrance. Nagtanong ako sa guard kung nasaan ang bookstore at mabilis nang pumasok sa loob ng mall.
Naabutan naman niya ako bago sumakay ng escalator. Tahimik siya sa gilid ko at sabay kaming humakbang upang sumakay roon. Napasulyap ako sa kaniya at napansin kong suot niya ang puting sombrerong binili ko para sa kaniya. Nagtama ang paningin namin ngunit binawi ko rin ang tingin. Dumako ang paningin ko sa kabilang escalator na pababa.
May mga dalagitang naghahagikhikan, nakatingin sa gawi namin. Nahinuha kong si Genus ang tinitingnan at lalo akong nairita. Tiningnan ko ang mga ito nang mariin. May malalakas na tunog ng sapatos akong narinig sa likuran namin ngunit hindi ko ito pinansin.
Nagulat ako nang bahagya akong naitulak ng nakaunipormeng lalaking dumaan. Muntik na akong natumba kung hindi lang pumalibot ang kaliwang kamay ni Genus sa likod ko at hinawakan ang balikat ko.
"Miss, sorry po." Halata ang pagmamadali ng lalaki kaya mabilis akong tumango.
"Ayos ka lang?" Napaangat ako ng mukha at nakasalubong ang maingat na tingin ni Genus.
Ang lapit ng mukha niya sa akin at para bang nakalimutan ko kung nasaan kami nang tumitig ako sa kaniyang mga mata. Ilang segundong nakatitig lamang ako sa mga iyon at natauhan lamang nang gumalaw ang mga tao sa harap namin upang umalis sa escalator.
Bahagya akong lumayo at humakbang na rin paalis doon. Hindi ko na pinasin ang malakas na kabog ng dibdib ko nang iginala ko ang paningin. Sinuyod ko ang partikular na hilerang iyon ng mga tindahan upang hanapin ang bookstore pero wala yata sa banda rito.
"Here's the way to the bookstore," saad ni Genus at itinuro ang dulong bahagi ng kabilang aisle. Tumango ako at lumakad papunta roon.
Mabilis akong kumuha ng basket na lalagyanan ng bibilhin pagkapasok ko sa bookstore. Dumiretso ako sa banda kung nasaan ang manila paper. Kumuha ako ng ilan at inilagay sa basket.
Sumagi sa isip ko ang nalalapit na pagluwas namin ng Maynila. Kailangan ko na rin sigurong mag-resign sa pagtuturo dahil ayaw ko namang samantalahin kung sakaling matagal bago ako makabalik. Walang kasiguraduhan ang mga mangyayari doon kaya hindi ko alam kung hanggang kailan ako o kung mananatili ako.
"Ako na ang magdadala niyan," sabi niya sabay hawak sa basket. Binitiwan ko ito at nagpatuloy sa pamimili. Nakasunod naman siya sa akin. Kita ko ang mga ulong napapalingon sa kaniya ngunit parang wala naman siyang napapansin.
Minadali kong tinapos ang pagkuha ng mga kailangan at pumunta na sa counter para bayaran ang mga iyon. Tinulungan ko siyang ilapag sa harap ng cashier—na hindi na naalis ang tingin kay Genus—ang mga mga school supplies.
Umirap ako at inilabas ang pitaka ko. "Miss, nagmamadali kami," tawag ko sa pansin nito nang hindi pa ito gumalaw.
Natataranta naman nitong inasikaso ang mga iyon. Binilang ko ang perang pambayad ko nang matapos ito pero inunahan ako ni Genus sa pagbibigay ng card sa babae. Matamis ang ngiting tinanggap nito ang card ni Genus pero pinigilan ko nang i-swipe nito.
"Ako ang magbabayad," sabi ko at ibinigay rito ang pera.
Nalilito naman itong tumingin sa aming dalawa. Kinuha ko sa kamay nito ang card ni Genus. Natauhan naman at ginawa na ang dapat gawin. Sumulyap ako kay Genus at nakita ang seryosong titig niya sa akin. I glared at him and gave him his card.
Siya ang tumanggap sa mga pinamili nang matapos ibalot ng babae kaya nauna na akong lumabas ng bookstore.
"Is there something else you need to buy?" magaang tanong niya at sumabay sa akin sa paglalakad.
"Wala na. Uuwi na ako," malamig na sagot ko. Nagtagal ang tingin niya sa akin ngunit hindi ko na siya muli pang sinulyapan hanggang sa sumakay kami sa sasakyan.
