Chapter Four

Chapter Four

Larawan


Mabilis akong naglakad kinabukasan sa konkretong daanan patungo sa aking classroom. Hindi pa naman ako huli sa klase but it was a bit late for my usual time in school.

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko'y naaalala ko ang kaniyang ekspresyon at ang mga titig sa akin. I have so many questions forming across my mind.

I have long accepted that I should no longer dwell on the past that I couldn't even remember. But now... I suddenly became more curious and the urge to dig on my memories intensified.

Through the years I was contented with what I have. A simple but happy life with my Nanay and Tatay, and a fulfilling career. I should not ask for more but the hollow feeling every time I encountered something familiar got me.

The repetitive and constant dreams. I was convinced before that those were just mere dreams, with no meaning, but now it haunted me.

What if those dreams really happened?

I remember the house... the woman... and the bloody scene. I remember them vividly like it happened just yesterday.

Those thoughts kept me awake all night. Ang resulta, puyat at nagmamadali ako sa pagpasok.

Dire-diretso ang lakad ko patungo sa aking classroom, mabilis na inilapag sa teachers table ang mga instructional materials na gagamitin ko sa klase. Tumingin ako sa relong pambisig, may sampung minuto pa bago magsimula ang klase.

Nakahinga ako nang maluwag.

The students started to arrive and I gave my full attention to welcome their greetings. I was uneasy the whole duration of my class. I was looking outside every now and then to take a peek... or look for someone that I knew would never come today.

Halos kutusan ko ang sarili. Tinanggap ko na kahapon pa lamang na hindi na siya makikita pa ngunit umaasa pa rin pala ako. Ipinilig ko ang ulo dahil hindi na mapakali sa mga iniisip.

I woke up from my reverie when I heard a loud cry from my student. Mabilis kong nilapitan ang bata.

"Bea, anong nangyari?" maingat kong tanong. 

Patuloy pa rin siya sa pagpalahaw. Napapatingin tuloy ang ibang mga bata sa amin. Sinulyapan ko ang kaniyang ginagawa. The water from her tumbler got spilled on the coloring book she was working on.

"Teacher, nasira na 'yong coloring book ko! Magagalit sa 'kin ang Mama ko!" Hinawakan niya ang coloring book at itinapon sa sahig habang patuloy pa rin sa malakas na pag-iyak.

Lumuhod ako sa harapan niya, pinulot ang coloring book at nilapag sa kaniyang lamesa. Marahan akong tumingin sa kaniyang mga mata.

"Kakausapin ko ang mama mo, okay? Hindi ka niya pagagalitan." I assured her. 

Tumahan naman siya sa pag-iyak kaya nakahinga ako nang maluwag. Pinunasan ko ang tira-tirang luha na naglandas sa magkabilang pisngi niya.

For a fleeting moment, I felt like a warm hand held my heart. For a split second I saw an image of a girl, crying. That was me when I was young.

I smiled and paused.

"Talaga, Teacher Lisa? Pero wala na po akong gagawin." Sinulyapan niya ang coloring book at nakita kong namumuong muli ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"Huwag kang mag-alala. May coloring book pa ako. Gusto mo ba?" malumanay at nakangiti kong tanong. 

She nodded slowly and wiped her tears. Tumayo ako at lumapit sa aking lamesa upang hanapin ang coloring book nang mapadako ang paningin ko sa pintuan. Natigil ako sa ginagawa dahil sa nakitang tao roon.

Standing proudly at the door was Sir Genus. He was mysteriously looking at me with those familiar eyes. Para bang napakaraming gustong sabihin ng mga matang iyon. Hindi ko kayang mag-iwas ng tingin dahil tila nangungusap ang mga ito.

Liah...

Parang hangin na dumaan ang pangalang 'yon sa aking tainga habang nakatitig sa kaniya. Napaawang ang labi ko sa 'di maipaliwanag na nararamdaman.

"L-Liah." I softly repeated that name I had in my mind.

Kitang-kita ko kung paano siya nagulat sa binanggit kong pangalan.

"Liah," I said more clearly looking straight into his eyes. 

He stepped forward like he wanted to hold me. I stepped back. Natigilan siya nang makita ang ginawa kong pag-atras. Mariin niyang tiningnan ang distansiya sa pagitan naming dalawa at dahan-dahang ibinaba ang kamay. 

I saw how he restrained himself from holding me. He clenched his jaw repeatedly and shut his eyes tightly. Sa mga sandaling iyon ay mukha siyang bigo. Bagsak ang mga balikat at nakayuko, ibang-iba sa Genus na nakilala ko kahapon.

