Chapter Thirteen
Chapter Thirteen
Mad
"Emma, payagan mo na. Mamamasyal lang naman sila at sasama naman si Genus."
Kinukumbinsi namin si Nanay sa pagpunta namin sa bayan bukas. Pinaalis ko na kanina si Sir Genus dahil gumagabi na. Nagtataka tuloy ako kung saan siya namamalagi.
"Baka mapano ka roon, Lisa," katwiran ni Nanay, hindi pa rin pumapayag.
"Kaya nga ipapasama si Genus, Emma. Para may magbantay rito kay Lisa."
"'Nay, gusto ko rin pong lumabas, saka sa mall po kami magtatagal kaya hindi po ako mapapagod," pangungumbinsi ko.
"Babantayan ko po nang maigi si Lisa. Huwag po kayong mag-alala," nanghihimok na saad ni Ma'am Anna.
Ilang sandaling katahimikan ang nagdaan. Akala ko nga ay hindi na siya papayag ngunit...
"Anong oras kayo aalis?"
Nagkatinginan kami ni Ma'am Anna at sabay na nagsalita. "Before lunch po!"
"Salamat, 'Nay!" Tumayo ako at hinalikan siya sa pisngi.
She smiled and glared at Ma'am Anna. "Ikaw na ang bahala rito kay Lisa, Anna."
"Oo naman po!" she replied triumphantly.
Nagpatuloy kami sa pagkain ngunit may kaunting kaba sa dibdib ko dahil sa pagsama ni Sir Genus sa amin bukas. Patuloy ang kuwentuhan namin ni Ma'am Anna kinagabihan hanggang sa makatulugan na namin iyon.
"Mag-ingat kayo. Mr. Esquivel, pakibantayan si Lisa," bilin ni Nanay habang hinahatid kami sa likod ng bahay.
May kaunting lalakarin pa patungo sa kalsada mula rito ngunit hindi naman mainit dahil may mga puno sa daraanan. Hindi na nakakapasok ang sasakyan dahil bukod sa makipot ang daan ay hindi rin sementado.
Kadalasan ay motor ang sinasakyan kung dadaan sa main road patungo sa bahay kaya palagi akong sa dagat dumadaan pagkagaling sa paaralan.
Sinundo kami ni Sir Genus at i-p-in-ark ang sasakyan sa gilid ng waiting shed sa main road. Sinabihan namin kahapon na hintayin na lang kami roon ngunit nagpumilit na sunduin kami kaya iyon nga ang nangyari. Siya naman ang magpapagod kaya pinabayaan ko na.
"Lisa, kapag nahilo ka o anuman magsabi ka kaagad," nag-aalalang saad ni Nanay bago kami pinakawalan.
"Huwag po kayong mag-alala, 'Nay. Maayos po ang pakiramdam ko," sabi ko para mapanatag siya.
Ilang minuto lang ay narating na namin ang kalsada. Nanay waved her hand as Sir Genus maneuvered his car. The car proceeded and I saw Nanay's reflection from the side mirror walking back to where we came from.
Gaya ng huling sakay ko rito ay sa front seat ako naupo dahil alam kong iyon ang gusto ni Ma'am Anna at ayaw kong makipagtalo sa kaniya sa harapan ni Nanay.
"Kain muna tayo sa loob ng mall," sabi ni Ma'am Anna.
Tumango ako dahil 'yon ang napag-usapan namin kagabi. Malayo ang bayan mula sa aming bahay. Aabutin ng mahigit tatlumpong minuto bago makarating ngunit iyon ay kung tricycle ang sasakyan, kapag kotse ay tiyak na mas mapapabilis.
"Sir, taga-Maynila po ba kayo?"
Nagsimula na naman si Ma'am Anna sa 'di natatapos na mga tanong. Pero mainam na rin 'yon dahil magiging awkward kung walang nagdadaldal sa loob ng sasakyan.
"Yes," sagot ni Sir Genus nakatingin pa rin sa kalsada.
"Ano po'ng pangalan ng kompanya n'yo? Tsaka totoo ba na kompanya n'yo ang namamahala sa pagtatayo ng bagong classrooms?" sunod-sunod na tanong ni Ma'am Anna.
Sumulyap ako kay Sir Genus dahil ako man ay gustong malaman ang bagay na 'yon. Tumingin siya sa akin, mas naging seryoso ang mukha bago itinuon ang mata sa kalsada.
"Esquivel Group, and yes our company funded the construction." Maingat niyang iniliko ang sasakyan at muling tumingin sa akin, pinanood ako bago muling bumaling sa daan.