Seryoso siyang nagmaneho at madalas ang sulyap sa akin. Nanatili naman sa daanan ang tingin ko. Hindi ko pinansin noong una ang daang tinatahak niya dahil akala ko'y umikot lamang siya. Ngunit nang nakalayo na kami ay 'di ko napigilan ang magtanong.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa resthouse ko," walang anumang sagot niya.
Natuliro ako. "Ano'ng gagawin ko roon? Uuwi na ako."
He sighed. "I want to show you where I'm residing... and cook for you." He said the last words almost a whisper.
I glanced at him and realized what I was doing. I was harsh on him when he was just being nice. My mind was clouded. I was being irrational.
It felt like in an instant we were miles away from each other. He was like a forbidden fruit. I should just look at it from afar because when I would try to get near I would just be tempted and would commit a sin. I couldn't help but to think about his fiancée. Maybe these feelings were lies and I hoped that in time I would wake up from a dream and realized these were all part of my hallucinations.
Napakurap-kurap ako nang may napagtanto.
Kahit ganoon ang naiisip ko, nagpapatuloy ako. He was too tempting and I couldn't stop myself to touch him even when it would be the death of me.
Lumunok ako at tumingin sa kaniya. Iniliko niya ang sasakyan at hindi ko namalayang nakarating na kami. May guard na nagbukas sa gate at tumambad sa akin ang luntiang bakuran bago ihimpil ni Genus ang sasakyan sa parking lot sa gilid ng bahay.
Halos sabay kaming lumabas ng sasakyan. Sumunod ako sa kaniya nang umikot siya upang pumunta sa front door. Namamanghang tiningala ko ang kabuuan ng bahay—na may tatlong bahagi kasama ang parking lot—habang binubuksan niya ang pintuan. Gawa sa kahoy ang harapan nito at sa gitna ay malaking glass walls, gayundin ang ibang bahagi. Patayong parihaba ang disensyo ng bahay na may dalawang palapag at binagayan ito ng kulay tsokolate at flat na bubong.
"Come in," he said and held the door open.
Bahagya akong ngumiti kahit parang bagyo ang nararamdaman ko. Like what I remember. Just this time. I want to be free from my own thoughts and let myself go. For once. Mimicking what happened in that memory, I smiled and let myself to be lost.
The floor was made of old wood design in light shade, partially covered with a lighter gray carpet. He gestured me to sit on the sofa in the living room and opened the television. I looked up and amazed by the high-rise ceiling.
"I'll cook for our dinner," he said and went to his kitchen.
My eyes feasted on the two minimalistic painting of black and white geometric figures that were hanged on the wall above the television. There was no other fancy design and furniture. It seemed empty. I expected it to look so old because we were in the province but it was modern and minimalist.
Nanood ako ng ilang minuto sa telebisyon pero nabagot ako nang nagtagal. Tumayo ako at sumilip sa kusina. Nakita ko siyang naghihiwa ng rekado ng lulutuin sa countertop, nakatalikod sa akin. Mukhang hindi niya ako napansing lumapit kaya naupo ako sa isang highchair sa island counter.
Lumingon siya nang lumikha ng ingay ang pag-upo ko.
"What are you cooking?" I asked and looked at the ingredients.
"Seafood pasta. Do you want me to cook other food?"
Umiling ako. "That's enough."
I remember what he told me before... that I like seafood. I didn't know how he knew that but now it made sense.
"Sa sala ka muna. I couldn't concentrate when you're watching me," sabi niya nang natantong hindi ako aalis.
"Gusto kitang panoorin." Pumangalumbaba ako at ngumiti sa kaniya. "Don't mind me."
"Baka hindi masarap 'to. I'm nervous." Sumulyap siya sa akin.
Tumawa ako nang natanto ang sinasabi niya. "Kasalanan ko pa, ganoon?"
Lumaki ang ngiti niya at lumapit sa akin. Nasa harap siya ng island counter at nagpasalamat akong medyo malapad iyon. Ngunit yumuko siya para ilapit ang mukha sa akin. I leaned back.
"You're driving me crazy, woman," bulong niya na nagpabilis sa paghataw ng puso ko.
