Chapter Nineteen
Chapter Nineteen
Past
May mga naririnig akong ingay pero pakiramdam ko'y pagod na pagod ako kaya hindi ko magawang idilat ang mga mata.
"Parating na si Mr. Antonio. Anong plano mo?"
"Nagkausap na kami. We will keep her here." Boses iyon ni Sir Genus.
Para akong hinihele ng mga boses ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay hindi ko na masundan ang usapan dahil nahulog na ako sa bangin ng panaginip.
"You sure, you'll be fine?"
Kinusot ko ang mga mata para makita nang maayos ang paligid. Ilang sandali pa'y unti-unting luminaw ang paningin ko. Mula sa malawak na glass window, tanaw ang farm na natatamnan ng mga iba't ibang klase ng gulay. Some workers were also tending the vegetables.
Lumipat ang tingin ko sa kaharap.
"Yeah. Don't worry too much, okay? I'll be fine," malambing na wika ko.
He gently held my hands and put them carefully around his neck. He looked at me with so much adoration. The corners of my lips lifted when he snaked his arms around my waist.
"Dad wanted me to finish the seminar but I don't want to stay that long. Three days would be fine," he whispered huskily. My heart thumped against my chest.
His hold tightened, drawing our body closer to each other. My hands automatically fell on his chest to stop myself to crash against him.
"Baka magalit ang Daddy mo. You should finish it. How long would that be?"
He groaned. "I won't see you for a week, then? No."
I sighed. Sometimes, I was worried because I feel like he wasn't taking his work seriously because of me.
"You need that. You should be serious about it." Kumawala ako sa hawak niya at tinalikuran siya. The first time I entered in this office it feels cold, but later on I find it peaceful and homey.
He stalked me from behind. "Fine. I'll stay for four days."
I stifled a smile. "Five days."
Umupo ako sa sofa at nag-angat ng tingin. He stared at me dimly and towered over me.
"Don't you want to see me?" he scowled.
Tuluyan akong sumimangot. "What? That's not my point, alright. The seminar will help you."
"Five days, then." He sat beside me, never leaving any space between us.
Umusod ako at binigyan siya ng nang-aakusang tingin. "We're talking."
I've known him so much that his moves became so familiar to me.
His eyes lit in amusement. "I didn't do anything."
Umirap ako at tumingin sa relo sa dingding. "I need to go. I have a meeting in thirty minutes."
"That fast? Can't you stay a little longer?" he said wearily.
"Daddy wanted me to be there." Tumayo ako at kinuha ang bag at mga gamit sa coffee table. Tumayo rin siya at kinuha sa kamay ko ang mga dala. Baka magtagal nga ako rito kung hindi pa ako kikilos.
"Ihatid na kita."
I turned to him. "Sa labas ng opisina mo lang."
His brows knitted in a frown. We already talked about our set-up and I know he was trying to understand. Tinalikuran ko siya at tinungo ang pintuan. Inunahan naman niya ako sa pagbubukas niyon.
"Thank you."
I went out and waited for him beside the door to get my things. Iniwas niya sa akin ang mga dala nang sinubukan kong abutin. Kumunot ang noo ko.
"Won't you give your boyfriend a goodbye kiss?" he probed.
I smirked. Tumingkayad ako at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi.
Disapproval gleamed in his eyes. "Is that even a kiss?" he growled.
Bago pa ako makalayo ay hinawakan niya ang baywang ko. He tilted his head, but before our lips would touch...
Small noises filled my ears. I heard a door creaked and there was silence, afterwards.
Napamulagat ako pero dagli ring pumikit. Sumasakit ang mga mata ko sa maliwanag na ilaw ng silid. My eyes remained closed as I relaxed to adjust with the light.
What was that?!
"What happened to my daughter?"
A familiar voice caught my attention. No one dared to talk but after a while I heard a door open. Dumilat ako at nakita ang pamilyar na tao na nasa panaginip ko. A man in his late fifties wearing a business suit, with a grim expression looked at Doctor Seo who just entered the room.
"Good evening, Mr. Antonio, Mr. Esquivel," he greeted.
Iginala ko ang paningin. Si Sir Genus ay nakatayo patalikod sa akin, nakatutok ang atensyon sa doktor.
"How is she?" he asked.