Pamilyar ang kompanyang sinabi niya ngunit hindi ko naman kilala kaya baka narinig ko lang din sa kung saan. Nagpatuloy si Ma'am Anna sa pagtatanong at tahimik naman akong nakikinig sa usapan at paminsan-minsang sumasagot.
Minutes passed and we reached the town proper. The town greatly improved through the years. Tumingala ako sa nag-iisang matayog na building kung saan kami palapit upang mai-park ni Sir Genus ang sasakyan at kumain sa sinasabi ni Ma'am Anna na kainan sa loob nito.
Ma'am Anna was so giddy and cheerful when we got out of the car. I smiled, excited to enter inside the mall, as well.
"Ibig sabihin, kompanya n'yo ang namahala sa construction sa mall na ito?" Namimilog ang matang tumingin si Ma'am Anna kay Sir Genus habang naglalakad kami sa bukana ng malaking mall.
Bago lang simula nang magbukas ang mall. Nang sumasama ako noon kay Tatay sa palengke ay nadadaanan na namin ngunit hindi pa tapos ng mga panahong iyon.
Gulat akong tumitig kay Ma'am Anna. Paano niya nalaman ang ganoong impormasyon?
"Yes, pero hindi ako ang nagsimula ng proyekto," sagot niya, hindi na dinagdagan ang sinabi.
"'Grabe, Sir. 'Di ako makapaniwalang nakakasalamuha ka namin na parang normal lang," sabi ni Ma'am Anna na mukhang nahihiya.
"I'm a normal person and I should be treated normal. Walang mag-iiba," he said and smiled.
Namamangha akong tumingin sa kaniya na kanina pa pala nakatingin sa akin. I swiftly turned my gaze to the entrance to avoid his eyes.
Masaya akong hinila ni Ma'am Anna patungo sa entrance ng mall. Napansin kong naalerto ang security guard nang makita si Sir Genus. Itinaas naman ni Sir Genus ang kamay at tahimik na naglakad kasunod namin.
Ngumiti ako nang makapasok sa loob. We strutted on the wide center aisle of the mall. It was refreshing to see a busy but organized stalls. On the right side was a big supermarket and some small food kiosks.
My eyes darted to the French bakeshop on the other side, my nose instantly filled with the aroma of vanilla and bread. Natuwa ako sa mga malalaking tinapay na naka-display sa harapan nito.
Ngayon lang ako nakapunta rito dahil ayaw akong payagan ni Nanay na gumala kahit pa sa ganitong mall. Minsan ay naiinggit ako sa mga co-teachers tuwing nakaririnig ng kuwentuhan tungkol sa kanilang mga pinamili rito.
"Doon tayo, Lisa!" muling hila sa akin ni Ma'am Anna.
Namamangha ako sa mga nadadaanang boutique. My eyes marveled on the clothes the mannequins were wearing and bags displayed as we passed by in front of each shop. But my steps halted when my eyes darted to the last mannequin, wearing a brown pant suit. I stared at it for a few moment but Ma'am Anna pulled me towards the escalator. I could picture myself wearing that but I wasn't working in an office so I shrugged the idea off.
Dalawang beses kaming sumakay ng escalator bago narating ang sinasabi ni Ma'am Anna na kainan. It was a seafood restaurant. It was full-packed but a waitress immediately noticed us.
She carefully straightened her uniform even if there was no crease, before she approached us. She greeted us but his eyes fixed to Sir Genus.
Why do I feel like she knew him?
I sneered. Kahit saan talaga, napapansin siya.
She led us to an exclusive space where there were only few diners. Nagkatinginan kami ni Ma'am Anna. Wala akong natatandaang nagpa-reserve siya.
"Nagpa-reserve ka ba?" bulong ko sa kaniya.
"Hindi," sagot niya.
Sabay kaming tumingin kay Sir Genus na diretso ang mga mata sa bilugang lamesa na nakahanda para sa amin.
Ngumisi si Ma'am Anna. "Boyscout! Ganyan ang manliligaw," tudyo niya sa akin pero tumutok na ang paningin ko sa waitress na halos lumuwa ang mata kakatitig kay Sir Genus.
Matamis ang ngiti ng waitress habang binibigyan kami ng menu para sa order ngunit bumalik ang malagkit na titig kay Sir Genus pagkatapos. She slightly tucked the invisible hair behind her ear and I couldn't stay watching her flirt. I feel like I see red looking at her.
"I'll have... spicy salted egg prawns." Mabilis kong binasa ang unang putahe na nasa menu. Natataranta niyang nilista ang sinabi ko pero nagsalita si Sir Genus.
