Chapter Five
Chapter Five
Beer
"Ano'ng tinitingnan mo d'yan?"
Lumingon ako sa aking likuran. Hindi namalayang nakalapit na pala sa akin si Ma'am Anna. Bahagya siyang nakayuko, nakikiusyuso sa tinitingnan ko. Uminit ang pisngi ko at tumayo nang maayos.
We were in school every Saturday for the whole month of February to supervise the early registration for Pre-school and Grade One students. Ma'am Anna also volunteered to accompany me because she said that my life would be boring when she was not around.
Kanina pang alas-dos natapos ang early registration at inimbitahan kami ni Ma'am Jodi dahil may handaan sa bahay nila, ikaapat na kaarawan ng anak niya—na aking estudyante.
May kinuha si Ma'am Anna sa classroom niya kaya hinintay ko siya sa maliit na pathway sa harap ng mga classrooms.
The weather was fine. Hindi gaanong mainit at hindi rin makulimlim. Tiningnan ko ang relong pambisig. It was already two-thirty in the afternoon. Ilang sandali pang pagmamasid, natuon ang pansin ko sa ginagawang building sa 'di kalayuan.
The workers were doing their job normally but after a while, I noticed that somehow, they were more alert. Pasimple kong iginala ang paningin sa mga trabahador nang nahagip ng tingin ko ang malapad na likod ni Sir Genus. Kausap niya ang sa tingin ko'y foreman.
My heart fluttered that it hurts. I didn't know that seeing him would make me happy but at the same time it hurts. I bit my bottom lip for the sudden gush of emotions.
Tumagilid siya kaya natuliro ako sa kinatatayuan. Akala ko'y lilingon sa banda ko ngunit hindi naman kaya nakahinga ako nang maluwag. Ngunit para sigurado maingat pa rin akong nagtago sa halamanan.
His aristocratic and sharp nose, well-sculpted jawline and how his lips twitched while he speaks were very visible to where I stood. I watched him carefully as he seriously listen to the person he was talking to.
Naalala ko na naman kung paano ako napahiya kahapon. Uminit ang mga pisngi ko. Nakakahiya talaga. Baka makarating pa sa kaniya na hinahanap ko siya.
That was when Ma'am Anna saw me in that embarrassing position.
"Oh, nandito ka na pala." I awkwardly laughed, trying to act normal. I felt like a kid that was caught doing something stupid.
Nanliit ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Kapagkuwa'y sinulyapang muli ang ginagawang building sa 'di kalayuan na siyang tinitingnan ko kanina.
Am I that obvious?
"Si Sir Genus ba 'yon?" Ma'am Anna asked after a while. A mischievous smile crept on her lips.
I shrugged my shoulders. I know she didn't really need an answer from me. She just wanted to see my reaction.
"Sus! Kunwari pa 'to." She laughed meaningfully.
Gusto kong takpan ang bunganga niya dahil wala siyang pakialam kahit napapalakas ang boses, ngunit pinigilan ko ang sarili.
Nagtiim-bagang ako at pasimpleng sumulyap sa banda nina Sir Genus. Hindi naman yata nila narinig dahil patuloy pa rin ang seryosong usapan.
"Sir Genus!" Masayang iwinagayway ni Ma'am Anna ang kanang kamay niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Hindi ko inasahang gagawin niya 'yon. Natuliro ako kaya bahagya akong umatras, gusto kong magtago ngunit hindi ko na ginawa dahil bumaling na si Sir Genus sa banda namin.
His eyes quickly darted at me before shifting his gaze to Ma'am Anna. Napangisi naman si Ma'am Anna at makahulugang tumingin sa akin. Umiling ako dahil alam ko ang takbo ng isip ng isang 'to. Gusto ko nang magtakip ng mukha sa pagkapahiya.
Mabilis niyang hinawakan ang aking bisig at pilit hinila papunta kay Sir Genus. Nakita kong naglakad na rin si Sir Genus upang salubungin kami. Kinabahan ako nang husto, halos hindi na ako makahinga.
Binitiwan ni Ma'am Anna ang palapulsuhan ko nang nasa harapan na namin si Sir Genus. Lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko.
"Sir, bumisita po pala kayo. Kanina pa kayo hinahanap nitong si Lisa!" deklara ni Ma'am Anna na para bang napakagandang balita.
I saw the sides of his lips rose in a small smile while looking at me, intently. Nagbaba ako ng tingin, kinagat ang pang-ibabang labi at umiling.
"Mukhang hindi naman?" nakakalokong pahiwatig niya, nakatitig pa rin sa akin.
Nagtaas ako ng tingin dahil do'n. My brows shot up in annoyance. Nawala naman ang mapaglarong ngiti niya dahil sa nakitang reaksyon ko. Seryoso siyang tumitig sa aking mga mata na para bang may gustong sabihin.