"I don't see any abnormalities. She's just stressed out with the information that her brain was triggered. She needs to rest," ani Doctor Seo.
"Gising na siya." Lumipat ang tingin ko sa gilid ko.
Tumayo si Nanay at hinawakan ang kamay ko, tinulungan niya akong iangat ang likod ko para sumandal nang maayos sa headboard ng kama. Bumalik siya sa pagkakaupo nang maayos na ang posisyon ko.
Bumaha sa isipan ko ang mga alaala bago ako nawalan ng malay. Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang may mapagtanto.
Hindi ako si Lisa.
"Anak, may masakit ba sa 'yo?" tanong niya na ikinagulat ko.
"'N-Nay, hindi po ako si Lisa," I croaked. Natahimik ang paligid na tila walang tao sa loob ng silid.
Now, it made sense why I feel different from her stories of me. It wasn't because of the lost memories, it was because her daughter wasn't me.
Masuyo siyang ngumiti sa akin, kita ko ang sakit sa kaniyang mata na hindi ko alam kung para saan.
"Pangalan mo lang ang naiba, ikaw pa rin ay anak namin, L-Liah."
Umapaw ang mga luha sa 'king mga mata sa narinig. Hindi ko akalaing matatanggap nila ako bilang anak kahit sino pa ako.
Niyakap ako ni Nanay. Humikbi ako sa balikat niya hanggang sa mapagod ang mga luha sa pagdaloy. Pumikit ako habang sumisinghot. Matagal ko siyang niyakap na parang mawawala siya ano mang sandali at ganoon din siya sa akin.
Kumalma ang pakiramdam ko pagkatapos kong mailabas ang mga luha na nagpapabigat sa akin. Naisip ko ang anak niya, ang totoong Lisa.
I was about to ask when a man stood behind Nanay. Humigpit ang hawak ko kay Nanay pero kumalas siya sa yakap ko. She smiled, like saying that it was okay.
"Sa labas lang ako, babalik ako mamaya." She assured me.
Lumabas si Nanay kasama si Doctor Seo. Naiwan kaming tatlo nina Sir Genus sa silid. I glanced at him. His eyes were directed at me. Realization dawned on me, he knew all this time.
But... Am I his girlfriend?
Uminit ang mga pisngi ko at naalala ang panaginip. Napakurap-kurap ako, hindi ako makapaniwala!
Tuluyang lumapit sa akin ang lalaking kasama namin sa silid kaya nabaling ang atensyon ko rito. There was this familiar fear in me when I felt his presence. I looked at the white sheets to anchor my attention from him.
"I-I'm your father, Liah. Do you remember m-me?"
Napatingin ako sa kaniya nang marinig ang sakit sa boses niya. He was very different in my dreams. Gone was the coldness and authority in his voice.
His eyes glistened with tears, his face full of sorrow and repentance. It feels odd, I was certain that he was my father but based on what I remember, he wasn't like this.
Tumango ako, nanginig ang labi ko sa pinaghalo-halong sakit at pagkamangha habang nakatitig sa kaniya.
A tear fell from his eyes. He stepped closer but he hesitated to hold me. I held out my arms to hug him.
"I'm s-sorry, Liah." He sobbed.
I felt his pain the way his arms tightened around me into a hug. Tears trickled down my cheeks.
"D-Dad," I whispered and cried more.
Whatever happened between us before, I've already forgiven him. He was my father, after all.
Matagal na sandaling walang nagsasalita sa pagitan namin. Ang masuyong haplos niya sa buhok ko'y naghahatid ng ginhawa sa akin.
My arms loosely fell on my sides. I feel drained with everything but I was happy. Namumungay ang mga matang tumingin ako sa kaniya. Nakita ko ang takot sa kaniyang mukha pero hindi niya ako binitiwan.
"Rann, get the doctor, please."
"D-Dad," I called him. "I'm just sleepy."
I smiled when he let me lie down. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata nang inayos niya ang kumot sa katawan ko. Naramdaman ko ang maingat na hawak niya sa kamay ko bago ako tuluyang hinila ng antok.
"Won't you give your daughter a chance, Lian? She's just a child, for goodness sake!"
Mommy's frustrated voice rumbled inside their room. Maingat kong hinila ang pinto upang hindi makalikha ng ingay at iniwan iyong bahagyang nakaawang. Sumandal ako sa dingding pagkatapos.