"You don't like spicy foods." Pinasadahan niya ng tingin ang menu. "We'll have seafood paella instead, seafood roll, miso glazed salmon..."
Hindi na ako nakinig sa mga inorder niya dahil masama na ang mood ko sa babaeng malawak ang ngiti habang nakatitig at matamang naglilista ng mga sinasabi ni Sir Genus. He didn't notice her stares and it made me furious.
I crossed my arms in front of my chest and my eyes narrowed at her smiling face. Sumandal ako sa aking upuan, hindi na maipinta ang mukha dahil sa nakikita.
He threw a glance at me afterwards, his brow knitted and his expression grew gloomy. "You want something else?"
Umirap ako at umiling. Tumingin ako kay Ma'am Anna na nangingiting nagmamasid sa amin.
"Ikaw Anna, may idadagdag ka?" baling niya kay Ma'am Anna ngunit bumalik din agad ang tingin sa akin.
"Baked oysters and buttered scallops." Isinarado ni Ma'am Anna ang menu at nakakalokong tumingin sa akin.
"Badtrip, ah," saad niya na may pinipigilang ngiti sa labi.
Hindi ko siya pinansin at tumingin nang matalim sa waitress. Nakita nito ang tingin ko at bahagyang nanginig ang kamay habang isinusulat ang huling order. Sumulyap muna ito kay Sir Genus bago nagmadaling umalis.
Nagtagal ang tingin ko sa papalayong likod ng babae at ilang beses na umirap. Nakakainis talaga. Just a while ago I was so happy but after a few minutes my mood turned sour.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"Must-try ang kanilang baked oysters, Lisa! Makakalimutan mo ang pagseselos mo kapag natikman mo." She lowered her voice on the last sentence.
Sir Genus leaned forward. Mukhang narinig niya ang sinabi ni Ma'am Anna.
"Hindi ako nagseselos, okay?" naiirita pa ring sabi ko.
"Sabi mo, e," natatawang sambit niya ngunit biglang nag-ring ang kaniyang cellphone kaya mabilis niyang sinagot ang tawag.
"Ma..." Tumayo siya at sumenyas na lalabas muna.
Naiwan kami ni Sir Genus sa lamesa. He was staring at me intently, his expression unreadable.
"Hindi ako nagseselos," ulit ko dahil baka isipin niyang totoo ang sinabi ni Ma'am Anna.
The amusement in his eyes became so evident. He stifled a smile and I became more irritated by the minute.
"Okay. Hindi ka nagseselos."
Bakit parang mas nairita lang ako sa sinabi niya. I took in a sharp breath, calming myself from my internal turmoil. I didn't like this feeling. I shouldn't let myself feel this way.
After a while, the foods were served and I was relieved because the server was a boy. My eyes feasted on the seafood dishes that seemed to be delicious. Bahagyang nakalimutan ang masamang mood dahil sa mga nakakatakam na pagkain.
"You really like seafoods," he said, almost like a whisper.
"Huh?" I cocked my head to one side, I didn't get what he said.
"It's nothing. Here." Nilagyan niya ang plato ko ng kaunting seafood paella, tama lang sa dami na gusto ko. I noticed that he didn't put any mussels, I didn't like that kind of clam. He expertly peeled a shrimp using his spoon and fork, and quickly placed it on my plate.
Napatitig ako sa kaniya. Bakit parang normal lang sa kaniya ang ginagawang pag-aasikaso sa akin?
Naabutan kami ni Ma'am Anna sa ganoong ayos. She grinned and sat on her seat.
"Sana pala iniwan ko na kayo," she whispered as she checked the foods on the table.
"Ano'ng sabi ng mama mo?" tanong ko para ibahin ang usapan.
"Nagpapabili lang ng kung anu-ano sa palengke," balewalang sagot niya at kumuha na ng gustong kainin.
"Tamang-tama daanan na rin natin si Tatay," sabi ko at inasikaso na ang pagkain.
Nakita kong puno na ang plato ko at sinaway na si Sir Genus sa ilalagay pa sana na nahimay na lobster. "Ang dami na 'to."
"You should eat more," sabi niya pero hindi na rin pinilit ang gusto.
Ma'am Anna let out a fake cough and continued eating with a smile plastered on her face.
We enjoyed the food and it was really satisfying. All the dishes were tasty especially the baked oysters, it made me want to come back and bring Nanay and Tatay.
"Enjoying the food?" Sir Miguel appeared from behind.
My eyes widened in surprise. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"I own the place," he said confidently.