Ayaw ko mang aminin ngunit na-miss ko ang mga titig na 'yon.
"Sir, pupunta kami kina Ma'am Jodi ngayon, may handaan kasi. Kung hindi ka busy... baka gusto mong sumama?" Ma'am Anna broke the tension between us.
Ilang sandali pa bago siya nagsalita.
"Uh... can I come?" tanong ni Sir Genus.
Diretso ang tingin niya sa akin ngunit hindi ako komportable kaya nagbaba ulit ako ng tingin, walang balak na sagutin siya. Namuo ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.
Siniko ako ni Ma'am Anna kaya napabaling ako sa kaniya. Nginuso nito si Sir Genus kaya wala akong nagawa kundi magsalita.
"B-Bahala ka." My voice slightly trembled. Tumikhim ako upang kumalma ang pakiramdam.
"Puwede raw, sir. Tara na!" nakangiting saad ni Ma'am Anna at nauna nang naglakad.
Hindi ako gumalaw sa kintatayuan ko at hindi ko rin siya nakitang humakbang. Huminga ako nang malalim, napagtantong hindi siya gagalaw kung hindi ako ang mauna.
Mabilis kong sinundan si Ma'am Anna sa paglalakad. Sumabay naman si Sir Genus sa amin ngunit sinasadyang magpahuli ng kaunti.
"I have my car," sabi ni Sir Genus sa gitna ng aming paglalakad.
"Great! Maghihintay na lang kami sa labas ng gate, sir," tuwang-tuwang wika ni Ma'am Anna na pumalakpak pa.
"Mag-tricycle na lang tayo," sabi ko nang palabas na kami sa gate ng paaralan. Si Sir Genus naman ay dumiretso sa maliit na parking lot upang kuhanin ang sasakyan nito.
"Punuan ang mga tricycle, o. Ayaw mo no'n mas makakasama mo si Sir Genus," nang-aasar na saad ni Ma'am Anna.
I bit my bottom lip to suppress my smile. She was really pushing it.
"Oh! Ngumiti ka! Kinikilig ka, no?" Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko.
Lumayo ako nang kaunti sa kaniya at sumimangot. Ang daldal talaga.
Nang-aasar pa rin siya kaya inabala ko na lang ang paningin ko sa mga dumaraang tricycle. Kaunti nga lang dahil Sabado at kadalasan, may sakay kaya mahihirapan nga kaming makakuha ng sasakyan kung sakali.
Ilang sandali pa pumarada sa harap namin ang kotse ni Sir Genus. Ibinaba niya ang bintana at bahagyang ngumiti sa amin.
"Let's go," aniya.
Nakita ko ang pagkamangha ni Ma'am Anna dahil sa gara ng sasakyan. Umiling na lamang ako at didiretso na sana sa backseat nang buksan ni Sir Genus galing sa loob ang pintuan ng front seat.
Napansin din 'yon ni Ma'am Anna kaya bahagya akong itinulak papunta sa harapan.
"Sa front seat ka na, Lisa. Sa backseat ako." She giggled.
"Puwede namang dalawa tayo sa backseat," I insisted. Ayaw kong makasama si Sir Genus sa isang napakaliit na espasyo.
"Lisa, nakikisakay na nga tayo, e. Magmumukha siyang driver natin kung walang nakaupo sa front seat!" She paused and looked at Sir Genus.
Wala akong nagawa nang tuluyan itong pumasok sa backseat at sinarado ang pintuan, hindi nakaligtas sa akin ang nanadyang ngiti.
Mas niluwagan ni Sir Genus ang pagkakabukas ng front seat at mabilis na akong pumasok do'n. Huminga ako nang malalim at ikinabit ang seatbelt. He waited for me to settle down before he started the engine.
"Where to?" Sir Genus glanced at me.
Umirap ako at wala nang nagawa kundi ituro sa kaniya ang daan. Ma'am Anna gave me a satisfied smile. Nagsimula na naman itong dumaldal kaya hindi na ako kumibo. I rolled my eyes because of her insensible questions for Sir Genus.
"Sir, may girlfriend ka na ba?" nang-iintrigang tanong ni Ma'am Anna.
Inabot pa ng ilang segundo bago umiling si Sir Genus at sumulyap sa akin, tinatantiya ang ekspresyon ko na hindi ko alam kung para saan. Umirap na naman ako.
Nag-isip pa, huh.
Hindi naman nagpatinag si Ma'am Anna at nagpatuloy sa pagtatanong. She also leaned closer to the front seat, very interested to the topic.
"Maniwala naman, sir. Sa guwapo mong 'yan, tiyak maraming nagkakandarapang babae sa 'yo," sunod-sunod na sabi ni Ma'am Anna habang nakatingin sa akin.