I snapped out of my trance when someone slightly pulled the hem of my skirt. Napakurap-kurap ako, hindi namalayang nakalapit na pala si Bea sa amin.

Nasa tapat ng pintuan ang aking lamesa na pinaglalagyan ko ng mga gamit. Mayroon ding lamesa sa harapan ng maliit na pisara kung saan naman ako umuupo tuwing may pinapagawa ako sa mga bata.

"Teacher Lisa, 'yong coloring book po?" inosenteng tanong ni Bea bago inilipat ang tingin kay Sir Genus.

"Sino po siya?"

Tumikhim ako. Marahang yumuko para maglebel ang aming paningin ng bata.

"Si Sir Genus, Bea," magaang sabi ko. Trying to forget the tension between us a while ago.

"Magandang umaga po, Sir Genus." Ngumiti ako at naaliw sa pagbati ng bata na puno ng sigla.

Tumayo nang maayos si Sir Genus at marahang ngumiti sa bata. Umupo siya para maglebel sila at marahang ginulo ang buhok ni Bea.

Namangha ako sa ipinakita niya. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang ngumiti nang ganoon. I remember when I first met him yesterday. His presence was full of authority and his serious face made him looked domineering and rough. But when he followed me, he seemed like a different person.

I couldn't understand him.

"Sandali, Bea ha. Kuhanin lang ni teacher ang coloring book." Sinulyapan ko si Sir Genus at inihatid si Bea sa kaniyang upuan.

Mabilis akong naglakad pabalik sa aking lamesa, nilagpasan si Sir Genus na bahagyang tumabi nang dumaan ako sa harapan niya. I swiftly turned the papers on my table to look for the coloring book. Mabilis ko namang nahanap iyon.

Muli akong pumunta sa upuan ni Bea at nakangiting ibinigay sa kaniya ang coloring book. Tuwang-tuwa naman nitong tinanggap ito at nagsimula na sa pagkulay.

"Teacher Lisa, puwede po bang magpaturo?" Carlo, one of my students called me.

I gladly approached him and helped him in his dilemma. While teaching Carlo, I glanced to where I left Sir Genus. He was not there.

Hindi man lang naghintay.

Slightly annoyed, I focused on helping the kids do their activity.

After the dismissal of my class, I talked to Bea's mother about the ruined coloring book. Wala naman akong naging problema dahil napakiusapan ko naman na huwag nang pagalitan ang bata sa nangyari.

Ngunit nang mapag-isa ako sa loob ng silid-aralan, namuong muli ang pagkairita ko kay Sir Genus. Paulit-ulit akong sumagap ng hangin. Kinakalma ang naghaharumentadong pakiramdam. Umupo ako at maingat na inayos ang mga gamit ko para abalahin ang sarili.

Bakit ba ako naiirita at nagagalit? Dahil ba napagkamalan niya akong girlfriend niya kahapon? Ano naman sa akin? I groaned in annoyance.

Maybe, I was just hungry. I shook my head and I remember that I said something a while ago. Ipinilig ko ang ulo ko para alalahanin 'yon. Nasa dulo ng dila ko ngunit hindi ko matandaan. Pumikit ako nang mariin at pumangalumbaba sa aking lamesa.

Ano ba'ng nangyayari sa akin?

Naisip ko si Ma'am Anna. Pupunta na lang ako sa classroom niya at yayain siyang mananghalian. Siya ang kadalasang dumadaan sa classroom ko upang sumabay patungo sa canteen, ngunit ngayon ay hindi ko na siya mahintay.

I wanted to keep myself busy because if I would stay in my classroom, I would lose my mind.

Nasa magkabilang dulo ang mga classroom namin ni Ma'am Anna. May tatlong classroom sa partikular na hilerang iyon ng paaralan. Nasa unahan ang classroom ko at ang sumunod na baitang hanggang sa ikalawang-baitang kung saan naroon naman ang classroom ni Ma'am Anna.

Inayos ko ang sarili ko at taas noong lumabas ako ng classroom. Napatingin ako sa isang kahoy na bench sa maliit na hardin sa gilid ng classroom ko dahil may nakita akong gumalaw roon. Napasinghap ako nang makita si Sir Genus na nakaupo roon.

Quickly, he stood up when he noticed me. Pinagmasdan ko habang palapit siya sa kinatatayuan ko. Hindi siya makatingin nang diretso sa akin habang mabilis ang mga hakbang. Tumigil siya isang dipa mula sa kinaroroonan ko.

"Bakit ka nandito?" I asked coldly when he didn't say a word. I wanted to curse out loud when my heart started to skip a beat.