I eyed him from head to foot. He was wearing a hair net and a black apron with an embroidery of Miguelito's in front. I looked at him admiring his getup. He looked ordinary with his white button down chef suit but it made him more pleasing to my eyes.
"I like the food. Ikaw ba nagluluto?" tanong ko.
"Sa ibang putahe but we have our chefs to do that. I was just looking after them because my manager will come late," paliwanag niya at sumulyap kay Sir Genus na madilim na ang tingin sa kaniya.
"Aren't you busy?" Sir Genus interrupted, his voice was thick and face wearing a scowl.
Sir Miguel ignored him and turn his gaze to Ma'am Anna.
"Anna, nandito ka pala sa date ng dalawa?"
Mukhang nairita naman si Ma'am Anna. "Ano'ng pakialam mo?"
Kumunot ang noo ko. Magkaaway ba sila?
Saka, anong sabi niya? Date?!
Nagulantang ako at mabilis akong umiling. "Hindi kami nagdi-date."
I glanced at Sir Genus and his face turned darker. It was funny how the table turned. Kanina lang ay ako ang masama ang mood pero ngayon ay siya naman. Pero hindi ko maintindihan bakit siya nagagalit?
"Ganoon ba? Hindi pala kayo nagdi-date," he said looking amused at Sir Genus, tila nananadya.
Tumingin siya sa entrance nang bahagyang umingay at nakita ang pagpasok ng isang pamilya.
"Paano, Lisa. I'm a bit busy. See you around." He winked at me and rushed inside the restaurant's kitchen. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na makita.
We continued to eat and Ma'am Anna talked non-stop about how he hated Sir Miguel.
"Akala niya talaga ang guwapo niya! Ang sarap tapyasan ng kilay niya, makita niya!"
Natatawa na lang ako dahil sa buong durasyon ng pagkain namin ay si Sir Miguel ang bukambibig niya. Paminsan-minsan akong sumusulyap kay Sir Genus ngunit tahimik naman siyang kumakain, kung hindi man ay mukhang galit na nakatitig sa mga kawawang alimango.
"Magbayad na tayo?" sabi ko, may bakas pa rin ng ngiti ang labi nang makitang tapos na kaming lahat sa pagkain.
Sir Genus got up. "It's already paid," he growled.
"Magbabayad kami..." Nauna nang naglakad si Sir Genus palabas kaya natigil ako sa pagsasalita, nakakahiya sa ibang kumakain.
"Let's go?" aya ni Ma'am Anna. "Maglakad-lakad muna tayo para bumaba ang kinain."
Akala ko ay iniwan na kami ni Sir Genus ngunit naghintay pala siya sa labas ng restaurant.
"Kahit naiinis ako kay Sir Miguel, in fairness masarap ang mga pagkain nila," sabi ni Ma'am Anna habang tinutungo namin ang department store ng mall.
Masaya kaming nag-usap ni Ma'am Anna tungkol sa mga pagkain at sa restaurant. Sir Genus silently stalked us from behind, ganoon pa rin ang ekspresyon. Sinusulyapan ko siya madalas pero parang iniiwasan niya ang aking mga tingin.
"Doon muna ako, Lisa." Excited na naglakad si Ma'am Anna sa mga nakahilerang dress sa 'di kalayuan.
Susundan ko sana siya ngunit pinili kong harapin si Sir Genus na mabagal na sinusundan ako sa likuran. Hindi niya ba gusto rito? Kung sabagay puro pambabae nga ang mga damit dito.
I tried to catch his gaze but he turned his face away from me with a grimace that distorted his handsome face.
Aba, nagsusungit. Ano'ng ginawa ko?
"Are you mad at me?" I asked because he was really ignoring me.
Hinawakan ko ang manggas ng kaniyang t-shirt at bahagyang hinila para ibaling niya sa akin ang atensyon na kanina pa niya pinagdadamot. Umawang ang labi niya at bahagyang tumingin sa kamay ko.
Nakita kong naapektuhan siya sa ginawa ko kaya agad akong nagsalita.
"Mamaya, sa men's area na tayo para hindi ka ma-bore dito."
I saw some people gawking at him but he didn't seem to notice the attention they were giving him. Bumalik ang tingin ko sa kaniya at nakita ang mas lalong pagsimangot at pagdilim ng mukha niya.
"Bakit ka ba nagagalit?" tanong ko dahil hindi ko na alam ang gagawin para kausapin niya ako.
"Nagseselos ako."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kahit naririnig ko ang tawag ni Ma'am Anna sa akin ay 'di ko magawang lumingon dahil sa pagkabigla.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top