Chapter Eighteen
Chapter Eighteen
Sino
"Lisa, ako nang mag-aayos ng mga gamit mo. Umupo ka na lang muna d'yan." Nilapitan ni Ma'am Anna ang bag ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Anna, anong nangyayari dito?" nag-aalalang tanong ni Nanay Selda. Dala niya pa ang sandok nang lumapit sa amin.
"Wala po, 'Nay Selda." I smiled to mask the sudden outburst of feelings.
"Naku, Lisa. Gumagabi na kaya rito ka na maghapunan. Malapit na naman akong matapos sa pagluluto."
"Oo, Lisa. Kumain ka muna tapos ihatid ka namin ni Kuya sa bahay n'yo," segunda ni Ma'am Anna. Inilagay niya sa isang sulok ang bag ko.
"S'ya, balikan ko na ang niluluto ko. Leo, mag-uusap tayo mamaya." Mabilis na umalis si Nanay Selda para daluhan ang niluluto.
"Akyat muna ako sa taas," paalam ni Kuya Leo. Mukhang kararating lang niya nang bumaba ako kaya hindi pa nakakapagpalit ng damit.
"Ikaw kasi Kuya, hindi ka nagpasabi na uuwi ka. Nasundo ka sana namin," nakaingos na wika ni Ma'am Anna.
"Nakakahiya naman, huwag n'yo na akong ihatid," sabi ko.
"Hindi, Lisa. Ihahatid ka namin. Huwag kang mag-alala, hindi naman abala," nakangiting sabi ni Kuya Leo bago pumanhik sa hagdanan dala ang maleta.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" baling sa akin ni Ma'am Anna at umupo siya sa kaharap na sofa.
Tumango ako, gumaan ang pakiramdam ko pero nanatitli sa utak ko ang mga taong 'yon. Kamukha ko raw si Liah. Nagkataon lang ba na kamukha ko siya at napapanaginipan ko sila o may koneksyon ako sa kanila?
"Lisa, huwag mong isipin ang mga sinabi ni Kuya. Baka magkamukha lang talaga kayo, wala nang iba."
"Napapanaginipan ko sila," mahinang saad ko.
Natigil siya at natutok ang tingin sa akin. "Paano nangyari, e hindi mo sila kilala?"
"Hindi ko rin maintindihan." Umiling-iling ako, lubhang naguguluhan.
Tumahimik si Ma'am Anna, tila may malalim na iniisip.
"Paano ka nga pala naaksidente? Car accident?" tanong niya mayamaya.
"Ayaw sabihin sa akin nina Nanay at Tatay."
"Hayaan mo muna, Lisa. Baka makasama sa 'yo kung pipilitin mo." Ginagap niya ang kamay ko pagkaraa'y hinila para tumayo.
"Baka nakaluto na si Mama, halika."
Maybe, she was right. Baka nagkataon lang ang lahat. 'Tsaka napakalayo ng Maynila, imposibleng napadpad ako rito galing doon. Naalala ko ang mga larawan ko na nasa bahay. Imposible namang hindi ako ang mga 'yon.
Natigilan ako, hindi ko namalayang nahuhuli na ako sa paglalakad. Binalikan ako ni Ma'am Anna nang mapansin 'yon. Hindi ko alam kung paano ako nakakain nang gabing 'yon. Masaya ang kuwentuhan sa hapag pero hindi ako makasabay. Lagi akong sinasali ni Ma'am Anna sa usapan tuwing napapansin niya ang katahimikan ko pero tipid ang mga sagot ko. Nahihiya tuloy ako kay Nanay Selda at Kuya Leo.
Hinatid ako ng magkapatid pagkatapos magpahinga, nag-text ako kanina kay Nanay na gagabihin at ihahatid nina Ma'am Anna at Kuya Leo.
Sumakay kami sa sasakyan ni Kuya Leo. Si Ma'am Anna ang nagtuturo sa daanan kaya tahimik ako sa likod, nakatingin sa madilim nang kalsada. May mga street lamps pero hindi sapat upang lumiwanag ang paligid lalo na't may mga nagtatayugang puno sa gilid kaya mas nadepina ang katahimikan at kadiliman ng lugar.
Ipinikit ko ang mga mata pero gising na gising ang diwa ko at kahit pinipilit kong kumalma ay hindi ko magawa. Gusto kong magtanong kay Kuya Leo pero natatakot akong baka kung anong mangyari sa akin. Iyon pa lang ang sinabi niya pero ganito na ang reaksyon ko. Sa ibang araw ko na lang siya kakausapin, I hope I'd feel better by that time.
Sabay kaming lumabas ni Ma'am Anna nang ihimpil ni Kuya Leo sa tabi ng waiting shed ang sasakyan niya. Inilabas ko ang dalang flashlight, gayundin si Ma'am Anna. Walang ilaw ang daanan papasok sa amin kaya lagi akong may nakahandang flashlight sa bag.