Kahit na kinakabahan ay hindi ko mapigilan ang lalong mapangiti. Itinaas ko ang kanang kamay ko, itinulak siya nang bahagya sa gitna ng kaniyang dibdib. Napatingin siya sa kamay ko roon at parang napapaso akong bumitiw.
"Magluto ka na," mahinang sabi ko. Sumimangot siya at tumalikod na.
Ipinagpatuloy niya ang ginagawa at tahimik naman akong nanuod sa kaniya. He was wearing a white long-sleeve shirt rolled up to his elbow, paired with a charcoal colored trouser. He didn't fit to be in the kitchen. I smiled more... but my smile faded when I remember his fiancée.
"Natulog ba rito ang fiancée mo?" I casually asked, hiding the bitterness I was feeling but I couldn't suppress it.
Natigil siya sa kaniyang ginagawa at humarap sa akin. "She didn't stay here. She just visited," sagot niya at pumungay ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. "She's not my fiancée."
Naghugas siya ng kamay at pinatuyo ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang nakatitig pa rin. Nag-iwas ako ng tingin dahil tila nababasa niya ang takbo ng isip ko.
"You're jealous of her." It wasn't a question. Humalukipkip siya at mariin akong tiningnan.
Nag-angat ako ng tingin at tumingala sa kaniya. Hindi ko namalayang nasa harap ko na siya. Gusto kong itanggi ngunit parang ayaw sumunod ng bibig ko para pabulaanan ang sinabi niya.
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko at inipit iyon sa aking tainga. Uminit ang pisngi ko nang maramdaman ang haplos ng dulo ng kaniyang daliri sa aking tainga. He crouched so that he could level his face with mine.
Para akong nalalasing sa lapit naming dalawa. Napatitig ako sa mga mapupulang labi niya. Sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko magawang ibaling ang mukha ko para umiwas. Tumitig ako sa kaniyang mga mata at nakitang nakatitig din siya sa aking labi.
Unti-unting bumaba ang mukha niya at dumampi ang labi niya sa akin. Napamulagat ako at kitang-kita ko ang kunot sa kaniyang noo habang nakapikit siya. Dahan-dahan akong pumikit nang mas lumalim ang hagod ng kaniyang labi. Ginaya ko ang paggalaw niyon at napatigil siya, tila hindi makapaniwalang tumugon ako sa halik niya.
Tinitigan niya ako ng ilang sandali, mukhang lasing pa sa halikan namin. Muling bumaba ang mukha niya kasabay ng paghawak niya sa gilid ng aking mukha para mahalikan ako nang maayos. He parted my lips using his tongue. Lalong tumindi ang intensidad ng kaniyang halik, halos mapaatras ako.
Tumigil siya at marahang pinagdikit ang aming noo. Hinahabol ko ang aking hininga at lalong uminit ang pisngi ko nang natanto ang nangyari.
"I don't want you jealous," he whispered.
Bahagya akong tumango ako, hindi makatingin sa kaniya.
"Gutom na ako," sabi ko para mabaling ang atensyon niya sa ibang bagay.
Mukhang epektibo naman dahil nataranta siya.
"Alright." Binitiwan niya ako. He turned and continued to cook.
Gusto ko sanang pag-usapan ang tungkol sa pagsama ko sa kaniya sa Maynila pero parang nawalan ako ng lakas. Nanghihina ako pero gumaan ang pakiramdam ko.
Inahon niya ang pasta at nilagay sa malaking strainer. Sa tuwina'y lagi siyang sumusulyap sa akin. Dinama ko ang mabilis na pintig ng aking puso at unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. If letting myself go would feel this good, I wouldn't want to think about reality. I would glady stay in this dream.
But after a while, I realized what really happened. We kissed. Was it a sign that we were already in a relationship? Natatakot akong magtanong siya dahil ayaw kong masaktan siya sa sagot ko. I want us to stay this way. Ayaw kong pumasok sa isang relasyon habang hindi pa bumabalik ang mga alaala ko. It will only complicate things. I was not yet ready.
Huminga ako nang malalim. Pilit binitiwan ang mga gumugulo sa isip ko. Hindi naman siya nagtanong kaya hindi ko na rin dapat isipin. Pagbigyan ko na lamang ang sarili kong maging masaya sa kung anuman ang nangyayari sa aming dalawa.
Nang patapos na siyang magluto ay nagpresinta ako sa paghahanda sa lamesa. Lumapit ako sa gilid niya upang kumuha ng pinggan. Isinunod ko ang tinidor at ang dalawang baso.