Our adviser announced the students who made it in the honor roll and I ranked first. I would finish my intermediary school with flying colors and my hard work would finally pay off. I wanted to tell them the good news but it was a bad timing. I was sure Mom would be happy but I didn't know with Dad.
Ever since I was little, Daddy would never be happy with my achievements. He always say that I could do better next time. Whatever I do, he wasn't satisfied and would never praise me. Lagi siyang may mapupuna na pagkakamali ko o 'di kaya'y kulang.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganoon sa akin pero kalaunan, nasanay na ako. Madalas ko ring marinig ang kanilang pagtatalo kaya hindi na ako nagugulat kapag naabutan ko silang ganito.
"Matagal na 'yon, Lian. Kalimutan na natin para makapagsimula na tayo," nagmamakaawang boses ni Mommy.
"Hindi ko kailanman kalilimutan si Rhian, Carolina."
I panicked when I heard Daddy's voice near the door. Nagkukumahog akong bumalik sa kuwarto ko. Tiyak na papagalitan na naman niya akong nakikinig sa sagutan nila.
Ilang beses ko na ring narinig ang pangalang 'yon. Gusto kong magtanong noon pa man pero baka mas lalong magalit si Daddy sa akin.
"Rhian." I softly chanted the name. May alaalang nagdaan sa isip ko pero hindi ko matukoy kung ano 'yon...
Nakangiting mukha ni Ma'am Anna ang sumalubong sa akin pagkagising ko.
"Good morning, Liah!" masayang bati niya.
Umawang ang labi ko sa binanggit niyang pangalan. "Liah? Paano mo nalaman?"
"Sinabi sa amin ni Sir Genus ang mga detalye." Sinulyapan niya si Sir Genus na noon ko lang napansing inaayos ang pagkain sa isang bed table.
He immediately found my eyes. Hindi na naalis ang titig niya sa akin kaya na-conscious ako sa sarili. Kinusot ko ang mga mata para matanggal ang ano mang dumi roon.
"Kanina pa kita hinihintay na magising. Hindi ako magtatagal, babalik na lang ako mamayang hapon," sabi ni Ma'am Anna na nakasuot ng uniporme, habang umuupo sa kaliwang bahagi ng kama.
"Can you visit my students?" I asked.
I was worried for them, next week would be the last exam for the last quarter and I was afraid the doctor wouldn't let me work.
"Of course. Magpahinga ka nang mabuti. Ako nang bahala."
Ngumiti ako at nagpasalamat. Natutuwa akong hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin kahit hindi ako ang pinaniwalaan niyang ako.
"Gulat na gulat talaga ako kahapon. Hindi ko akalain na ganoon ang mangyayari. Ngayon ko naintindihan ang pagkakaiba ninyong dalawa," nanlalaki ang mga matang sabi niya.
Kinagat ko ang labi ko. Ako ma'y hindi makapaniwala pero mas madali kong natanggap dahil pakiramdam ko'y ako talaga ang taong 'yon dahil sa mga panaginip na hindi ko mabigyan ng linaw noon. It turned out that those were not just dreams; they were part of my past that I needed to discover.
I remember the girl covered with blood. I was holding her in my dream. Memories rushed in my mind but I couldn't grasp the details vividly. Nanliit ang mga mata ko, sinisikap na maalala ang mga tagpo ngunit para bang mas lumalayo ang mga ito sa akin.
Who is she?
"Liah..." saway ni Sir Genus. Huminahon ako at tumingin sa kaniya. Palapit siya sa akin dala ang pagkain.
Tumikhim si Ma'am Anna kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya.
"Paano, Liah. Babalik na lang ako mamayang hapon." Tumayo siya at niyakap ako bilang pamamaalam.
Bago siya tuluyang umalis, tiningnan niya si Sir Genus nang makahulugan. Kita ko ang amusement sa mga mata niya habang nakatingin kay Sir Genus.
"See you later, Liah," paalam ni Ma'am Anna bago isarado ang pintuan.
Bigla akong inatake ng kaba sa kaalamang maiiwan kami ni Sir Genus sa silid. Pero teka, parang narinig kong iba ang pangalang tawag sa kaniya ni Daddy.