"Lisa, sa Monday magmerienda muna tayo sa bakery malapit sa paaralan bago tayo umuwi?" anyaya ni Ma'am Anna.
Tumango ako at ngumiti. "Sige."
I know she was making the conversation light and I appreciate her more for that. Magkasabay kaming naglakad, si Kuya Leo ay nakasunod sa amin. She started to tell stories and I was slightly distracted with that. Medyo gumaan ang pakiramdam ko pagkarating namin sa bahay.
"Leo, kailan ka pa umuwi?" Tumayo si Tatay sa balkonahe at sinalubong kami. Nagmano ako, gayundin ang ginawa nina Ma'am Anna at Kuya Leo.
"Ang laki mo na Leo, batang-bata ka pa nong huli kitang makita."
"Tumatanda na nga po, e. Kayo po parang walang pinagbago, matipuno pa rin," natatawang sabi ni Kuya Leo.
"Bolero na pala ang kapatid mo, Anna." Tuwang-tuwa si Tatay kay Kuya Leo.
Inaya namin sila sa loob ng bahay pero tumanggi dahil gabi na. Naintindihan ko naman at mabilis na nagpaalam.
"Salamat, Kuya Leo, Ma'am Anna," singit ko dahil nawili na si Tatay makipag-usap kay Kuya Leo at hindi sila makaalis-alis dahil sa kaniya.
"Leo na lang, Lisa." Nagkamot siya sa batok na parang nahihiya.
Ngumiti ako. "Salamat, Leo."
"Mang Ramon, alis na po kami," paalam ni Ma'am Anna.
Yumakap siya sa akin at pinaalalahanang magpahinga nang mabuti. Sabay kaming pumasok ng bahay nang mawala sila sa paningin namin. Humikab si Tatay kaya nagpaalam na rin ako para makapagpahinga na siya. Paniguradong tulog na si Nanay kaya hindi na lumabas ng kuwarto nila.
Naghilamos ako at nagsipilyo bago pumasok sa kwarto. Mabilis akong nagpalit ng pantulog at nahiga sa kama.
I gently tousled the sheets covering my body while staring at the ceiling. It was cold, it was dark but I appreciate the silence and stillness the night was giving. I closed my eyes leaving everything that holding me back from sleep.
The soft and gentle rhythm crashing of waves, the grating rattle sound of a crow and roaring of wild animals probably from the forest nearby gave me peace as I dozed off to sleep.
But the tranquility I felt got disturbed by the fast heartbeat of my heart.
The rain was pouring wildly and the cruel sea breeze made me flounder on the harsh sand against my feet and the salty cold water pricked my bruised skin in pain. I hurriedly pushed the boat farther on the dark sea water.
"Hanapin n'yo! Baka makatakas!"
My hands were constantly trembling, but the adrenaline rush gave me strength to climb fast on the boat. I instantly crawled to search for the engine. I didn't know how to manipulate a boat but I've already rode one before. I recalled how it was operated. I pulled something from the engine, it roared but before it would run, it quickly died.
"May narinig akong ingay do'n! Dalian n'yo!"
Kinabahan ako nang husto at inulit ang ginawa ngunit ganoon pa rin ang nangyari.
"Sa dagat! Nasa bangka!"
Tumitila na ang ulan kaya mas klaro kong narinig ang marahas na ingay ng tubig dahil sa paglalakad nila papunta sa akin. With all my strength, I pulled the engine, and it finally roared to life. Bago nila ako maabutan ay mabilis nang tumakbo ang bangka palayo sa dalampasigan.
Palayo nang palayo ang bangka. Lumiliit ang isla kung saan ako galing hanggang sa wala na akong makitang buhangin at mga puno. Sumandal ako sa pader ng bangka, pagod na pagod at nanghihina. I couldn't see anything and I didn't know where I was heading. All I could think of was to get away from them.
Was I safe?
Umihip ang malakas at malamig na hangin, at nagsimulang bumuhos ang ulan. Kumidlat nang malakas pagkatapos ay kumulog. Matindi ang paggalaw ng bangka dahil na rin sa lumalakas na alon. Natatakot ako pero tinibayan ko ang loob. Malalagpasan ko rin 'to gaya ng pagkakatakas ko mula sa mga humahabol sa akin.
Kumapit ako nang mabuti sa dingding ng bangka. Nararamdaman ko ang tubig na unti-unting dumadaloy sa paanan ko. Kinapa ko ang sahig ng bangka at nadama ang paparaming tubig. Lumakas ang kabog ng dibdib ko, baka lumubog ang bangka kung magpapatuloy ito.