Sinamaan ko ito ng tingin, alam ko ang ginagawa nito. Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa ito nakabulagta sa loob ng sasakyan.
"Sir, diretso lang sa daan na 'yan." Si Ma'am Anna na ang nagbigay ng direksyon kay Sir Genus dahil alam nitong hindi na ako magsasalita.
"Nagugustuhan, sir? Wala rin?" Hindi pa rin nito binibitawan ang topic na 'yon.
Tumingin sa akin si Sir Genus kaya napabuga ako ng hangin.
"Ah! Gets ko na, sir. Huwag mo nang sagutin." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ma'am Anna.
Ano ang naintindihan nito?
Wala pang dalawampung minuto, narating na namin ang bahay nina Ma'am Jodi. Nakahinga ako nang maluwag dahil tumigil din si Ma'am Anna sa pangungulit.
Ang bahay nina Ma'am Jodi ay nasa dulong bahagi ng San Isidro pero konkreto pa rin naman ang daanan papunta roon. Nagpaalam na ako kay Nanay dahil baka gabihin kami at pumayag naman. Gusto sana nitong dumalo ngunit marami pa itong trabahong tatapusin.
Their house was a concrete two-story, painted with cream color. Ang bakuran naman ay may katamtamang laki. Masasabing may kaya ang pamilya nila dahil bihira ang ganitong bahay rito sa San Isidro. Kadalasan gawa sa kahoy ang mga tahanan o kung hindi man kalahati lamang ang konkreto.
Masayang sinalubong kami ni Ma'am Jodi.
"Inimbitahan na namin si Sir Genus, Ma'am Jodi. Nakita kasi namin sa school kanina," salubong ni Ma'am Anna kay Ma'am Jodi.
"Inimbita ko kahapon si Sir Rheeve pero hindi nga raw makakapunta dahil babalik din ng Maynila. Mabuti at nakapunta ka, Sir Genus." Nahihiyang ngumiti si Ma'am Jodi.
Tumango lamang si Sir Genus. "I was not able to bring a gift. I'll just give it to you in school?"
Umiling si Ma'am Jodi. "Huwag na, sir, nakakahiya naman. Pasok kayo." Inilahad nito ang nakabukas na gate.
Inilibot ko ang paningin habang papasok kami sa bakuran. Napapalamutian ito ng iba't ibang sukat at kulay ng balloons at mga birthday decorations. Maayos ding nakahilera ang mga lamesa para sa mga bata at may iilan din sa malayong gilid kung saan naroon ang ilang kakilala at ibang mga co-teachers.
Tumayo si Sir Nathan nang makita kami at masaya kaming sinalubong. Ngumiti ako sa kaniya.
"Genus." Tinanguan nito si Sir Genus bilang pagbati bago dumiretso sa akin.
"Kumusta, Lisa? Hindi tayo nakapag-usap kahapon dahil umalis ka agad," makahulugang sabi ni Sir Nathan.
Sumulyap ako kay Sir Genus na mariing nakatingin kay Sir Nathan. Naalala ko na naman ang kahihiyan kahapon. Uminit ang mga pisngi ko.
"Ah..." Nangapa ako ng puwedeng idahilan ngunit wala akong maisip. Sa huli nagkibit ako ng balikat at kinakabahang ngumiti. Hinarap ko si Ma'am Anna upang yayaing umupo na ngunit masaya itong nakikipag-usap sa mga kakilalang lumapit.
Inakbayan ako ni Sir Nathan kaya gulat akong napatingin dito. Makahulugan itong tumingin kay Sir Genus bago ngumiti sa akin. Hindi ako sanay sa gesture na ito ni Sir Nathan.
This should be alright... magkaibigan kami kaya normal lang siguro ito.
"Ipakikilala kita sa mga kasama kong volunteer doctors," nakangiting saad ni Sir Nathan at iginiya ako sa kanilang lamesa kaya nagpatianod na rin ako.
I glanced at Sir Genus when I was already at the table. Kausap na niya ang asawa ni Ma'am Jodi na siyang kapitan ng San Isidro. Hindi naman siguro siya maa-out-of-place dahil ilang kakilala ni Kapitan ang lumapit upang makipagkamay sa kaniya.
Pinakilala ako ni Sir Nathan sa mga volunteer doctors. Balak ko rin sanang sumama sa ilang mga medical missions para sa mga bata ngunit wala pa akong pagkakataon. I wanted to organize a feeding program for the poor children.
Dumagsa na rin ang mga bisita at ilan pang kakilala na umupo sa aming lamesa. Binati ako ng ilan kaya ibinaling ko ulit ang tingin sa kanila at ngumiti.