Maingat na inilapag niya sa harapan ko ang maliit na lamesa at umupo siya sa inupuan ni Ma'am Anna. Narinig ko ang kalansing ng kutsara at tinidor pero nanatili ang titig ko sa mukha niya.
Parang napakalayo ng nilakbay ng isip ko dahil sa mga pangyayari. Tila hindi ko na maalala ang galit ko sa kaniya at ang dahilan niyon.
Tumutok ang paningin ko sa labi niya. Nakayuko siya at hinihipan ang pagkain sa kutsara kaya hindi niya napapansin ang titig ko. Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala.
The kiss...
Nag-iinit ang pisnging nag-iwas ako ng tingin.
Oh my God! Totoo ba 'yon, o dinadaya lang ako ng isip ko?
"Ako na. Kaya ko na." Sinubukan kong agawin ang kutsara mula sa kamay niya pero iniwas niya 'yon.
"Let me do this, okay?" sabi niya at iniamba sa bibig ko ang kutsara. Nanatiling tikom ang labi ko pero nang hindi niya inalis ang kutsara'y unti-unti kong ibinuka ang bunganga at tinanggap ang pagkain.
He gave me a satisfied smile while he watched me chew my food. It was awkward seeing him this close and feeding me.
"What should I call you, then?" I asked after swallowing the food to ease the tension.
Naglagay ulit siya ng kanin at ulam sa kutsara at dahan-dahang isinubo sa akin. Tinanggap ko naman dahil interesado ako sa sasabihin niya.
"You can call me Genus, if you are comfortable with it."
Tumango ako. "G-Genus," naasiwa kong banggit sa pangalan niya.
Ngunit sumimangot ako nang may naalala. "I heard Dad call you—" I tried to recall the name but I couldn't remember.
"Rann," he added.
"Rann," ulit ko at tumingin sa mga mata niya.
His lips parted when he realized what I was feeling. Nanlamig ako nang tuluyang luminaw ang isang eksena sa panaginip ko.
'Won't you give your boyfriend a goodbye kiss?'
Kinagat ko ang labi ko, ayaw tanggapin ang naiisip.
Boyfriend?
Parang tinutusok ng maliliit na karayom ang sentido ko kaya napapikit ako nang mariin.
"Calm down, please?" Nag-aalalang tinanggal niya ang maliit na lamesa sa harapan ko. He held my hands firmly.
Huminga ako nang malalim. Tama siya, kailangan kong kumalma. Tumigil ako sa pag-iisip at paghahanap ng kasagutan. Too much information and I would faint.
Ilang sandali pa'y umayos ang pakiramdam ko. Naalala ko si Daddy. Hindi ko pa siya nakikita mula nang magising ako. May mga gusto pa akong malaman mula sa kaniya.
"Nasaan si Daddy?" tanong ko habang tinitingnan ang pagkain na nakapatong sa lamesa sa gilid ng kama.
"He went to your house and talked to Mang Ramon and Ma'am Emma," he said as he reached for the small table.
"I can do that," sabi ko nang umamba ulit siyang susubuan ako.
He sighed and let me do what I want. It was awkward to see him watching me eat but I was really hungry so I didn't mind him. Iniwasan kong isipin ang mga bagay na makakasama sa akin pero hindi ko lang maiwasan.
I ate my breakfast silently. Hindi na rin siya nagsalita at nagmasid lang sa akin habang kumakain.
This was I refuse to think before, that he was actually sincere in courting me. I've hurt him with those words and I hate myself for not telling him the reason why I wanted him to stay away.
There were instances that I have doubts with his intention but I know I've wronged him, for not asking and for not hearing his side. I would understand if his feelings would change but I was thankful that he stayed with me while I was lost, while I was fighting with my own battles.
I smiled when our eyes met. He remained with his serious expression, looking at me like he could pierce into my soul and see me naked. His eyes were so intense that I couldn't direct my gaze at him.
Nagpatuloy ako sa pagkain, pilit iniignora ang presensya niya sa tabi ko. Nakailang subo ako nang sumungaw sa pintuan ang ulo ni Miguel.
"Hi!" bati nito at tuluyang pumasok sa silid.
Ngumiti ako nang makita ito. Sinulyapan ko si Sir Genus at nakita ang kunot sa noo niya habang nakatingin kay Miguel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top