Forgotten Memories 10: New Life
Forgotten Memories 10: New Life
“Nakakainis naman yang si Lopez bigyan ba naman ako ng Tres nagpasa naman akong ng project sa kanya” naiinis na himutok ni Chen. Nandito kami sa Cafeteria. Break namin ngayon. FOURTH year College na kaming lahat. Apat taon na rin ang nakakalipas simula ng umalis sya. Lahat kami ay wala ng balita sa kanya.
“Baka naman mali yung pinasa mong project” pang-aasar ni Xiumin sa kanya. Mas nagusot naman ang mukha nya. Duck Face Mode: Activated
“Anong mali? sa lahat ng subject ko sa kanya lang ako nagpasa ng project noh” giit nya. Napatawa naman ako.
“Anong tinatawa-tawa mo?” Masungit na tanong nya sa akin. Uminom muna ko ng juice bago ako sumagot.
“Wala yung nguso mo kasi abot Mars na” sagot ko sa kanya na nagpatawa sa mga kasama ko ngayon.
“Guys una na ako ha kailangan sa Student Council eh” paalam ni Suho. Tumango naman kami.
“Ahh guys” panimula ni Tao pero hindi sya pinatapos ni Chen.
“Oo na puntahan mo na yung nililigawan mo baka bustedin ka nun” sarkastikong sabi ni Chen kay Tao. Si Tao naman takbo agad.
“Oh sino pa magpapaalam?” Tanong nya sa amin. Isa-isa silang tumayo.
“May practice daw ang Dance Troupe eh” paalam ni Kai.
“Nagtxt si Lara” paalam ni Dyo.
“Tawag ako ni Mam Corpuz” sabi ni Luhan.
“Hala tumatawag si Bea” sabi ni Sehun at dali-dali lumayo para sagutin yung tawag sa kanya.
“Kailangan ako sa Cooking Class” paalam ni Xiumin
“Tss kailangan ko pa palang pumunta ng library una na ako” paalam ni Kris
“Ikaw Lay aalis ka rin?” Tanong ni Chen kaya na busy pang nakain ng Carbonara. Napatigil tuloy ang Unicorn.
“Hala may practice nga pala ang Dance Troupe babay Din-Din” sabi nya sabay takbo.
“Hindi kaya ma-appendicitis yun?” Tanong ko habang tinitignan si Lay habang natakbo, muntik pa ngang madapa.
“Ikaw wala kang lakad?” Tanong sa akin ni Chen. Iniligpit ko ang mga gamit kong nakakalat at tumayo.
“Meron pupuntahan ko yung inaanak ko” sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mata ng loko.
“Nanganak na si Sandy?” Tanong nya tumango naman ako bilang sagot.
“Ano babae o lalaki?” Muli ay tanong nya.
“Lalaki raw” sagot ko sa kanya “Sama ka?” Tanong ko.
“Tara“ sagot nya tapos nagpunta kami ng ospital.
Pagpasok namin ng kwarto ni Sandy ay tulog sya pero gising ang lalaking ito. Hawak-hawak nya ang isang munting anghel na kamukang-kamuka nya.
“Nako madadagdagan na naman ang pangit sa mundo” bungad ni Chen na nagpalingon kay Chanyeol.
“Sinasabi mo bang pangit ang anak ko?” Rinig kong tanong sa kanya ni Sandy. Patay ka Chen.
“Ahh hindi ah may nakita kasi akong pangit na baby dun sa nursery kaya nasabi kong madadagdagan na naman ang pangit sa mundo hehe ikaw talaga Sandy hindi na mabiro” paliwang ni Chen kay Sandy na napakasama na ng tingin sa kanya ngayon.
“Pahawak nga ako” sabi ko kaya Chanyeol at kinuha yung baby nya. Opo may anak na si Chanyeol maagang naglande eh de jokes. Pare-pareho kaming mga estudyante. Pero may nabuo agad sa kanila buti nga at hindi tinakbuhan ni Chanyeol si Sandy eh. Siguro hindi pa ito ang tamang oras para magkababy sila kasi ng estudyante pa lang kami pero isa syang napakalaking blessing.
“Anong pangalan nya?” Tanong ko habang pinagmamasdan yung baby nila. Kamukang-kamuha nya ang kanyang ama.
“Chanyeol Jr” sagot ni Chanyeol kaya nakatikimb sya ng batok galing kay Sandy.
“Anong Chanyeol Jr? utang na loob Park Chanyeol wag mo ng idamay sa gulo ng buhay mo ang anak natin” naiiritang sabi ni Sandy kay Chanyeol.
“Eh ano ba?” Tanong nya habang hawak-hawak yung batok nya.
“Ikaw Nadine ano magandang ipangalan sa kanya?” Tanong sa akin ni Sandy. Napa-isip naman ako.
“Darrel”sagot ko “Sa tingin bagay sa kanya yung pangalan Darrel” dagdag ko pa muli kong tinignan ang mukha ng munting anghel na ito at nakita ko syang ngumiti. Napangiti rin ako.
“Darrel”pag-uulit ni Sandy sa sinabi ko. “Darrel Park ang ganda” sabi nya habang nakangiti.
“Hi Darrel Park ako nga pala ang Ninang Nadine mo kapag pinalo ka ng Daddy mo sumbong mo sa akin ha Susuntukin natin yan” kinakausap ko si Baby Darrel na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.
“Pahawak nga” sabi ni Chen sa akin dahan-dahan ko naman ibinigay sa kanya si baby Darrel.
“Ingatan mo Chen naku wala kang pampalit dyan kapag nabagsak mo yan” pananakot ko sa kanya pero hindi ako pinansin.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Pusang gala sino si Lara D.O ha? -_-
Comment ka please *O*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top