Napadakong muli ang tingin ko kay Sir Genus. I saw his brows furrowed and his lips in grim line, madilim din ang mga matang nakatingin sa mga bumati sa akin.
Nagpaalam ako kay Sir Nathan nang makita si Lance, ang may kaarawan. Kinuha ko sa bag ang nakahandang regalo at mabilis na lumapit sa bata. Tuwang-tuwa nitong niyakap ang box kung nasaan ang regalo ko.
"Thank you, Teacher Lisa." His smile grew wider and kissed my cheek.
Ngumiti ako at ginulo ang buhok nito. May lumapit na mga kalaro kaya nagpaalam din. I went back to our table and sat down. Nakita ko si Sir Genus sa kabilang lamesa, tahimik na nakaupo.
May isang babae sa kaniyang tabi na halatang interesadong-interesado sa kaniya. If I was not mistaken, this girl was Ma'am Jodi's sister that was working in Manila. The girl tried to strike a conversation with him but I could see that he was not interested. He was too stiff in there, looking down at the floor, just answering some questions in a platonic tone.
Umiling ako. Hindi ba siya puwedeng magkunwaring interesado kahit paano? I pity the girl he was with. The girl was pretty, really. Matangkad din ito at makinis. Nagkibit-balikat ako. Well...
"Lisa, nasaan pala si Ma'am Emma?" tanong ni Sir Harold, isang co-teacher.
"Maraming trabaho, e. Hindi makakapunta." Iniwas ko ang tingin kay Sir Genus at inabala ang sarili sa kausap.
Past three in the afternoon when the children's party started. Ma'am Anna sat down beside me and started to join the conversations of the group. Nag-enjoy naman ako sa panunuod sa mga mascot na umaaliw sa mga bata. Mayroon ding clown at tuwang-tuwa ang lahat dahil doon.
Paminsan-minsang dumadako ang paningin ko kay Sir Genus na ngayon ay may katabi na namang ibang babae. Kung hindi ako nagkakamali isa sa mga kagawad ng barangay ang nasa tabi niya. Napansin ko rin ang ilang babae sa malayong lamesa na halatang pinag-uusapan siya.
Napalabi ako, bakit pa ba ako magtataka? With that face and built, I knew he will attract girls without even trying.
After the games the menu then, was served. May mga beer din na ibinigay sa aming mga lamesa pagkatapos ng kainan. Napansin kong kadalasan talaga ay ganito sa probinsya tuwing may pagtitipon, hindi nawawala ang inuman.
Isa-isang nag-uwian ang mga bata pagsapit ng dilim kaya ang mga matatanda, co-teachers at iilang kakilala at kaibigan ni Kapitan na lang ang naiwan sa mga lamesa.
"Ayos lang ba kayo rito?" tanong ni Ma'am Jodi sa amin nang mapadpad sa banda namin.
Nagkakatuwaan ang lahat sa kuwentuhan dahil ang iba ay medyo lasing na—kasama si Ma'am Anna na ilang beer na ang nainom. Hindi nila napansin si Ma'am Jodi kaya tumingin ito sa akin at tumawa.
"Lasing na," she mouthed.
Tumango ako at ngumiwi. Si Ma'am Anna ang tinutukoy.
Lumipat si Ma'am Jodi sa kabilang lamesa sa kung nasaan sina Sir Genus. Biglang umingay ang mga kalalakihan sa mesa. Napatingin ulit ako sa banda nila. Wala na roon ang babaeng nakita ko kanina, ayaw ko man ay guminhawa ang pakiramdam ko.
Napansin ko ang hawak niyang bote ng beer. Nanliit ang mga mata ko at mariing tiningnan iyon sa mga kamay niya.
Pang-ilan na niya kaya 'yon? Hindi ko naman nakita kanina na uminom siya, ah.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniyang mukha. Nagtama ang paningin namin, bahagyang nakaawang ang labi niya habang nakatingin sa akin—para bang may ginawang masama. Ibinaba niya sa lamesa ang hawak na bote ng beer at mariing ipinikit ang mga mata. Tumingala siya habang mariin pa ring nakapikit.
A slow smile crept on his lips.
"Lasing na ba siya?" wala sa sariling bulong ko.
"Genus, beer pa?" May nag-abot sa kaniya ng beer na tinanggihan niya.
Nanlaki ang aking mga mata, baka akala niya... pinagbabawalan ko siya.
Umiling ako. It's not like there was something in between us, though. Bakit ko ba iyon naisip? Baka lasing na kaya ayaw na niyang tanggapin.
"Lisa, hindi ka talaga iinom?" tanong ni Sir Nathan na namumula na ang pisngi.
I smiled and shook my head. Hindi ko napigilang dumakong muli ang tingin sa kabilang lamesa...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top