Umupo ako at hinintay siya sa hapag. Nilagay niya sa dalawang plato ang niluto niya at inatake ang ilong ko ng mabangong amoy niyon, nakakatakam. Inilapag niya sa harapan ko at umupo na rin siya. Hindi siya gumalaw para kumain kaya tiningnan ko siya.
"Hindi ka pa kakain?" tanong ko.
"Go ahead. I want to see if you like it," aniya.
Mabilis at nakangiti kong kinuha ang tinidor. Pinaikot ko rito ang pasta at tumusok ng hipon sa dulo nito. Nakatingin siya sa mukha ko habang sinusubo ko iyon.
Namilog ang mga mata ko habang tinatakpan ko ng isang kamay ang aking bibig. "Ang sarap!"
Muli akong sumubo. Hindi ko akalaing napakagaling niyang magluto. Sinabi pa niyang baka hindi ito masarap kanina, ah. Binobola naman niya yata ako.
He chuckled at my reaction.
"Careful," sabi niya nang nagsunod-sunod ang pagsubo ko.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya nang sandaling iyon. Hinatid ako ni Genus sa aming bahay bandang alas-sais ng gabi. Nanatili siya ng mahigit tatlumpong minuto bago umuwi.
Hinanap ko si Rhian kay Tatay nang hindi ko namataan sa bahay. Sabi ni Tatay ay nagmadaling umalis kanina kaya hindi na nasabi ang rason. Nagsimula akong maghilamos nang dumating siya at pasalampak na naupo sa sala. Yumuko siya at hinilamos ang dalawang palad sa kaniyang mukha.
"May problema ba?" tanong ko nang 'di nakatiis.
Napapitlag siya sa boses ko kaya tuluyan akong humarap sa kaniya. Mabilis niyang inayos ang reaksyon niya at pagod na ngumiti.
"Wala. Magpapalit muna ako ng damit," halatang umiiwas na sagot niya.
Ngumuso ako at pinagpatuloy ang paghihilamos.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Hapon ng Biyernes at ang huling araw ng exam. Inaayos ko at nililinis ang mga gamit sa 'king lamesa upang hindi na ako mahirapan sa mga susunod na araw.
Nakapagpasa na ako ng resignation letter bago magsimula ang exams ngunit nakiusap ako kay Nanay na huwag muna itong sabihin sa ibang guro at kay Genus dahil hindi pa ako sigurado sa araw ng alis namin. Naglaan ako ng dalawang linggo para tapusin ang lahat bago ako umalis ng paaralan.
Araw-araw akong hinahatid at sinusundo ni Genus. Nasanay na nga akong maghintay sa kaniya sa hapon kahit pa hindi ko naman ugali 'yon. Hinawakan ko ang ilang papel na maalikabok at inilagay sa isang gilid upang mabilis na lamang itapon ang mga iyon. Iginala ko ang paningin at natantong hindi ko pa nabura ang ilang sulat sa pisara at hindi pa ako nakakapagwalis ng classroom.
"Tatapusin ko muna 'to," bulong ko sa sarili.
Wala pa naman si Genus. Nag-aayos din si Ma'am Anna ng kaniyang classroom kaya hindi pa ito lumalabas. Seryoso kong inihihiwalay ang mga papel na hindi ko na kailangan nang may kapirasong papel na nahulog mula roon. Pinulot ko at binuklat dahil nakatupi ito. Nanlaki ang mga mata ko at napalinga-linga. Bumilis ang pintig ng puso ko sa takot. Lumabas ako at tiningnan ang paligid. Wala nang tao, nakauwi na ang mga bata. Binasa kong muli ang nakasulat sa pulang tinta.
Manatili ka rito. Hahayaan kitang mabuhay.
Parang tambol ang pintig ng puso ko nang bumalik ako sa lamesa ko upang maghagilap. Baka may iba pa pero pagkaraan ng ilang sandali ay wala akong nakita.
Sumungaw ang ulo ni Genus sa pintuan. Hindi ko namalayan ang pagdating niya.
"Are you done?" tanong niya.
Kinagat ko ang labi ko, tuliro pa rin pero sinikap kong itago iyon dahil gusto ko pang manatili. "Hindi pa. Magwawalis pa ako at aayusin ko pa ang classroom." Sinulyapan ko siya. "Maupo ka muna sa labas."