My eyes widened when the engine suddenly stopped. I turned to the engine and tried to start it again but there was no sound coming out.
A big and rough wave hit the boat. Tumilapon ako sa sahig ng bangka. I was about to rise but I didn't see another big wave coming. Tumili ako, hindi nakakapit nang tumaob ang bangka dahil sa magkakasunod na malalaking alon.
Kabadong-kabado ako. I submerged down the water but I managed to swim. I gasped for air when I got to the surface but I didn't saw what happened next. Mas lumakas ang mga patak ng ulan at mas lalong nagngalit ang hangin.
The boat hit my head hard and I closed my eyes painfully. I panicked when I sank fast, my heart hammering against my ribs but I used all my remaining strength to push myself up. Sumasakit ang ulo ko pero hindi ko ininda sa kagustuhang mailigtas ang sarili.
I struggled for air, my breathing labored. Bahagya rin akong nahilo pero hindi ko inasahan ang mas malakas na hangin dahilan ng napakalakas na hampas ng bangka sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang matinding kirot ng ulo at ng buong katawan. I kicked weakly through the water as I felt the intense pain on the back of my head.
It felt like there was a heavy blanket over me and as if the time slowed down, water flooded inside my lips sucking out the air left on my lungs. Bubbles rose from my nose and mouth. Totally exhausted, I lost hold of my consciousness and drifted further into the vast, perilous sea.
If ever I would die, I died fighting and protecting myself. I tried my best but it wasn't enough.
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa takot na nararamdaman. Nasa dagat pa rin ang pakiramdam ko, tila inaalon ako at nahihilo. Hinilamos ko ang mga kamay sa mukha.
Iyon ba ang aksidenteng nangyari? Hindi na ako nakatulog nang maayos sa natitirang oras ng gabi. Sa tuwina'y nagigising ako pagkaraan lamang ng ilang minutong pag-idlip.
Maga tuloy ang mga mata ko kinabukasan. Maaga akong bumangon at pumunta sa kusina.
"Ang aga mo, Lisa. May gagawin ka ba?" Patapos nang kumain ng almusal si Tatay nang lapitan ko.
"Wala naman po. Hindi lang ako makatulog."
It was just four A.M. in the morning. Nakita ko rin sa dingding malapit sa pintuan ang mga gamit na dinadala niya sa pangingisda.
"Kain ka." Iminuwestra ni Tatay ang mga pagkain ngunit umiling ako.
"Mamaya na po, 'Tay." Pumalumbaba ako sa lamesa at muling pinikit ang mga mata.
"Lisa, bahala ka na rito," bilin ni Tatay pagkatapos magligpit ng pinagkainan.
"Mag-ingat po kayo."
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto hudyat ng pag-alis niya. Tahimik ang paligid, naidlip ako ng ilang oras ngunit nagising din nang makarinig ng kaluskos. Idinilat ko ang mga mata at nakita si Nanay na naghahanda sa paglalaba.
"Sa kuwarto ka na matulog, Lisa. Nangangawit ka na riyan," bilin niya bago lumabas ng bahay dala ang basket ng labahin.
Hindi ko na gusto pang matulog kaya tumayo ako at naligo. Kumain ako nang kaunti pagkatapos at tinulungan si Nanay sa paglalaba.
"Bakit mugto ang mga mata mo?" tanong niya habang nagkukusot ng damit.
"Hindi po ako makatulog, 'Nay. Napanaginipan ko po kung paano ako nalunod sa dagat."
Natigil siya at nag-aalalang tumingin sa akin. Sinipat niya ako nang mabuti.
"I'm fine, 'Nay. Hindi po sumasakit ang ulo ko," inunahan ko na siya.
Huminga siya nang malalim. "Sabihin mo kapag may masakit sa ulo mo, okay?"
"'Nay, okay lang po ako. May gusto lang po akong malaman."
Suminghap siya. "Ano 'yon?"
"Paano po ninyo ako natagpuan?" I continued to wash the clothes to let her see that I was really fine.
Umupo siya nang tuwid at pinakatitigan ako. Alam kong nagdadalawang-isip siya kaya ngumiti ako.
"Gusto ko lang pong malaman. Pero kung ayaw n'yo pong sabihin, ayos lang."
Akala ko'y hindi na siya magsasalita pero pagkaraan ng mahabang katahimikan, bumuntong-hininga siya.
"Noon tuwing binabanggit ang kahit anong may kinalaman sa aksidente, sumasakit ang ulo mo at nahihimatay," simula niya.
Naghintay ako. Alam kong hirap si Nanay sa pagsasabi ng detalye.