Ano ba'ng mayroon sa lalaking ito at ganito na lamang ang epekto niya sa akin? I was getting more annoyed with myself. Whenever he was around, it seemed like I was a different person because of these unknown feelings that only him can waken.

Nagtiim-bagang ako.

Kailan ba ako nagkaganito? Hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito.

"Uh..." Tumingin siya sa hawak kong bag na naglalaman ng baon kong pagkain.

Gusto niya pa atang bitbitin iyon. Mabilis kong iniwas ang bag na hawak nang bahagya niyang abutin. Napansin naman niya ang gusto kong mangyari kaya ibinaba rin niya ang kamay niya, hindi na pinilit pa.

"May importante ka bang sasabihin?" maagap kong tanong, ine-emphasize ang salitang importante. I didn't want to be rude but my tone turned out that way.

"Magpapaalam lang sana ako, may aasikasuhin ako... sa Maynila," maingat niyang sinabi, tinatantiya ang ekspresyon ko.

Bakit naman siya sa akin magpapaalam. Wala naman akong pakialam kahit umalis siya. I'm not his girlfriend.

Kumunot ang noo ko, naghihintay sa susunod niyang sasabihin ngunit hindi dumating.

"Iyon lang ba?" Umirap ako hindi para sa kaniya kundi para sa sarili ko. 

Ano ba'ng gusto kong mangyari?

Huminga siya nang malalim at tumango. Ilang segundo siyang tumitig sa akin na tila kinakabisa ang bawat parte ng aking mukha bago matamlay na tumalikod. Mabagal siyang naglakad palayo, tila bigung-bigo.

Umirap akong muli at tumalikod na rin para tumuloy sa naudlot na pagpunta sa classroom ni Ma'am Anna. Ilang hakbang pa lamang ay nakita ko na nakahilig at nakahalukipkip si Ma'am Anna sa pintuan ng classroom ng unang-baitang, nangingiti. Alam kong nakita niya ang nangyari kaya umirap ako. Pang-ilang beses na irap ko na ito, ah.

"Hoy, alam kong suplada ka pero 'di ko akalain na si Sir Genus?" makahulugan niyang salubong sa akin. 

Sumimangot ako sa kaniya at nagtaas ng kilay.

"Hindi porke't maganda ka, lahat na ng lalaking lalapit sa 'yo, e tinataboy mo. Paano ka magkaka-boyfriend niyan?" Pinisil niya ang tungki ng ilong ko kaya hinawi ko ang kamay niya.

Tumawa naman siya sa reaksyon ko. Pinandilatan ko siya dahil nagsisimula na namang mang-asar. Maganda rin naman si Ma'am Anna ngunit magkaibang-magkaiba kami sa pisikal na aspeto.

She was morena while I had a creamy white complexion. Her black hair was always in a high ponytail that highlighted her high cheekbones but mine were slightly brownish in color with a natural curly locks that was always tied in half.

She also had that chinky eyes, narrow nose and thin lips that made her look like that of the Asian supermodels, while I had almond-shaped eyes, upturned narrow nose and slightly thicker lips that had a natural cut on the center of its lower part that made it seem voluminous.

"Maganda ka rin naman, ah. Pero wala ka rin namang boyfriend." Mas lalo akong sumimangot at tumingin sa kaniya. I slightly looked up because she was taller than me.

Umiling siya, hindi tinatanggap ang sinabi ko.

"Maiba ako, ano ba'ng mayroon kay Sir Genus? Bakit ganoon siya makatingin sa 'yo?" nag-iisip na tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. My heart pounded in the mere mention of his name but I pretended that it was nothing.

Nagkibit ako ng balikat. Ayaw nang sabihin na napagkamalan akong girlfriend nito.

"Baka... may gusto sa 'yo?" tanong niya ulit.

Sunod-sunod akong umiling. Hindi makapaniwala na ganoon ang iniisip ng kaibigan.

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi ko na ulit nakita si Sir Genus pati ang mga kasama niya. Paminsan-minsan pa ring sumasagi sa isip ko ang kaniyang anyo noong araw na 'yon lalo na tuwing lumalabas ako ng classroom. Lagi tuloy akong napapasulyap sa kahoy na bench na inupuan niya nang araw na 'yon.

Mahigit dalawang linggo na ang lumipas mula noon. Nagsimula na rin ang proyektong pagpapatayo ng bagong mga classroom.

Sa kasalukuyan, isang section lamang ang mayroon sa bawat baitang ngunit dahil sa proyekto ay maaari nang tumanggap nang mas marami pang mag-aaral ang paaralan sa susunod na taon. Malaking tulong din ito sa mga guro dahil madalas, sa isang section ay sobra sa dapat na bilang ang handle naming mga mag-aaral.