Hindi niya sinunod ang sinabi ko at pumasok siya sa classroom. Sumunod ang tingin ko sa kaniya nang kinuha niya ang walis tambo. Nanlaki ang mga mata ko nang nagsimula siyang maglinis. Nawala tuloy sa isipan ko ang nabasa.
"Ako na ang gagawa niyan," saway ko sa kaniya.
"I can do this. Just do what you're doing."
Huminga ako nang malalim, hindi na nagprotesta. Nagmadali kong tinapos ang pag-aayos ng mga papel at pumunta na sa harapan ng pisara upang burahin ang sulat niyon. Dumaan sa isip ko ang kapirasong papel. Siguro naman hindi para sa akin 'yon.
Nagkibit ako ng balikat at sumulyap kay Genus. Natutuwang panoorin siyang nagwawalis sa mga ilalim ng maliliit na lamesa ng mga bata. Mukhang hindi siya sanay gawin 'yon at sa laki ng bulto niya ay tila hindi akma ang hawak niyang maliit na walis. Nang bumaling siya sa akin ay nagkunwari akong abala sa pagbubura. Tinulungan ko naman siya sa pagwawalis mayamaya.
"Ano 'to? Couple goals?" panunuya ni Ma'am Anna nang mapadaan sa classroom ko. Nakatayo siya sa pintuan.
Ngumiti ako sa pang-aasar nito. "Tapos ka na?" tanong ko rito dahil kipkip na nito ang bag at handa nang umalis.
"Oo. Aalis na ako, Liah. Baka nakakaistorbo ako sa moment n'yo." Humalakhak ito at naglakad palayo.
"Parang baliw talaga 'yon," bulong-bulong ko at ipinagpatuloy ang pagwawalis.
Mabilis din naman kaming natapos at nagpasyang umuwi na. Naglalakad kami sa tabing-dagat nang maalala ko ang Maynila. Kailangan kong matiyak kung kailan kami aalis. Mas lumala ang mga panaginip ko tungkol kay Shan at minsan ay hindi ko na alam kung alin ang totoo sa mga iyon ngunit iisa ang alam kong ipinapahiwatig niyon. Humihingi siya ng tulong at kailangan ko siyang tulungan sa lalong madaling panahon.
"Kailan mo ako isasama sa Maynila?" tanong ko at sumulyap sa kaniya.
Sumeryoso ang mukha niya. "Hindi pa ngayon," tipid na sagot niya.
Kumunot ang noo ko sa walang kasiguraduhan niyang mga salita. "Kailan?" I asked impatiently.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "Please, I want us to stay here. Mas tahimik ang buhay natin dito, please..."
Halos pumikit ako sa nakitang desperasyon sa mga mataniya at pagsusumamo sa boses niya. Kung puwede lang sanang manatili ako rito ay pagbibigyan ko siya pero buo na ang desisyon ko.
"Liah, please. I will bring you to Manila when we already found the criminal. I-I want to keep you safe." Nabasag ang boses niya sa huling sinabi pero nakita ko ang determinasyon sa mga mata niya.
"Hindi mo ba gusto ang buhay natin dito? We're at peace in here. We don't need to worry about anything—"
"Kailan pa mahahanap ang criminal?" I cut his words off for me to stand on my grounds.
Kaunting kalabit na lang ay mapapasunod na niya ako sa gusto niyang mangyari at ayaw ko nang marinig pa ang mga iyon. I didn't want to run away from my problems. I wouldn't just sit here and wait 'till everything would fall into place. Maraming mga tanong na gusto kong hanapin ang mga kasagutan at iyon ang nag-uudyok sa akin na bumalik ng Maynila. Iyon ang magbibigay sa akin ng kapayapaan.
Tumitig siya sa akin nang matagal. Alam ko, ayaw niyang magsalita dahil hindi siya sigurado.
I sighed.
Pinilit kong kontrolin ang sarili kong emosyon. It won't get me anywhere.
"Next week?" mahinahon nang tanong ko.
Huminga siya nang malalim at pumikit nang mariin, tila nahihirapan sa akin.
Nagtiim-bagang ako at muling nagsalita. "Next week," pinal na wika ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil kahit anong gawin niya ay hindi na magbabago ang desisyon ko. This was my reality. This would be the right thing to do, to find who really was the criminal no matter how risky it was.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top