"Nakita ka sa ospital ng isang nurse na kakilala namin at sinabi sa amin. Pinuntahan ka namin at kinumpirma ng doktor ang nangyari sa 'yo. May mga mangingisda na nagdala sa 'yo sa ospital, Lisa. Nakita ka lang daw sa dalampasigan sa Luna, sugatan at walang malay."
Tumikhim siya at humina ang boses.
"Takot na takot ako no'n, Lisa. Akala ko mawawala ka na sa amin."
Lumipat ako sa tabi ni Nanay at niyakap siya. "I'm sorry, 'Nay."
I remained hugging Nanay for a long time. She was silent and I didn't dare to break it.
"Hindi mo kasalanan, kung sinabi lang namin nang mas maaga ang totoo. Hindi ka sana magrerebelde at lalayas," mahinang sambit niya.
Kumunot ang noo ko. "Anong totoo ang sinasabi n'yo, Nay?"
"Huwag mo nang alalahanin. Ang mabuti pa tapusin na natin 'to."
Ipinagpatuloy namin ang paglalaba. We finished it around ten in the morning. Naging panatag ang loob ko sa mga sinabi ni Nanay. Sumasagi nga lang sa isip ko ang huling mga salita niya pero malalaman ko rin 'yon, sa tamang panahon.
The day went normally. I prepared for tomorrow's activities and for the coming exam of the students.
Dumating ang Lunes. I expected that I will saw Sir Genus but he wasn't in school. The day went smoothly and I was always looking outside but I didn't see him. Nasanay na yata ako na kung wala siya'y inaabangan ko siya.
Ano bang nangyayari sa akin?
In the afternoon, I waited for Ma'am Anna in my classroom. We agreed to have a snack in a bakery nearby. The classes ended but she had an important errand to do. Babalik naman daw agad kaya hintayin ko na lang. Twenty minutes and she hadn't back, yet.
"Anong nangyayari sa 'yo, Lisa? 'Tsaka bakit ka nagpalit ng damit?"
Boses 'yon ni Ma'am Anna, hindi ako puwedeng magkamali. Tumayo ako, inayos ang mga gamit at lumabas.
"Bakit mo ako kinakausap?" mataray na sabi ng kaharap niya.
May pinag-aawayan yata sila dahil halata ang masamang timpla ni Ma'am Anna sa kausap at ganoon din ang babae base sa tono ng boses. Nasa gitna sila ng semetadong daan na nasa tapat ng garden na katabi ng classroom ko.
Nakatalikod sa gawi ko ang babae at ang iritadong mukha ni Ma'am Anna ang tangi kong nakikita. They hadn't noticed me because they were immersed with their heated conversation.
"Bakit kita kinakausap!" Hindi makapaniwalang nagtaas ng kilay si Ma'am Anna.
Lumapit ako nang kaunti sa kanila, baka mag-away na kaya aawatin ko na sana nang dumako ang paningin ni Ma'am Anna sa akin.
Napamulagat siya sa akin pero inilipat din ang tingin sa babae. Ipinilig ko ang ulo sa pagtataka.
Bakit ganoon ang reaksyon niya?
Tumigil ako sa kinatatayuan, dalawang dipa mula sa kanila dahil hindi gumalaw si Ma'am Anna.
Ano'ng problema?
"Bahala ka nga d'yan!" iritadong saad ng kausap niya. Tumalikod siya at humarap sa akin at umambang hahakbang.
Natuod ako sa kinatatayuan nang makita ang mukha ng babae at ganoon din siya. Natigilan siya sa paghakbang, nanlalaki ang mga mata.
"Sino ka?!" gulantang na sigaw niya. Nauna siyang nakabawi at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
Iyon din ang tanong ko.
Sino ako?
Sa isang iglap ay nag-play sa utak ko ang mga panaginip. Ang sakit na naramdaman ko nang kinakausap ako ng Daddy ko sa panaginip na iyon, ang maingat na hawak sa akin ng tinawag kong Mommy, ang orphanage, at ang duguang babae sa bisig ko. Naging mas malinaw ang mga imahe at ang mga detalye.
Sino nga ba ako? Dahil sa isip ko hindi na ako si Lisa...
Pain attacked my head. Pumikit ako nang mariin. Narinig kong nagkagulo ang paligid. Iminulat ko ang mga mata. Nakita ko ang mabibilis at malalaking hakbang ni Sir Genus papunta sa akin, kasama si Sir Rheeve.
Gusto kong tumakbo pero namamanhid ang mga binti ko. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na salita mula sa bibig ko.
Mas lalong tumindi ang sakit ng ulo ko. Nawawalan ng lakas, dumulas sa kamay ko ang bag na hawak. Muli akong pumikit ngunit gustuhin ko mang dumilat ay hindi ko na magawa. Tuluyan akong tinakasan ng lakas pero bago ako bumagsak, may matatag na kamay na humawak sa akin.
"Liah!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top