Naging tampulan din ng usapan ang balak ng paaralan na magbukas ng junior at senior highschool. Isang napakagandang balita dahil hindi na kailangan ng mga mag-aaral na dumayo pa sa mismong bayan para makapasok sa mas mataas na antas. That was why the project was big and it would help not only San Isidro students but also the whole community of San Jacinto.

Hindi rin nakaligtas sa usap-usapan ang mga donor. Ayon pa sa bali-balita, ang kompanya raw ni Sir Genus ang mamamahala sa gagawing construction. Nagulat pa ako nang marinig 'yon dahil hindi ko inasahan na may sarili siyang kompanya... at kung totoo man tiyak na malaking kompanya dahil kayang-kaya nilang i-fund ang ganoon kalaking proyekto.

Hapon ng Biyernes nang magpasya akong dumaan sa opisina ni Nanay, magpapaalam akong uuwi na dahil alam kong mamaya pa siya matatapos sa gagawin. Napatingin ako sa clinic dahil iyon ang unang madadaanan ko bago ang opisina ni Nanay pero lumipad ang tingin ko sa daan nang makita ko si Ma'am Anna. Mukhang kagagaling lang sa clinic.

Mabibilis at malalaki ang mga hakbang niya na tila nagmamadali. Tinawag ko siya pero mukhang hindi niya ako narinig at dire-diretso siyang naglakad patungo sa likod na gate ng paaralan, hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Ipinagkibit ko na lamang iyon ng balikat at nagpatuloy sa paglalakad. Nakabukas ang pintuan ng clinic kaya pumasok na ako upang batiin si Sir Nathan.

Madalas ay walang tao rito dahil minsan lang bumisita si Sir Nathan upang i-check ang mga gamot at kaunting aparato ngunit ngayong linggo ay halos tatlong beses ko siyang nakikitang pabalik-balik.

Noong unang beses kong nakita si Sir Nathan ay humanga na ako sa kaniya. I admired him because he was not just a great doctor, he also has a good heart for the people. He provide free consultation in the Barangay Health Center when he was not here in school. He was also a volunteer doctor on medical missions around San Jacinto.

Walang tao, hinawi ko ang kurtina kung saan naroon ang kama na hinihigaan ng magiging pasyente kung mayroon man... ngunit wala rin doon si Sir Nathan. Umalis ako roon at dumiretso sa kaniyang lamesa. Umupo ako sa upuan na sadyang nakahanda sa harap nito.

Hihintayin ko na lang muna siya, maaga pa naman. Iginala ko ang paningin sa mga patong-patong na papel sa ibabaw ng lamesa niya.

Kaya pala hindi ko siya nakikitang lumabas ng clinic, talagang busy siya.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang dokumento na nakausli, natatakpan ng iba pang papel ngunit nakikita ang itaas na parte nito. Sa kanang bahagi nakita ko ang aking maliit na larawan. Bigla akong inatake ng kaba, tinitigang mabuti kung ako nga ba iyon.

Bakit naman mayroon akong dokumento rito kay Sir Nathan?

Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa mga dokumento upang kumpirmahin. Nakita ko sa header nito ang isang logo at sa maliliit na titik ay naka-print ang San Jacinto General Hospital, kung saan ako naospital limang taon na ang nakararaan. 

My eyes widened in curiosity.

Pinagpawisan ako nang malamig nang hawakan ko ang dulo ng papel at akmang hihilahin upang makita nang buo ang nilalaman nito.

"Lisa?"

Mabilis kong ibinaba ang kamay dahil sa gulat. Pumikit ako nang mariin, kinakalma ang sarili. Huminga ako nang malalim at hinarap si Sir Nathan. Lumampas ang tingin ko sa kaniyang likuran nang mapansin ang ang isa pang pigura.

Si Sir Rheeve! Kung naroon si Sir Rheeve, baka naroon din si...

Bigla akong natuliro, tumayo ako nang maayos. Hinawi ang kaunting buhok na tumabing sa aking pisngi at kinakabahang ngumiti.

Sa mabilis at tiyak na hakbang ay lumapit ako upang bumati sa kanila. Bahagya akong tumingkayad upang tingnan kung may kasama pa sila.

Sir Rheeve moved, he noticed what I did!

"Genus is not with me." The sides of his lips rose for a suppressed smile.

I blushed profusely. Tumango ako at mabilis na nagpaalam.

Bakit ko ginawa 'yon?! Nakakahiya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top